MAGNUS
Nang sabihin ko na papasukin na ng secretary ko ang dalawang babae na sinasabi nito ay hindi ko ini-expect na hindi ang mga ito ang inaasahan kong makita. May mali! Hindi ito mga pinadala ni Silas kung babasehan ko ang mga dala nilang envelopes. It seems mga aplikante sila.
Aplikante? Bakit dito dumiretso sa akin kung aplikante. I was about to tell them to go to the personnel kung pag-apply ang sadya but the sweet and innocent smile of the woman with straight long black hair na nakalugay ang nagpabago sa isip ko, for her sweet and innocent look made me remember Natalie, my sister who died five years ago sa kapabayaan ko.
I was still looking at the young woman and smiled at her too when I saw the other one na may bangs at naka-ponytail ang buhok sa likod. Actually ay magkahawig ang mga ito pero ang isa ay mukhang mabait pero ang isa ay mukhang may galit sa mundo dahil hindi man lang magawang ngumiti. May attitude problem sigurado ito kaya natanggal sa dating trabaho at naisipan um-apply rito.
“Hello po,” magalang na sabi ng babaeng nakangiti. “My name is Crisanta delos Reyes and this is my older sister, Cassiopeia delos Reyes. Ahm… sorry for the disturbance, sir. We are looking for... Mr. Torres,” pagpapakilala nito sa sarili at sa kasama sabay sabi na rin ng sadya.
“I am Mr. Torres,” sagot ko sa kaniya pero napukaw na ang atensyon ko ng sinasabi nitong ate. Cassiopeia… her name is nice kahit hindi ko makitang nice ang kasungitan ng aura nito.
“Ahm…” wika ng nagpakilalang si Crisanta. Siguradong hindi ako ang Mr. Torres na hinahanap ng mga ito, sigurado akong si papa ang kailangan nila. Naningkit ang mga mata ko sa naisip, mukhang nahihilig sa mga kabataang babae ang ama ko ngayon.
“Probably you are looking for my father,” I said to them. Mas mabuting huwag na patagalin ang usapan lalo na at maya-maya lang ay kailangan ko na mag-ready para sa annual meeting na dahilan kung bakit ako narito sa hotel ngayon at tumatambay.
Nakakaasar. Dapat ay nasa Palawan ako ngayon at sumama sa mga barkada ko pero dahil sa utos ni Papa ay narito nga ako at ginawang representative sa meeting dahil may importante raw itong gagawin sa Hongkong. Damn! For sure ay may babae na naman na kasama ito at ipagsa-shopping.
“Yes, sir. We are really looking for the other Mr. Torres because he was the one who informed us to come here if we want to work for him,” paliwanag ni Crisanta.
“Ikaw lang sinabihan, kinulit mo lang ako…” Narinig ko naman na bulong ng kapatid nito.
Hindi ko mapigilang matawa dahil sa sinabi nito. Ewan pero naaliw ako bigla.
The woman glared at me at mas lalo kong gustong tumawa dahil iba ang asta nito. Mukhang wala yata pakialam kahit sino ang kaharap.
“How do you know my father, anyway?” tanong ko sa kanila.
“Your father was the one who bought our house and lot in Antipolo,” sagot ni Crisanta at nang tingnan ko si Cassiopeia ay mukhang inip na inip na at umiismid pa sabay buntong-hininga.
“Antipolo?” puzzled kong tanong. Bakit bumili ng house and lot ang tatay ko sa Antipolo? Bigla ako napatiim-bagang. Do I really need to ask the obvious? Papa bought the house and lot of these women dahil siguradong may ibabahay na naman itong panibangong kabit.
Life! Patanda ng patanda ang ama ko pero padami rin ng padami ang babaeng dinadagdag sa ibinabahay niya.
“Yes, sir. He bought our house and lot and he told me that if I want to work with his company then I could come here to apply,” Crisanta said with a smile. “That is why I am here with my sister, probably he could give us both a job,” nakangiti pa rin na dagdag nito.
Alright! Kaya pala malakas ang loob hanapin ang may-ari ng hotel dahil mismong father ko ang nag-alok ng trabaho. Muli ay pinasadahan ko ng tingin ang babaeng si Crisanta, mukhang kaka-graduate lang nito sa college. Well… sabagay… ang kasama ko nga kanina ay bata pa rin, siguro kasing edad lang nito.
“May I see your resumѐ?” I said to them at si Crisanta ay mabilis na inabot ang dala nitong file sa akin. Hindi naman kumilos ang kasama nito at kinuha na lang ni Crisanta ang hawak nitong envelope para makuha ang dala rin nito at inabot sa akin.
I scanned the two CVs presented to me, graduate ng HRM si Crisanta but her sister Cassiopeia na mas matanda pala rito ng limang taon ay hindi natapos ang kurso na kinuha. Marami rin akong nakikitang pangalan ng mga BPO companies sa work experience nito.
Napakunot ang noo ko, mukhang palipat-lipat talaga ito ng trabaho. Mukhang may attitude problem talaga.
I managed to give a smile.
“Rowena,” I called my secretary. Mabilis naman itong pumasok sa opisina ko and then told her na isama si Crisanta sa HR para malaman na nito ang mga kailangan para maihanda na like SSS, Pag-Ibig and Philhealth.
Nang lalabas na rin sana ang kasama nito para sumunod ay saka ko ito pinigilan as I wanted to talk to her. “Stay here, Cassio… Cassiopeia,” I said na ikinalingon nito at ni Crisanta.
Nakita ko ang pagtataka sa mukha nito, hindi ko alam but I found her face fascinating kahit napakasimple lang ng ayos nito. She even don’t put makeup on her face, she looked plain and blunt but her perfect skin on her face na halos walang pores na makikita ang nagpapa-amaze sa akin.
Oo! Makinis siya… as in makinis at sa nakikita kong braso niya na nakahantad mula sa nililis na manggas ng suot nitong long sleeves blouse na naka-tuck in sa suot nitong skinny jeans, her looks made me gulped. Damn! Ginigising ng babae na ito ang pagnanasa* ko.
Nakita ko na nagsenyasan ang magkapatid hanggang sa iniwan na talaga ito ni Crisanta. She walked slowly para lumapit sa akin at nang nasa malapit na ay sinabihan ko na maupo muna. Naupo naman ito agad.
“I said na maiwan ka muna kasi napansin ko na Political Science pala ang kurso mo at hindi mo natapos,” simula ko. “I just want to–”
“To tell me na hindi ako matatanggap?” mataray na tanong nito na ikinapagtaka ko dahil mukhang hindi talaga nito gusto magtrabaho sa hotel. Mukhang nadala lang talaga ito ng kapatid.
I was stunned when she cut my words, wala pang babae na pumuputol ng salita ko. Women just let me talk and mostly ay tulala pa ang mga ito kapag nakikinig sa sinasabi ko, but this one… she’s different!
“It is very nice to meet you, sir. But if that is the case then I will go out of your office and will wait for my sister in the lobby. Thank you!” sabi nito at tumayo na agad at lumakad palabas na sa opisina ko.
“Wait!” I said dahil pakiramdam ko ay pinangunahan ako nito. “Did I say na hindi ka tanggap?”
Napalingon naman ito sa sinabi ko. Ang totoo ay alanganin talaga ako tanggapin siya dahil sa nakikita kong asta niya pero may kakaiba sa kaniya na hindi ko maintindihan bakit parang gusto ko siyang magtrabaho sa hotel.
“You mean... you will hire me?” nagtataka pa na tanong nito.
“I am hiring you actually, you will be my personal assistant from now on,” I said to her na ikinalaki nito ng mga mata. Bakit parang hindi siya masaya?
“But…” she said. “But you already have your secretary…” wika nito. Nasa boses ang pagdududa.
“She is different from a personal assistant. Do you know how to drive a car?” I asked and she nodded, “I noticed na may driver’s license ka so assume ko na marunong ka mag-drive kasi kasama iyon sa magiging trabaho mo sa akin,” dagdag ko.
“You are going to make me a driver?” kunot-noo na sabi nito.
“I am going to give you a car and you will be my driver kapag kailangan ko na ipag-drive mo ako,” I said with a double meaning. Mukhang hindi naman nito nahahalata ang tunay na plano ko. Good.
“Personal assistant na driver?” pagkaklaro na tanong nito. “At bibigyan mo ako ng kotseng magagamit?” hindi makapaniwalang sabi nito.
“Not only a car, but I would also give you a phone and a laptop, too, so anytime I need you then you will immediately receive my message or call,” tiwalang turan ko. Hindi siya makakatanggi sa offer ko.
“I already have a phone,” katwiran nito. Napangiti ako dahil mukhang papayag na ito sa trabahong ibinibigay ko.
“I will give you a phone that I will be the only one who will know the phone number, dahil ayaw ko na kapag tumawag ako ay hindi makakapasok dahil busy ang linya mo."
“Teka!” sabi nito, natawa at hindi ko maintindihan kung bakit nakaramdam ako ng kakaiba sa tawa niya. Mukhang pervert* na talaga ako.
I just raise my eyebrows to know kung ano gusto nito sabihin.
“Are you offering me a job or are you offering me to be your–” she stopped at parang alam ko na ang gustong sabihin nito pero hindi naituloy dahil tinalaban pa rin ng hiya.
“I am offering you a job and who knows if you will pass to become my woman,” I said na ikinalaki nito ng mga mata.
Kitang-kita ko na napalunok ito, then after a while ay ngumiti ito and said, “nice joke, sir. But this mother of three cannot be qualified as your woman for sure,” sabi nito sa akin at doon naman parang nalaglag ang panga ko.
Mother of three?! What the–?!