Chapter 23 Warning: SPG R-🔞 Halos magwala na ako sa loob ng silid. Pero kahit anong gawin ko, hindi pa rin nabubuksan ang pinto. Wala ring ibang pwedeng madaanan para makatakas. Kanina pa nag-rereklamo ang tiyan ko. Wala man lang naghatid ng pagkain. Napaiyak ako sa inis na nararamdaman, at hindi ko namalayang nakatulog na ako. Nagising akong nahihirapang huminga. Dahan-dahan akong nagmulat at nanlaki ang aking mga mata nang makitang halos daganan na ako ni Azrael. Nakasiksik ang mukha niya sa leeg ko habang ang kanyang braso ay mahigpit na nakayakap sa akin, at ang binti naman ng lalaki ay nakadagan sa binti ko. He was still asleep, looking so innocent in his deep slumber. Malaya kong pinagmasdan ang kanyang mukha. Nang bumaba ang tingin ko sa mapupula niyang labi, bumalik sa alaala

