Chapter 5

1450 Words
Miraculous NANLALAKI ANG aking mga mata habang ramdam ko ang panginginig ng aking kamay na may hawak sa aking cellphone. Paano bang hindi kung isang napakagwapong nilalang ang kaharap ko ngayon. Nagulat na lang ako nang kuhanin ni Jeena ang aking cellphone at ito ang humawak. Nakatutok pa rin naman sa akin. Nakita ko pang pinandilatan niya ako ng mga mata na para bang sinasabi na 'umayos ako'. "Hello." Shuta ang panty ko! Nakita ko rin na napahawak si Jeena sa kanyang pussydoll na ikinatawa ko. Baliw talaga. "Hi-hi," pabebe kong sagot nang makabawi ako mula sa aking pagkagulat. Totoo siya. As in True to the real core. Basta. Hindi scammer…sana. "How are you?" tanong niya sa akin. "I'm good, you?" Pumiyok pa ang boses ko dahil sa kabang nararamdaman ko. Pers time ko makaramdam nang todo kaba as in gusto tumalon ng puso ko palabas ng bahay at magsisigaw. Ang boses niya grabe lalaking-lalaki. Buong-buo. Kaya naman pati si Jeena ay namimilipit ang mga hita. "I'm good too. Specially, I saw a beautiful lady." Nakagat ko ang aking ibabang labi upang pigilan na tumili. Shuckssss! Papa God bakit hindi n'yo naman agad sinabi na heto na. Nakapag ready sana ako. Nakita kong pinandilatan na naman ako ng mga mata ni Jeena. Oo, nga pala. May kausap ako. "Good, you eat na?" Nakshuta! Ano daw? Hindi ko na napigilan tumili nang ngumiti ito. Kasabay nang pagkaputol ng tawag kaya agad-agad akong bumangon dahil napahiga ako para tumili. "Anyare?" dismayado kong tanong kay Jeena. "Bakit mo pinatay?" Umismid naman si Jeena sabay abot sa akin ng cellphone. "Hoy! Huwag kang mag bintang! Namatay ng kusa. Baka pinatay dahil ang harot mo. Baka akala hinimatay ka o kaya baka-" "Wala na pala akong load," putol ko sa sinasabi ni Jeena. "Aray!" "Gaga ka talaga. Sisihin mo pa ako ikaw naman pala itong may kasalanan," angil niya habang sinasabunutan ako. "Masakit na Jeena, ang buhok ko!" daing ko. Hindi naman masakit kasi kunwari lang naman niya ako sinasabunutan 'di kunwari din akong nasasaktan. Mindset ba. "Tse!" Sabay irap niya sa akin saka niya binitiwan ang aking buhok. "Jeena, paload mo ako, bilis. Baka ano isipin ni afam ko," maharot kong sabi sa kanya. "Tumayo ka dyan at ikaw ang magpa load. Mukha ba akong alalay mo," reklamo nito saka siya humiga. Umismid naman ako. Ang arte akala mo maganda. Mas maganda naman ako. Bababa na sana ako sa kama nang maalala ko na baka nasa baba pa si nognog. Kaya naman napabalik ako saka humiga sa tabi ni Jeena. Pareho na kaming nakahiga habang nakatingin sa kisame. "Akala ko papaload ka?" tanong niya sa akin. Napasimangot naman ako. "Baka nasa baba pa si Nognog." "Oh, ngayon?" Tiningnan ko ito nang masama. "Parang hindi mo naman nakita kung ano ang nang-" "Ano ba nangyari? Natumba kayo, pumaibabaw ka sa kanya. Oh, ano masama doon?" Putol niya sa sasabihin ko. Ano nga bang masama? Wala naman. Aksidente 'yun. "Kahit na!" simangot ko pa ring laban. Biglang bumangon si Jeena saka humarap sa akin. "Wala naman nangyari, diba? Hindi naman kayo nag kiss. Hindi naman siya nakapasok-" Ang bilis kong tinakpan ang bibig niya. Wala talagang preno ang bibig kahit kailan. "Bunganga mo!" sita ko sa kanya. Inirapan niya naman ako. "Nagsasabi lang ako ng totoo. Kaya bilisan mo na magpaload ka na baka magback out si Afam mo. Ang gwapo pa man din," sabay tili nito nang malakas. Dahil sa sinabi niya ay napabalikwas ako ng bangon. Magpapaload ako at walang makaka-awat sa akin kahit si Nognog pa. Mabilis kong kinuha ang aking wallet. Palabas na ako nang lingunin ko si Jeena. "Hindi ka sasama?" tanong ko sa kanya. "Nah," maarte niyang sagot na pa slang pa akala mo naman ikinaganda. Inirapan ko siya saka ako lumabas. Pagkababa ko ay nakahinga ako nang maluwang nang hindi ko na makita si Nognog. Ang hinayupak na 'yun. "Saan ka punta, nak?" tanong ni Papita. "To the moon esteh sa tindahan po Papita, magpapaload po ako," masigla kong sagot. "Good mood ka yata, ah. Samantalang kanina halos sakmalin mo si Nognog, nasaktan na nga 'yung tao," saad niya. Napasimangot naman ako nang maalala ang nangyari kanina. "E, kasalanan naman niya 'yun Papita. Kung hindi ba naman siya pakialamero saka pinagtripan niya kaya tayo," nakabusangot kong tugon. "Sige na magpaload ka na," taboy ni Papita sa akin kaya naman humakbang na ako palabas ng bahay para magpaload at naghihintay na ang aking afam. "Paload po," sigaw ko nang marating ko ang pinakamalapit na tindahan. As in malapit mga dalawang hakbang, char! "Ano sayo, Mira?" nakapamaywang na tanong ni Manong Lino Gaw. Isa siyang intsik na nagnegosyo rito. Nakapag-asawa din kasi siya ng isang pinay na si Aling Pat. Dito na sila nanirahan at sila ang may pinakamagandang bahay sa lugar namin. "Pa-load po ako, 'yung maraming pang-internet 'yung sawa-sawa videocall, call saka basta madami," sunod-sunod kong sagot na ikina kamot ni manong Lino Gaw sa kanyang ulo na nasa gilid lang ang buhok. "Pat! I-load mo nga itong si Mira, 'di ko alam load niya," tawag nito sa asawa. Namamangha talaga ako dahil sobrang galing na nito mag tagalog. Kungsabagay, halos isang dekada na yata ito naninirahan sa Pilipinas. "Ano ba 'yan, nag tik tok ako tawag ka nang tawag." Hinampas pa ni Aling Pat ang asawa bago humarap sa kanya. "Ano sayo Mira?" "Load nga po Aling Pat. Magkano po?" tanong ko habang binubuksan ang aking pitaka. "Isang daan," sabi nito saka ibinigay sa akin ang cellphone na mukhang nung panahon pa nang kopong-kopong. "Aling Pat, gumagana pa po ba ito?" magalang kong tanong habang tinitignan ang hawak kong cellphone. Nahilo na yata ito dahil sa ilang beses kong binaligtad at pinaikot-ikot. "Aba, Mira mas gumagana pa 'yan kaysa sa ari ng asawa ko kaya bilisan mo na at may ginagawa ako. Oo nga pala i-follow mo naman ako sa tiktok." Napangiwi ako sa sinabi ni Aling Pat at mukhang hindi siya narinig ng asawa dahil wala man lang reaksyon mula rito. Inilagay ko na ang aking numero. Halos inabot ako ng isang taon ay joke lang. Paano ba naman sobrang tigas, kailangan nang buong pwersa para mapihit mo ang keypad. Tama nga si Aling Pat-matigas nga! Nang matapos akong magpaload ay mabilis din akong bumalik sa aming munting tahanan. Sunod-sunod na notification ang pumasok sa aking cellphone. Mabilis kong binuksan ang galing kay Adam. Adam: What happened to you? Kinilig ang pussydoll ko dahil para siyang nag-alala na hindi ako makontak o hindi ako nagrereply. Ang dami niyang message. Matamis ang aking ngiti na umupo sa sofa saka sinimulan replyan si Afam ko. Me: I'm sorry, No more data. But I'm back now. See me and see you. Pinindot ko na ang send button. Nang magsent ay impit akong napatili. "Hoy! Frienship para kang tanga dyan." Sabay batok sa akin ni Jeena na hindi ko napansin nasa aking tabi na. Sinamaan ko siya ng tingin. "Pakialam mo ba!" sabay irap ko sa kanya. "Sus! Ganya-ganya ka dyan porket may Afam. Scam lang 'yan hintayin mo," aniya sa akin. Tinaasan ko naman siya ng isang kilay. "Coming from you? Ay bet! English 'yun Jeena!" natatawa kong saad sa kanya. Natawa naman ako nang umismid siya. Pikon talaga. Bumalik ang tingin ko sa aking cellphone nang tumunog ito senyales na may nag chat. Adam: What is data? Napasapo ako sa aking ulo. Data lang hindi alam ang bobo. Pero-wait… baka iba tawag sa kanila. Ah, oo! Ang galing ko talaga. Me: Data like the man go upstairs then do electric work. Napangiwi ako nang mabasa ang aking mensahe sa kanya. Kahit ako hindi ko naunawaan. Muling tumunog ang cellphone ko at tulad din kanina ay mabilis kong binuksan ito. Adam: I'm coming to the Phillipines next week. I want to meet you. Napaawang ang aking bibig as in malaking awang matapos kong mabasa ang message ni Adam. "Hoy! Isarado mo nga 'yang malaking bibig mo at baka pasukan ng ipis." Mabilis ko naman isinara ang aking bibig dahil takot ako sa ipis. At para makasigurado sa aking nabasa ay ipinakita ko kay Jeena ito. "Friendship, pakibasa nga ito." Inabot niya ang aking cellphone. Malakas na tili at tumalon-talon pa ito. Maya-maya ay hinawakan ang aking kamay at kapwa na kaming tumatalon. "Ta-tama na Jeena!" awat ko sa kanya dahil nakakahiya sa mga kapitbahay. Baka isipin ay nababaliw na kami. Huminto naman si Jeena habang hawak pa rin ang aking cellphone at nasapo pa niya ang dibdib. Hiningal tuloy! "Akina nga ang cellphone ko." Sabay agaw sa kanya ng aking cellphone. "Ang suwer-suweter mo Friendship, parating na ang Afam mo," masayang saad nito. Bigla na lang nagdilim ang aking paningin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD