Chapter 12

2403 Words
MIRACULOUS NAGING TAHIMIK ANG mundo ko mula pa kahapon. Mula nang umuwi kami ay walang gumulo sa akin. Si nognog, Jeena at maging si Amerikanong hilaw. Nakapagpahinga ako nang mabuti. Lunes na naman at panibagong bakbakan na naman. Naghahanda na ako para pumunta na sa karinderya. Hindi talaga ako tumutulong kapag almusal lang. Tamad daw kasi ako gumising nang maaga sabi ni Papita kaya naman sa tanghalian na lang ako nakatoka na magluto. Pinapatuyo ko ang aking buhok habang nakaharap sa salamin na nakasabit sa dingding. Bigla ako natigilan, isang buwan na lang pala at birthday ko na. Ang bilis ng panahon. Malapit na ako mawala sa kalendaryo hindi ko pa nahahanap ang afam ko. 'Nandyan na kaya siya, si fafa Adam' Napasimangot ako dahil sa munting tinig na 'yun. At bago ko pa awayin ang sarili ko na pilit nagtataksil sa akin ay tinapos ko na ang aking pag-aayos nang makaalis na ako. Habang tinatahak ko ang daan ay hindi ko maiwasan isipin kung ano kaya ang ginagawa ni Adam ngayon. Tulog pa ba siya? Tumulong ba siya? Pero ano ba alam no'n sa gawain namin sa karinderya? Baka hinayaan lang matulog ni Papita, malilintikan talaga sa akin ang amerikanong hilaw na 'yun. Nagtataka ako kung anong meron at tila may block buster sa karinderya dahil may mga grupo ng kababaihan ang nagtipon-tipon roon. "Excuse me! Excuse me! Dadaan ang pinakamaganda sa buong barangay Natigang!" Malakas kong sigaw. Pero parang bingi ang mga ito hindi man lang ako bigyan ng daan. Kinalabit ko tuloy 'yung isang ale na nakapamaywang pa sa tabi ng pintuan. "Mamaya na. Ang ganda ng view rito, grabe," angal niya at tinapik pa ang kamay ko. Aba! Gusto yata nila ng gulo o gera? Muli ko siyang kinalabit pati ang isa para makadaan ako pero pareho lang nilang tinabig ang aking kamay. Juice colored! Patawarin n'yo po sana ako sa aking gagawin. Kinuha ko ang nakita kong kaldero na nasa may tabi. Saka ko ito malakas na ibinagsak. "Ay palaka! "Ay pusang gala! "Ay p*ke na malaki! "Nasaan ang sunog?!" "Kabayong nabuntis!" Kanya-kanya silang sigaw at sabay lingon sa akin. Tumikwas ang aking kilay. "Kanina pa ako nakikiraan, nakaharang kayo dyan. Kung hindi kayo magsisikain, magsilayas kayo at minamalas ang aming negosyo!" Singhal ko sa kanila na may pag-aksyon pa ng aking mga kamay. 'Yung iba ay tiningnan pa ako na tila nanunuri kaya naman mas pinanlakihan ko sila ng mga mata. Kanya-kanya silang karipas nang takbo. Pinagpag ko ang aking mga kamay sabay irap sa hangin. Akala nila, ah. Tigasin yata ito. Hindi tigasaing at tigalaba, ah. Pero pwede rin naman minsan. Natawa ako sa sarili kong joke. Pagkapasok ko sa loob ay sumalubong agad sa akin si Adam na walang pang-itaas na damit. Ang aga naman ng biyaya mo, lord! "Tulo mo lumalaway," boses ni Papita ang pumukaw sa akin. Mabilis ko naman pinunasan ang bibig ko. Pero ganon na lang ang pagkainis ko ng mapagtanto na niloloko lang pala ako ni papita. Napaismid tuloy ako saka naglakad na patungo sa kusina. "Kaya naman pala ang aga-aga ay puno na ng marites ang labas," parinig ko sa kanila. "Mabuti nga at nandito si Adam. Ang tagal ko nang gustong ayusin 'yan. Ngayon ko lang nagawa. That's the last Adam, thank you so much," depensa ni Papita. "Kailangan ba talaga na maghubad? Papita naman, alam n'yo naman bagong salta 'yan dito tapos may lahi pa kaya siguradong pagkakaguluhan 'yan." Nilakasan ko ang aking boses para marinig nila. "Hayaan mo sila. Pinahubad ko para nga hindi madumihan at malagyan ng pintura." "Saka Papita…" Dumukwa ako sa may butas mula sa kusina para silipin sila. "Sa dami ng araw, ngayon pa po talaga? Hahalo ang amoy ng pintura sa pagkain," reklamo ko. Totoo naman kasi. "May naamoy ka ba?" balik-tanong ni Papita na ikinatigil ko. Suminghot-singhot pa ako. Oo nga, bakit parang hindi ko naamoy ang pintura. Mabilis akong humakbang palabas at lumapit sa kanila. Suminghot-singhot pa ako. Pero wala talaga. Nagtataka akong tumingin kay Papita. "Si Adam may ginawa sa pintura, ewan ko rin. Pero ang mahalaga ang ganda na 'di ba? Tingnan mo anak, luminaw na ang pangalan." Sinundan ko ang tinuturo ni Papita. At kusang gumalaw ang mga labi ko upang ngumiti. "Bekylog," mahina kong sambit sabay ngiwi. Mas luminaw nga ang pangalan ng karinderya. Pangalan na ewan ko ba. "Opo Papita, sobrang linaw na nga po. Pero sana pinapalitan n'yo na rin ang pangalan." "No! Hindi maaari, huwag mong pang-interesan ang pangalan nitong karinderya natin, Mira. Magluto ka na nga doon—kumain ka na ba?" "Hindi pa po, wala naman pagkain sa bahay," sagot ko habang nakataas ang aking kilay na sinusundan si Adam sa pagliligpit ng mga ginamit niya. Mabuti naman at marunong siya gumalaw. Siguro hindi naman siya anak mayaman sa pinanggalingan niyang bansa kaya kung gumalaw ay parang sanay na sanay. Pero, hindi ko rin maiwasan pagtuonan ng pansin ang katawan niya na talaga naman kapansin-pansin. Nang magtama ang aming mga mata ay bigla na naman kumabog ang puso ko. Wala sa sariling napahawak ako doon. "Are you alright?" tanong niya at akmang lalapitan niya ako nang itaas ko ang isang kamay ko. "Dyan ka lang, huwag kang lalapit sa akin," sabi ko at mabilis akong bumalik sa kusina. Napasandal ako sa may pader. Bakit ba ganoon na lang ang reaksyon ng puso ko sa tuwing magtatama ang aming mga mata. Para kasi siyang may powers na gustong higupin ang buong pagkatao ko. "Ayos ka lang, Mira?" tanong ni manang Rosa ang pumukaw sa akin. Mabilis akong umayos ng tayo at tumango. "Ano nangyari doon? Parang nakakita ng multo?" Rinig kong sabi ni Manang Rosa pagkalabas niya sa kusina. "Hayaan mo ang batang 'yan at baka nalipasan lang ng gutom," sagot ni Papita. Hindi man lang ako pinagtanggol. Huminga muna ako nang malalim saka tiningnan kung ano pa natira para sa almusal. May nakita akong longganisa at ham kaya naman 'yun ang kinuha ko at ang sinangag. Nagtimpla na rin ako ng kape. Paupo na sana ako nang pumasok si Adam sa kusina. "Mira, ipaghanda mo ng almusal si Adam," sigaw ni Papita. Pinaikot ko ang aking mga mata nang umupo siya sa katapat na upuan ko. Talagang pinanindigan na pagsilbihan ko siya. Humalukipkip ako sa harapan niya. "You serve yourself. Get a plate, spoon, fork and food. Wala kang katulong dito," inis kong sabi." Nang tingnan niya ako ay tinaasan ko siya ng kilay. Pero sabay kami natigilan nang marinig ko ang pagkulo ng tiyan niya. "Sorry. I'm really hungry," sabi niya. Kumunot naman ang noo ko. Bakit hindi siya kumain kanina. Gusto ko sana siyang awayin kung bakit hindi siya kumain kanina at nagpapalipas ng gutom pero nang maalala ko na kailangan ko mag-english ay—ipaghahain ko na lang siya. Hindi naman mahirap gawin 'yun, ang dali-dali lang. Habang kumakain kami ay bigla ako nakaramdam nang pagkaasiwa. Pakiramdam ko kasi ay tinititigan niya ako pero kapag titingin naman ako sa kanya ay hindi naman. Assuming na ba ako? Napatingin ako sa kanya nang tumayo siya. "Finish your food. I think you still have work to do. Thank you for the foods," sabi niya saka humakbang na palabas ng kusina. Napatingin tuloy ako sa pinagkainan niya. Tapos na nga siya habang ako ay hindi pa yata nangangalahati. Pero teka lang, hindi man lang niya iniligpit ang pinagkainan. Nanggigigil akong ipinagpatuloy ang aking pagkain. Naisahan niya ako. Matapos kong kumain ay nagsimula na akong magluto katulong si manang Rosa at Papita. Gusto ko sanang itanong kung nasaan si Adam pero pinigilan ko ang aking sarili at baka ano pa isipin nila. Mga marurumi pa man din utak nila lalo na si Papita. "Mira," tawag ni Papita sa akin na ikinatigil ko sa paghalo sa adobong manok. "Bakit po?" "Naisip ko habang hindi pa natin alam kung ano ang gagawin kay Adam ay hahayaan ko na muna siyang tumulong-tulong rito sa karinderya. Nasabi ko na sa kanya 'yun kanina at tuwang-tuwa naman siya," imporma ni Papita. Hininaan ko ang apoy nang niluluto ko saka lumapit kay Papita. "Sigurado po ba kayo? Hindi po kaya hinahanap na siya sa kanila? I-report na lang po kaya natin na nawawala siya o kaya i-surrender natin sa immigration po ba 'yun? Basta doon sa mga ibang lahi na naliligaw ng landas," suhetsyon ko. Tiningnan ako ni Papita na para bang hindi makapaniwala sa sinabi ko at umiling. "Mira, tao si Adam at hindi pusang naliligaw. Saka, sabi ko pansamantala lang naman. Nag-post na kami sa socmed para ipaalam kung sakali may nakitang mga gamit niya ay kontakin tayo. Kahit man lang sana ang mga I'd's at passport niya." "Ikaw po bahala Papita basta huwag siya pakalat-kalat rito at huwag siyang manlalandi ng mga shokoy sa paligid. Sabihin n'yo po 'yan sa kanya, 'yun ang rules ko po," sabi ko sa determinado na boses. Binalikan ko ang aking niluluto. "Bakit hindi ikaw ang magsabi sa kanya." Napairap ako nang mabakasan ang panunudyo ni Papita. "Pwede ba Papita, hindi ko po siya type. Mas type ko 'yung may walong abs, tapos medyo dark 'yung color, kumbaga po—" "Tall, dark and handsome." Ang bilis kong pumihit paharap sa taong nagsalita. Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Adam na nakatayo sa may pintuan at bagong ligo. Napalunok ako nang makita kung paano nag-flex ang muscles niya nang suklayin niya ang basa pang buhok gamit ang mga daliri nito. Ano parusa po ba ito Lord? Ibaba ko sana ang tingin ko upang tingnan kung babakat rin ba ang— "Mira, ang niluluto mo!" Sigaw ni Papita na ikinabalik ko sa huwisyo. Ang bilis kong pinatay ang stove ng makitang natuyot na ang adobo. Kasalanan ni Adam! HINDI KO alam kung ikakatuwa ko ba ang pagdating ni Adam sa buhay ko ay sa karinderya namin pala o ikaiinis ko. Dahil hindi kami magkadaugaga sa dami ng customer. Para bang may magic na dumoble pa sa dati ang bilang ng mga kumakain sa amin. Ang iba ay take out na nga lang dahil nga wala ng pwesto. "Take it slowly everyone. Please fall in line, don't push each other, please," rinig namin na awat ni Adam. Imbes na tagaligpit siya ng mga pinagkainan ay naging instant sekyu siya. "You so pogi." "You big also down your inside pocket?" "Umayos nga kayo, ano mga pinagsasabi n'yo." Rinig kong awat ng isang babae sa mga kasama niya. "Sorry, they are just crazy. By the way highway, how long is your hotdog?" Napapikit na lang ako dahil akala ko ay matino ang umawat, isa rin pala. "Grabe, mabuti na lang marami-rami ang niluto natin. Tama nga si Buknoy, dudumugin tayo," sabat ni Manang Rosa na nag-re-refill sa wala nang laman na mga lalagyan. "Miss, ito ang akin. Saka pwede pati si Afam take home ko na rin," sabi ng baklang nakapila habang nakatingin kay Adam. Pang-ilan na ba siya sa mga nagsabi no'n. "Ano miss, pwede ba?" Inirapan ko lang siya saka binalot ang itinuro niya sabay abot rito. "Fifty pesos," mataray kong sabi. "Ang mahal naman, gulayta lang 'yan ah." "Ito nga hindi mo mabayaran tapos gusto mo pa si Afam. Magbayad ka na at marami pa ang nakapila," inis kong sabi, oo na, dapat maging mabait sa customer pero talaga mainit ang ulo ko lalo na sa mga babaeng hindi na yata tinantanan si Adam at todo pa-cute pa sila. "Adam, that's enough. We don't have food to sell," sigaw ni Papita. Mabuti naman. Napatingin ako sa orasan na nakasabit sa taas ng dingding. Wala man kalahating oras ay paubos na ang tinda namin. Nakita kong tinulungan na ni Adam si Katkat na magligpit ng mga lamesa para sa mga susunod na kakain. Habang ako ay nagpatuloy sa pag-aasikaso sa mga nakapila pa rin. Nasa panghuli na ako nang mapalingon ako sa may pintuan at nakita si Tope na humahangos. "Ma-may pagkain pa ba?" Hinihingal niyang tanong. Si manang Rosa na ang umasikaso sa huling nakapila habang ako ay nakakunot ang noo na tiningnan si Tope na palapit sa gawi ko. Nang tingnan niya ang mga lalagyan ng ulam ay bumagsak ang mga balikat niya nang makitang wala ng laman ang mga 'yun. "Ubos na?" "Bakit ngayon ka lang?" tanong ni Papita. Napakamot si Tope sa batok. "Kasi naman po may pina-rush sa akin. Nang palabas ako sinabi na bilisan ko raw at marami nga daw ang nakapila. Hindi naman ako naniwala kaso nakasalubong ko si Gary at ganun rin ang sinabi kaya naman tumakbo na ako kaso…wala na ako naabutan. Ayoko kumain sa iba," kwento niya na parang bata pang nagrereklamo. Napailing na lang ako dahil sa itsura niya na para bang wala ng pag-asa. "Humanap ka nang mauupuan mo at hintayin mo ako. Huwag ka ng choosy sa ibibigay ko sayo at baka ipalamon ko lahat sayo 'yun," pagsusungit ko sa kanya. Nakita kong lumiwanag ang mukha niya at mabilis ngang naghanap ng mauupuan. Pumasok ako sa kusina upang kuhanin ang itinabi kong dalawang putahe na madalas niyang orderin, dalawang order ng kanin at siyempre ang saging. Unggoy yata siya at kailangan laging may saging sa tuwing kakain. Inilagay ko lahat sa may tray at akmang bubuhatin na ito nang pumasok sa loob si Adam. Dumiretso ang tingin niya sa tray. Kunot ang noo niya at bakas ang disgusto sa mukha niya. Samantalang kanina ay makangiti siya sa mga babae sa labas ay abot hanggang tainga. "Who is that for?" He asked me. Imbes na sagutin ay inismiran ko lang siya saka binuhat na ang tray. Pero humarang siya sa dadaanan ko. "Excuse me." "I'm asking you?" Muli niyang tanong. Ano bang pakialam niya. "None of your business," sagot ko sa kanya. Oh, 'di ba? Keri mo 'yon 'te? "Let me carry it." Hinawakan niya ang magkabilang gilid ng tray dahilan para mahawakan niya ang aking mga kamay. Natigilan na naman ako dahil sa parang kuryente na naman na naramdaman ko. Kung hindi ko lang iniisip na baka bumagsak ang tray ay siguradong binitiwan ko na 'yun. Nang magtagpo ang aming mga mata ay natigilan na naman ako sa paraan nang pagkakatitig niya. "Mira, nasaan na ang pagkain ni Tope?" Sigaw ni Papita ang gumising sa akin mula sa isang panaginip. Pinilit kong bawiin sa kanya ang tray pero mas humigpit ang pagkakahawak niya. "Is he your boyfriend?" Umawang ang bibig ko sa tanong niya. Ano daw?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD