Chapter 15 Nanlalamig ang kamay ko sa kaba. Hindi naman ito ang unang pagkakataon na nakapunta ako sa mansyon ng Cervantes. Minsan sinasama ako ng kapatid ni Azrael kapag wala siyang office hour dito sa mansyon. Gusto nitong ka-bonding ako. Dapat masanay na ako pero ito kasi ang unang pagkakataon nahaharap ako sa ama ni Azrael hindi bilang secretary kun'di girlfriend nito. Mabibilang lamang sa daliri kung ilang beses kong nakita ang ama nito. Sa mukha pa lang malalaman mong istrikto ang matandang Cervantes. Pagdating namin sa mansion ay awtomatikong bumukas ang gate at pumasok si Azrael sa compound. Naunang bumaba si Azrael at pinagbuksan ako ng pinto. Nilahad nito ang kamay at nakangiting tinanggap ko 'yon. Pagpasok namin sa loob, nakahilera ang mga katulong sa living room. "Tatawa

