Chapter 3

1649 Words
CASSIE’S POV Nang ipaiwan ako ni Mr. Torres, anyway… ng anak ni Mr. Torres na syempre Mr. Torres rin ang tawag sa kaniya ay nagtaka ako. Bakit niya ako pinaiwan?  Actually, the man spell S-E-X at kaya pala gano’n ka-satisfied iyong artista na lumabas sa office nito ay dahil ganito pala kagwapo ito. But sorry, guwapo lang siya but I don’t like men like him na palibhasa gwapo ay umaastang lahat ng babae ay maaakit nito. Teka! Bakit ba kung saan tumatakbo ang isip ko?  Naputol ang pagtatanong ko kung bakit niya ako pinaiwan nang punain niya na hindi ako graduate sa kursong kinuha ko. Damn! Isa pa iyan sa ayaw ko! Ayaw ko na ipinamumukha sa akin na hindi ako tapos sa pag-aaral. Kainis! Kaya mas prefer ko sa mga call centers dahil balewala roon kung naka-graduate ka ng college o hindi, basta graduate ng high school ay pwede na. Mamaya ka lang talaga sa akin, Crisanta! Makikita mo! Napapahiya na ako sa kalokohan mo na magpasama-sama pa rito! At dahil badtrip na ako sa pag-ungkat ng lalaki na ito tungkol sa pagiging undergraduate ko ay tumayo na ako pagkatapos ko siya unahan sabihin na alam ko na hindi ako tanggap. Ako na ang nagsabi ng direkta dahil pahinay-hinay pa sa pag-inform na as if naman gusto ko magtrabaho dito.  But when he said na gagawin niya ako driver at bibigyan ng kotse, phone at laptop. Anyway, I know it is really not bigay… papagamitin niya lang sa akin ang mga iyon habang nagtatrabaho sa kaniya. Pero nagtaka naman ako dahil parang hindi naman tama ang naririnig ko, the man is telling me to be his personal assistant pero ang mga ino-offer ay para na niya ako gagawin babae. Teka! Baka naman… When I joked around to hint him that I doubted the job ay sinakyan naman nito ang sinabi ko at sinabi pa na baka sakali pumasa ako bilang babae nito. Damn! Tinutukso ba ako nito? Ano akala nito sa akin kagaya ni Ate Claire na basta gwapo ay spread agad ang legs? I am not my ate. But of course, he doesn’t know my ate kaya impossible na maikonekta ako nito kay ate. Then I felt that I don’t like the job at all at sinabi na mother of three na ako at baka mag-alanganin ito at nakahanda na ako sa isang matamis na ngiti kapag sinabi nito na hindi pala ako bagay sa trabaho na inaalok.  “You are a mother of three?” takang tanong nito sa akin at kung tama ang pagkakabasa ko sa mga mata niya ay parang hindi ito makapaniwala. Then I saw him look at my CV again at siguro ay iniisip nito na ang bata ko pa at tatlo na ang anak ko. Gusto ko na matawa pero hindi pwede at baka makahalata na niloloko ko lang siya. “Yes, I am and that is why I am looking for a job,” sabi ko pa. Nakangiti na parang maamong tupa.  “You are only twenty-six and you said you have three children,” sabi nito na parang ewan kasi paulit-ulit pa ba kailangan sabihin ang sinabi ko para matandaan na may tatlong anak na nga ako. Char! Mukhang ewan na talaga ito. “Yes. They are the reason why I really need to work,” mahina na sabi ko. Wala naman siguro problem kahit niloloko ko lang ito kasi sigurado naman ako na hindi na niya ako tatanggapin dahil sa sinabi ko. Obviously, he won’t offer me what he had offered earlier. Obvious naman na hindi talaga personal assistant ang kailangan nito kung hindi assistant na lalandiin. “Why can't I see the names of your children in your CV?” tanong nito na ikinapagtaka ko, nagbabasa pala ito at mukhang hindi talaga naniniwala sa sinabi ko.  “Typo error,” mabilis kong sabi at ngumiti na parang nahihiya. “But I can show you their pics with me,” sabi ko pa at ipinakita na ang picture ng mga pamangkin ko kasama ako.  He smiled while looking at my picture with my nieces, mukhang may ibang nasa isip o mukhang naniwala na.  “But you are still single according to your status here,” sabi nito.  Parang ewan na tumango lang ako. “I am single, I wasn’t married to their father,” sabi ko at napangiwi ako sa siguradong pangit na implikasyon ng sinabi ko. Sh*t! Mali na yata diskarte ko at mukhang ang baba na ng moral ko sa ginagawa ko.  “Are you living with your children’s father?” tanong nito. Wala sa sariling napailing ako at bago ko lang naisip na dapat tumango pala ako. Mali na naman. “Who is taking care of your kids whenever you are at work?” tanong pa nito sa akin. “They are staying with my mother,” nasabi ko naman kasi magmumukha na ako sinungaling kung sasabihin ko na ako nag-aalaga samantalang nandito ako ngayon at kasama ni Crissa para maghanap ng trabaho.  Tumango naman ito habang pabalik-balik akong tinitingnan at ang CV ko. Mukhang hindi yata ako palalampasin nito.  “You are hired, Miss Cassiopeia delos Reyes. You can start to report on Monday at dahil Friday ngayon ay lubusin mo na ang weekend kasama ang mga anak mo dahil simula Monday ay magiging busy ka dahil marami ako lakad at kailangan ko ang serbisyo mo,” sabi nito at hindi ko naman maiwasan panlakihan ng mga mata.  Why did he hire me? Baka naman kailangan talaga nito ng driver at assistant?  “Gagawin mo talaga akong driver?” hindi ko na itinago ang pagtatanong dahil kanina ay sinabi nito na baka pumasa ako maging babae nito. Siguro naman ay hindi na kasama ang pagiging babae nito sa magiging trabaho ko dahil sa sinabi ko na may tatlong anak na ako.  “Yeah…” anito at tiningnan ang oras sa wrist watch na suot.  Gusto ko tumanggi kaya umisip na naman ako ng ibang masasabi. “Iyong kotse, phone at lappy… totoo ba iyon?” tanong ko na nasa boses ko pagiging gahaman. Kailangan ng lalaki nito ma-discourage para hindi manganib p*gk*babae ko rito.  “Yep, totoo lahat iyon at mabuti at pinaalala mo…” sabi nito at kinuha ang phone para tawagan ang kung sino at may ibinilin na bilhin at nanlaki ang mga mata ko nang sabihin nito na bumili ng bagong kotse ang kausap nito at phone at laptop. Napalunok ako. “Anong favorite color mo?” tanong nito sa akin. Napakunot-noo ako. Bakit tinatanong nito ang favorite color ko? “Unicorn color,” sabi ko na nakangiti at umaasa na sana ma-discourage na ito.  The man frowned in front of me at binalikan ang kausap. “Look for a car, a phone and a laptop with a unicorn color… Damn it, Luigi! Just ask what a unicorn color is and don’t ask me!” sabi nito at pinatayan na ng phone ang kausap.  Damn! Mukhang wala na ako lusot this time, mukhang interesado talaga sa akin ang lalaking ito! O baka naman assuming lang ako at baka naman kailangan lang talaga ng driver at assistant… “Wala po ba kayong ibang driver? Babae po talaga ang gusto niyong driver?” naisip kong itanong.  “Yeah… babae talaga hanap ko kasi sabi ko nga kanina eh baka makapasa ka bilang next babae ko. At pasado ka naman kaya mukhang wala na magiging problema,” sagot nito sa tinatanong ko.  “May mga anak na po ako, sir…” sabi ko na pinaandar na ang patanga-tangahan mode ko.  “Alam ko, sinabi mo na kanina pa ‘yan…” sabi nito. “Hindi po ako bagay na maging babae niyo, sir.”  “I just need a woman para layuan ako ng mga babae ko at ikaw napili ko para kapag kailangan ko na makipaghiwalay ay ikaw ang gagamitin ko na dahilan. Anyway, ano ba iniisip mo?” sabi nito at parang napahiya naman ako. Umiling naman ako. “Akala ko po kasi eh gusto niyo akong ano– ah– anuhin po…” sabi ko at nakita ko na tumawa ito.  “Sakto ka sa naiisip ko na magiging display woman ko kapag inayawan ko na ang kung sino man na aayawan ko. Gusto ko na may anak ka na para sure na hindi kita magagawang pag-interesan,” sabi nito at napalunok ako. Pakiramdam ko ay dapat ako matuwa sa sinabi niya pero hindi iyon ang nararamdaman ko. Baka naman akala nito ay magiging MILF niya ako.  Badtrip! Mali na talaga diskarte ko ngayon. Direktang tatanggi na sana ako sa alok niya nang saktong pumasok muli si Rowena kasunod si Crissa sa opisina nito at nakangiting lumapit sa akin ang kapatid ko.  “Ate, okay na tayo sa HR,” sabi ni Crissa at nang tumingin ito kay Mr. Torres ay lalong lumapad ang ngiti nito.  “Thank you po, sir…” nahihiyang sabi ni Crissa. “Thank you for hiring us!”  “Teka!” sabi ko. Hindi pa naman ako nagsasabi na gusto ko ang inaalok ni Mr. Torres pero ano ang sinasabi ni Crissa.  “Thank you for coming and I will let my father know na tinanggap ko na kayo,” sabi ni Mr. Torres at tumayo na para kamayan si Crissa.  Nang bumaling ang tingin niya sa akin ay isang ngiti ang ibinigay nito. “I will see you on Monday, Casio,” sabi pa nito.  Muli ako napalunok. I don’t know really but the way he called my name ‘Casio’ made me think s*x. Sh*t! At kung bakit hindi ko matanggihan ang inaalok nito ay hindi ko rin maunawaan. Shame on me! Baka naman sa kaibuturan ng isip at puso ko ay gusto ko na rin pagnasaan ang lalaking ito, baka naman kung saan mauwi ang pagiging driver ko nito. Baka naman… Oh M!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD