Chapter 6

2178 Words
Miraculous "FRIENDSHIP, hindi na ako makapaghintay. Kailangan kasama ako para ako ang kukuha ng video habang ang background music ay 'Forever more'." Kinikilig na suhetsyon ni Jeena sa akin. Pagkatapos kong mahimatay dahil sa mensahe ni Adam ay nandito pa naman ako at buhay na buhay pa. Sino ba kasi ang hindi mawawala sa katinuan sa chat ng aking afam. Kakakilala lang namin tapos, ano daw? Gusto ng makipagkita at seryoso ba talaga ito na pupunta ng Pilipinas.. Hanggang ngayon ay tila windang pa rin ang aking beauty at hindi makapaniwala. Siya na ba talaga ang mag-aahon sa amin sa lugmok na aming kinalalagyan. Char! "Aray! Ano ka ba Jeena! Makahila, wagas! Masira ang damit ko, 'no," sikmat ko sa kanya nang hila-hilahin niya ang aking damit. Tumigil naman ito saka nangalumbaba na parang ewan lang. "Ako kaya, kailan ko makikita ang aking prinsipe?" kumindat-kindat pa ang mga mata nito na tila nababaliw. "Hayan si nognog, siya na lang gawin mong prinsipe kaysa kung saan-saan ka pa naghahanap. May lahi din naman siya 'ah," pang-aasar ko kay Jeena. Papalapit kasi sa amin si Nognog. Inirapan naman ako si Jeena at umakto pang parang diring-diri kaya natawa ako sa kanya. "Ang kagwapuhan ko na naman siguro pinag-uusapan n'yo. Kaya pala hindi ako mapakali, hay naku talaga. Ang hirap talaga kapag pinagpala ka," mayabang na turan ni nognog pagkalapit sa amin. Nag pose pa ito na parang kalahok sa mr.pogi. Napabunghalit tuloy kami nang tawa ni Jeena. Kahit kailan talaga makapal ang mukha ni Nognog. Well, he is handsome in his own way. Oh, diba, english 'yun. Kailangan ko pa mag praktis at parating na ang aking afam. Sinamaan kami ng tingin ni nognog. "Anong nakakatawa?" Nakasimangot niyang tanong. Nawala na din 'yung awkwardness na aking naramdaman kahapon. Parang biglang naglaho o sadyang wala naman talaga 'yun sa akin. Fresh pa kasi kahapon. "Kung si nognog na lang, huwag na! Isasama ko na lang hanggang kabilang buhay ang aking fresh na talaba," sabi ni Jeena. Umakto namang nasusuka si Nognog. "Iiwwwww! Hindi ko rin gustong sisirin ang talaba mo na mukhang nabulok na sa kakatago," pambubuska ni Nognog. Malakas naman akong natawa dahil sa kalokohan ng dalawa. Mamaya niya magkakapikunan na sila niyan. "Mas lalo na ako, 'no! Hindi ko ipapasisid sayo na kung saan-saan na lang pumapasok basta may butas, yuck! It's so kadiri," maarteng turan naman ni Jeena. Tulad nga nang sabi ko. May hitsura si Nognog. Kaya lapitin din ito ng mga babae dito sa aming lugar. Kung hindi ako nagkakamali bawat bagong lipat rito sa may kabilang kanto dahil may paupahang mga apartment dun ay siguradong dumaan na sa kanya. Lalo pa at halos sa bar nagtrabaho ang mga 'yun. "Hoy Jeena! Ang bibig mo, ah! Anong tingin mo sa akin hayok sa laman. Saka kasalanan ko ba kung sila ang lumalapit. Palay na nga ang lumalapit sa manok, aayaw pa ba?" "Tapos ang lakas ng loob mong sabihin na gusto mo si Mira! Pagkatapos mong ibandera kung gaano ka kamanyak, tsk! Umalis ka nga sa harapan ko-" "Nasa gilid mo ako," putol ni Nognog kay Jeena. Napailing na lang ako sa dalawa. Madalas kami magbardagulan ni Nognog pero mas madalas sila ni Jeena. Minsan nga gusto kong isipin na si Jeena talaga ang type nito. Para lang talaga kami magkapatid ni Nognog. Madalas man niyang ipagsigawan na gusto niya ako, alam ko at nararamdaman ko na bilang isang kapatid lamang. Iniwan ko na ang dalawa na patuloy pa rin sa pagsasagutan. Pumasok na ako sa loob ng bahay upang tingnan kung puno na ba ang aking cellphone. Nang makitang puno na ito ay inalis ko na ang pagkakasaksak saka ko binuksan ang aking data. Dapat pinapatay talaga pag hindi ginagamit, sayang ang data 'no. Hindi mo na nga ginagamit, nauubos pa. Maya-maya lang ay sunod-sunod na messages ang aking natanggap at mga notification. Mabilis kong binuksan ang aking messenger at unang hinanap ang pangalan ni Afam. Napangiti ako nang makita tumatawag siya kanina pa at may mga mensahe din. Ewan ko ba kung natural na kinikilig ako dahil rito o dahil sa kaalamang may pag-asa na ako makakita ng totoong AFAM. ADAM: What happened? Where are you? Why not pick my call? Ang dami pa niyang mensahe pero ang huling mensahe nito ang nagpatigil sa aking paghinga. ADAM: See you next week, dear. Ang bilis ng t***k ng puso ko. Tila ito nakikipagkarera sa sampung kabayo. Seryoso ba talaga ang lalaking 'yun? Baka scam lang siya. Paanong agad-agad pupunta ng Pilipinas? Para sa akin? "Hoy, Mira, okay ka lang?" Naririnig ko ang boses ni Jeena pero hindi ko man siya pinansin. Ang aking atensyon ay nasa aking puso na nagwawala sa kaba. Baka ito pa ang ikamatay ko. "Aray!" malakas kong daing ng may bumatok sa akin. Binigyan ko siya nang masamang tingin. Tatawa-tawa pa si Jeena habang nakakalokong nakatingin sa akin na naka krus pa ang mga braso. Parang kontrabida sa isang palabas sa tv ang drama niya. "Para ka kasing tanga dyan na nakahawak sa puso mo at nakatulala. Ano ba nangyayari sayo? Para kang nakakita ng multo. May multo ba dito sa bahay n'yo. Hala! Nagpaparamdam ba sina tiya at tiyo." Ang bilis niyang lumapit sa akin at tumabi. Sumiksik pa siya sa akin na parang tanga lang. Humiyaw ako nang malakas na ikinausog niya palayo sa akin at tinakpan ang mga tainga. "Grabe Mira! Hanggang sa kabilang barangay, rinig ang sigaw mo. Anong nangyari sa inyo?" Hinihingal na sabi ni Nognog na mukhang kumaripas nang takbo pabalik sa aming bahay. Inirapan ko lang silang dalawa. Kailangan ko kumalma at baka ma dedo pa ako at maudlot ang aming pagkikita ng aking afam. Nakita kong nakataas kilay si Nognog na nakatingin sa akin. As if naman may pakialam ako. Nagdadabog akong tumayo hawak-hawak ang cellphone ko at kailangan ko makasagap ng sariwang hangin na maglilinaw at magpapahinto sa aking puso at isip na mataranta. "Hoy, Mira! Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko. Ano ba nangyari sayo? Para kang ewan dyan, uy!" Nakasunod na dada ni Jeena. Habang si nognog ay sumunod din sa amin palabas ng bahay. Umupo ako sa mahabang upuan na gawa sa kahoy at naroon sa aming munting hardin. Oo, may hardin kami at may mga halaman dahil mahilig si Papita sa mga halaman at bulaklak kaya alagang-alaga niya ang mga ito. Nakakarelax naman kasi sa pakiramdam. Tulad ngayon, medyo umayos na aking pakiramdam kumpara kanina. Naramdaman kong tumabi sa akin si Jeena habang si nognog ay sumandal sa may pintuan at nakatingin lamang sa amin. "Seryosong usapan, ayos ka lang?" Bakas ang pag-aalala sa boses ni Jeena kaya naman nakaramdam ako ng konsensya dahil sa paghiyaw ko sa kanya kanina. "Okay lang naman ako," tugon ko sa kanya. "Napano ba ako?" tanong ko naman at tumingin kay Jeena. Ngumuso naman ito. "Paano kanina para ka nga kasing wala sa sarili. Nakatulala ka. Nakailang tawag na ako sayo pero hindi ka sumasagot kaya binatukan kita para magising ka. O, diba, ang galing ko," may pagmamalaki pang sabi niya. Napailing na lang ako at ibinalik ang aking tingin sa mga gumamela na tanim ni Papita. Ang gaganda ng mga ito. "Mukhang nilamon na ng Afam ang kaibigan mo, Jeena. Kaya kung ako sayo magsisimula na akong humanap ng bagong kaibigan. Baka pati ikaw madamay sa mga kalokohan na 'yan," inis na pahayag ni Nognog. Hindi ko naman pinansin ang pinagpuputok ng butsi niya. Ang aking isipan ay naglalakbay sa mga susunod na mangyayari. Hindi ko maiwasan i-imagine ang aming nalalapit na paghaharap. Pero may kaba rin at takot. Paano kung hindi niya ako magustuhan? Paano kung hindi lang pala ako ang ka-chat ng Amerikanong hilaw na 'yun. Bigla ay nakaramdam ako ng inis. Sumimangot ako at tiningnan ang aking cellphone. "Tingnan mo na, Jeena. Kanina may pangiti-ngiti pa ngayon naka poker face na. Malapit na 'yan Jeena kaya kung ako nga sayo huma-" natigil si Nognog sa pagsasalita ng bigyan ko siya nang masamang tingin. "Nognog, lumayas ka nga sa pamamahay namin! Kalalaki mong tao, napaka tsismosa at pakialamero mo. Puntahan mo na lang ang mga babae mo ro'n at sila guluhin mo," pagtataboy ko sa kanya. Napakamot naman si Nognog ng ulo. "Ang sama talaga ng ugali mo pagdating sa akin Mira. Dyan na nga kayong dalawa at kakain muna ako ng tahong." "Iiiiwwnn! Kadiri ka talaga Nuel! Get lost!" Nanggigigil na sigaw ni Jeena na ikinatawa ko paano ba naman nagbelat pa si nognog kay Jeena bago mabilis na tumakbo palabas ng akmang hahabulin ito ni Jeena. "Ang kapal talaga ng mukha akala mo naman ikinagwapo niya!" "Hindi ba?" Pang-aasar ko sa kanya. Inirapan niya lang ako saka tumayo at nagdadabog na iniwanan ako. Pikon talaga ang dalawang 'yun. Paano ko ba naging kaibigan ang dalawang 'yun samantalang napaka sport ko sa lahat ng bagay? Bagay silamg magsama. LIMANG ARAW NG hindi nagpaparamdam si Adam sa akin. Huling mensahe niya ay 'yung sinabi niya na 'see you next week' at kung susundin ko ang sinabi nito. Ngayong week na 'yun. Pero bakit hindi man lang siya nagmessage sa akin. Sinubukan ko ring tawagan pero out of the earth daw sabi. Saan planeta naman kaya nagpunta ang afam na 'yun. Maniniwala na yata ako kina Jeena at Nognog na pinaasa lang ako. Bigo na naman ba ako? "Mira, aalis ka ba ngayon?" Napukaw ang aking pag-iisip sa tanong ni Papita. "Hindi po," magalang kong sagot. Binigyan ako ni Papita nang nanunuring tingin. "Grabe naman po kayo makatingin sa akin Papita," reklamo ko sa kanya. Tumawa naman si Papita saka tinabihan ako sa sofa. "Naninibago lang ako, 'nak. Kasi naman dati araw-araw yata may ka-meet ka sa BJ mall." Sabay kaming napatawa nang banggitin niya ang paboritong mall namin, actually lahat kaming doon. Ito lang naman kasi ang pinakamalaking mall sa lugar namin. At totoo ang sinabi ni Papita. Noon kasi araw-araw may ka-meet up ako. Ewan ko ba naadik yata ako sa mga afam na minsan scam lang ay madalas pala. Si Adam, siya palang ang unang Afam na pasok na pasok sa banga kaso mukhang nag missing in action ang afam na 'yun. "Forget those Afam, 'nak. You want to finish your study? I can." Namimilog ang aking mga mata na tumingin kay Papita hindi dahil sa sinabi niya na ipagpatuloy ko ang aking pag-aaral kung hindi sa pa-english niyang banat. "What? You think I don't know how to speak English? Tsk." Napakurap-kurap ako at bahagya pang lumayo kay Papita. I'm shocked to the highest mountain! "Pa-Papita…Is that you? Sinong magaling na ispirito ang sumanib sa'yo? Pasanib rin sa akin." Hinampas ako ni Papita ng hawak niyang pamaypay. "Puro ka kalokohan, Mira. Hirap kasi sayo wala kang bilib sa akin. You underestimate your Papita." May pagmamalaki sa boses niya. Mukha nga. Paano kasi hindi naman siya nagsasalita ng English dati ngayon lang. Lumawak ang aking pagkakangiti saka ko isinandal ang aking ulo sa kanyang balikat. "I'm so proud of you Papita. Ang galing mo pala. Bakit hindi mo ako tinuturuan," kunwari nagtatampo kong sabi. Inirapan niya lang ako saka ko naramdaman ang kamay niya na humaplos sa aking buhok. "Ayoko talaga ang ginagawa mo na paghahanap ng mga afam na 'yan. Natatakot ako na baka isa ka sa mabiktima. Alam mo naman ngayon, ang dami-dami nababaliw sa mga 'yan na umabot na sa puntong pati bahay nila ibenenta dahil sa lintik na pagmamahal sa mga afam na 'yan," mahabang lintaya ni Papita. Napanguso naman ako. Totoo naman kasi 'yun. Pero ang sabi naman kasi hindi naman mga afam talaga ang nasa likod kungdi ibang lahi na ginagamit ang picture ng mga afam. At ang masaklap pa minsan, may mga kasabwat pa silang mga kapwa Filipino. Kaya minsan ang hirap magtiwala. Sadyang matigas lang ang ulo ko kaya hanggang ngayon umaasa at naniniwala ako na para lamang ako sa isang Afam. Naagaw ang aming atensyon nang tumunog ang aking cellphone. Umalis ako sa pagkakahilig kay Papita saka ko kinuha ang aking nag-iingay na cellphone na kumakanta ng 'jumbo hotdog kaya mo ba ito'. Napakunot noo ako nang makitang hindi naka rehistro ang numero na tumatawag. Hindi pa man din ako palasagot kapag hindi ko kilala, except sa mga afam. "Bakit hindi mo sagutin?" Pukaw ni Papita sa akin. Nakatingin lang kasi ako sa aking cellphone hanggang sa namatay ang tawag. Nagkibit-balikat lang ako at ibabalik na sana ang cellphone ko sa lamesita nang muli itong tumunog. Dahil sa na-curious na rin ako sa kung sinong halimaw esteh nilalang ang tumatawag ay sinagot ko na. "Sino ito?" Nakita kong napangiwi si Papita dahil sa pabungad kong tanong. Ano ba dapat? Magpabebe pa ako. "It's Adam, please come here at Bj Mall. I'm in the food court, on the third floor. I just asked someone to lend me her phone. So, come here, now." Ilang beses kumurap ang aking mga mata habang nasa aking tainga pa rin ang cellphone ko. Kahit na wala na akong kausap dahil tunog na parang nanghihingalo na lang ang aking naririnig. "Adam?" mahina kong sambit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD