Prologue: It Started with a Red Knitted Bracelet
This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the product of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
All Rights Reserved 2021. No part of this book may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any means, including photocopying, recording, or other electronic or mechanical methods, without the prior written permission of the author.
------------------------------------------------------------------------------------------
Prologue
It Started with a Red Knitted Bracelet
PEOPLE CHATERRING, crowded place, cold atmosphere brought by the air-conditioner, corny jokes around the area, old geezers in their wheelchair, couples doing their common dates, and a loud music coming from the concert in the platform.
Ganitong eksena ang nakikita ko sa t'wing pupunta ako ng mall, sa SM. Dati ay gustong-gusto kong nagpupunta rito kasama ang mga barkada ko para magliwaliw, pero ngayon ay nagsasawa na ako. I want something exciting and thrilling at the same time. Too boredom is killing me.
"Hey! Are you listening?"
I was taken aback from my thoughts when someone snapped their fingers at me. Napatingin ako sa lalaking nasa harapan ko ngayon na kanina pa 'ata nakatitig sa akin.
"Excuse me? Are you saying something?" Umayos ako ng upo at napansin kong may mga nakahanda ng putahe sa harapan naming dalawa.
"Let's eat while the foods are hot, Venice. As hot as you," he winked at me, and I felt his hand landed on mine.
Napaubo ako sa narinig ko kaya dali-dali niya akong inalukan ng tubig at ininom ko rin naman 'yon. Bumagsak ang aking tingin sa kamay niyang nakapatong pa rin sa kanang kamay ko.
I formed a smirk on my lips. He didn't know my real name because I lied when I introduced myself to him in the name of Venice. Tapos ang lakas ng loob niyang hawakan ang aking kamay.
"Let's eat, shall we?"
Ngumiti siya ng matamis sa akin at sinuklian ko 'yon ng pekeng ngiti. Inalis ko ang kamay kong kanina niya pang hawak at kinuha ko na ang kubyertos.
Tahimik kaming kumain at hindi ako nagsasalita hangga't hindi niya pinapangunahan. Medyo ilang din ako dahil nasa isang mamahaling restaurant kami. Bago kami pumasok dito ay nakita ko sa labas ang mga presyo ng pagkain nila kaya naman ninanamnam ko ang bawat subo na kinakain ko. Gastos naman niya lahat kaya okay lang.
Mga mayayaman talaga, araw-araw gumagastos ng libong pera.
"So, you're taking BSED?"
Huminto ako sa pagsubo para sagutin siya. "Yeah. Major in English."
Tumango-tango siya. "Well, that's good."
"You're taking Mechanical Engineering, right? My friend say so," casual kong tugon. Bago pa man ako makipagkita sa kanya ay ini-stalk ko na siya sa lahat ng socmed accounts niya. I even gathered information sa mga taong nakakakilala sa kanya. Like duh, hindi naman ako makikipag-date sa lalaking wala akong alam tungkol sa kanya.
"I'm glad you already know my course. But hey, do you wanna know a trivia?" Ngumiti siya nang nakakaloko kaya napangiwi ako na hindi ko pinahalata sa kanya.
"Ano?"
"Bagay daw ang teacher sa engineer, they are meant to be, ang sabi ng prof ko."
At dahil sa sinabi niya ay napatawa ako nang malakas kaya nakakuha ako ng atensyon sa mga tao na nandirito. I slightly bowed my head to say sorry for disturbing their meals.
"And you have the gut to laugh at me," may pagtatampo niyang sabi.
"Sorry, but do you actually believe that lie? Gawa-gawa lang 'yan ng mga umaasang magkakaroon ng lovelife during their college life."
"Don't you think we're good together?" Lumungkot ang kanyang mukha kaya nakaramdam ako ng guilt sa mga pinagsasabi ko. I was rude to him from the very beginning.
"I don't think we're compatible, Morgan. Ibang-iba ang lifestyle mo sa akin. Malayo ang agwat natin sa isa't-isa. In short, langit ka at lupa ako." Ngumiti ako para h'wag niya akong kaawaan. Pinunasan ko ang gilid ng aking labi gamit ang tissue at hinanda ko na ang aking sling bag.
"But, I like you. I won't mind kung magkaiba ang ginagalawan nating mundo, Venice."
Napahinto ako sa biglaan niyang pag-confess sa akin kaya hindi ko mapigilang hindi matawa.
"You like me? E, ngayon pa lang tayo nagkita tapos gusto mo na ako kaagad? If you only know my true attitude, walang lalaking nakakatiis sa akin kaya wala ring magkakagusto sa akin," I said straightforward. Tumayo na ako sa aking kinauupuan at akmang aalis na ako pero pinigilan niya ako.
"But—"
"Ssh. No more buts, okay? Pumayag lang naman ako sa date na ito dahil bored ako. I'm pretty sure there are girls out there who like you, too. Thanks for this day, Morgan. Goodbye."
Isinukbit ko na ang aking sling bag at humakbang na ako paalis nang hindi ko man lang siya hinintay na makapagsalita pa.
"Wait, Jeorgia!"
I frozed at the moment when I heard Morgan called me in my real name. Hindi niya pwedeng malaman ang pangalan ko. How did he find out? Napapikit ako at humigpit ang hawak ko sa aking sling bag. Naramdaman ko na nasa tabi ko na siya kaya dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata.
"This." Iwinagayway niya ang aking I.D sa kanyang kamay. "You dropped this earlier so I picked it up. I thought Venice is your second name but I guess, I was wrong. Your name is Jeorgia, not Venice."
Hinablot ko sa kanyang kamay ang aking I.D at itinago 'yon sa loob ng aking sling bag. Kita ko sa kanyang mukha ang bakas ng emosyon ng isang tao na may nalamang sikreto.
"So, what?" inis kong tanong.
Natawa siya na parang nang-aasar. "So, what? Oh wait, how should I call you? Venice or Jeorgia?"
Sinamaan ko siya ng tingin. "It's Jor-gi-ya not Je-yor-dya."
Itinaas niya ang kanyang mga kamay na parang sumusuko na kriminal, pero natatawa pa rin siya hanggang ngayon. Looks like he's enjoying toying with me. Jeez.
"Okay, okay! Jeorgia."
"This is the last time we're going to see each other. Goodbye, Mr. Salcedo."
Hindi ko na siya pinansin pa at tuluyan ko na siyang tinalikuran at umalis pero bago pa ako makalayo nang tuluyan sa kanya ay narinig ko pa siyang sumigaw.
"See you when I see you, Jeorgia!"
Umiling ako at dumiretso na ako sa tapat ng Red Ribbon.
-----•*•-----
"Gia!"
Sinalubong ako ng isang mahigpit na yakap ng aking kaibigan pagkapunta ko sa Red Ribbon.
"Makayakap ka diyan, akala mo naman e isang taon tayong hindi nagkita."
Natawa siya dahil alam niyang badtrip ako sa itsura ko ngayon.
"Wow, ha? Sungit ka, girl? How's the date?"
Bago ko sagutin ang kanyang tanong ay sinilip ko ang kanyang jowa na nasa tabi niya lang at mukhang nakikinig sa amin. Nakuha naman kaagad ni Rose ang gusto kong mangyari kaya hinayaan ko muna silang mag-usap. Pumasok ako sa Red Ribbon at nagtingin-tingin ng cake.
"Hoy, Gia! Wala na si Marco. Ano? How's the date?"
"Ekis."
Umiiling-iling siya na parang alam na niya kung ano ang nangyari.
"But it was different this time."
Kumunot ang kanyang noo at aligaga na kumapit sa aking braso. "Paano'ng different?"
"He found out my real name," inis kong sagot. Nang dahil sa sinabi ko ay tumawa nang pagkalakas-lakas si Rose kaya kinaladkad ko siya papalabas.
"Aray! Be gentle naman, friend!"
"Sawa na akong makipag-date sa mga lalaki na nirereto mo sa akin. Ayoko na! I will focus on my studies from now on. No more dates and men."
"Really? Tapos bukas lang ay pupunta ka sa amin at uutusan mo akong i-arrange ka ng date sa mga kakilala kong boys. Hay naku, Gia. I know you, girl. Maharot ka rin katulad ko," natatawa niyang sabi kaya natawa na rin ako.
"Single is being free to kaharutan. Ang pagkakaiba lang natin ay may jowa ka, ako wala." I rolled my eyes and stole her strawberry shake.
"Kailan ka ba kasi magkakaroon ng matinong relasyon?"
Sumipsip ako nang marami sa kanyang strawberry shake at ibinalik sa kanyang kamay. "Kapag may matinong lalaki na akong nakilala."
She sighed in disbelief. "Okay! Last na talaga 'tong irereto ko sa'yo. Pero this time, bibigyan ko ng thrill," nakangisi niyang sabi. Pumintig ang dalawa kong tenga sa aking narinig at nginitian ko siya nang malapad.
"That's what I like. Pero, anong klaseng thrill naman 'yan?"
"Hmm... Hindi ko sasabihin sa'yo kung sino siya at vice versa. Makikilala mo lang siya at gano'n din siya once na magkita na kayo. Bright idea, right?"
"What?! No way! Alam mo namang hindi ako nakikipag-date sa mga lalaking wala akong alam tungkol sa kanila," inis kong tugon.
"Edi, sige. Mag-focus ka na lang sa pag-aaral mo like what you said a while ago, habang kami ng mga kaibigan mo ay nagpapakasaya sa mga lalaki," nang-aasar niyang pang-iinggit kaya naman sinamaan ko siya ng tingin.
"Fine! Just make sure he's a good catch."
"Sure! I'm sure you will about to forget your anime husbands when you met him, and when you started to develop romantic feeling towards him," she said in an assurance tone.
I smirked on her challenge. "We'll see. Maharot lang ako pero hindi ako marupok."
"H'wag kang magsalita ng tapos, Gia. Baka mamaya ay umiyak ka sa amin ng mga kaibigan mo kapag umibig ka na ng tunay."
"Never, Rose. Never. Hindi ako iiyak nang dahil lang sa lalaki."
NGAYON ANG ARAW nang pinag-usapan namin ni Rose kung saan makikipagkita ako sa lalaking nireto niya sa akin, for the last time. Nairita lang ako ng bahagya dahil sinakto pa niyang ngayong Lunes at pagkatapos pa ng klase ang date ko. Ayoko pa namang nagmumukhang haggard sa mga ka-date ko at mas lalong ayokong nababadtrip tuwing araw ng Lunes.
"Gia, bilisan mo naman diyang mag-ayos. Nag-text na siya sa akin, nasa I Love Milktea na siya."
"Ang aga naman niya? Tsaka, anong sabi mo? I Love Milktea? E, hate ko nga 'yong milktea."
Nag-apply ako ng lip balm tsaka ko pinatungan ng lip tint. Inayos ko rin ang light pink blush sa pisngi ko at nilagyan ko ng red ribbon ang naka-braid kong buhok.
"Kailangan mo nang mahalin ang milktea magmula ngayon dahil favorite 'yan ng lalaking naghihintay na sa'yo roon, duh. Double faster, girl." I saw her in my peripheral vision, she rolled her eyes against me and I did the same.
"Ito na! I'm done! How do I look?"
"Someone who's gonna fall for the guy who's waiting for his princess to arrive in the milktea shop," she said in between her creepy wide smile.
"Stop your nonsense jokes, Rose. I know for the very least percentage that this date will be failed, too. Just like my previous dates."
Lumabas na ako ng banyo at sumunod naman siya sa akin.
"Whatever, Gia. Just update me whether you failed again on your date. And if you failed this time, kay kuya na kita irereto."
Sinamaan ko siya ng tingin sa huli niyang sinabi pero hindi niya iyon pinansin bagkus ay ngumisi pa ang gaga sa akin.
"Before I forgot, isuot mo itong bracelet na 'to." Kinuha niya ang aking kamay at inilagay sa aking palad ang knitted bracelet na kulay pula.
"Para saan naman 'to?" kunot-noo kong tanong at nang mapansin ni Rose na wala akong balak suotin 'yon ay siya na ang nagsuot sa akin.
"Pinasuot ko rin sa lalaking makaka-date mo ang kapareha niyang bracelet na suot mo para madali niyong makita ang isa't-isa. H'wag kang mag-alala, walang kapareha 'yang bracelet dahil ako mismo ang gumawa diyan kahapon."
I was touched by my best friend's efforts kaya napangiti ako nang wala sa oras. 'Yung natural kong ngiti.
"Thank you, Rose. Thank you for your efforts."
"Next time ka na lang magpasalamat sa akin kapag naging jowa mo na ang isa sa mga lalaking nireto ko sa'yo."
"Gaga," natatawa kong sabi.
"What are you waiting for? Gora na!"
Hindi na ako nakapagpaalam pa sa iba naming kaibigan dahil pinagmamadali ako ni Rose. Kung bakit ba kasi ang aga namang pumunta nung lalaking kung sino man siya sa I Love Milktea.
Walking distance lang magmula sa DHVSU ang I Love Milktea pero nag-tricycle pa rin ako. Maalikabok kasi ang daan lalo na sa paradahan ng mga dyip at ayokong mangamoy nang 'di kaaya-aya sa aking date.
Nang huminto sa tapat ng I Love Milktea ang tricycle na sinakyan ko ay kaagad akong nagbayad ng bente. Bente na ang binayad ko kahit na pwedeng sampung piso lang dahil kapag babalik ang tricycle driver sa pila ay doon siya pipila sa pinakahuli.
Tumunog ang bell pagkabukas ko ng pinto. May iilang napatingin sa akin pero hindi ko sila pinansin. Maluwag sa loob at talaga namang ni-renovate nang maayos dahil naging mabenta ang milktea rito at lumago ang business nila. Maliit lang ito dati noong Senior High student pa ako. Ngayon, ang bongga na from the outside to the interior design.
Pasimple akong tumitingin sa mga kamay ng mga lalaking nakaupo roon kung may nakasuot sa kanila na bracelet na katulad nang akin. Hanggang sa napadpad ang aking paningin sa likuran ng isang lalaking nagbabasa ng magazine. At dahil nakataas ang kanyang dalawang kamay ay nakita ko sa kanyang kanang kamay ang bracelet na katulad na katulad nang sa akin.
Dahan-dahan akong lumapit papunta sa kanya at huminto ako sa harapan niya. Tumikhim ako para maagaw ko ang kanyang atensyon. Naramdaman niya na rin sa wakas ang aking presensiya kaya ibinaba na niya ang hawak niyang magazine at tumingin sa akin.
Ganoon na lamang ang panlalaki ng aking mga mata at muntikan pa akong ma-out of balance sa aking kinatatayuan nang makilala ko kung sino siya.
"B-Benj?" bulong ko sa aking sarili sapat para ako lang ang makarinig.
Nagpahalumbaba siya at nginitian niya ako nang pamatay niyang ngiti, kung saan nagpakita sa akin ang dimples niyang nang-aakit.
"Hi. Nice to meet you."
Napamura ako sa aking isipan dahil hindi ko inakala na siya ang lalaking inireto sa akin ni Rose. If I only knew he's the one I'm going to meet, I shouldn't come today.
After three years, ngayon ko na lang ulit siya nakita. Ang lalaking nasa harapan ko ngayon, ang lalaking makaka-date ko ngayong araw na 'to, ay ang lalaking nagpatibok sa aking puso at ang lalaking kinaadikan ko noong Senior High days ko.
Jacobé Benjamin Peña.
End of Prologue.