Chapter 20 “Ms. Canna, maaga ba tayong magsasara mamaya?” Nilingon ko ang nagsalita sa aking likuran, si Eufee. Ang isa sa waitress ng restaurant. Nagpupunas ng kanyang pawisang mukha gamit ang puting hanky. Tumango ako. “May kailangan akong uwian ng maaga.” “Parang gusto ko tuloy sumama sa ‘yo. Gusto kong makita si Ryo, nakaka-miss ang anak ninyo, Ms. Canna! Dalhin mo naman paminsan-minsan dito.” Matipid akong ngumiti sa kanya. “Sa susunod…” “Grabe katulad pa rin ng dati. Ang daming customers!” Pabagsak na ipinatong ni Ireem ang tray sa counter. Ngayong araw ay ramdam ko ang pagod ng mga waitress ng restaurant. I looked around the restaurant and smiled at the disorganized chairs and tables. Ibig sabihin niyon ay maraming customer ang pumunta sa restaurant ngayong araw, it was real

