Chapter 4

1057 Words
Chapter 4 Malakas akong napasinghap. "What the hell?! I'm not pregnant!" I growled. My heart began to race. At alam kong sa mga oras na 'to nanginginig ako. Bakit hindi ko kaagad naisip 'yon? Sana bumili ako ng contraceptive pills pag-uwi. Pero nawala 'yon sa isip ko. Masyado akong lutang pati mahalaga bagay nakalimutan ko. Aminin ko man o hindi, maaaring tama nga siya. Lalo pa't alam ko na hindi ako safe ngayon. "Hindi ka sigurado. Alam natin pareho na hindi ako gumamit ng proteksyon kagabi." Marahas akong umiling. Hindi ako pwedeng mabuntis! "M-may paraan naman, 'di ba?" "H'wag mong subukan kung ano man ang iniisip mo, Canna," malamig ang kanyang boses pero halata pa rin ang pagbabanta. "I... I'm not p-pregnant," giit ko. Isang beses lang naman may nangyari sa amin kaya imposibleng may mabuo. He's studying my expression, I know my expression disappoints him. Many girls will jump up and gladly accept to get pregnant with him, pero ako? Hindi pa ako handa. Wala pa sa plano ko ang magka-anak sa ganitong edad. "Sinasabi mo ba 'yan para matakasan ako? May balak ka bang itago sa akin?" may pagdududa tanong niya. Napapikit ako ng mariin. Ang hirap magpaliwanag sa lalaki. Ano naman ang itatago ko kung hindi naman ako buntis? Huminga ako ng malalim at kinalma ang sarili bago ito kinausap. "Please, sir. Gusto kong mag-resign ng tahimik at walang iniisip na gulo." Marahas na humugot siya ng hininga. At nang tignan ko si sir Azrael nakatiim ang bagang niya. "Kung 'yan ang gusto mo, hahayaan kita." A relief breath subconsciously escape my mouth. Pakiramdam ko kumalma ako sa kanyang sinabi. "I'll sign your resignation letter in one conditions." Natigilan ako. "Condition? Sir, you can sign my resignation letter without condition." "Gagawin mo ang kundisyon ko, o mananatili ka sa kompanya?" Sumama ang tingin ko sa lalaki. Marami namang pwedeng maging secretary niya kung aalis ako. "A-ano'ng kundisyon?" Kung 'yon lamang ang tanging paraan para makalayo ako sa kanya gagawin ko. My heart pounding as I stared at him, frighteningly anticipating his conditions. Tahimik akong humihiling na sana hindi mabigat ang kundisyong hihingiin niya. Saglit na tumititig siya sa akin bago nagsalita. "Mananatili ka ng dalawang buwan sa kompanya. Gusto ko siguraduhin na hindi mo ako tatakasan kung sakaling dinadala mo ang anak ko." "Ilang beses ko bang sabihin na hindi nga ako bu-" Itinaas niya ang kamay sa ere para patigilin ako sa pagsasalita. "'Yon lang ang kundisyon ko, Ms. Villegaz. Kapag napatunayan kong hindi ka nga nagdadalang-tao malaya kang makakaalis sa kompanya ko." I bit my lips. I don't know what to say. Hindi naman sa ayaw ko sa bata, kung may dumating man wala akong magagawa kun'di tanggapin 'yon. Pero ang hindi ko maintindihan kung bakit nagtatalo kami ngayon, wala pa namang kasiguraduhan kung may mabubuo. Hindi pa nga umabot ng isang araw simula nang may mangyari sa amin. "Okay, fine! Two months, mananatili ako. After that, huwag mo na akong pakialam kung aalis ako." Sabi ko sa kanya. He snaps his eyes open and smirk. "Kung makakaalis ka pa..." bulong niya na hindi ko na narinig sa sobrang hina. Inalagaan niya ako ng halos isang araw. Kung hindi ko pa sinabi na ayos lang ako wala pa yatang planong umuwi si Sir Azrael. Malaking pasasalamat ko paggising ko sa umaga dahil nawala na ang lagnat ko. Tanging ang pananakit na lamang ng aking katawan lalo na sa ibabang bahagi. Pero kahit nanakit pa rin ang katawan ko kinakailangan kong pumasok sa trabaho. Hangga't hindi natatapos ang dalawang buwan ako pa rin ang sekretarya ni Boss. The ringing of my phone phone filled the air, inalis ko ang tingin sa computer at sinulyapan ang phone ko. Kumunot ang aking noo nang makitang unknown number ang tumatawag. I picked it up. "Hello-" "It's Azrael. Come to my office now," sabi nito sa kabilang linya at pinatay ang tawag. Tinignan ko ang screen at napasimangot. "'Yon lang?" naiiling na tumayo ako at tinungo ang office ni Sir Azrael. Napansin kong ngayon lang niya akong tinawagan simula kanina. Pero pabor naman sa akin 'yon para hindi ako maiilang sa trabaho. "You called for me, sir?" I said when I entered. "Yeah, gusto kong sabayan mo akong mag-Iunch," sabi niya at prenteng sumandal sa swivel chair. Nalilito namang napatitig ako sa lalaki. Akala ko may importanteng bagay na kailangang ipagawa sa akin kaya akong tinawagan. Hindi ito ang unang beses na niyaya niya akong sabay kumain pero tumatanggi ako. Ano na lang ang iisipin ng mga katrabaho ko kapag nakita akong kasabay na kumain ang Boss. "Pwede naman kayong kumain mag-isa, 'di ba?" I asked in a calmed voice. "Paano kung gusto kong kumain kasama ka?" Biglang kumabog ang dibdib ko. Simple lamang na tanong 'yon pero may kung anong kakaibang akong naramdaman. Tumikhim ako at palihim na sinaway ang sarili. Hindi dapat ako maramdaman ng gano'n. "Kung wala na kayong kailangan-" "Lunch with me, Ms. Villegaz," matigas na sabi niya. "I can't do that, sir. Marami pa akong gagawing trabaho." Napaatras ako nang tumayo ito at dahan-dahang humakbang palapit sa akin. "Sinusuway mo ba ako, Canna?" matiim siyang tumitig sa akin. Napalunok ako sa kaba. Wala na akong ibang maaatrasan dahil pinto na ang nasa likod ko "W-what are you doing?" kinakabahang tanong ko. "I didn't expect you were affected by my presence." Umangat ang sulok ng labi niya. "S-sir, aalis na ako." Sinubukan kong buksan ang pinto ngunit kaagad niya akong napigilan. "Iniiwasan mo ba ako?" napapaos niyang tanong. Nanayo ang balahibo ko nang maramdaman ang mainit nitong hininga sa aking tenga dagdag pa ang katawan nitong nakadikit sa akin. "A-ano ba?!" humarap ako at tinulak ang lalaki. Napalayo naman ito sa akin. Sisinghalan ko na sana siya ngunit hindi natuloy nang biglang may kumatok sa pinto. Binuksan ko ang pinto at pumasok si Sir Jaric, pinsan ni Sir Azrael. "Hello, Ms. Beautiful," nakangiting kumindat ito sa akin at deri-deritsong umupo sa sofa. "A-aalis na po ako," sabi ko kay sir Azrael. Hindi ko na hinintay na sumagot pa siya, nagmamadali na akong lumabas. Nang makalabas ako sa office, napahawak ako sa aking didbib. Ngayon ko lang napagtanto na kanina pa pala ako nagpipigil ng hininga. "What's wrong with me?" bulong ko, hinahagod ang sariling dibdib. "I think I'm going nuts..." marahas akong napailing.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD