Chapter 9

1690 Words
MIRACULOUS PAKIRAMDAM Ko ay para kaming mga germs ni Afam dahil sa mga mata na kung makatitig sila sa amin ay tilang gustong pasukin ang kaloob-looban ng aming katawan. Nang hindi ko na makayanan ang ginagawa nilang paninitig ay tumayo ako saka humalukipkip. "Anong meron? Ngayon lang ba kayo nakakita na maganda? Lagi naman ako na—" Natigil ako sa pagsasalita ng isalpak ni Nognog ang tinapay na kinagatan na nito sa aking malaking bibig. Hayuuup talaga. Pasalamat siya at may paggalang ako sa pagkain kaya naman inubos ko ang ibinigay niya at sumenyas na bigyan niya ako ng tubig. Mabuti naman at sumunod dahil kung hindi malilintikan talaga siya sa akin. Nang matapos ko maubos ang isang basong tubig ay muli ko silang tiningnan isa-isa. Mula kay Jeena, nognog na busy sa paglamon kahit kailan patay-gutom at huli ay kay Papita na prenteng nakaupo na sa aming harapan. Seryoso ang mukha nito kaya hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip niya. Bigla akong kinabahan nang dumako ang tingin niya sa akin at ang taas ng kilay. Ang taray ng Papita ko! "Explain," seryosong sabi ni Papita na ikinalaglag ng aking panga. Wow, englishera na talaga. Kina-career niya, pak! "Hurry up, Mira, bago pa kita kurutin sa singit dahil sa pagdala mo sa kanya rito." Tiningnan niya pa si afam kaya napasunod ako ng tingin. Nagsalubong ang mga mata namin ni Afam at ayun na naman ang titig niya na nakakapanglambot ng kasu-kasuan. "What is happening?" kapagkuwan tanong niya. Mataray ko siyang inirapan at baka hindi ako makapagpigil ay maitapon ko siya sa pinakamalapit na sapa. Muli akong umupo sa tabi niya pero sinigurado ko na may distansiya at baka bigla na naman ako makuryente. "Magpaliwanag ka na, Mira para matapos na at makauwi na 'yang bisita mo. Baka mamaya pinaghahanap na niya at sabihin kinidnap mo," sabad ni Nognog kaya naman binigyan ko siya ng isang matalim na tingin. "Miraculous, we are waiting." Dahil tinawag na ako ni Papita sa aking full name ay alam kong malapit na siyang mainis. Kaya naman sobrang lalim akong huminga upang kumuha ng lakas ng loob. At sana ay gabayan ako lahat ng santo sa mundo. Matapos kong maikwento ang tunay na mga kaganapan ay pinalipat-lipat ko ang tingin sa tatlo, 'wag nang isali si Afam at na-stress lang ako sa kanya. "Papita, any reaction, suggestion, multiplication, Subtraction, Division o Addition na lang." Napangiwi pa ako sa mga pinagsasabi ko. Bakit may math na nasali? "What are you saying?" "Tigilan mo ako, at baka mag-fly ka pabalik sa bansa mo." Sinamaan ko siya ng tingin. At ewan ko pero bakit parang natutuwa pa ito sa nakikita. Hindi niya ba alam kung ano ang ginawa niyang kaguluhan sa tahimik kong mundo. Papa God why? Why why, delilah! Ayan napapakanta na naman ako. Singer kasi talaga ako, e. "What is your plan now? Adam, right?" tanong ni Papita na sabay naming ikinalingon ni Afam rito. Wow! Just wow! Narinig ko rin na napasinghap sina Jeena at Nognog. Bilib na naman sila sa Papita ko. "I really don't know as of now. I don't have anything left to me except some money in my pocket," mahinahon sagot ni Afam. "You are saying that you cannot contact anyone abroad? You can't remember any phone numbers?" Patuloy na pag-uusisa ni Papita. Napatanga na lang kami dahil sa galing niyang mag-english. "Honestly, I-I don't have any relatives. I'm working as a driver in Brazil. When I met Miraculous—" "It's Mira lang," maarte kong pagtatama sa kanya. Tiningnan niya ako saka ngumiti. Napahawak na naman ako sa garter ng panty ko. Iba talaga ang dating. Itinuloy niya ang sinasabi. "Mira, it is. Like what I am saying, when I met her I decided to travel to your country to meet her. I wouldn't deny the fact that I like…her." Napalunok ako at ang bilis kong iniwas ang tingin sa kanya. At hindi ko talaga kinaya ang lumabas sa bibig niya kaya naman mabilis akong tumayo at lumapit kay Nognog na busy naman sa pagkain ng balitog. Nagsalin ako ng tubig sa baso saka inisang lagok 'yun. Para kasing nanuyo ang lalamunan ko. "Kinikilig ka 'no," pang-aasar ni Nognog sa akin. "Shut up!" asik ko sa kanya. "Asus! May porn-ever na si friendship ko," singit rin ni Jeena na nakalapit na sa amin ni Nognog. "Heh, manahimik ka rin dyan," sita ko rin sa kanya. Ramdam ko ang panginginig ng aking mga kamay na nakahawak na sa may sandalang kinauupuan ni Nognog na hindi ko alam paano ako nakarating roon sa likuran niya. Hindi ko na nga alam kung ano na ang pinag-uusapan nila Papita at ni Afam dahil tila naging blangko ang utang ko sa lantarang pag-amin niya na nagustuhan niya ako. Kikiligin na ba ako? "Nuel, samahan mo si Adam sa canteen." Napalingon kami kay Papita sa sinabi niya. Binigyan ko siya nang nagtatanong na tingin. "Sa ngayon, wala naman tayong magagawa kundi patuluyin siya. Papatulong na rin ako para makapag-post kung sino man makakakita ng mga gamit niya. Sigurado itatapon lang 'yun dahil hindi naman mapapakinabangan. Habang naghahanap pa tayo nang ibang paraan kung paano siya makakabalik sa bansa niya ay dito muna siya titira sa atin," mahabang paliwanag ni Papita na ikinatanga ko. Titira? Tama ba ang narinig ko? "Pa-papita, sigurado po kayo sa desisyon n'yo? Paano po kung masamang tao 'yan?" Rinig kong pagsalungat ni Nognog at tiningnan pa si Afam. Mabuti naman at may nagawa rin itong matino. "Pero mukhang matino naman ang pagmumukha niya. Ang gwapo, e." Binabawi ko na ang unang sinabi ko. Langya naman. Nagdadabog ako na lumapit kay Papita. "Papita, are you sure?" Ayan napa-english na rin ako. Nagsalubong ang mga mata namin ni Papita. At kitang-kita ko na walang makakaawat rito sa naging desisyon. Isa sa mga ugali ni Papita ay ang panindigan ang mga desisyon lumabas na sa bibig niya. Kaya naman alam kong wala na akong laban. "Responsibilidad natin siya dahil ikaw ang rason kung bakit siya narito sa Pinas. Saka, kaya nga doon ko siya sa canteen para hindi tayo mapahamak kung sakali. Kung masamang tao siya at nanakawin lahat ng gamit natin doon. Okay lang, ang mahalaga hindi tayo makokonsensya kung may mangyaring masama sa kanya kapag pinaalis natin siya rito. Naiintindihan mo naman ang sinasabi ko 'di ba?" Pahayag ni Papita sa akin. Nakuha ko naman ang gusto niyang mangyari. Napakabuti talaga ng aking Papita kaya naman hindi ko napigilan na yakapin siya. Matapos ang aming yakapan moment ay sabay kaming bumaling kay Afam. Nakaakbay si Papita sa akin habang ako naman ay nakayakap sa kanyang baywang. "Nuel will accompany you to our small canteen. There is a small room there, you can stay there. Don't worry it's clean. About your clothes, Nuel will lend you " sabi ni Papita kay Afam. "Bakit ako na naman?" Mabilis na nakalapit si Nognog sa amin at sabay reklamo. "Anong kinalaman ko sa kanya, saka baka hindi nagsusuot 'yan ng mga mumurahing damit." Hinila-hila pa niya ang maluwag na t-shirt na suot. "Anything is fine to me. And I have some money here, maybe I could buy some of my personal stuff. I know I really bothered a lot," bakas ang nahihiyang boses ni Afam na biglang nagsalita. Mukhang nakakaunawa talaga ito ng tagalog pero hindi marunong magsalita. Hindi nga ba? Gusto ko sana siyang irapan pero huwag na lang. Bukas na lang at kota na siya ngayong araw. "Sure. Mira will help you tomorrow to buy." Napalingon ako kay Papita dahil sa sinabi nito. Ako? As in ako? Me? "Oo, Mira, ikaw at walang iba. May trabaho si Nuel bukas, saka hindi ba ikaw ang rason bakit siya nakarating sa Pinas." Ano 'to, pangongonsensya? Napasimangot tuloy ako. Bakit bigla ako nagkaroon ng obligasyon. Ang sabi ko gusto ko ng Afam at hindi—Ah basta. "Aakyat na muna po ako sa kwarto ko," magalang kong paalam kay Papita. Pinaningkitan ko muna ng mga mata si Afam sabay irap at nagmamadali na may pagdadabog pa akong umakyat sa silid ko. Bahala na si Nognog sa lalaking 'yun. Bagay naman silang magsama kape at gatas. Bigla akong napahagikhik sa kalokohan ng isip ko. "Para kang baliw dyan friendship." "Ay pusang gala!" tili ko nang bigla na lang kasi nagsasalita si Jeena sa likod ko."Ano ka ba!? Huwag mo nga akong ginugulat," inis kong sita sa kanya saka binuksan ang aking silid at diretso humiga. Napagod ako. Literal na napagod ako sa araw na ito. "Usog ka nga. Sinakop mo naman ang buong kama." Napilitan akong umusog dahil sa istorbong nilalang sa tabi ko. "Sino ba kasi nagsabi sayo na sumunod ka rito, saka bakit ka ba narito? Napaka marites mo talaga, 'no!" "Friendship naman, siyempre hindi ako pwede mahuli sa progress ng lovelife mo," kinikilig pa niyang sabi. Anong lovelife pinagsasabi niya? Mukha bang may lovelife na nangyayari? Wish niya lang. Oo, super duper gwapo si Afam pero waley naman pera. "Sige sayo na siya, buong puso ko siya ibinibigay sayo," sabi ko na ikinalaki ng mga mata niya. See, akala ko ba may bagong boyfie na siya pero ngayon kung kumislap ang mga mata parang nakakita ng ginto. Akala ko ay magsisigaw ito kaya tatakpan ko na sana ang aking mga tainga nang bigla itong natahimik. Napalingon tuloy ako sa kanya. Para itong nag-iisip, ang hintuturo nito ay tumatapik sa may baba. Parang ewan lang. Kaibigan ko ba talaga ito? Pati sarili ko pinagdududahan ko na. "On second thought." Wow english 'yun. "Mas bagay kayong dalawa kaya it's a big NO. Hindi ako mang-aagaw ng jowa ng aking friendship. Hindi ko gagayahin ang mga nababasa ko sa libro. I am a loyal best friend." Inilingkis pa niya ang braso sa aking braso na ikinailing ko. Pero deep inside ay nakaramdam ako ng tuwa. Mahirap makahanap ng totoong kaibigan. Sa panahon ngayon na kahit ipagbawal ang plastic ay hindi na talaga mapipigilan. Parte na ito ng komunidad, lalo na ng buhay ng tao. Nagkatinginan kami ni Jeena saka sabay na napangiti. At hinding-hindi ko rin sisirain ang pagkakaibigan namin sa kahit na anong dahilan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD