Chapter 16 "Kapag tinanggihan mo ang pera, pamilya mo ang magdudusa. Siguraduhin ko na mawawalan ka ng trabaho sa kompanya at walang tatanggap na ibang kompanya sa 'yo. You and your poor family are going to suffer till the end of your life," pagbabanta nito. Bumilis ang paghinga ko sa galit. Kapag hindi ako nag-isip ng maayos, paniguradong mawawalan ako ng respeto sa kaharap ko ngayon. "Tatanggapin mo o magdudusa ka? Pumili ka ng maayos, Ms. Villegaz," ani Mr. Cervantes, habang nakatitig sa akin na tila ba punung-puno ng poot ang kanyang mga mata. Naiiling akong natawa. Hindi ako gano'n kababaw para gawin ang gusto niya. "Is that a threat?" lakas-loob kong tanong. Nakipaglabanan ako ng tingin sa kanya. "If that's it, then I'm sorry to say this, it's not possible. Hindi ko kailangan

