Chapter 8 "Anong ibig mong sabihin?" tanong ko. Naguguluhan na ako. "I... uh... I told him about us," sabi ni Sir Azrael, halatang nag-aalangan. "Us?" litong tanong ko, umaasang mali lang ang pagkakarinig ko. "Sinabi ko sa kanya na girlfriend kita. At ikakasal na tayo..." Nalaglag ang panga ko. "What?!" halos mapasigaw ako sa gulat. "I'm sorry. He kept bugging me about settling down. Tapos kung sinu-sino na lang ni-recommend niyang babae. Kaya sinabi ko sa kanya na may girlfriend na ako para tumigil na siya." "At ang ako ang babaeng 'yon?". Tumango lang siya. Napahilot ako sa noo. "Ano na namang kabaliwan 'to?" "Look here," panimula niya."It’s a misunderstanding. I didn’t expect him to take it seriously." "Sir, paano ako makakalabas sa sitwasyon na ’to? Kailangang malaman niya

