Chapter 10 Hinaplos niya ang pisngi ko. Mabagal. Parang sinisigurado niya kung pwede pa siyang humakbang. Kung hindi ako uurong. Hindi ako umurong. Inalalayan niya akong pumasok sa elevator. Tahimik pa rin kami. Pero sa loob ng katahimikan ay ang ingay ng t***k ng puso naming parehong hindi na mapakali. Pagpasok namin sa hotel suite, isinara niya ang pinto at sabik niya akong sinunggaban ng halik. Bumaba ang halik niya sa leeg ko at marahang kinagat ang sensitibo kong balat. "Hmmm..." napaungol ako ng mahina. Nakangiting nag-angat ng tingin si Azrael sa akin bago muling hinuli ang labi ko para mahalikan. This time, the kiss was very hard and deep. Dahan-dahan siyang bumitaw sa halikan namin, kagaya ko, naghahabol din siya ng hangin. "It drives me crazy when you look at me that way

