Chapter 7

2306 Words
Miraculous SOBRA ang kabang aking nararamdaman. Kasalukuyan akong nakatayo sa entrance ng BJ mall. Nagdadalawang-isip pa rin ako kung papaniwalaan ko ba 'yung tumawag sa akin kanina o babalewalain. Pero may parte kasi ng isip ko na wala naman mawawala kung susubukan tutal dati nga araw-araw akong nakikipag meet up. Marahas akong bumuga ng hangin habang nakatingin pa rin sa entrance ng mall. "What to do? What to do?" Napa-English na tuloy ako sa sobrang gulo ng utak ko. "Kung ano ang nasa puso mo, sundin mo!" Bigla akong napatingin sa babaeng dumaan na kumakanta. Nakatingin rin siya sa akin at nginisihan ako. Bigla akong nangilabot kaya naman dali-dali akong pumasok sa loob. Hindi ko alam kung sadyang senyales na 'yun para sundin ko raw ang nasa puso ko. E, wala ngang laman puso ko. Nang tuluyan akong makapasok ay huminto muna ako at tumingala. Nagbabakasakali na makikita ko mula sa aking kinatatayuan ang food court. Nagpapadyak ako nang hindi 'yun makita. Ano ba inaasahan ko, e, nasa ikatlong palapag 'yun. Natigil ako sa pagdadabog nang mapansin na napapatingin ang bawat pumapasok kaya naman mabilis na akong humakbang patungo sa aking destinasyon. Sobra-sobra ang kaba ko nang tumapak ang aking mga paa sa pangatlong palapag ng mall. Ilang ulit rin akong nagpakawala ng malalim na hininga. Urong-sulong din ako. Wala man nga akong sinabihan ang alam nila Papita ay may bibilhin ako. Dapat yata nagpasama ako kay Jeena, nasa huli talaga ang pagsisisi. Humakbang na ako patungo kung nasaan ang food court. Palingan-lingan ako habang naglalakad baka kasi pakalat-kalat lang si Afam at magulat na lang ako. Palaisipan pa rin hanggang ngayon kung bakit nakitawag ito. Wala sigurong load. Bakit hindi kaya nagpaload. Kuripot pa yata ang afam ko. Paano na ako aahon sa… joke lang. Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa makarating na ako sa bungad ng food court. Katulad ng palaging scenario. Maraming tao ang naroon at may mga kanya-kanyang agenda. Mayroon mga grupo ng kabataan na naka uniporme pa, nag cutting siguro mga 'yun. Mayroon din pamilya. Napatitig ako sa isang pamilyang masayang kumakain. Bigla kong na miss sina nanay at tatay. Bata pa ako nang mamatay sila pero kahit papaano ay may mga masasayang alaala nila ako. Bago pa ako umiyak ay inilipit ko na ang aking tingin. May mga grupo na naka business attire. Siguro sila 'yung mga nauuso na networking ba 'yun? Maraming ganun sa f*******:, eh. 'Yung pyramid style ba? Walang produkto pero kikita ka, kalokohan. Pero may mga tunay naman siguro sadyang hindi ko lang linyahan ang ganun. "Mira?" Nanigas ang aking katawan nang marinig kong may tumawag sa akin mula sa aking likuran. At ang boses, halatang hindi tao esteh hindi pinoy. Nalunok ko pa ang sarili kong laway. Mabuti na lang at medyo nasa tagong bahagi na ako ng food court. Paano nakarating ang taong ito sa likuran ko. "Mira, is that you?" Muli kong narinig na tanong nito. Marami namang Mira baka nagkakamali lang ako. Ihahakbang ko na sana ang isa kong paa upang tuluyan ng lisanin ang lugar na 'yun. Nang may mga sapatos akong nakita sa aking harapan. Nakayuko kasi ako. Ang ganda ng sapatos, nike ang tatak. Mahal siguro 'yun. "Where are you going?" tanong na naman ng baritonong boses pero bakas na ang pagka-inis nito. At dahil nakaharang na siya sa aking harapan ay wala na akong pagpipiliian kung hindi iangat ang aking ulo. Nanlaki ang aking mga mata at ilang beses akong napamura sa aking isip. "Ang gwapo naman kasi!" "Miss, are you Mira, right?" Napukaw ang aking pagpapantasya dahil sa muli niyang tanong. "A-adam?" Patanong kong sagot. Kahit papaano naman ay namukhaan namin ang isa't isa. Mas gwapo pala ito sa personal. Tumango ito at ngumiti. Tang'ina naman ang matris ko. Kapit lang. "Yes, it's me. I have been watching you since you stepped here." Pakiramdam ko ay dudugo na ang aking ilong. Napaka fluent naman niya sa english. Tapos, walang shortcut at ang accent, gosh! "You okay?" "Ah-ah yes, I'm good. I need water, wait!" Nagmamadali akong humakbang palayo rito at nagtungo sa pinakamalapit na food stand para makabili ng tubig. Akmang babayaran ko ang tubig nang magulat ako dahil may nag-abot na ng bayad. Napatingin pa ako sa kahera na tila nahanginan sa pagkakatitig kay Afam. Sino ba naman kasi hindi? Ang gwapo kasi,e. Nahiya ako tumabi sa tangkad. "My change, miss," rinig kong sabi ni Adam sa kahera na tumulo na ang laway. "Ah, yes sir. Wait sir." Kumuha ang kahera ng sukli at pabebe pang iniabot kay Adam. Tumikwas tuloy ang isa kong kilay sa nakitang eksena. Parang gusto ko sumigaw ng 'mga taksil' kaso naalala ko wala palang kami. "Maybe we could sit for you to drink that water and for us to talk." Tango lang ang isinagot ko at sumunod sa kanya na naunang naglakad. Mabuti na lang at sa may bandang sulok niya naisipan maupo. Dahil baka hindi ko makayanan ang pag-i-english niya. Saka, kakaiba na ang ibinibigay na tingin sa amin. Alam kong maganda ako, pero alam ko na kung ano nasa isip ng mga marites na 'yun. Gold digger. Mukhang pera. Babaeng mababa ang lipad. At kung ano-ano pang mga panlalait na akala mo naman ay kilala nila ako. Hindi ko napigilan mapangiti nang ipaghila niya ako ng aking upuan. Magalang na dayuhan. Pagkaupo ko ay mabilis kong ininom ang tubig na binili ko ay binili niya pala. Muntik ko nang maibuga ang tubig sa mukha niya nang mapatingin ako sa kanya. Paano ba naman titig na titig siya sa akin. Pero, mabuti na lamang at napigilan ko ang aking sarili at tinapos ang pag-inom. Dahan-dahan kong inilapag sa ibabaw ng lamesa ang plastic na bote. "Let's proceed to our formal introduction, shall we?" tanong niya makalipas ang ilang minutong katahimikan. Muli ay tumango lamang ako. Nakakaunawa naman ako ng english medyo nagdidilim lang ang aking paningin kapag pinilit kong mag marunong sa wikang English. "I'm Adam from Brazil and you?" Napairap ako sa hangin. Formal introduction pa siyang nalalaman and ganya lang pala. Akala ko naman pag formal as in 'yung buong pangalan, isama mo na ang middle name. Pero dahil may pinag-aralan naman ako ay kiyeme akong ngumiti at nagpakilala. "I'm Mira for short and Miraculous for long, galing ako sa nanay ko." Kumunot ang noo niya kaya naman mabilis kong binawi ang una kong sinabi. " Joke lang, I mean just kidding. I'm from here, ofcourse." Sinabayan ko pa nang tawa with matching takip sa bibig para susyalan ang dating. Nakita kong napangiti siya na ikinasinghap ko. Poor pabor! Inaakit niya yata ako? "Nice to meet you, Mira. And wait, is Miraculous your real name. It's a boy name," nagtatakang tanong niya sa akin. Umismid naman ako. Talagang napagtuunan niya pa ng pansin ang pangalan ko. "Yea, but don't mind because I don't mind at all." Ano daw? Stress na talaga ako sa Afam na ito. Alangan naman ikwento ko rito bakit Miraculous ang naging pangalan ko baka maubos dugo ko. Okay sana kung sa wikang tagalog eh. Pero sa English, 'wag na uy! "Ok, ok." Mukhang nakuha niya ang ibig kong sabihin. "Thank you for coming here. I don't know anyone here except you. It's a good idea that I memorize your number," aniya sa akin. Napaawang naman ang aking bibig sa sinabi niya. Memoryado nito ang numero ko? Amazing. "Wait. Ahmmmm, you come here when?" Hindi ko alam kung maintindihan niya ang English ko pero bahala siya. Siya ang mag-adjust dahil isa siyang dayuhan. "Today." Napakurap-kurap ang aking mga mata. Ngayon? As in ngayon? "Totoo ba?" tanong ko na hindi ko napansin na tagalog gamit ko. "Yes, I told you right." Wait. Naintindihan niya ang sinabi ko. "Wait. You understand what I said?" Nagdududa ko siyang tiningnan. Huminga siya nang malalim saka isinandal ang likod sa sandalan ng upuan. "I can understand your language little," sagot niya. Napawow naman ako. Biruin mo 'yun kahit papaano ay hindi ako mauubusan ng baon na English. Very good. Very very good. "Good! Very good." Pumalakpak pa ako na ikinatawa niya. Sarap naman sa ears. Parang musika sa aking pandinig. Huminto siya sa pagtawa saka niya ako tiningnan sa seryosong mukha. Bigla tuloy akong kinabahan. Baliw ba ito? Kanina tumatawa ngayon napakaseryoso. Bigla akong napayakap sa aking sarili. "Don't worry, I don't have a bad intention to you. But I want to say something very important," paliwanag niya. "What is it?" Shucks! Gumagaling na akong mag-english. "I lost my bag. I mean everything." Nanlaki ang aking mga mata at napanganga pa sa sinabi niya. Mabilis ko ring isinara ang aking bibig at baka pasukan pa ng susyal na insekto. Siyempre nasa mall kaya susyal tawag sa kanila. By the way, highway. Mabalik tayo, ano sabi niya? Nawala ang bag niya. Nilingan-lingan ko ang aking ulo sa kanyang mga gilid at talaga ngang wala siyang dala na kahit ano. Naholdap siya? Ninakawan? Paano? Ay, bakit hindi ko kaya itanong sa kanya, 'no. Tumikhim ako upang alisin ang tila bumara sa aking lalamunan na hindi ko mawari kung laway o mga letra ng English words na gagamitin ko. "Everything? As in everything?" Parang inulit ko lang, eh. "Yes and yes. My bag with my papers like my passport, my wallet, where's my I.d's are on it. My phone too, that is why I borrow someone's phone to call you. It's really good I have your number in my mind," mahaba niyang paliwanag na muntik na akong makatulog. Joke lang. "It's good I put some money in my pocket." Ay, hindi pa pala siya tapos. Huminga ako nang malalim habang nakatingin sa kanya. Hindi ko alam kung maaawa ako o ano. "Wait, how..how..how your bag fly away?" Napangiwi ako sa tanong ko, bahala siya. "What?" Kunot noong tanong niya na ikinairap ko. What? What? Parang simple lang ang tanong ko. "Your bag, how it lost?" Perfect. Pwede, pwede. "Oh! Ok. I tell you. I want to go to the restroom. I'm planning to call you but I needed to go first in the restroom. Now, someone said bags are not allowed inside so I left it to that guy and entered the restroom. When I leave the restroom. The guy is nowhere to be found. Police came and asked me, everyone was asking me. Then, they said that I became a victim, like a bad person," malungkot niyang kwento. Muntik na nga akong maiyak, eh. Mukhang sa may bus station nawala ang gamit niya. Bakit naman kasi may mga taong mapanlamang sa kapwa. Kaya sumasama ang imahe ng Pilipinas dahil sa mga taong makasarili. "So.." Paano ko ba sasabihin ang 'Ano balak mo?' Ah, yes, alam ko na. "What is your plan now?" Seryoso niya akong tiningnan. Putik naman, e. Nakaka kilabot naman ang mga mata nito na kulay bughaw. Parang 'yung kay nognog. Hindi kaya magkapatid sila tapos hinahanap nito si Nognog? "Take responsibility of me." Wait! Parang nabingi ako sa sinabi nito Ano daw gusto niyang gawin ko? Responsibility? Bakit nabuntis ko ba siya? At may responsibility pa siyang nalalaman! "At bakit, aber?" Hayan, napatagalog ako. "Because you are the reason why I traveled here. So, take me to your place." Wala man lang siyang hiya talaga. "I'm really tired, I need to rest, please," pakiusap niya at nagpacute pa. Putsa naman, eh. Walang ganunan. Nasapo ko ang aking mukha. Nanghihina ako sa aking nakikita at naririnig. "Hey, what is wrong?" Naramdaman ko ang paghawak niya sa aking mga kamay. Bigla ko itong nabawi dahil tila may kuryenteng gumapang. Napatingin ako sa kanya at mukhang pati siya ay naramdaman 'yun. "No-nothing." Bakit ba ako nauutal. "Maybe I borrow you my phone. Call your family," sabi ko at mabilis kong kinalkal ang aking bag upang hanapin ang cellphone ko. Nang makita ko ay iniabot ko sa kanya. "Here." Tiningnan niya lang ang aking cellphone na para bang may lalabas dun. Tumikwas ang aking kilay nang hindi niya pa kinukuha ito. "Call your family. Tell them your bag fly away and you need help," pamimilit ko pa sa kanya at ako na naglagay ng aking cellphone sa kanyang palad. "I-I don't have a family." Ibinalik nito ang cellphone sa aking kamay at naroon na naman ang pagdaloy ng kuryente sa pagkakadikit lang ng aming balat. "What? No papa no mama? No baby, no sister and brother? Like my fingers," inangat ko ang aking mga daliri. They have a family. You, too." Seryoso kong sabi. "What are you saying?" "Here, this is papa finger, mama finger. Baby-" "Wait! I'm not kidding ok. Stop joking, I want to rest, I'm so damn tired." Minura pa ako ng g*go! Tumayo ako na ikinatayo niya rin. "Wait. You stay here and I go." Tinalikuran ko na siya. Baka mamaya nagsisinungaling lang ito. Hindi dapat ako makuha sa gandang lalaki baka mamaya bigla niya na lang ako dalhin kung saan at pagsawaan ang aking inosenteng katawan. Humakbang na ako palayo sa kanya. Nakaka ilang hakbang na ako nang mapansin kong nakasunod siya sa akin kaya naman huminto ako at hinarap siya. "Why you follow-follow me?" Sabay irap ko sa kanya. Feeling maganda lang. "I go with you," seryoso niyang sabi. Pinanlakihan ko siya ng mga mata. "No. Cannot go with me. You call your mama, papa basta dika pwede sumama sa akin. Hindi naman kita kilala eh," tagalog na 'yun at di na kinaya ng powers ko. "Let me come with you then I explain everything but please now I need to rest. If I collapse here, it's your fault. " Anak ng patis sinisi pa ako. Siya ang nagpunta-punta rito. Pinapunta ko ba siya? Blackmail pa more. "I feel dizzy." Bigla akong nataranta nang sapuin niya ang kanyang ulo. "Oo na, oo na. You come with me. Just, just, huwag ka muna mamamatay! Kawawa konsensya ko!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD