Chapter 5

1222 Words
Chapter 5 Nagdadalawang-isip ako kung papasok ako sa office ni Sir Azrael. Naiilang pa rin ako sa nangyari pero may mga documents na kailangang ihatid para mapirmahan niya. Wala akong ibang pagpipilian kundi pumunta sa office nito. Huminga ako ng malalim bago binuksan ang pinto. Pero hindi ko inasahan ang bumungad sa akin. May isang sexy na babae sa kandungan ni Sir Azrael at nakapalibot ang braso nito sa leeg niya. Tumikhim ako ng malakas para mapansin nila ako. Kaagad namang naitinulak ni Sir Azrael ang babae nang makita ako. “Canna, it's not…” “I'm sorry for interrupting you, sir. Mamaya na lang ako magpapapirma, tapusin n’yo muna ang ginagawa ninyo,” sabi ko at tahimik na isinara ang pinto. Patakbong tinungo ko ang restroom paglabas ng office. Sumandal ako sa pinto matapos kong maisara. Pakiramdam ko biglang humapdi ang dibdib ko sa nakita. Bakit ganito na lang ang nararamdaman ko ngayon? Alam kong namang matagal ng babaero ang Boss ko at wala akong pakialam noon. Ang mahalaga sa akin ay ang aking trabaho. Nakakapagtakang nakaramdam ako ng kakaiba ngayon. Ang isiping pinagpatuloy nila ang nakita ko kanina ay parang lalong sumasakit ang loob ko. “Why am I feeling this way?” bulong ko. Lumapit ako sa sink at naghilamos para mahimasmasan ako. Hindi ako dapat makaramdam na gano'n. Wala akong karapatan, may nangyari lang sa amin pero hindi ibig sabihin niyon ay titigil na siya sa pagiging babaero. Hindi niya naman ako girlfriend. Ilang minutong nagkulong ako sa loob ng restroom bago napagpasyahang lumabas. Pero nagulat ako nang makita si Sir Azrael sa labas ng banyo. “A-anong ginagawa ninyo sa labas, sir?” Hindi siya sumagot. Sa halip ay mabilis niya akong isinandal sa pader. Gulat akong napasinghap sa ginawa niya. I stared into his eyes with my heart almost ripping out of my chest. “Ano bang ginagawa mo? Pakawalan mo nga ako!” nagpupumulit akong makaalis pero mahigpit ang pagkakahawak nito sa akin. “It was a misunderstanding. Trust me, hindi ko siya hinalikan. Siya ang gumawa niyon sa akin,” paliwanag niya. “Bakit mo sinasabi sa akin 'yan?” “Because it looks like you misunderstood us.” “I didn't,” sabi ko, pilit na iniiwasan ang mga mata niya. “You did, Canna. And I'm sorry about that,” he muttered. “Hindi mo kailangang magpaliwanag, sir. Hindi mo naman ako girlfriend—” “Then, be my girlfriend para may karapatan akong magpaliwanag sa ‘yo,” putol niya sa iba ko pang sasabihin. Hindi makapaniwalang tinignan ko siya. Parang lumukso ang dibdib ko sa lakas ng t***k niyon. “Pinagloloko mo ba ako? Hind po kayo nakakatuwa, sir,” malamig kong sabi. “Gusto ko may karapatan ako, Canna. Tangina! Gusto kitang angkinin ng buong-buo—” Nasampal ko siya ng wala sa oras. Pakiramdam ko pinaglalaruan niya lamang ako. Matapos ko siyang makitang may kahalikang babae biglang mag-aalok na maging girlfriend ako? Iniwan ko siya at bumalik sa aking desk. Uwian na rin kaya mag-aayos na ako ng gamit. I was already done with the day's work. Sir Azrael came out of the office. Napaayos ako ng tayo. "I want to remind you about our trip tomorrow," sabi niya sa malamig na boses. Oo nga pala, kamuntikan ko nang makalimutan. "Ihanda mo na ang lahat ng gamit mo. Maaga tayong aalis bukas." I nodded. "Yes, sir..." "Ilang araw ba tayo mananatili doon?" tanong ko. "Three days," pagkatapos niyon ay tinalukuran na ako nito, hindi man lang nag-abalang tignan ako. Somehow, I felt hurt by his actions. Pero kasalanan ko din naman. I shook the thought off and walked to the elevator. "I don't have to bother about him," I mumbled to myself. Mabuti na 'yong ganito kami. Siya na mismo ang umiiwas sa akin baka kasi manganib ang puso ko sa kanya. Bago pa ako makapasok sa elevator, naunang pumasok sa loob si Sir Azrael kaya sumarado na ang pinto. Wala akong ibang nagawa kundi hintaying magbukas ulit. Hindi ko rin naman gustong makasabay siya. Paglabas ng elevator. Naabutan ko si Sir Azrael at Sir Jaric. "Club tayo, it's been a long time since we had fun." Rinig kong sabi ni Sir Jaric. Babalewain ko na sana pero ayaw naman makisama ng paa ko. Gusto kong marinig kung anong isasagot ni Sir Azrael. Wala akong narinig na salita sa kanya. Tahimik lamang siya naglakad patungo sa sasakyan ni Sir Jaric. Marahas akong napagkawalang ng hangin nang mawala sa paningin ko ang sinasakyan nila. Kinagabiham, pabaling-baling ako sa higaan. Hindi ako makatulog. My mind went to Sir Azrael and Sir Jaric's discussion. I bit my lips. Pupunta talaga siya doon? The image of him kissing and caressing another girl filled my mind and I slapped myself twice. "Ano bang nangyayari sa akin? Bakit ba gano'n ang naiisip ko?" I groaned. Bumukas ang pinto ng kwarto ko at sumilip ang ulo ni Scaxy doon. Nakalimutan ko pa lang may kasama ako dito. Nagtalo si Scaxy at ang boyfriend niya kaya sa akin siya nakikitulog. "Matutulog ka na?" tanong niya. Sinamaan ko siya ng tingin. "Hindi ka ba marunong kumatok?" Scaxy smiled sheepishly and entered the room. "May hindi ka sinasabi sa akin, couz." Kumunot ang noo ko. "Ano naman 'yon?" "Mukhang may kakaiba akong napansin sa inyo ni sir Azrael." She wiggled her brow teasingly. "Anong pinagsasabi mo?" Umirap siya. "Naglilihim ka na sa akin, ha?" "W–What?" "May relasyon ba kayo ng Boss mo?" Bahagyang umawang ang labi ko sa tanong ng aking pinsan. "Lumabas ka na nga! Kung ano-ano na lang ang pumapasok sa utak mo." Pinagtutulakan ko siya palabas ng silid. "Canna, ano ba?! Tinatanong pa kita," reklamo niya. Kaagad kong isinara ang pinto nang maitulak ko siya palabas. Kinukulit niya pa rin ako sa labas ng pinto, nagpupumilit pumasok. Naiiling na bumalik ako sa kama. “Matulog ka na, Scaxy!” sigaw ko dito. Huminto ang pagkatok nito. I laid on the bed and hugged the pillow to myself. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko ngayon. Naguguluhan ako sa damdaming pinupukaw ni Sir Azrael. Sa kakaisip ko, hindi ko namalayang nakatulog na ako. Maaga rin ako nagising para maghanda sa flight namin patungong Singapore. My luggages was packed already. "Be careful there, okay? I'm gonna miss you." Yumakap si Scaxy sa akin. Halos mapairap naman ako habang niyayakap siya. Para namang ilang buwan akong mawawala, tatlong araw lang naman kami doon. "Uuwi din ako." Ngumuso siya. "Alam ko. Don't forget may pasalubong, ha?" Tumango ako. 'Yon naman talaga ang hindi ko makakalimutan sa tuwing lalabas ako ng ibang bansa. Palagi akong may pasalubong sa kanya. Gano'n din siya sa akin, nagdadala ng pasalubong pag-uwi. We heard a knock outside. "Mukhang nandito na ang sundo mo, couz." "Bye!" hinalikan ko siya sa pisngi. I dragged my traveling bag. Nang makalabas ako sa condo umaasa akong si Sir Azrael ang bubungad sa akin. Pero ang mukha ng driver ni Sir Azrael ang nakita ko, si Renje. "Inutusan ako ni Boss na sunduin kayo, Ma'am. Sa airport na siya maghihintay sa inyo," sabi nito. I felt sad. Iniiwasan niya ba ako? Dati naman ito ang sumusundo kapag may pupuntahan kami. Minsan lang akong sinusundo ni Renje. Galit pa siguro siya sa ginawa kong pagsampal sa kanya kahapon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD