Chapter 2
Kahit nanghihina at nahihilo pa ako. Pinilit ko ang sariling makaalis sa lugar na ‘yon nang hindi nagigising si Sir Azrael. Nagmumukha pa akong pilay dahil hindi ko magawang lumakad ng maayos. Parang sinagasaan ang pagkakabae ko!
“Huy, gaga! Ano bang ginawa mo kagabi?” Nameywang sa harapan ko si Scaxy.
Galing pa sa opisina ang pinsan ko. Bigla na lamang siyang napasugod sa aking condo matapos kong tawagan. Hindi kasi ako makakilos ng maayos.
At nang malaman niya ang nangyari sa amin ni Rave. Galit na galit si Scaxy. Sana na lang hindi magpapakita si Rave kay Scaxy baka masuntok niya ang lalaki.
Balot ako ng kumot at nakahiga sa aking kama. Mainit ang katawan ko ngunit naglalamig naman ako. I groan tiredly.
Gusto kong maiyak habang inaalala ang mga nangyari kagabi. I lost my virginity dahil sa kabaliwan ko. Ano na lang ang sasabihin ng mga tao kapag nalamang makipag-sëx ako sa Boss ko?
Daghan-dahang akong bumangon at sumandal sa headboard ng kama.
“Tubig, please,” I said hoarsely.
Scaxy sighed and stretched out a glass of water in front of my eyes. Nanginginig na kinuha ko ang baso.
“Tinatanong kita, Canna. Nagpa-ulan ka ba?”
“Sa bar lang…”
Napairap siya. “Hindi mo kailangang magpakalasing dahil lang sa gagong ‘yon. Tignan mo ang nangyari sa 'yo ngayon.”
Napaiwas ako ng tingin. “Nalamigan ako kagabi.”
Napabuga si Scaxy ng hangin. She sat next to me.
“Tumawag si Sir Azrael. Hinahanap ka niya. Hindi ka raw makontak.”
Kumabog ang dibdib ko nang mabanggit niya ang Boss ko.
“A-anong sinabi mo?” kinakabahang tanong ko.
“Sinabi kong may sakit ka kaya hindi ka makakapasok sa trabaho ngayon.”
Nakahinga ako ng kaunti sa sinabi niya.
“Alam mo bang alalang-alala siya? Agad ka niyang pintuhan nang malaman niyang may sakit ka.”
Nanlaki ang mga matang tinignan ko si Scaxy.
“N-nandito siya?”
“Yes. Nasa kusina, nagluluto ng breakfast mo. Gaga ka, hindi ka pala kumain ng agahan.”
Napapikit ako ng mariin. Paano kung may maalala ito sa nangyari kagabi? Paano ko haharapin ang lalaki?
“He’s so hot, huh? No wonder he’s one of the most eligible bachelor in the country and ladies flocked over him. Bukod pa sa napa-gwapo, mayaman din. At marunong magluto!” bakas ang paghanga sa tono ng pinsan ko.
Bahagyang kumunot ang noo ko. “Paalala lang. May boyfriend ka.”
“Ano naman ngayon? Hindi naman masamang humanga sa Boss mo. Ikaw ba naman makakita ng maraming pandesal. Hindi ka ba maglalaway?” Tinaasan niya ako ng kilay.
“Ang caring niya, Couz. He’s a perfect boyfriend. Bet ko siya for you. Gosh, kung alam mo lang kung paano siya mag-alala kanina. Iba talaga ang iisipin ko. Parang siyang boyfriend mo,” patuloy niya. “And I think he’s huge. You know… may lahi. Halata naman kasi bumabakat. Kung wala lang akong boyfriend baka nilan—”
“Scaxy! Tumigil ka nga!” nae-eskandalong saway ko, pakiramdam ko uminit buong mukha ko sa sinabi niya. “Bunganga mo, ha? Marinig ka ng tao.”
“Totoo namang malaki siya, katawan pa lang kaya ka ng buhatin ang ihagis sa kama. Dagdag pa ‘yong mahahaba niyang daliri…”
Nanlaki ang mata ko sa mga pinagsasabi ni Scaxy. Kahit nahihirapan akong kumilos nagawa ko pa ring batuhin siya ng unan.
“Ang halay mo!”
Alam kong mahalay ang pinsan ko. Pero hindi pa rin ako nasasanay sa kanya. Naiilang kasi ako kapag gano’n ang aming pinag-uusapan. Kahit ‘yong first boyfriend. Hindi ko kayang ikwento kung anong ginagawa namin dahil hanggang halikan lang naman kami.
Napahalgapak ng tawa si Scaxy.
“Hanggang ngayon ang inosente mo pa rin. Hindi mo ba naranasang palasapin ng langit, Canna?” nanunuksong tanong ng pinsan ko.
Marahas siyang bumaling kay Scaxy. What the hell is going on inside her unbalanced head?
“Tigilan mo nga ako, Scaxy.”
“Kailan ka ba magpapa-biak? Don't tell me tatanda kang dalaga?” hindi makapaniwalang bulalas ni Scaxy.
Natampal ko ang noo. Minsan gusto kong lagyan ng pantakip ang bibig ng babaeng ‘to. Walang preno kung magsalita!
“Nakapagtatakang hindi ka bumigay kay Rave. Pero ayos na rin ‘yon. Masyadong siyang gago para pagbigyan mo. Akala mo namang sinong gwapo. Tanginang babaero!” nangangalaiting sabi niya.
Hindi na ako nagsalita pa. Ayaw kong gatungan pa ang galit ni Scaxy baka mamaya sumugod siya sa condo ni Rave.
Isang mahinang katok ang narinig ko. I snapped my eyes open instantly.
“He’s here!” nagmamadaling tinungo ni Scaxy ang pinto.
Hindi ko siya nagawang pigilan. Gusto ko sanang sabihan si Scaxy na huwag bubuksan ang pinto pero nagawa niya na. Dahil hindi ko alam kung anong gagawin, nagkunwari na lamang akong tulog.
“Hi, sir!” magiliw na bati ni Scaxy.
Halos mapairap ako sa narinig. Kung nandito lang si Johann, siguradong ikukulong ng lalaki sa kwarto si Scaxy.
“Tulog pa rin siya?” rinig kong tanong ng lalaki.
Dumagundong ang kaba sa aking dibdib.
“Kanina pa gising, sir.”
Napakagat ako ng labi. Pahamak talaga si Scaxy kahit kailan!
“Kay Canna ba ‘yan, sir?”
“Yeah, I cooked it for her,” anito.
“Wow, ang sweet n’yo naman. Tingin ko masarap ‘yan… halika, pasok po kayo sa loob.”
Napalunok ako at dahan-dahang nagmulat. Ngunit bahagya ako napasinghap nang makita ko itong walang damit pang-itaas. Nagluto itong naka-topless?!
Kaya pala gano’n na lang ang reaksyon ng pinsan ko. Pinagpapantasyahan ni Scaxy dahil kitang-kita ang maganda nitong katawan.
“Masama pa rin ba ang pakiramdam mo?” he asked unemotionally and walked towards the bed. Inilapag nito ang dalang tray sa ibabaw ng bedside table ko at kumalat ang mabangong amoy ng niluto nito sa silid ko.
Sa isang taon na nagtatrabaho ako bilang sekretarya nito. Ito ang unang pagkakataong nakita kong nagluto ang Boss. Akala ko kasi wala itong alam pagdating sa kusina.
“Hindi pa ba bumababa ang lagnat mo?” tanong ulit nitong nang hindi ako sumagot.
Nag-iwas ako ng tingin dito. Ayaw kong dagdagan ang kasalanan ko. Paniguradong magkakasala ako kapag nakita ko ang katawan nito.