Chapter 2

1514 Words
Miraculous "PAPITA, may tanong po ako," untag ko kay papita na busy sa pag-aayos ng menu ng aming munting 'Bekylog'. Ang pangit ng pangalan ng karinderya namin ayaw naman papalitan ni Papita. Unique raw, ang bantot kaya, diba? "Ano na naman tanong mo?" Natawa ako ng may pagkainis na ang boses ni Papita. Paano ba naman pangsampung tanong ko na yata ito sa kanya. "Papita, anong tawag sa forengers na half Korea at half Hong Kong?" seryoso ko pang tanong. Napatigil naman si Papita sa ginagawa at tila napaisip. "Half korea, half hong kong, meron bang ganoon?" kunot noo niya pang tanong. "Aba malay ko po. 'Yun lang ang sabi nitong ka-chat ko." Tinaas ko pa ang hawak kong cellphone. "'Di siya tanungin mo. Bibigyan mo pa ako ng problema bata ka. Tignan mo nga kung may yelo na ang jar at maya-maya lang ay narito na ang mga kalaban." Napaismid na lang ako bago tumayo at ginawa ang iniutos ni Papita. Tatlo kaming nagluluto, si Papita, ako at si manang Rosa. At si KatKat naman na nasa labingwalong taong gulang ang tumatayong parang waitress, oh diba ang bongga, may waitress pa. Maagang naging ina kaya ayun naawa si Papita at hinayaan magtrabaho sa amin. Sabi ko naman pusong mamon ang aking papita kaya mahal na mahal ko siya. Sa edad kong bente dos ay never pa ako nakaranas ng halik. Birhen pa ito, uy. Limang taong gulang ako ng mamatay ang aking mga magulang dahil sa isang aksidente. "Magandang tanghali, magagandang dilag," malakas na bati ang nagpabalik sa aking ulirat. Pagtingin ko sa kung kaninong panget na boses 'yun ay napairap ako. "Wagas makairap, Mira. Pasalamat ka crush kita," banat pa ni Tope. Pinaikot ko naman ang aking eyeball. Mabait naman ito sadyang mainit lang dugo ko sa kanya. Ewan ko ba. Nilampasan ko siya at nagtungo sa pwesto kung nasaan ang mga ulam para tumulong sa pagbibigay ng order ng aming mga sukitang. Bakit sukitang? Siyempre Suki+utang, remove u and tsarannn... Matulungan na nga sila Papita at nagkakagulo na ang buong kalawakan. "Mira, ano ito?" malanding tanong ni rudolfo sa akin habang itinuturo ang isang putahe. "Ah 'yan, adotlog," sagot ko. "Anong adotlog naman?" Namaywang ako. "Hoy, Rodolfo ang tagal-tagal mo ng kumakain rito hindi mo pa rin alam 'yan. Eh, pang murayta lang naman ang datung mo. Pang adobong itlog lang. Hala, umupo ka na at papahatid ko na ang paborito mong adotlog." Umismid siya sa akin bago ako nilayasan. Akala yata ng baklang 'yun mananalo siya sa akin. "Mira, ako isang order sa Maharlika," sigaw ni Tope. Ang yabang talaga! May pangalan kasi ang bawat menu na ginawa ni Papita. Maharlika-mga karne Gulayta-natural gulay na may sahog ng karne konti lang. Isdayut-mga isda, ano pa ba? at pang huli ay ang Murayta-mga jatlog, betlog, shortatlog, embutlog, hamotlog at mga marami pang log, char! Nagsimula na akong magsandok sa mga sukitang na nagsisimula ng mag-ingay. Marami naman mga nakatayong karinderya. Kung tutuusin halos lahat gusto dito kumain sa amin. Bukod sa mura at masarap ay maganda pa ang mga tindera. Kaso, hindi naman kalakihan ang aming karinderya, kaya lang siguro ng mga tatlumpung katao na sabay-sabay na kakain. Kaya 'yung iba nagtyatyaga magpabalot na lang at diko alam kung saan kumakain. Gusto man namin dagdagan pero wala pa kaming sapat na puhunan. Bumabawi pa lang kami. "Mira, abot mo kay Tope itong saging at soda," utos ni Papita sa akin. Kinuha ko ang mga ito at naglakad patungo sa lamesa nila Tope. "Nandito na ang iniirog mo, tol," sabi ng isang lalaking nakaupo sa tabi ni Tope. Alam ko pangalan niya dahil sa kakulitan niya na liligawan raw ako. Pero hanggang salita lang naman siya. Hindi sa gusto ko magpaligaw, gusto ko lang ng tsokolate. "Heto ang saging at soda na order mo." Inilapag ko sa lamesa ang order nito at sabay irap. "Bakit ba ang taray-taray mo, Mira?" tanong ni Tope. Tinaasan ko siya ng kilay. " Bakit? May problema ka ba dun, Tope?" Nagtawanan ang mga kasama niya sa lamesa habang siya ay napapakamot sa batok. Lihim naman akong natawa, natutuwa ako sa hitsura niya. Para siyang nahihiya na ewan. "Hanap ka na kasi ng iba, 'tol. Wala kang chance sa dalagang 'yan," sabi na naman ng lalaki kanina. "Oo, nga naman 'tol," segunda naman ni Gary. Kilala ko siya dahil isa rin ito sa madalas kumain sa aming Bekylog at laging kasama ni Tope. Iniwanan ko na sila at bumalik na sa pwesto nila Papita. Nang matapos kaming ibigay ang order ng aming mga sukitang ay umupo ako sa isang sulok. Pinagmasdan ko ang mga sukitang namin habang kumakain at nagkwekwentuhan. Makakarinig ako ng tawa habang nagtutuksuhan sila. Parang wala silang iniindang problema. O, sadyang marunong lang silang magtago ng tunay na nararamdaman. Ganito lang ang buhay namin ni Papita. Simple lang naman. Makakain ng tatlong beses sa isang araw, sobra pa nga. Pero aaminin ko hindi ako kuntento sa kung ano mayroon kami ngayon. Sabihin n'yo ng ambisyosa ako, wa ako pake! Huwag natin hayaan ang isip natin mapanatag sa simpleng buhay lang. Kung pwede naman mas paangatin pa. Dahil paano kung may biglang emergency na dumating. Ang simpleng buhay ay mabilis magiging mahirap na buhay. Tulad na lang ng nangyari sa amin. Paano kung walang-wala talaga kami noon. Baka pati kaluluwa ko magawa kong ibenta mailigtas lang si Papita. At alam ko na isa 'yun sa ayaw mangyari ni Papita. Kaya ginagawa niya ang lahat para maiahon kami mula sa nakaraang pagsubok. Ang haba na ng drama ko. Kasi naman, eh. Hindi ako makapag move on dun sa sampung libo... Kelan kaya darating? "Hoy, Mira, tigil-tigilan mo na kakapangarap sa mga Afam na 'yan. Fake lang mga 'yun. Ako na lang kasi, sigurado ka pa." Nabalik ako sa aking sarili dahil sa banat na naman ni Tope. Ang kapal talaga ng pagmumukha. Sinamaan ko siya ng tingin, at ang mayabang ang bilis nilihis ang tingin. Nagsitawanan tuloy ang mga kumakain. "Taob ka na naman, tingin pa lang 'yun, tiklop ka na sa inaanak ko!" pang-aasar ni Mamita Venus na hindi ko napansin na narito pala. Tumayo ako upang lumapit at magmano sa kanya. "Sino ba hindi matatakot, mata pa lang parang hinihigop na kaluluwa mo," rinig ko pang katwiran ni Tope. "Wala pa 'yung bibig niya na mala Ann Curtis." Umismid ako ng magtawanan na naman ang mga ito. Sanay na naman ako sa mga kalokohan nito. Oo, na. Malaki bibig ko kaya hindi ako pwede manahimik baka ikamatay ko. "Tope, gusto mo ba magdate tayo?" tanong ko sa kanya na ikinatahimik ng lahat habang si Tope naman ay tila natulala na nakatingin sa akin. Napangisi ako. "Ano? Sagot!" Napakurap-kurap pa siya ng ilang ulit. "Mira, pinagloloko mo ko, eh!" reklamo niya. Tumaas naman ang isang kilay ko. "Ok lang kung ayaw mo maniwala." Akmang tatalikod na ako ng magsalita siya. "Anong gagawin ko?" tanong niya. Mas lumawak ang ngisi ko na ikinailing ni Mamita Venus. "Simple lang, sagutin mo lang tanong ko." Nagliwanag ang kanyang mukha. Seryoso talaga ang kurimaw. Mapapasubo yata ako. Tumikhim ako at kailangan bilisan at baka ako pa maging dahilan kapag na-late ang mga sukitang namin na may pagka marites din. "Simple lang tanong ko." Pinaseryoso ko pa ang aking mukha. "Anong tawag sa half Korea at half Hong Kong?" tanong ko na nakangisi. Sana hindi niya alam, kahit gusto kong bawiin ang hamon ko ay hindi ko na pwedeng gawin dahil maraming marites sa paligid. Nakita kong napakunot noo si Tope na ikinangisi ko naman. "Pinagloloko mo lang yata ako, eh. Wala namang ganun," reklamo niya. Napakareklamado talaga. Nagkibit-balikat ako. Mas mabuti kung di niya sasagutin. "Sumagot ka na, 'tol. Makaka-date mo na rin sa wakas ang iniirog mo," rinig kong sulsol nung kasama niya. "Half korea, half Hong kong, hmmmm." Umakto pang nag-iisip si Tope. Minsan uto-uto rin, eh. "Ah, e di...kokong," malakas pa niyang sagot na mas ikinatawa ng mga kasama namin. "Hindi!" sigaw ko na nagpatahimik sa pagsasaya niya. "Mali?" Nagkamot si Tope sa ulo. "Korea...hongkong... Ah alam ko na! Baka naman Reakong, oh diba?" Nagsipalakpakan naman ang mga kasama niya na parang mga baliw. Mga baliw talaga! "Hindi! Times Up na, magbayad na kayo sa mga ki-" "Korekong!" Napabaling ang tingin ko at maging ang lahat sa nagsalita. Napakurap pa ako ng medyo masilaw ako sa sinag ng araw o sa kayabangan ng taong nakatayo sa may pintuan. "Nakuha ko ang tamang sagot kaya sa akin ka makikipagdate, Mira," nakangisi niyang tugon. Nang makabawi ako ay mabilis kong kinuha ang walis tingting ni Papita na nakatabi sa gilid. Bago pa ako makalapit ay mabilis ding kumaripas ng takbo si Nognog. "May karibal ka pala, 'tol. Mukhang lamang 'yun sayo ng mga tatlong paligo," komento ng lalaking kanina pa sumusulsol kay Tope. "Tama na ang daldal, baka ma-late pa kayo, kasalanan ko na naman. Magsibayad muna kayo bawal utang lunes na lunes. Bukas pwede na. " Inilahad ko ang aking palad sa harapan nila. Isa-isa na nga silang bumunot ng pambayad. Hindi naman pala silang mahirap kausap.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD