Chapter 19

1251 Words
MIRACULOUS PUPUNGAS-PUNGAS akong nagmulat ng aking mga mata. Nakailang kurap pa ako bago ko tuluyan ibinuka ang aking mga mata at napatitig sa kisame. Kumunot ang aking noo. "Nasaan ako?" kausap ko sa aking sarili. Pilit kong inaalala ang nangyari. Bigla akong napabalikwas ng bangon ng maalala ko. Pero gano'n na lang ang pagkagulat ko nang makita ko na nasa sariling silid na ako. Panaginip? Isa nga lang ba 'yon panaginip? Pero…hindi…sigurado akong hindi pana…ginip ang nangyari. Sinapo ko ang aking ulo at dahan-dahan tinapik 'yon. "No! Hindi panaginip 'yon. Totoong-totoo ang mga nangyari." Hanggang sa makaramdam ako ng sakit dahil sa pagpalo ko sa aking ulo ay hindi ko pa rin mawari kung tunay ba talaga o sadyang panaginip ang lahat. Nang lingunin ko ang oras na nasa lamesitang maliit sa tabi ng kama ko ay natigilan ako. Alas otso ng umaga. Muli akong humiga at tumigtig lang sa kisame. Hindi pa rin ako makapaniwala na panaginip lang ang lahat. Muli na naman ako napabalikwas ng bangon. Tama! Bakit ba pinahihirapan ko ang sarili kung pwede ko naman puntahan si Amerikanong hilaw at tanungin siya. "Tama! Ang talino mo talaga, Mira! Kaya proud na proud ako sa 'yo, e." Umahon na ako mula sa kama pero muli lang ako natigilan nang makita ang aking suot. Kapareho nang nasa panaginip ko. Dahan-dahan akong napaupo. Hindi ako natutulog na ganito ang suot. Pinakaayaw ko ang hindi nagbibihis ng pantulog lalo pa ang hindi makapaghilamos. Napatingin ako sa pinto nang bumukas 'yon at iniluwal si Papita. "Mabuti naman at gising ka na. Aalis muna ako at ikaw na muna bahala rito. May almusal na sa baba," sabi niya. "O, bakit ganyan ka makatingin sa 'kin?" tanong niya pa nang hindi ako sumagot sa unang sinabi niya bagkus ay tinitigan ko lamang siya. "Pa-Papita," tawag ko sa kanya. Tumaas ang kilay niya. "What?" Nanatiling nakataas ang kilay niya saka nakapamaywang na. "May kailangan ka ba? O, sasabihin? Kailangan ko na gumora," bagot niyang sabi pa. "Papita, nasaan po si Adam?" diretso ko ng tanong. Natigilan siya kaya naman kumunot ang noo ko. "Papita…" tawag ko muli sa kanya dahil tila lumipad ang ulirat niya sa ibang dimensyon. "Huh? Ano kamo?" "Nasaan po si Adam?" ulit ko na lang sa tanong ko. "Aba malay ko! Ikaw ang kasama niya kahapon, 'di ba? Kakaloka ka," sabay irap ni Papita, "aalis na ako, maligo ka na at kahapon pa 'yang suot mo, iwww!" Naiwan na lang akong tulala nang tuloy-tuloy nang lumabas si Papita nang hindi man lang ako pinasagot. Ano ba kasi nangyayari? Nasaan na ang Amerikanong hilaw na 'yon? At bago pa ako maloka kakaisip ay nagdesisyon na akong maligo at naamoy ko na nga ang sarili ko at baka talunin pa ang amoy ng patay na dagat. Nang matapos ako maligo ay nagtungo na ako sa kusina at biglang kumalam ang aking sikmura nang makita ang almusal na natatakpan ng butas-butas na parang kulambong maliit. Inalis ko 'yon at walang sinayang na oras at sinimulan kumain. Nagtimpla muna pala ako ng kape. Siyempre hindi mawawala 'yon. Bahala na muna si Adam kung nasaan man lupalop siya. Makakapaghintay siya. Masaya na akong kumain. Talagang ninanamnam ko ang bawat subo. Inabot rin ako ng kalahating oras bago natapos kumain. Tagal 'no!? "Ay shutang'ina!" malakas kong sigaw nang biglang sumulpot sa harapan ko si Nognog. Katatapos ko lang maghugas ng pinagkainan ko, pagkaharap ko ay halos kumawala ang puso ko dahil sa walanghiyang Nognog. Masamang tingin ang ipinukol ko sa kanya na kulang na lang ay gumulong sa sahig dahil sa kakatawa. Kaya naman isang matalim na irap ang ginawa ko saka siya iniwanan sa kusina. Narinig ko ang pagtawag niya pero natatalo ng pagtawa niya ang boses. Umupo ako saka kinuha ang isang unan at inihagis kay Nognog. Pero ang magaling na lalaki ay sinalo lang 'yon at niyakap, isinubsob pa ang mukha para itago ang itsura niyang tawang-tawa pa rin. Nakakainis ang balugang 'to! "Nognog! Isang tawa pa at gagapang ka palabas!" gigil kong sambit sa kanya na mukhang nakuha niya dahil tumigil na nga siya sa pagtawa. Nang magsalubong ang tingin namin ay muli ko siyang inirapan at humalukipkip. Nakita kong dahan-dahan siyang lumapit na parang maamong tupa ngayon. "Ano ba kasi ginagawa mo rito?" Bakas pa rin ang inis sa boses ko. "Ang sungit mo naman," reklamo niya at siya pa talaga ang galit ngayon. "Sino hindi magsusungit kung bigla ka na lang lilitaw sa harapan ko? Pasalamat ka at wala akong hawak na kahit ano kundi baka nadungisan na ng dugo ang magaganda kong kamay," sikmat ko sa kanya. Tumikhim naman siya na ikinataas ng kilay ko. Magrereklamo pa yata siya. "Binibiro lang—oo na! Sorry na. Bakit ka kasi nagulat—Sorry na talaga. Promise hindi ko na uulitin." Itinaas niya ang kanang kamay na parang nanunumpa pa. "Ano nga ginagawa mo rito?" ulit ko na lang na tanong para matapos na ang kaepalan niya sa buhay ko. "Tiningnan ko lang kung nakauwi ka ba ng maayos? Ano'ng oras kayo umuwi? Masyado yata kayo ginabi?" Dahil sa mga tanong ni Nognog ay muli kong naalala si Amerikanong hilaw. "Nasaan si Adam?" agad kong tanong. Kumunot ang noo niya na parang hindi inaasahan ang itatanong ko. "Nasa canteen ba siya?" Tinitigan niya ako. Iyong titig na gustong buksan ang kaloob-looban ko. Kaya naman ako naman ang kumunot ang noo. Problema niya? Para siyang inspektor kung makatingin sa akin. "Bakit mo siya hinahanap?" Balik-tanong niya. "Pakialam mo ba!" pagtataray kong sagot. "Bakit nga kasi?" pangungulit pa rin niya. "Kahapon halos ayaw mong sumama sa kanya tapos ngayon, hinahanap mo." Binigyan niya ako nang nagdududang tingin. "E, ano naman sa 'yo kung hinahanap ko siya?" Sa inis ko ay padasko akong tumayo. "'Di bale na, ako na hahanap sa kanya." Tinalikuran ko na siya pero bago pa ako makalayo ay nahawakan niya ang kaliwang kamay ko at hinila ako pabalik sa aking kinauupuan. "Umalis na siya." Natigilan ako. Kumurap-kurap ang aking mga mata. Umalis? Tama ba ang narinig ko? Dahan-dahan kong nilingon si Nognog. Seryoso ang itsura niya na ipinagtaka ko. Madalang nga lang kasi siya magseryoso. Pero naalala ko bigla 'yong huli ginawa niyang prank sa amin ni Papita. Kaya naman tumayo ako sa harapan niya saka namaywang. Subukan lang talaga niya! "Hoy, Nognog! Kung akala mo madadala mo ako sa prank mo, pwes, sorry ka na lang dahil wa epek na sa akin 'yan!" Sabay irap ko na naman sa kanya. "Mukha ba akong nagbibiro?" Napabalik ang tingin ko sa kanya dahil sa sinabi niya. Hindi naman siya mukhang nagbibiro pero…kasi naman…"Kanina pa siya umalis ng madaling araw. Ako pa naghatid sa kanya sa Airport." Hindi ko alam kung bakit bigla na lang akong nanghina. Inalalayan pa nga ako ni Nognog na maupo dahil muntikan na ako matumba. Tama ba ang narinig ko? Umalis na si Adam? Dapat maging masaya ako, 'di ba? Sa wakas wala ng asungot. Pero…bakit pakiramdam ko may tumutusok sa puso ko? Sandali muna. Bakit may tumutusok? "Hoy! Miraculous, umamin ka nga sa akin. May ginawa ba ang lalaki na 'yon sa 'yo? Ano'ng ginawa niya sa 'yo kagabi? Sabihin mo sa akin!" Nabalik ako sa sarili sa tanong niya. Iyong pa-moment sana ako kaso may istorbo. Marahas akong napabuga ng hangin saka ako tumayo at walang lingon-likod na nilayasan si Nognog. My heart! Oh my gosh! Bakit ako nasasaktan? Bakit parang unti-unti nawawalan ng kulay ang aking kapaligiran? Is this a sign? Bakit niya ako...iniwan?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD