Chapter 11

1090 Words
MIRACULOUS HABANG KUMAKAIN kami dito sa nakita namin karinderya ay hindi ko maiwasan sulyapan si amerikanong hilaw esteh si Adam. Kanina kasi ay natawag ko siya gamit 'yun at kulang na lang ay pilipitin niya ang leeg ko. Adam daw ang pangalan niya. Gusto ko sana itanong kung ano apelyido niya kaso 'wag na lang. Less talk, less mistakes. Oh 'di ba? Galing ko na talaga mag-english. "Do I have dirt on my face?" Mabilis kong binawi ang tingin ko sa kanya. Bakit ba hindi ko napansin na tumagal ang tingin ko sa kanya? Inabala ko kunwari ang sarili ko sa pagpulupot ng spaghetti sa tinidor ko. "Are you sure you can eat that all?" Untag ni Adam sa akin. "Hu-huh?" Nag-angat ako ng tingin. Nakita ko ang mga mata niya na tila aliw na aliw sa…akin? Mukha ba akong clown? "You almost finish your food in your plate," sabi niya na ikinatingin ko sa aking plato. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang halos sandukin ko na lahat ng spaghetti sa plato ko. Oo, malaki bibig ko pero hindi ako patay-gutom Para takpan ang pagkapahiya ko ay inirapan ko siya saka kinuha ang kutsara ko upang bawasan. Ayoko siyang kausapin dahil wala pa akong energy. Narinig ko ang mahina niyang pagtawa kaya naman sinamaan ko siya ng tingin. Mabuti na lang at nakuha niya dahil tumigil na siya at itinuloy na ang pagkain. "Ang gwapo 'no?" "Swerte naman ni ate nakasungkit ng Afam." "Saan niya kaya nakilala 'yan?" "Hawakan n'yo mga garter ng panty n'yo at baka nalaglag na, shucks!!! Ang gwapo talaga. How to be you po?" Napapikit na lang ako sa mga naririnig ko. Parang naulit lang kasi 'yung kanina habang nasa dyip kami. Heto na naman. Bakit ba kasi masyado agaw-atensyon ang amerikanong hilaw na ito. Kasi nga gwapo. Umirap ako sa hangin dahil sa sagot ng isip ko. Traydor ka! Traydor! Sita ko rito. Binilisan ko na ang pagkain at nang makalayas na kami. Naiirita ako sa mga malalanding nasa paligid ko. At baka kapag ako hindi nakapagtimpi ay masungalngal ko sila. Dahil sa sunod-sunod ang pagsubo ko ay nabulunan tuloy ako. "Here." mabilis akong inabutan ni Adam ng isang basong tubig na mabilis kong ininom. Naubos ko ito at saka ako nakahinga nang maayos. "Are you in a hurry? Why are you eating so fast?" Bakas ang pagtataka sa boses at mukha niya. Muli muna ako nagsalin ng tubig sa baso at ininom. "I-I have important business. We need go home." Napangiwi ako sa barok kong english. Subukan lang akong pagtawanan ng mga katabi ko at talagang maghahalo ang puti sa itim. "Oh. Okay," tanging sagot ni Adam at binilisan rin niya ang pagkain. Mas mabuti na 'yun at nang makaalis na kami. Nang matapos kaming kumain ay tinanong ko siya kung may kailangan pa ba siyang bilhin. Napaisip pa ito bago sinabing wala na. Binilang ko rin kanina ang natira niyang pera, infairness marami-rami pa. May pagka-boyscout rin naman pala siya at naisipan maglagay ng pera sa bulsa. Kahit papaano ay hindi siya tuluyan naging kawawa. Nang makarating kami sa karinderya ay bukas 'yun. Naabutan namin si Papita at si Mamita Venus. Nagmano ako sa kanila pero si Mamita Venus ay hindi man lang ako pinansin. Ang mga mata nito ay nakatuon kay Adam. Hindi ko alam kung nagulat, natakot o para na siyang mahihimatay. "Mamita!" "Marsy!" Sabay pa naming sigaw ni Papita na muntik na itong matumba pero agad din tumayo. "Praktis lang 'yun. 'Di ba sa mga t.v ganoon ang reaksyon kapag nakakakita ng mga daks esteh mga amerikano," sabi niya sa matinis na boses. Naihilamos ko ang aking mga palad sa mukha ko. Ano na naman kaya ang kalokohan na gagawin ni Mamita. "Hey, you…yes you… how much dollar?" "Mamita!" Tawag ko sa kanya dahil sa sinabi niya. Nakakahiya talaga. "What? Kinakausap ko siya," kaswal niyang sagot sa akin. Muli siyang humarap kay Adam. "What your name amerikano?" Napabaling tuloy ang tingin ko kay Adam. Kungsabagay, bakit ba ako mahihiya? Eh, siya itong nakikitira lang kaya dapat siya ang makisama. Tama. Tama. May tama ako. Mabilis kong sinaway ang isip ko, wala akong tama. "My name is Adam," rinig kong sagot ni Adam. "I'm from Brazil," dugtong niya pa. "Oh na oh! Ang ganda ng boses. Lalaking-lalaki," tili ni Mamita Venus saka mas lumapit pa kay Adam. Inilapag ni Adam ang mga binili namin sa lamesa malapit sa kanya. "You here to marry marry Mira, my lovely inaanak?" Namilog ang aking mga mata sa itinanong ni Mamita. Mabilis akong lumapit sa kanilang dalawa. "Mamita naman, e." Nakabusangot kong reklamo. "Ano-ano na lang sinasabi mo sa kanya. Imposible naman na hindi pa ipinaliwanag ni Papita sayo ang lahat." Inirapan lang ako ni Mamita Venus at itinuloy ang pakikipag-usap kay Adam. "You lucky, Mira is beautiful, right?" Pagpapatuloy niya. Nakagat ko ang ibabang labi ko dahil na naman sa tanong niya. Pakiramdam ko ay nag-init ang mukha ko nang tingnan ako ni Adam. Pinilit ko pakalmahin ang puso ko na tila nababaliw na. Ang bilis nang pagtibok. "Yes. She is beautiful and kind." Ang tili ni Mamita ang pumuno sa buong karinderya. Baka nga umabot na rin hanggang sa kabilang bayan. "Marsy, tigilan mo na nga 'yan," saway ni Papita pero may panunudyo sa mga labi nito nang tumingin sa akin. "Mira, umuwi ka na at nang makapagpahinga ka. Nag-almusal na ba kayo?" "Kumain na po kami mamita. Sige po, uuwi na po ako. Kayo na po bahala sa buwisita natin," nakasimangot kong sabi. Nakita ko pang pinandilatan ako ni Papita na para bang mali ang sinabi ko. E, totoo naman. Buwisita naman talaga si Adam. Pagkarating ko sa bahay ay agad akong nagtungo sa aking kwarto at humiga. Ibinalibag ko nga lang ang bag ko sa kama. Napatitig ako sa kisame. At sa hindi inaasahan ay ang gwapong mukha ni Adam ang nakikita ko. Kaya naman napabangon ako agad at ginulo ang aking buhok. Bakit ba kasi ganon na lang kabilis nang pagtibok ng puso ko lalo na kapag mariin niya akong tinititigan. Para bang ang lalim ng tingin niya. 'Yun gustong pasukin ang kaluluwa mo. Napabuntung-hininga ako. Hindi ako apektado. Hindi. Hindi. Hindi. Pero kahit ano pamimilit ko sa sarili ko ay hindi mawala sa isip ko ang napakagwapong mukha ni Adam. Sa inis ko ay dumapa ako sa kama saka ko itinakip ang unan sa aking ulo. Kailangan niya mawala sa isip ko dahil hindi pwede! Hindi siya ang para sa akin. Afam lang siya pero walang pera!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD