Chapter 4

1466 Words
Miraculous PARANG TANGA lang ako na kinikilig na ewan. Dalawang araw na ang lumipas mula ng i-accept ko ang friend request ni Adam. Kahit medyo nakakatawa ang kanyang apelyido ay ayos lang. Masaya siyang ka-chat. Hindi rin ganun kalalim kung mag-english kaya naman nakakasakay ako. "Sasaktan ka lang niyan," rinig ko ang boses ng isang masamang espiritu. Pinaikot ko lang ang aking mata at ipinagpatuloy ang pakikipag-chat kay Adam. "Papita, bakit kaya ang unfair ng mundo, 'no." Naagaw ng masamang espiritu ang aking atensyon kaya naman napalingon ako sa kinaroroonan nito. Kasalukuyan itong nakaupo sa tabi ni Papita sa sala. Ako kasi ay nasa may hagdanan nakaupo. Parang may kakaiba rin kasi sa boses ni Nognog. Naramdaman ko ang lungkot sa mga binitiwan niyang salita. "May problema ba?" tanong ni Papita kay Nognog. Tuluyan nalipat ang atensyon ko sa kanila. Pero nag message muna ako kay adam na may gagawin lang ako. Siyempre baka akala niya ghinost ko na siya. Nagkunwari pa rin akong busy sa aking cellphone pero ang aking tainga ay nakatuon sa kanila. "Si nanay kasi, eh." Nagpapadyak pa si Nognog na parang bata kaya hindi ko maiwasan mapatawa pero pigil lang at baka maudlot ang pagsusumbong nito. Minsan lang din kasi ito maging ganun- ang magdrama. "Napano si nanay mo?" Tuloy din na pag-uusisa ni Papita. "May nanliligaw kasi sa kanya. At nagpaalam pa talaga sa akin. Papita naman! Tumanda na akong ganito na kami lang ni nanay tapos ngayon bigla parang gusto niya mag-asawa like, what the heck!" Mukhang seryoso nga ang pinagdadaanan ni Nognog. "Ano naman kung may manligaw sa kanya. Bata pa naman si nanay mo at pwede pa naman siyang mag-asawa." Nagulat ako sa sinagot ni Papita at napatingin sa kanya. Bakit parang may ibang gustong ipabatid sa akin ang sinabi ni Papita o masyado lang ako nag-o-overthink. Bago pa ako tuluyan mabaliw ay tumayo ako at lumapit sa kanila. Tumabi ako kay Nognog. "Ayaw mo bang maging masaya si nanay Mercy?" seryoso kong tanong sa kanya. Tumingin siya sa akin at mas pinalungkot pa ang mukha kaya naman mas nag-alala ako sa kaya. Kahit naman mukha lagi kaming nag babardagulan ay mahal ko ang mokong na ito. "Sino ba kasi itong manliligaw ni nanay?" Isinubsob niya ang mukha sa dalawang palad. Kaya naman nagkatinginan kami ni Papita. Mukhang napakabigat talaga ng pinagdadaanan ng bestfriend ko. Ipinatong ko ang isang kamay sa likod niya at marahang hinaplos ito. "Mag-usap na lang kayo nang maayos ni Nanay Mercy," payo ko sa kanya habang hinahaplos ang kanyang likuran. Mahirap nga naman kasi ang sitwasyon niya. Sa tagal ng panahon ay nasanay na siya na sila lang mag-ina kaya ang pagpasok ng bagong kasapi ng kanilang pamilya ay nakakapanibago. Napakunot noo ako ng yumuyugyog ang katawan nito. Umiiyak ba siya? Muli kaming nagkatinginan ni Papita. Bago ko pa muli siyang aluin ay malakas siyang humagalpak ng tawa na ikinataas ng aking kilay. Ang hinayupak… "Ka-yo na-naman hindi na mabiro," tawang-tawa niya pang sabi habang mabilis na tumayo at hawak ang kanyang tiyan. Kulang na lang ay mag lumpasay siya sa kakatawa. Parang tanga. Masama ko siyang tinignan. "So-sorry na." Nalipat ang aking tingin kay Papita na naiiling lang at nangingiti. Kung kay Papita ay ayos lang pwes sa akin ay hindi. Tumayo ako at nameywang. "Hoy! Nognog! Nakakatawa? May nakakatawa ba? Sipain kaya kita palabas ng bahay namin!" Nanggigigil kong sigaw. Naiinis akong isipin na pinagtripan na naman kami nang magaling na lalaking ito. "Lumayas ka sa pamamahay namin bago kita ibaon sa lupa ng buhay! Bwisit kang lalaki keka!" Huminto siya sa pagtawa saka tumingin sa akin. Sarap hampasin ng dos por dos! Nagpapaawa pa ang itsura, akala naman niya ay tatalab pa sa akin pagkatapos niya kaming pagtripan. "Pero totoo naman ang sinasabi ko-hoy Mira, seryoso naman nga ako," agad niyang sabi nang akmang susugurin ko siya. Pero hindi ko naman akalain na ganyan pala kayo ka concern sa akin, nakaka touch." Hinawakan niya pa ang kanyang dibdib at nag puppy eyes pa habang naka indian seat na. Napabuntung-hininga na lang ako dahil wala naman ako mapapala kapag pinatulan ko ang gunggong na 'yun. Tinalikuran ko na siya at binalikan ang aking cellphone sa may hagdan kung saan ako nakaupo kanina. Nang makuha ko ito ay ibinaling ko na lang ang aking atensyon dito kaysa ma stress ako sa mukhang goons sa loob ng bahay namin. Oo, marami akong tawag sa kanya. Nakakainis kasi! Hindi ko maiwasan mapangiti nang mabasa ko ang reply ni Adam. Napaka understanding niya. At hindi katulad ng iba na masyadong presko. Sa loob ng dalawang araw na nakakachat ko siya ay hindi pa naman siya nagpapakita ng bad attitude. Gusto ko na paniwalaan si Jeena na 'we already found the one' pero maaga pa para sabihin 'yun. Akmang rereplyan ko si Adam nang mawala sa kamay ko ang aking cellphone. "Nognog!" sigaw ko ng makita kong siya ang umagaw ng cellphone ko. "Ibalik mo sa akin 'yan! Namumuro ka na, malapit ka na mag bingo sa akin!" naiinis kong sigaw at pilit na kinukuha ang aking cellphone na nasa kamay niya at nakataas. Matangkad kasi ang halimaw na ito. Kaya para akong duwede sa kanya. "Akina sabi ang cellphone ko!" Sa inis ko dahil hindi ko talaga makuha ay naglambitin ako sa kanyang braso na ikinatumba namin pareho. Akala ko ay mamamatay na ako. "Papita!!!!" "Susmayosep talaga kayong dalawa! Kayo ang papatay sa akin!" rinig kong sigaw ni Papita. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata nung mapansin kong hindi naman nangawasak-wasak ang aking napakagandang katawan. Pero natuon ang aking mga mata sa pares ng kulay bughaw na mga mata. Matiim itong nakatingin sa akin. Doon ko napagtanto ang aming ayos. Nakaibabaw ako sa kanya habang nakahawak ang isa niyang kamay sa aking baywang at ang isa ay nakataas at hawak pa rin ang aking cellphone. Hindi ko alam ang aking gagawin. Sa paraan ng kanyang pagkakatitig ay parang gusto kong matunaw. Never pa ako nailang sa kanya…Ngayon lang. "Oh! Emmmm! Geeee! Bakit may spg dito? Papita?" Ang matinis na boses ni Jeena ang nagpabalik sa aking ulirat kaya ang bilis kong tumayo at kinuha ang aking cellphone. "Anong meron?" Sinamaan ko ng tingin si Jeena kapagkuwan ay nagdadabog akong umakyat sa aking kwarto. Ang bilis kasi nang t***k ng puso ko. Ni hindi ko nga tinapunan ng tingin si Nognog. Kahit kamustahin kung ayos lang siya dahil sinalo niya ako. Kasalanan naman niya kung bakit muntikan na kami mapahamak. Napaka epal kasi niya. Pagkapasok ko sa aking silid ay hindi ko malaman kung ano ang aking gagawin. Kaya naman napa lakad ako paroon at parito. 'Yun ang naabutan ni Jeena nang pumasok siya sa aking silid. Wala man lang katok, isa rin makapal ang mukha, eh. "Anong drama natin, friendship?" Nakataas kilay niya pang tanong at nakahalukipkip. Akala mo ay isang kontrabida sa isang pelikula. Inirapan ko lang siya saka ako naupo sa aking kama. Wala akong oras patulan ang anumang ipinaglalaban niya. Mula sa aking peripheral view ay nakita kong palapit siya sa akin. "I smell something fishy," panunukso niya saka naupo sa aking tabi at kinuha ang isa kong unan. Niyakap niya ito at parang uod na binudburan ng asin sabay higa sa aking kama. Napailing na lang ako sa kalokohan niya. "Tigil-tigilan mo 'yang something fishy mo at baka ikaw ang makatay ko," inis kong tugon sa kanya. Itinuon ko muli ang aking atensyon sa aking cellphone upang iparamdam sa aking katabi na wala akong panahon sa kanya. Pero sadyang makapal ang mukha niya dahil bumangon siya at naki tsismis. "Oh emmm geee again! Ang gwapo!" sigaw niya na ikina-alis ng aking mga tulok sa tainga. Makasigaw wagas! "Pwede ba Jeena C-" nahinto ang aking sasabihin ng takpan niya ang aking bibig. "Urgh! Pwede ba friendship, 'wag mo ng kumpletuhin, nakakainis!" nagmamaktol niyang sabi saka binawi ang ipinantakip niya sa aking bibig. Natawa ako dahil sa hindi maipinta ang mukha niya. Na kahit siguro ang pinakamagaling na pintor ay hindi ito maiuukit. Muling bumalik ang atensyon ko sa aking cellphone. Saktong-sakto kasi na nag send ng picture si Adam sa akin. Napakagwapo niya nga sa suot na maong jeans at polo shirt na kulay blue. Bakat na bakat ang napakagandang hulma ng kanyang pangangatawan. Napaawang ang aking bibig ng biglang pindutin ni Jeena ang call button. Sa dalawang araw namin magkachat ay hindi pa kami nag-usap o video call. In-enjoy ko pa kasi ang aming magandang simula. Ang lakas ng t***k ng aking puso habang napako ang aking tingin sa screen ng aking cellphone at hindi ko malaman ang aking gagawin. Ang aking mga kamay ay ni hindi ko maigalaw upang patayin ang tawag. Sa kaloob-looban ko kasi ay nais ko rin may mapatunayan. Hanggang sa sinagot niya ang tawag.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD