Chapter 6

1189 Words
Chapter 6 Habang nasa sasakyan ako papuntang airport. Hindi ko maiwasang balikan ang nangyaring panloloko ni Rave. Sa totoo lang, hindi na ako masyadong nasasaktan. Nakakagalit lang kasi hinayaan kong masaktan ako nang gano’n, at naaawa ako sa aking sarili kasi akala ko sapat na ako. Pero hindi pa pala. Naghanap pa ito ng ibang babae na pupuno sa pangangailangan nito. Sinabi ko sa aking sarili, hindi muna ako papasok sa kahit anong relasyon. My heart wasn’t ready. Pero bakit ngayon, parang unti-unti na naman akong nahuhulog? At ang malala pa sa boss ko pa talaga. Hindi ko alam kung kailan nagsimula. Baka noong inalagaan niya ako, o baka matagal ko na itong nararamdaman pero ngayon ko lang nabigyan ng pansin. “Ayos lang po ba kayo, Ma’am?” tanong ni Renje.. Naputol ang iniisip ko. Inalis ko ang tingin sa bintana para tignan siya. “O-oo naman,” pilit kong nginitian ito. “Napapansin ko lang po... parang iba ‘yong trato sa inyo ni Boss, Ma'am.” Natigilan ako. “Ha? Anong ibig mong sabihin?” Napakamot siya ng batok at mahinang natawa. “Wala po. Huwag niyo na lang pansinin ang sinabi ko.” Bumuntong-hininga ako. Binalik ko ang tingin sa labas. Ang daming gumugulo sa isip ko. Pagdating namin sa airport, bumaba ako ng sasakyan. Si Renje ang nagbitbit ng mga gamit ko. Papalapit kami sa private jet kung saan nandoon na si Sir Azrael, kasama ang ilang bodyguards. Sumikdo ang dibdib nang makita ko siya. Ang ayos ng postura niya, at parang effortless ang dating. “G-good morning, sir,” bati ko. Pero hindi niya ako nilingon. Diretso ang tingin niya kay Renje. “Dalhin mo na ang luggage sa jet. Aalis na tayo,” malamig niyang sinabi. Napahiya ako. Kinagat ko ang aking labi at tahimik na lamang akong sumunod sa kanya sa loob. Si Renje at ang ibang guards ang nagdala ng mga gamit. Ako naman, sinubukang itago ‘yong lungkot na bigla kong naramdaman. Pagdating sa harap ng jet, napatingin ako sa kabuuan nito. “Wow…” mahina kong bulong. “What are you doing? Come in,” untag ni Sir Azrael. Nauna siyang pumasok. Sumunod naman ako pero hindi niya pa rin ako pinapansin. “Paano ‘yong mga guards?” tanong ko nang napansing hindi sila sumunod. “They’ll take another plane,” sagot niya. “What a waste of money,” bulong ko sa sarili. “Welcome, Mr. Cervantes,” bati ng attendant. Ilang staff ang nagdala ng gamit namin papasok. Kami naman ni Sir Azrael, naupo sa magkaharap na upuan na may maliit na table sa gitna. “Would you like to take something, sir?” tanong ng attendant. “Wine will be okay,” sagot niya. “And you, ma’am?” “I'm fine, thank you,” matipid akong ngumiti dito. Ilang sandali pa, bumalik ang attendant dala ang wine. Tahimik si Sir Azrael habang umiinom. Tahimik naman akong pinagmasdan tanawin sa labas ng bintana. Gusto ko siyang kausapin, pero parang may pader sa pagitan namin. Pakiramdam ko iniiwasan niya ako. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. Nagising na lang ako nang marinig ko ang boses ng attendant. “Sir, ma’am, please put on your seatbelt. The plane will be landing soon,” anunsyo nito. “So soon?” mahina kong sabi. Sumulyap ako kay Sir Azrael. Abala pa rin siya sa kanyang laptop. “Put on your seatbelt,” rinig kong sabi niya habang nasa screen pa rin ang tingin. Sumunod naman ako. Paglabas namin sa jet. May naghihintay nang sasakyan. Nandoon na rin ang mga bodyguards. “Ang bilis nila,” manghang bulong ko. “Welcome, Boss,” bati ni Renje. “Sa hotel tayo,” si Sir Azrael. Tumango si Renje at siya ang nagmaneho sa kotseng sinasakyan namin. Pagdating sa hotel. Nagpaalam si Sir Azrael na may pupuntahan kaya naiwan akong mag-isa sa hotel room. At dahil wala akong magawa. Nagpasya akong lumusong sa pool. Gusto ko lang magpalamig ng utak. Ang dami ko nang iniisip. Wala namang ibang tao kaya nagsuot lang ako ng swimwear. I was floating peacefully when I saw someone walking toward me. Si Sir Azrael. Napatayo ako halos sa pagkagulat. Hindi ko alam kung alin ang unang tatakpan sa katawan ko. “You really love disobeying me, huh?” he smirked. Sinabihan niya ako na manatili lamang sa loob pero hindi ako nakinig. “Leave,” sabi ko nang hindi siya tinitingnan. He smiled. Inalis niya ang suot na jacket at tumalon sa pool. Napasinghap ako nang lumangoy siya palapit sa kanya. "Why? This is my pool so why should I leave?" nanunuyang tanong nito. Lumayo ako pero kaagad niyang hinawakan ang baywang ko. Dahan-dahan niyang inalis ang mga hiblang tumatabon sa mukha ko. “Sinabi ko na sa ‘yo, magtali ka ng buhok. Gusto kong makita ang mukha mo,” aniya. Marahan niyang hinaplos ang gilid ng baywang ko. Napahigpit ang hawak ko sa gilid ng pool. Napatingin ako sa kanyang labi. Binasa niya ‘yon at pagkatapos bigla niya akong binuhat. “Sir Azrael!” napasigaw ako sa gulat. Ngumiti lang siya na parang wala lang. Akala mo sanay na siyang buhatin ako nang gano’n. Pinaupo niya ako sa gilid ng pool bago siya pumagitna sa aking mga hita. “I’m sorry,” bulong niya. “Hindi ako pumunta ng club kagabi. I was just teasing you.” Natigilan ako. Kagabi pa bumabagabag sa isip ko ang tungkol sa pagpunta niya sa bar. Ang gaan ng dibdib ko bigla. Hindi ko pala alam kung gaano kabigat ‘yong iniisip ko kagabi... hanggang ngayon. “Hindi ko naman tinanong,” sabi ko. “Layuan mo nga ako.” Sinubukan ko siyang itulak pero hindi man lang natinag. “Ganyan ka pala magselos?” humalakhak siya. Umawang labi ko. “Hindi ako nagseselos. Bumalik ka pa doon wala akong pakialam!” Itinaas niya ang dalawang mga kamay. “Okay, okay. Chill. Hindi ka pa nga buntis, ang sungit mo na.” Natigilan ako. Buntis? Bigla akong natahimik. Napansin niya agad ‘yon. Nilapit niya ang kamay sa mukha ko at hinawakan ang baba ko para tumingin sa kanya. “Are you okay?” Umiling ako. “Hindi ako buntis…” Pero halatang hindi siya kumbinsido. “Hindi pa tayo sigurado,” aniya. “Sinabi nang hindi—” napatigil ako sa pagsasalita nang bigla niyang ilapit ang mukha sa akin. “Ssh… mainit masyado ang ulo mo. Nahahawa ako,” napapaos niyang sinabi. Napalunok ako. Bumaba ang tingin niya sa aking dibdib. My boobs were showing with my hard n*****s. “Dapat ako lang ang pwedeng makakita sa ‘yo na ganito ang suot,” mapang-angking sabi niya. “Baby…” he whispered. Hinawakan niya ang batok ko at dahan-dahang inilapit ang kanyang mukha sa akin hanggang sa lumapat ang malambot niyang labi. Bawat dampi niyon ay walang pagmamadali. Mabagal at masuyo. It was at that moment that I realized how much I missed him. What was this feeling? Bumitaw siya sa aming halikan at tinitigan ako. “Be my woman, Canna,” bulong niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD