MIRACULOUS
HALOS TAKPAN ko ang aking pagmumukha habang naglalakad. Sino ba naman hindi? Kasabay ko si Afam as in nasa tabi ko. Oo na dapat proud ako pero paano ako magiging proud kung pakiramdam ko nabudol ako.
Palabas na kami ng mall nang magtanong siya.
"Where are we going?"
Inirapan ko siya at hindi sinagot. Pinagpatuloy ko ang aking paglalakad nang bigla niyang hawakan ang aking braso at ayun na naman ang tila kuryente kaya mabilis kong binawi ito.
Huminga ako nang malalim bago siya hinarap.
"You want go with me, right?" Shutaness! Gumagaling na ako mag-english. Nakita kong tumango siya. Putik na mga mata huwag mo ako masyadong titigan at ako'y natutunaw. Tumikhim muna ako. "Then, just follow the leader and that's me, ok." Sabay talikod ko sa kanya at baka ako ang mahimatay at mapakanta pa ako ng 'follow the leader'. Pasimple ko pa hinawakan ang aking ilong at baka puno na 'yun ng dugo. Salamat naman at wala pa.
Naramdaman ko na nakasunod naman siya sa akin hanggang sa makarating kami sa paradahan ng mga dyip.
Malayo pa lang ako ay nakikita ko na ang mga marites na nakatutok ang mga mata sa akin.
"Aba! Sa wakas may nabingwit na rin ang ating afam queen." Napangiwi ako sa isinigaw ni Aling Bingbing. Binansagan kasi nila akong Afam queen dahil raw sa pagka-adik ko sa mga afam. Parang ako lang mas malala kaya si Jeena.
"Afternoon amerikano welcome to the Pilipinas. Ang bansang puno ng mga marites, bow," yumukod pa si Aling Penpen na ikinatawa ng mga naroroon.
Gusto ko na lang yata lumubog sa kahihiyan lalo na at ang ibang pasahero ay nakatingin na sa amin. Dami talaga marites, baka bukas trending na ako ay bet.
"Mr.Amerikano, you lucky. Mira is an endangered species here," bakas pa ang pagmamalaki sa boses ni Manong Toto.
Napapikit naman ako dahil sa sinabi nito lalo na at narinig ko ang mahinang pagtawa ng Afam sa tabi ko. Sarap bigwasan, eh.
"Manong Toto, ginawa mo naman hayop si Mira," sita rito ni Aling Eunice.
"Bakit ano mali doon? Di ba ganyan naman ang hanap ng mga amerikano ang magaganda at tunay na Filipina," saad ni manong Toto.
"Oo, pero endangered species ay para sa mga nanganganib na hayop 'yung paubos na ang lahi," paliwanag ni Aling Eunice. Mabuti pa ito nakakaunawa ng english.
"Bakit paubos na naman ang kasing ganda ni Mira." Pasimple akong napangiti at inipit ang ilang hibla ng kumawalang buhok sa likod ng aking tainga sa sinabi ni manong Toto. Sige na pinapatawad ko na siya.
"May tawag sa ganya.. sandali nasa dulo na ng dila ko," sabad ni manang Lotlot.
"Patingin nga ng dila mo," pakikisakay ni Aling Penpen na mabilis namang pinalo ni aling Lotlot.
"Ibig kong sabihin alam ko may tawag pa doon. Nauuso kasi 'yun sabi kasi ang mga Afam na 'yan mahihilig sa mga ano.. Hindi n'yo ba nakikita 'ung trending sa mga t****k. 'Yung yummy hotdog my tommy is in the center of the bread. Oh! nakita n'yo 'ung girl, ganun ang malakasan. Hindi sa nanglalait ako pero pak ganern ang beauty," paliwanag ni Aling Lotlot.
"Exotic beauty," mabilis na sabad naman ni Aling Bingbing saka bahagya pang yumuko na parang ang galing-galing niya.
"Tumpak! Pak na pak, nakuha mo," si Aling Eileen.
Hindi ko alam kung matutuwa ako o ano. Alam ko sa sarili ko na maganda ako. Kung makapagsalita sila parang lugi pa si Afam sa akin, ah. Malaki lang ang bibig ko pero maganda ako. Tapos. Period.
"Grabe naman kayo kay Mira. Wala siya sa mga 'yun kasi si Mira 'yung ganda niya pang Miss Universe 'yung tanging siya lamang nandoon." Hindi ko alam kung pinupuri ba ako ni manong Juanito o nilalait.
Itinaas ko ang aking dalawang kamay, mabuti na lang ay maputi ang kili-kili ko at amoy deodorant pa. Nakasuot kasi ako ng crop top at jeans na may mga punit na sabi ni Jeena ay bagong style daw. Well, mabalik tayo sa aking pagtaas ng kamay upang kunin ang atensyon ng mga marites at ano ba tawag kapag lalaking tsismoso? Ah, basta.
Ayun at mukhang nakuha ko na ang atensyon nila. Ibinaba ko na ulit ang aking mga kamay at nag cross arms na lang. Dahil baka masilaw sila sa aking kili-kili.
"Bago po tayo makarating kay Tulfo dahil iniisip n'yo na kinidnap ko itong afam sa aking tabi." Tiningnan ko pa si afam mula ulo hanggang paa sabay irap. "Nagkakamali kayo. Hindi ko alam kung bakit ko siya kasama. I mean, baka pwede n'yo siya samahan o dalhin kung saan may makakatulong sa kanya dahil sabi niya nanakaw lahat ng gamit niya na dala," mahaba kong paliwanag.
"What?"
"Ano?"
"Oh my gosh!"
"Bakit?"
"Saan?"
"Anyare?"
Napatakip ako sa aking tainga dahil sa iba-iba nilang reaksyon na napaka o.a.
Narinig ko ang pagtawa ni Afam at tila biglang huminto ang pag-ikot ng mundo. Ang sarap sa aking pandinig ng kanyang halakhak na pang hollywood may style kasi ang pagtawa niya. Parang naipit ang p*********i niya, ganun.
"Hoy! Mira, isarado mo nga 'yang bibig mo baka pasukan ng langaw," rinig kong sita ni Aling Penpen. Kaya mabilis kong isinara ang aking bibig. Hindi ako naaakit sa scammer na ito kahit super duper handsome.
"Ano ba nangyari? Paano nawala ang gamit niya?" Kapagkuwan tanong ni Aling Elaine. Siya lang talaga ang matinong kausap.
Nagsimula akong i-kwento sa kanilang tunay na nangyari. Tumango-tango pa sila na para talagang nauunawaan ako, e, ako nga hindi ko alam ano mga pinagsasabi mo.
"Kasalanan mo naman pala, eh. Ikaw ang dahilan bakit siya narito kaya dapat ikaw mag-asikaso sa kanya," sabi ni aling Penpen.
"Oo nga!" Chorus na sagot ng mga marites.
"Baka mamaya ano pa mangyari sa kanya kapag dinala mo sa mga ahensya. Alam mo naman mabagal ang aksyon dito sa atin," sabad naman ni manong Juanito.
"Oo nga!" Chorus na naman na sagot ng mga marites.
"Mamaya kung saan dalhin o kaya iligaw," si aling Lotlot.
"Tapos kunin ang mga lamang loob saka ibenta. Mababalitaan na lang natin na nakalutang na sa ilog nang wala ng mga organs," pananakot pa ni Manong Toto.
"Oo nga!"
"Hep hep!" sigaw ko.
"Hurray!" Sabay-sabay na sagot nila with matching taas kamay pa.
Haru juice ko! Mas maloloka ako sa kanila.
"Pwede ba time pers muna! Ang layo-layo na nang narating ng mga advance n'yong utak, gosh. At oo na! Ako na bahala sa kanya baka mamaya konsensya ko pa kapag maaga itong magpakita kay san pedro," nakabusangot kong sagot na tinawanan lang naman nila. Tuwang-tuwa sa paghihirap ko.
"Siya na ang prince charming mo. Kahit walang datung, itsura pa lang at sa alaga niya bawi ka na," malanding sabi ni Aling Bingbing na kinindatan pa si Afam with labas dila.
Iwwwnnhhhh. Kadiri to detch!
"Halika na nga. At masisira ang beauty ko rito." Sabay irap at nagpauna na maglakad patungo sa mga dyip.
"Mira, wasak ang pussydoll mo dyan!" Narinig ko pang pahabol na sigaw ni Aling Bingbing. Ito talaga ang walang filter ang bunganga, isigaw talaga.
Nilingon ko siya saka ako sumenyas ng rawr! Parang leon na handang mambiktima.
"Hey, where are we going?" untag ni Afam nang pasakay na ako sa unahan ng dyip. Oo nga pala may kasama ako. My gosh! May head my knees ayan napakanta na ako.
"Uuwi na ako sa bahay ko. Ikaw, hindi ko alam saan ka pupunta," mataray kong sabi. Nakita ko ang pagkunot ng kanyang noo. Shuckiness talaga Papa God. Is this a test? Mabuting tao naman po ako.
Huminga ako nang malalim saka humalukipkip sa harap ni Afam at dahil matangkad siya at hanggang dibdib lang ako ay kailangan ko pang tumingala. Dahil pakiramdam ko kung sa baba ako titingin ay sa iba didiretso ang inosente kong mga mata na medyo naging mahalay na.
"Mr.Afam-"
"It's Adam," pagtatama niya. Ang arte!
"Ok. Repeat from the top." Tumikhim pa ako. "Mr. Adam, we need to ride here so we can go to my house, you get it? Like get get aw!" Napasexbomb dancer pa ako nang 'di oras. Nang makita kong nakangiti siya ay tila gusto na naman huminto ng aking mundo. Pero mamaya na at kailangan na namin umuwi.
"Manong, kasya ba kami rito?" tanong ko dahil pakiramdam ko ay napakasikip kung dalawa kami sa harapan.
"Oo, kung pakakandong ka sa kanya," pilosopong sagot ni manong Pedro na tatawa-tawa pa.
Humarap ulit ako kay afam. "Come here, you sit inside ok. Me, I sit here." Grabe, I'm proud of myself. Gumagaling na ako mag-english. Kapag gumaling talaga ako who you kayo sa akin.
"What? No! We must ride the same."
Adik ba siya? Mukha bang magkaiba ang sasakyan namin? Sarap hambalusin. Ang hirap-hirap mag-explain.
"Mira, bago ka pa maubusan ng dugo dyan ay sa loob na kayo ni afam umupo para makaalis na tayo at palipatin ko ang dalawa rito. Sige na, doble bayad kasi malaking tao 'yan." Nagmamadali lang si manong Pedro at siya na nagdesisyon.
Napabuga na lang ako nang marahas na hangin dahil wala naman akong pagpipiliin. Inaya ko na si Afam sa loob.
Pinagtitinginan kami nang makaupo kaming dalawa.
"May dumi po ba kami sa mukha?" Inis kong tanong. Kung makatingin parang may covid twenty two kami. "Magbayad ka na," tapik ko kay Afam. Kumunot ulit ang kanyang noo. At hindi ko alam kung matatawa ako dahil parang sikip na sikip siya sa kanyang kinauupuan.
Umusog ako nang konti para kahit paano ay makaupo siya nang maayos.
"Miss, siksik na rito," reklamo ng katabi kong pilit kong pinausog.
"Suri-suri," hingin-paumanhin ko na labas naman sa ilong ko. Ang arte parang ang taba naman. Payatot naman. Napapikit ako, sorry na Papa God. Papakabait na ako.
Inilahad ko ang aking palad kay Afam na tila natutuwa sa nasasaksihan nang umandar ang dyip.
"Wow. Amazing. This car is wonderful," namamanghang sambit niya na ikinatawa ng mga kasama namin. Makatawa parang mga ewan. Natural, bago kay Afam ang nakikita. Sila kasi makalait sa dyip wagas hindi man lang maging proud sa gawang Pilipino.
"Later you wow wow there. Give me money, we pay to manong driver," sabi ko sa kanya. Alangan naman ako pa mamamasahe, mahiya naman siya sa maputing balat niya.
Hirap na hirap pa siyang kunin ang ewan ko kung magkano ba naitabi niyang pera sa bulsa.
Napataas kilay na lang ako ng mukha kahit paano ay malaki-laki naman ang hawak niya.
"How much?" tanong niya.
Dahil alam kong wala siyang kamuwang-muwang sa pera natin ay naghanap ako ng bente pesos sa hawak niyang pera. Kinuha ko ito saka ko sinabi na ibalik na ang pera niya nang maayos. Sinamaan ko pa ang katabi niyang lalaki na napapatingin pa.
"Ikaw kuya, umayos ka. Kapag nawala ang pera niya, ikaw ang suspek ko!" pagbabanta ko pa kay kuya na tila natakot yata sa itsura ko. Kapal ng mukha, maganda naman ako, eh. Porket parating na ang undas. Inirapan ko siya saka ako nagbayad at baka mag-double trending pa ako. Hindi nagbayad ng pamasahe saka na-scam ng afam. Charot lang.
Nang makita kong malapit na kami sa kanto ay inilapit ko ang aking bibig sa tainga ni Afam. Napapikit pa ako, ang bango shuta talaga. Oh! Tukso layuan mo ako! Singer talaga ko nung mga panahon na hindi pa uso ang music.
"You shout para po," bulong ko kay afam.
"Phara poh!" Malakas niya ngang sigaw na umabot yata hanggang sa kabilang lungsod. Napatakip kami lahat ng tainga. Gumewang din ang dyip na tila pati si manong ay nabingi.
Nagtataka naman si Afam na tumingin sa akin at itinuro ang mga kasama namin na masama na ang tingin sa amin. Kaya naman pagkahinto ng dyip ay mabilis kong hinila si Afam sabay sigaw ng 'takbo'.
Tuwang-tuwa pa ako habang hinihingal nang huminto kami sa pagtakbo. Hawak ko ang aking dibdib na tila may sampung kabayo wait paano sila nakapasok sa dibdib ko, echos lang! Ayun, nagkakarera sa hingal ko.
"Is that how it is?" Boses ni Afam ang nagpabalik sa akin sa mundo ng tao. Mukhang akala nito ganun yata ang pagbaba sa dyip.
Pero infairness, nag-enjoy ako ang sarap pala nang pakiramdam nang hinahabol kahit wala naman. Ako kasi madalas maghabol kay nognog. Speaking of the devil ay palapit ito sa amin at madilim ang pagmumukha. Maitim na nga lalo pa umitim. Ay! Nakalimutan ko mabait pala ako.
"Nognog!" Nakangiti kong bati sa kanya.
"Kailan ka pa nagtaksil sa akin, Miraculous?" Parang kulog ang boses niya na ikinagulat ko at ni Afam. "Bakit ka nag-uwi ng maputing nilalang rito? Magpaliwanag ka! Sabihin mo! Aminin mo! Sino siya? Bakit ang pogi!" Napaawang na lang ang aking bibig sa huling sinabi ni nognog.
Totoo ba?! Bakla si Nognog?!