Chapter 1
The Guy Who Teased The Girl
"MANALO! MATALO! May aircon kami! Manalo! Matalo! May aircon kami!" the class president of STEM shouted while leading their class to cheer for our SHS pambato players.
"Ah, loko! Ang creative ng STEM. Oh, tara gayahin natin ang cheer nila. SHS power!" Gail exclaimed in excitement. Sus, palibhasa ay crush niya kasi si Layug—kaklase namin na volleyball player na kasalukuyang nakasalang sa court.
"Guys, mag-cheer din kayo! Sabay kayo sa amin!" sigaw nung nasa STEM na naroon sa kabilang side ng court.
In the count of three ay nakisabay rin kami sa pag-cheer at talagang hype na hype kami kahit na tirik na tirik na ang araw dito sa labas ng gym. Basketball players kasi ang naglalaro sa loob dahil naroon ang basketball ring at ang court nito.
"Manalo! Matalo! May aircon kami! Manalo! Matalo! May aircon kami!"
"Go, CEA, Go! Go, CEA, Go! Go, go, go!"
CEA o ang College of Engineering and Architecture ang kalaban ng SHS sa volleyball ngayon. Kahit napakainit ngayon ay crowded dito at maraming nanonood. Kanya-kanya din kami ng hawak sa banners, pompoms, at oblong-shaped balloons na iwinawagayway namin upang ipag-cheer ang aming kanya-kanyang pambato.
The CEA players are on fire, lamang kasi sila ng apat na puntos sa aming SHS players. The reason why our cheer is like that, binubusit kasi namin ang mga college dahil wala silang aircon. Ang SHS lang kasi ang biniyayaan ng aircon sa classrooms kaya kahit manalo o matalo man kami ay may aircon pa rin kami. How immature of us. Natatawa na lang sa amin ang ibang colleges.
Today is DHVSU Intramurals Celebration. Maraming naglalaban-laban na teams pagdating sa sports dahil pumupunta rin dito ang apat na satellites ng DHVSU main campus which is located dito sa Bacolor, Pampanga. These satellites are Mexico, Lubao, Porac, and Sto. Tomas campuses. Unlike here in main campus that is composed of JHS, SHS, and college departments; however, those four satellite campuses only taught college courses. Of course, they are part of the DHVSU branch so they are invited every year to join the Intramurals.
"Ay, shet! Naka-points si Choi! Ang galing-galing talaga ng bebe ko!" kiringking na sabi ni Gail habang walang tigil sa pagtsi-cheer niya kay Layug.
I rolled my eyes and focused on the game. I stop from cheering 'cause my throat aches. Wala naman akong crush sa mga 'to and I'm only doing it to give my support to Layug and to other SHS players.
Kung may boyfriend lang sana ako na nanonood ng Haikyuu at kasalukuyang nakasalang ngayon sa court ay baka ganahan pa ako sa pag-cheer ng Go! Go! Let's go! Let's go! Dateko!
Sandali lang ang nakalipas pero nakahabol na kaagad ang SHS sa score ng CEA. Tabla na ang dalawang team ngayon na mayroong 16 na puntos at mapapansin sa mga aura nila ngayon na seryoso na sila. Parang anytime ay sasakmalin nila ang isa't-isa.
Hanggang sa natapos ang first quarter ng game at SHS ang nagwagi. Nag-time break muna ng isang minuto bago sila magpalitan ng puwesto.
"Palaban, panalo! Senior High, Soar High!"
"Soar High, Senior High!"
"I'm thirsty, wala bang gustong bumili sa inyo ng tubig?" I asked my friends na sobrang tutok kay Layug, palibhasa ay Crush ng Klase.
"Hoy! Hindi ba kayo bibili?" pagtatanong ko ulit. This time ay pinansin na nila ako at sabay-sabay silang umiling.
Nagkibit-balikat na lamang ako at tumayo na. Kung ayaw nilang bumili, edi h'wag. 'Di ko na talaga matiis ang pagkauhaw ko at ang pagkatuyo ng aking lalamunan.
"Gia, sama ako!" pahabol na sabi ni Dei-Dei kaya lumingon ako sa kanya.
"Oh, bibili ka?"
"Hindi. Mag-c-cr lang ako," naka-peace sign niyang sagot.
I chuckled and drag her along our walk. Nakalabas na kami ngayon mula sa entrance ng Gymnasium at kasalukuyan akong nanghahagilap ng mabibiling inumin dito sa Dubai.
"Gia, I'll go first," pagpapaalam ni Dei-Dei at tinuro pa niya ang direksyon nang pupuntahan niya.
Tumango ako tsaka sumagot, "Okay. Balik ka na lang ulit doon sa bench."
Nawala na si Dei-Dei sa paningin ko kaya naglibot-libot na muna ako. Gusto kong bumili ng ice cream kaso mapapagastos lang ako lalo dahil uuhawain lang ako.
I was sightseeing the cold drinks I can drink to let go of my thirst. I don't want a plain mineral water dahil mabibitin ako sa lasa. And that's when I saw the iced coffee beside the milktea stall. Napangiti ako dahil nakita ko na ang dapat kong bilhin.
I was walking like an anime girl with my hands behind my back and small steps when someone accidentally bumped me from the milktea stall.
"Ouch!" I was out of balance kaya natamaan ko rin 'yong isang student na kasabayan ko sa paglalakad. Humingi ako ng pasensiya sa kanya at tinanguan lamang ako. Good thing he caught me in his hand.
Sino ba kasi 'yong aligaga na nagmamadali at binangga ako?!
"Sorry, Miss."
Nilingon ko 'yong taong bumangga sa akin na humingi ng tawad. I became speechless nang titigan ko kung gaano siya katangkad.
He's so freaking tall! Nasa six feet siguro ang tangkad niya. His height reminds me of Murasakibara from Kuroko no Basket.
Though, I can't clearly see his face because he's wearing a mask. Kay init ng panahon, nakasuot siya ng tela na mask. Abnormal yata 'to.
"Benj, let's go!"
Jowa niya yata ang tumawag sa kanya dahil lumingon siya doon sa babae at ibinigay rito ang hawak niyang milktea. After that, naghawakan sila ng kamay which makes me cringe. Idagdag pa na milktea ang date drinks nila. Heaven knows how I hate milktea so much!
Hindi ko pa rin inaalis ang tingin ko sa kanila nang lumingon ulit 'yong lalaking naka-face mask sa akin. I rolled my eyes at him and flips my long hair 'saka na ako nagpatuloy sa aking paglalakad papunta sa stall ng iced coffee.
Iced coffee is hundred percent better than milktea after all.
Nang makabili na ako ng iced coffee sa halagang 25 pesos ay masaya ko itong ininom at kaagad ko ring naubos. Hindi ko na hinintay pa na makabalik ako doon sa bench dahil sa mga buraot kong kaibigan na sila lang din ang makakaubos nito. Kunwari ayaw bumili pero kapag may bumili sa amin ng foods and drinks ay daig pa ang batang hindi pinakain ng isang buwan kung makahingi. Hays, baliw 'yong mga 'yon, e.
Naghanap ako ng basurahan na mapagtatapunan ko at nang makahanap ako ay tinapon ko ang aking pinag-inuman. Ang kaso, may nakasabay rin akong nagtapon at nag-cringe na naman ako dahil sa nakita kong pinag-inuman ng milktea ang kanyang tinapon.
I accidentally glanced at the person who threw those milktea cups and I wish I didn't because he is the face masked guy. I just realized now how embarrassed I did when I snob him and flipped my hair.
I thought I wouldn't see him anymore so I did those things carelessly.
Nakaramdam ako ng pagka-ilang nang makita kong nakatitig siya sa akin na para bang sinusuri ang buong katauhan ko. Dahil sa hiya at inis, kinuha ko ulit 'yong pinag-inuman ko sa basurahan at wala akong pake kung ano ang isipin niya.
Yes, ma-attitude akong tao at aware ako ro'n. I don't care if people will hate me. I don't really give a f**k about them.
Padabog akong umalis at naghanap ng ibang basurahan para itapon iyon. Dahil sa wala akong dalang payong at naka-expose ako sa araw ay pinawisan ako so I immediately swept my unwanted sweat. Pinunasan ko na rin ang aking pasmadong kamay dahil basa na naman ang mga 'to. Kung sabagay, minu-minutong pasmado ang mga 'to. Ano pa bang bago?
Napakahirap lang talagang maging pasmado lalo na kapag nagsusulat sa kuwaderno. That feeling when you only wrote just a sentence and the notebook's paper is already wet. My goodness.
Nang makapagpahangin ako kahit wala namang kahangin-hangin ay naisipan ko nang bumalik ulit doon sa bench at handa na ako para mag-cheer ulit.
Naglakad ulit ako kung paano maglakad ang isang anime shoujo girl at sa loob-loob ko ako'y kumakanta ng opening song ng Itazura na Kiss live action.
Sa aking paglalakad, napansin ko na may pilit na sumasabay sa akin. Kanina niya pa ako sinasabayan ngunit hindi ko lang siya pinapansin.
Hindi na ako nakatiis pa at nilingon ko kung sino man siya at ganoon na lamang ang panlalaki ng aking mga mata nang makitang si face masked guy ang kasabayan ko sa paglalakad.
Is he teasing me?! If yes, it wasn't funny at all. I don't want to be teased by someone else. I don't want them to feel I'm an easy target to them.
Binilisan ko ang aking paglalakad ngunit binibilisan niya rin. Gusto kong tumakbo pero magmumukha lang akong bata at baka pagtawanan niya pa ako.
Naisipan kong bagalan ang aking paglalakad. In this way, mauuna siya sa akin at wala na akong problema ngunit nagkamali ako dahil binagalan niya rin ang kanyang footsteps para makasabay pa rin sa akin.
Is he really teasing me? I want to ask him so badly pero huwag na lang. Baka akalain niya na feelingera ako at ako ang sinasabayan niya sa paglalakad. Pero, totoo naman, e. He is following me whenever I take my step.
A bright idea came up in my mind. I stopped from walking and he stopped, too.
What the heck?!
Naglakad ako paatras nang dahan-dahan at pumunta ako sa kanyang likuran when I heard a laugh.
Did he just laugh? Is that his laugh?
I shaked my head. Well, whatever. Ngayon, siya naman ang susundan ko sa kanyang paglalakad. I smirked at my brilliant thought.
Ilang segundo lang ang nakalipas at nagsimula na siyang maglakad. Medyo nahirapan ako dahil ang bilis niyang maglakad at ang lalaki ng kanyang mga hakbang. Pinagmasdan ko ang kanyang katawan—I mean ang kanyang tangkad and the way how he walks.
I unintentionally smiled while observing him and frowned from what I just did. No, I didn't smile.
Maya-maya pa ay huminto siya sa kanyang paglalakad kaya napahinto rin ako. Muntikan na akong bumangga sa kanyang likod ngunit hindi ako tanga para mangyari iyon.
Lumingon siya sa akin at dahil malapit lamang siya ay napansin kong chinito pala siya. Ang kaninang singkit niyang mga mata ay mas lalo pang naging singkit ngayon.
Is he smiling? I don't know. Maybe it was just my illusion.
Inangat niya ang kanyang kamay at inilagay niya iyon sa tip ng kanyang mask. Nakuha ko naman ang gagawin niya, he will remove his face mask.
For what? To show his face to me? Duh, I don't care what he looks like.
"Benj! Ano pa bang ginagawa mo diyan? Halika na!" the same girl earlier shouted kaya naman hindi na natanggal ni face masked guy ang kanyang mahiwagang mask.
Wala siyang sinabi ni isang salita nang tinalikuran niya ako at pumunta sa babaeng tumawag sa kanya. Sa girlfriend niya.
I rolled my eyes and flips my hair tsaka ako nag-crossed arms at taas-noo na naglakad pabalik kung saan naroon ang aking mga kaibigan.
Sa hindi ko malamang dahilan, may nag-udyok sa akin para sulyapan ko ulit si face masked guy at nang gawin ko iyon ay hindi ko alam kung guni-guni ko lamang ba ang aking nakita.
He's staring at me already before I could lock my eyes upon his.
-----•*•-----
KINAGABIHAN, nag-chat ako sa kaibigan kong lalaki. Sa tuwing curious ako sa isang bagay na gusto kong malaman ay siya ang sandigan ko ng katotohanan.
Chili Bomb: Hey, vev. Mind if I ask you? Something's bothering me kasi, e.
Wala pa mang isang minuto ay nag-reply siya.
Cherry Bomb: Something ba talaga, o baka someone 'yan ha. Go vev, i-type mo na.
I stared at my phone's screen bago ko i-type ang gusto kong itanong sa kanya.
Chili Bomb: What does that mean when a stranger guy is following a girl's footsteps? 'Yon bang kahit anong bilis o bagal na paglalakad nung girl ay patuloy lang siyang sinusundan nung boy. It's like the boy is teasing the girl.
Cherry Bomb: Hala, vev! Kidnap 'yan!
Napasapo ako sa aking noo sa kanyang sagot.
Chili Bomb: Seryoso, vev. Gaga ka. Sa school nangyari, ako 'yong girl. Bwisit ka.
And so, kinuwento ko kay Pat ang buong pangyayari. I waited for his reply at hindi niya naman ako binigo nang mag-pop up ang kanyang chat head habang nanonood ako ng Kuroko no Basket. I'm just rewatching it.
Cherry Bomb: Vev, feel ko lang ito ha. I think he's interested in you. Hindi ka naman niya tititigan kung hindi siya interesado sa'yo at mas lalong hindi ka niya sasabayan sa paglalakad, 'no! Sabi mo nga noong tinignan mo siya ng huling beses ay nahuli mo siyang nakatitig na sa'yo, so it means na habang naglalakad ka palayo ay pwedeng nakatingin na siya nun sa'yo. Omg, vev! Siya na ba ang magpapatibok sa puso mo?
Paulit-ulit kong binasa ang reply ni Pat at paulit-ulit ko itong sinisiksik sa ulo ko. Imposible namang maging interesado sa akin 'yong lalaking 'yon dahil may girlfriend siya.
Chili Bomb: Vev, may jowa e.
Cherry Bomb: Jowa niya ba talaga 'yon? E, ikaw lang naman ang nagsabi. Malay mo maghiwalay din 'yon at maging kayo.
Napahalakhak ako sa sinabi ni Pat at tatawa-tawa akong nag-type ng aking reply.
Chili Bomb: Thank you for tonight, vev. Itulog mo na 'yan. Hahaha. Hindi ko naman crush 'yon. Never.
I enabled the Game mode and the Do not disturb mode at ipinagpatuloy ko na ang aking panonood.
It was the match between Yosen and Seirin, when Kagami is in his zone. When Murasakibara was flashed in my phone's screen, that face masked guy appeared in it kaya ko naihagis ang aking phone.
Fuck! I must be crazy.
End of Chapter One.