Chapter 3

1269 Words
Chapter 3 “Uh... a-ayos na ako. B-bumuti na rin ang pakiramdam ko,” I lied. Bahagyang nalukot ang gwapo niyang mukha. Hindi yata kumbinsido sa sinabi ko. Inangat niya ang kamay at dinama ang noo ko. Napasinghap naman ako sa ginawa ng Boss ko. “Mainit ka pa rin. May gamot akong dala. Inumin mo ‘yan pagkatapos mong kumain,” malamig niyang sabi. My eyes darted to him. “I... I don’t…” kinagat ko ang pang-ibabang labi. Hindi ko masabi ang gusto kong sabihin! “Is there anything bothering you?” he asked. Yes! I screamed mentally. Gusto kong utusang magdamit siya. Ano bang nakain ng lalaking ito at hindi man lang nagsuot ng shirt? Tinignan niya ang tray na may mga pagkain. “Hindi mo gusto ang pagkain?” Marahan akong tumango bilang sagot. Hindi naman sa nag-iinarte. Pero sa tuwing nagkakasakit ako mas pinipili ko pa ang matulog kaysa kumain, nagsusuka ako kapag sinusubukang kumain lalo kapag sopas ‘yon, o sabaw. Kaya mahirap akong alagaan. “I don’t like s-soup…” “Oh, you want me to cook another meal? Ano bang gusto mong kainin?” marahan niyang tanong. Pakiramdam ko para akong kiniliti sa tono ng pagtatanong niya. Nagtataka tuloy ako sa kinikilos ni Sir Azrael. Bigla yata siya naging mabait ngayon. Dati naman noong baguhan pa lang ako walang oras na hindi sumisigaw ang lalaki. Sobrang striktong na Boss kaya takot ang mga empleyado sa kanya. Pero ngayon parang ibang Sir Azrael ang kaharap ko. Hindi kaya dahil sa nangyari sa amin kaya ganito siya makitungo sa akin? Iniiwasan kong maisip ang pangyayari kagabi. Pero itong utak ko minsan hindi makontrol. Umiling ako. “W-wala akong gustong kainin.” Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya. “Guys, Yoo-hoo! Kung hindi n’yo napapansin. Nandito pa ako,” untag ni Scaxy. Agad akong napatingin sa kinaroroonan ng pinsan ko. Nakahakipkip ito habang nakasandal sa pader malapit sa pinto. “You can leave her. Ako na ang bahala sa kanya,” Sir Azrael said without looking at her. Lumitaw ang kakaibang ngiti sa labi ni Scaxy “Okay, sir. Ingatan mo ‘yang pinsan ko, ha?” tumingin ito sa akin. “Be a good girl, couz.” Tumaas-baba pa ang kilay nito. Bago ko pa mabato ng unan si Scaxy, mabilis na itong lumabas sa silid. “S-sorry, may pagkamakulit ang pinsan ko,” sabi ko sa lalaki. “It’s okay.” Tinignan ko siya habang kumukuha ng pagkain. He cut a piece of bread and brought it closer to my mouth. Hindi ko binuksan ang bibig ko. Nakakahiya naman ang ginagawa niya. Para akong batang kailangan subuan. “Open your mouth,” utos niya. I glared at his hands. “Ano sa tingin mo ang ginawa mo? Hindi ako kakain.” Tinulak ko ang kamay niya papalayo Marahas siyang bumuga ng hangin. “Okay, you choose, kakainin mo ‘to, o ikaw ang kakainin ko?” matigas niyang sinabi, nauubusan na ng pasensya. My jaw dropped low when I took note of what he was implying. Pakiramdam ko uminit ang buong mukha ko. “Pervert!” sigaw ko. “Huwag matigas ang ulo, Ms. Villegaz. Ilang beses mo na akong sinuway. Hindi na ako natutuwa.” May pagbabanta sa kanyang tinig. Labag man sa loob ko. Napalitan akong kunin ang mangkok na may lamang sopas at sinimulang kainin. Ayaw kong tuluyan nang mawalan ng pasensya ang Boss ko. Ang hirap pa naman kapag siya ang nagagalit. Pagkaraan ng ilang segundo nagsalita ako. “M-may hihilingin sana ako, sir.” Gusto kong may mapag-usapan kami para mabaling ang atensyon niya doon. Naiilang kasi ako sa paraan ng kanyang pagtitig sa akin. Habang nagtatagal sa loob ng silid si Sir Azrael nahihirapan akong huminga. Parang lumiliit ang space niyon dahil sa lalaki. “Gusto ko ng mag-resign sa trabaho,” dagdag ko bago pa siya makasagot. Dumaan ang sandaling katahimikan bago sumagot ang lalaki. “Biglaan yata ang naging desisyon mo, Ms. Villegaz?” tanong niya, halata sa boses ang disgusto. “I’m sorry, sir. Matagal ko ng pinagplanuhan ‘to pero ngayon ko lang nasabi.” Bahagyang naningkit ang kanyang mga mata. “Pinagplanuhan mo na pala tapos ngayon mo lang sinabi kung kailan may nangyari sa atin. Ginagawa mo ba ‘to para iwasan ako?” he asked drily. Nahigit ko ang aking hininga. Hindi ko inasahan ang magiging tanong niya. Naalala niya pala ang nangyari sa amin! Napalunok ako. “H-hindi... matagal ko ng napag-isipan…” “Don’t bvllshil!t me, Canna. Plinano mo lahat nang ‘to. Bakit? Naisipan mo ng sumama sa taksil mo ex-boyfriend?” akusa niya. Napaangat ako ng tingin sa kanya. Anong kinalaman ng ex-boyfriend ko dito? “H’wag mong idamay si Rave,” malamig kong sinabi. “Ipagtatanggol mo pa kahit ginago ka na?” halata ang iritasyon sa mukha niya. Nagsimula ng uminit ang ulo ko. “Tapos na ang relasyon namin ni Rave. Wala siyang kinalaman sa pag-alis ko sa trabaho.” “Talaga ba? O baka naman umaasa ka pang magkabalikan kayo?” nanunuyang tanong niya. Umawang ang labi ko at ‘di makapaniwalang tinignan siya. “Sinusundan mo ba ako?” Umigting ang kanyang panga. “Alam ko ang bawat galaw mo, Canna. Simula pa lang ng relasyon ninyo alam ko na. Lahat ng kagaguhan ng bastardong…” Sinubukan kong sampalin pero maagap niyang nahawakan ang papulsuhan ko. “Huwag mong sagarin ang pasensya ko.” Umismid ako. “Walang sasagad ng pasensya mo kung hindi ka makikialam.” “Subukan mong sagarin ang pasensya ko talagang masasagad ka sa akin. Tignan natin kung makakalakad ka pa bukas,” may pagbabantang sabi niya. Parang sinilaban ang mukha ko sa labis na hiya. “Bastos!” He let out a heart stopping smirk. “Hindi lang ‘yon ang gagawin ko sa ‘yo kapag sinagad mo ang pasensya ko.” Umusbong ang inis sa aking didbib. Pero sa halip na sagutin ang lalaki pinili ko na lamang ang manahimik. “I'll sign your resignation letter,” basag niya sa katahimikang bumabalot sa amin. Agad akong napatingin sa kanya. A smile breaks into my face, I can't believe what I just heard. Akala ko mahihirapan pa akong kumbinsihin siya. Tumayo ang lalaki at tinungo ang glass window, he moves the curtains aside and stares outside. Ang sinag ng araw ay madramang tumatama sa mukha niya. Hindi ko maiwasang humanga sa kakisigan na taglay ng Boss ko. I lost myself staring at his face. His smooth, sharp jawline, straight pointed nose, perfect shade of gray eyes, and pink lips that's tempting me to reach out and touch them. Papaanong ang tulad niya ay nagmumukhang perpekto? He's so hot no doubt. His body built perfectly, I can practically see his hard chest muscles. Dati pa napapansin ko na ang malakas na dating ni Sir Azrael. Pero binabalewala ko lamang ang nakikita lalo pa't alam kong Boss ko siya at bawal magkagusto sa kanya. Palihim kong sinaway ang sarili. Kung saan-saan na naman naliligaw ang isip ko. “Kung gano'n, hahayaan mo na akong umalis sa kompanya?” Tumiim ang titig niya sa akin. “Aalis ka ng kompanya pero hindi ka pwedeng lumayo sa akin.” Nagsulubong ang mga kilay ko. “Anong ibig mong sabihin, sir?” naguguluhang tanong ko. “Hindi ko hahayaang lumayo ka, Canna. Lalo na kung…” binitin niya ang ibang sasabihin bago bumaba ang tingin sa tiyan ko. Wala sa sariling napahawak ako doon. Tumikhim siya at iniwas ang tingin. “Dinadala mo ang anak ko,” napapaos niyang sinabi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD