Chapter 3

1510 Words
Miraculous "FRIENDSHIP!" malakas na sigaw ni Jeena ang aking narinig mula sa labas ng aming bahay. Ang lakas ng boses parang sirena ng ambulansya. Hinayaan ko lang siya dahil feel at home naman siya kaya sigurado akong diretso siyang papasok ng walang katok-katok. Makapal din ang mukha nun, eh. Pinagpatuloy ko ang pagbabalat ng mangga. Nandito ako sa kusina at nakaupo. "Friendship, tawag ako ng tawag sa'yo nandito ka lang pala. Napipi ka na ba at hindi ka na marunong sumagot?" tuloy-tuloy niyang ngawa at hindi na talaga nahiya na kumuha pa ng malamig na tubig sa ref. "Makakasagot ba ako kung walang preno 'yang bibig mo," katwiran ko sa kanya. Hinila niya ang upuan sa aking tabi at pabagsak na umupo. Parang ang laki-laki ng problema at nangalumbaba pa. "Ano na naman problema mo, Jeena," tanong ko. Kahit naman may pagkaweirdo siya ay may pakialam naman ako sa kanya. She's my girl best friend. Oh! Natututo na ako mag-english. Konting push pa at pwede na tayo mag-abroad. "Paano...si Bryan," simula niya. Si Bryan ay ang online boyfriend niya na isang Afam na nasa Germany. Hindi ko na nga mabilang kung naka-ilang boyfriend na siya sa dami at lahat puro scam. Siguro tama si Papita, paswertihan na lang talaga sa pagkakaroon ng isang Afam. "Oh, napaano siya?" "Isa siyang manloloko! Sabi niya single.. Alam mo 'yun friendship, single as in walang sabit! Tapos...tapos...tapos.." umakto pa siyang naiiyak at pinupunasan ang mga mata. Tumaas ang isang kilay ko nang dumampot siya ng isang hiwa ng mangga sa pinggan na nasa aking harapan. Napangiwi pa siya ng tuluyan itong maisubo. Maging ako ay napangiwi. Mukhang maasim ang mangga binigay kay papita. "Pwe! Ano ba 'yan, Mira! Bakit ang asim naman ng manggang 'yan?" reklamo niya na tumayo at muling uminom ng tubig. Napangisi naman ako. "Sino ba naman kasi nagsabi na dumampot ka at kainin mo?" pang-aasar ko pa sa kanya na ikinasimangot niya. Muli na naman siya naupo sa iniwanang pwesto. Habang ako ay pinagpatuloy ang pagbabalat ng mangga. Gagawa ako ng toyo na may asukal para sawsawan. Sarap! "Ayun nga! Isang buwan na naman ang sinayang ko! Ang hinayupak, may asawa at tatlong anak. Hayop na 'yan! Kung hindi pa ang asawa niya ang sumagot, hanggang ngayon nagmumukha ako tanga sa lalaking 'yun na akala mo naman gwapo, kamukha lang ni ka-tsopoy!" pagtutuloy niya sa kanyang kwento. "Oh, tapos?" "E, di tapos na rin! Block ko agad siya, 'no! Hindi naman ako ganun kadesperada para pumatol sa may asawa na!" patuloy na hinaing ni Jeena. Habang ako ay patuloy sa paghihiwa ng pangatlong mangga. "Nakakapagod na, Mira." Napalingon ako sa kanya nang isubsob niya ang mukha sa lamesa. Naawa naman ako sa kanya kaya tinigilan ko muna ang pagbabalat ng mangga at hinarap siya. "Sabi ko naman sayo kasi huwag agad mag-attached ng feelings. Flirt-flirt lang dapat muna. Kaya ayan, lagi ka na lang broken hearted," tukso ko sa kanya. Nag-angat siya ng mukha. "Anong magandang apps na siguradong may matinong Afam?" Napaawang ang aking bibig sa tanong niya. "Ano Mira! Baka may alam ka, pareho lang naman tayong naghahanap, eh. Kaya share mo 'yung sayo, dali." Mabilis pa niyang kinuha ang cellphone na galing sa bulsa. Nanggigil ako sa tinuran niya. Akala ko pa man din talagang affected sa pagkaka-alam na may asawa ang boyfriend niyang afam. Pero mukhang 'is a prank' na naman ako. Bakit ba hindi na ako nasanay sa ugali niya. Paulit-ulit naman nangyayari ang eksenang ito. Nabalik ako sa aking ulirat ng hilahin niya ang manggas ng damit ko. "Ano na? Ito naman kasi dating apps mukhang marami dito kaso may bayad. Tig-isang chat lang 'yung next may mga bayad na kaloka. Naghahanap nga ako ng Afam tapos pagagastusin ako, hay naku!" patuloy na pagsasalita niya habang nag-scroll sa cellphone niya. "Masira ang damit ko," reklamo ko dahil patuloy niyang hinihila ang manggas ng damit ko gamit ang isang kamay. Ako na nag-alis sa kamay niya at baka makatikim pa siya ng sampung pitik sa akin. Itinuloy ko ang pagbabalat ng mangga. Lima kasi ang target ko para hindi mabitin. Ayokong nabibitin, masakit! "Alam mo Jeena, siguro tama sina Papita. Pinagloloko na lang natin ang ating mga sarili. Siguro maswerte lang ang ibang kalahi natin dahil napansin at nakahanap sila ng mga totoong afam na hindi lang basta inahon sila sa hirap kungdi minahal pa. Bonus pa na ang yuyummy ng mga Afam," mahaba kong pahayag at tuluyan ko ng binitiwan ang kutsilyo nang matapos ang huling manggang binalatan ko. Napalingon ako kay Jeena na nanlalaki ang mga mata. Narinig ba ako ng babaeng ito? Dahil sa na-curious ako sa tinitignan niya ay napasilip ako sa kung ano ang tinitignan nito sa kanyang cellphone. Napataas ang aking kilay ng makitang may bago na ngang ka-chat ang babaita! Hays, wala ng pag-asa ang isang ito. Nilamon na ng Afam ang mundo niya. Napabuntung-hininga na lang ako at akmang tatayo ng pigilan ako ni Jeena. "Ano? Gagawa ako ng sawsawan," inis kong tanong. "Wait lang friendship. Heto, heto na talaga friendship. Nandito na ang ating swerte. Nasaan ang cellphone mo, bilis. In-invite kita, accept mo. Dali!!" masiglang sabi niya na hindi maalis-alis ang tingin sa cellphone niya. "Wala akong panahon sa mga kalokohan mo. Kakain ako ng mangga, kaya lubayan mo ako." "Ang kj mo talaga kahit kailan! Nasaan ba ang cellphone mo?" Tumayo siya at nagpunta sa sala. Hinayaan ko lang siya. Wala rin naman akong magagawa kapag umiral ang kawerduhan ng isang 'yun. Naka-charge ang cellphone ko kaya bahala siya sa buhay niya at ako ay kakain. Nagsimula na akong gumawa ng toyo na may asukal. Hinahalo ko ito nang marinig kong tumili si Jeena. Nabuang na naman. Kanina halos maglumpasay ngayon tumatawa na. Hays! Binitbit ko ang mangko na may sawsawan at kinuha ko rin ang plato na may mangga saka ako nagtungo sa aking friendship na tila kilig na kilig. "Yes, I'm one only," rinig kong sagot niya. "No, I mean..How old are you?" Napatikwas ang aking kilay ng mapagtanto ko na may kausap siyang englisero...malamang Afam! "Oh, like my age ba?" Natawa ako kay Jeena. Kahit paano naman ako kaya ko makipagsabayan sa mga simpleng English minsan lang talaga na-mental block ako lalo na pag malalalim na ang salita. Gustong-gusto kong matuto mag-english pero mukhang ang English ang ayaw sa akin. Ang arte. "I'm 22, two and two, double two, ang galing ko talaga." "What are you saying?" "Ah, no-nothing, I am 22.. my age," ang tamis na pagkakangiti ng babaita. Umupo ako sa mahabang sofa na gawa sa bamboo. Inilapag ko ang dala-dala ko sa lamesa. Si Jeena ay nasa pang-isahang upuan. Nakita kong nakapatong ang cellphone ko sa kandungan niya. Walang hiya talaga inalis hindi pa nga puno. "Ok, let's talk later. I need to go back to work," paalam nung kausap nito. Malakas na tili ang sumunod na narinig ko na napatakip pa ako sa aking tainga. "I'm so inlove-" "Ang cellphone ko! Jeena Cole" sigaw ko ng tumayo ito at huli na dahil bumagsak na sa sahig ang pinakamamahal kong cellphone. "Ay, sorry! At Jeena lang, pwede! J.E.E.N.A." sambit ni Jeena at mabilis na pinulot ang cellphone ko saka mabilis ding inabot sa akin. Ewan ko ba bakit ganun naman kasi ipinangalan sa kanya. Oo, may lahi din siya katulad ni nognog at apelyido ng tatay niya ang gamit niya. Hindi man lang inayos pangalan ang bastos, diba? "Matibay naman 'yan kagaya ng may-ari kaya sure ako walang basag 'yan," ngiting-ngiti pa ang gaga. Ako naman ay agad-agad na ineksamin ang aking cellphone. Ito na nga lang kaligayahan ko. Nakahinga ako nang maluwag ng makita kong maayos at buhay na buhay pa naman ang aking cellphone. Sulit talaga pag may brand. Kaysa bumili ka ng mumurahin tapos isang bagsak, sira na. Parang pagpili lang ng jojowain. Pipili ka ng gwapo tapos malalaman mo paminta pala, char! "Oh, okay ka na?" Napaangat ako ng tingin at pinaningkitan ko si Jeena. Parang kasalanan ko pa, ah. "Ikaw pa gumaganya? Kaladkarin kaya kita palabas ng bahay namin." "Friendship naman, hindi ka na mabiro." Tumabi siya sa akin at parang ahas na inilingkis ang mga braso sa aking braso saka isinandal ang ulo sa aking balikat. "I'm inlove," sambit niya pa. Napailing na lang ako dahil ganito naman lagi siya. May makausap lang ay inlove na agad. Ibinaling ko na lang ang aking atensyon sa aking cellphone kaysa pansinin ang tilang lutang ko ng kaibigan. Natigilan ako ng sunod-sunod na notification sa f*******: ang aking nakita. Mabilis kong binuksan at napaawang na lang ang aking bibig sa mga kakaibang pangalan na nag-se-send ng friend request. Mukhang isinali ako ni Jeena sa isang dating group site. Wala naman akong balak na pansinin ang mga 'yun. Bahala sila sa buhay nila. Papatayin ko na sana ang aking cellphone ng may bagong nag-pop-up. Hindi ko alam pero nakita ko na lang ang aking sarili na nakatitig sa profile picture ng lalaki. At sumunod kong napagtanto ay ang pag-accept sa friend request ni Adam Jones Dillmiballs.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD