MIRACULOUS ISANG LINGGO na mula nang umalis si Adam. Dapat wala naman akong pakialam, 'di ba? Pero iba ang nararamdalam ng puso ko. Pasimple kong inilibot ang aking mga mata sa kabuuan ng canteen hanggang sa mapako 'yon sa parte kung saan pininturahan ni Adam. Ang pangalan ng karinderya namin...Bekylog. Parang sariwa pa sa isip ko ang eksena na 'yon. Masaya siya habang nagpipintura at hindi alintana ang init ng panahon. Bakit gano'n 'no? Talaga bang may darating para lang pakiligin tayo, kunin ang loob natin, at pahulugin sa kanila. Tapos…kapag hulog na hulog na tayo bigla silang maglalaho na parang bula. Na parang wala silang inakit. Mapakla akong napatawa sabay iling. Nalipat ang tingin ko sa aking mga paa na nakalaylay dahil nakaupo ako sa pahabang upuan na kahoy na medyo mataas. I

