Chapter 18

1825 Words
MIRACULOUS HALOS hindi ako makatingin kay Adam matapos ang mabilis na dampi ng mga labi niya sa mga labi ko. As in smack lang 'yon pero bakit ramdam na ramdam ko. Saka, first kiss ko kaya 'yon. "Another song?" tanong niya. "U-uwi na tayo," nautal ko pang sabi saka ako tumayo. Hahakbang na sana ako palabas nang maalala ko ang natira namin na chips. Bumalik ako at kinuha ang dalawang hindi pa nabubuksan. Sayang din 'yon, ah. Doble kaya ang presyo ng mga ito sa loob ng mall. Bago ako tumalikod ay napatingin ako sa kanya. Nakatayo ito habang may ngisi sa mga labi. Matalim ko siyang inirapan saka malalaki ang hakbang ng mga paa ko na lumabas. Dapat magalit ako 'di ba? Awayin, sigawan, sapakin, ibaon at lahat nang hindi kanais-nais na pwedeng gawin sa taong nagnakaw ng aking first kiss. Pero, para akong nauupos na kandila. Bakit iba ang isinisigaw ng puso ko. Bakit parang bitin pa ako? Hoy! Mira, umayos ka nga. Dalagang Pilipina ka kahit mahilig ka sa Afam! Napangiwi ako sa sermon na 'yon ng kontrabida bahagi ng isip ko. Nagtuloy-tuloy lang ako sa paglalakad palabas sa Playtime Fantasy habang yakap-yakap ko ang aking mga chips. Hindi ako lumingon, ni hindi ko inalam kung nakasunod siya. Bahala siya sa buhay niya. Basta ako, uuwi na. Bigla akong natigilan. Huminto ako. Dahan-dahan kong inangat ang aking nakayukong ulo. Dapat sa mga sandali na ito ay may nagmumura na sa akin o kaya ay nang-aaway dahil sigurado na nabangga ko na sila. Pero, wala. Pagkaangat ko ng ulo ay sabay sa pagkunot ng aking noo. I look to the left, look to the right and shake it. Ay, ano ba 'yan. Bakit kumanta naman ako. Muli akong tumingin sa kaliwa at kanan ko. Bakit walang tao? Humakbang ako para tuluyan makalabas. Pero gano'n na lang din ang pagkagulantang ko na kahit sa labas ay walang katao-tao. Lumapit pa ako sa may railings at dumukwang upang tingnan ang unang palapag pero kahit isa ay wala akong makita. Anong nangyayari? Nananaginip ba ako? "You still want to go home?" Natulos ako sa aking kinatatayuan dahil sa biglang pagtama nang mainit na hininga ni Adam sa aking punong-tainga. At hindi rin ako pwede magkamali dahil wala ngang ibang tao rito. "Wh-where are the pipolets?" mahina kong tanong. "I don't know." Napalingon na ako sa kanya nang maramdaman kong nakalayo na siya. May distansya na nga siya sa akin. Pero ang makitang walang pag-aalala sa mukha niya ay naghatid sa akin ng maraming katanungan. "Let's go…home. Maybe der is zombie or alien and we not hear the announcing?" Hindi rin ako sigurado sa mga nasabi ko basta siya na mag-adjust at nakakaramdam na ako ng takot. Paano kung kanina pa kami pinapalabas pero dahil nasa loob kami ay hindi namin narinig? Paano kung biglang may bumulaga sa amin. Paano kung—"Ouch!" "Stop thinking too much. And alien are not true same as zombie. Stop scarring yourself," sabi niya pagkatapos niya na naman ako pitikin. Kawawa talaga ang noo ko. "This is your impossible dream, right? Why don't we make it come true." Pinagalaw-galaw niya pa ang kilay niya habang nakangiti. Shucks!!!! Ang matris ko! Ano ba dapat kong isagot sa napakagwapong nilalang na nasa aking harapan. Kanina ko lang inamin na gusto ko siya pero bakit parang sinusubok ako ng pagkakataon. Bakit kailangan akong pahulugin ng todo? Baka hindi ako makaahon. "Wait! Why you no afraid? It dangerous, we inside here maybe they think we are–What is english of magnanakaw?" Napakamot ako sa ulo ko. Nasa dulo na ng dila ko, e. "Thieves," sagot niya agad. "Oo, 'yon nga! Kaya tara na, let's go home," natatakot ko nang aya sa kanya. Mahal ko pa ang buhay ko. Tinalikuran ko na siya saka humakbang na patungo exit. Wala na akong narinig na sagot niya. Pero naramdaman ko ang presensya niya sa aking likuran. Ganoon na lang ang pagkalugmok ko nang halos mapuntahan na namin ang lahas ng exit sa mall pero lahat ay nakasara. As in nakasarado. Nanghihina akong napasalampak sa harap ng huling exit na pinuntahan namin. Nawawalan na ako ng pag-asa. Ito na ba ang katapusan ko? Paano na ang future ko? Paano na ang future ng mga babies ko? Paano— "Pusang gala!" malakas kong tili at muntik pa akong masubsob dahil sa pagkataranta nang may malakas na tunog na tila sumabog. Isang malakas na tawa ang aking narinig kaya naman matalim ang aking mga mata na tinapunan ng tingin ang nag-iisang taong kasama ko lang naman. Halos gumulong na siya kakatawa. Siya pala ang may sala sa malakas na tunog na 'yon. Pinaputok niya lang naman ang isang balot ng chips. "Sorry, I want to eat, so…I open it," paliwanag niya pa habang patuloy sa pagtawa. Isaksak ko kaya sa lalamunan niya pati plastic. Mabuti na lang at wala akong sakit sa puso kundi baka kanina pa ako sinundo ni San Pedro. Nakakainis naman kasi ang kasama ko. Wala lang sa kanya na nakulong kami rito sa loob ng mall. Tumayo ako saka humarap sa kanya. Ang mga kamay ko ay nasa aking baywang. "Why you not worry? We are stuck here, my gosh!" asar na asar kong tanong sa kanya. "Why would I? That only means we could enjoy everything inside this mall. Awesome, isn't it?" Sabay subo sa isang pirasong chips. Kaysa makipagtalo ako sa kanya ay muli kong inilibot ang aking mga mata. May ilang store na sarado pero may ilan na nakabukas pa. "Let's enjoy it and think that maybe this is just a dream," bulong ni Afam sa akin na hindi ko napansin na nakalapit na sa aking likuran. Gustong-gusto ko ang sinabi niya pero may parte ng pagkatao ko ang natatakot. Dahil alam kong hindi panaginip ang lahat ng ito. Napatingin ako sa kamay niyang inilahad sa aking harapan. "Take my hand, and let's enjoy everything we could now," malamyos ang boses niya na talaga naman nakakaakit na sumama. Bakit nga ba hindi ko na lang i-enjoy ang pagkakataon na ito. Iisipin ko na lang na isang panaginip lang ang lahat. Isang magandang panaginip. Huminga ako nang malalim saka itinaas ang kanang kamay para abutin ang kamay niyang nakalahad. At nang tuluyan magdikit ang mga kamay namin ay pinisil niya 'yon at hinalikan ang likod ng palad ko. "Let me fulfill your impossible dream to be possible." Lahat ng pwede namin gawin sa loob ng malaking mall na iyon ay ginawa namin. Nawala ang lahat ng pag-aalinlangan na nararamdaman ko. Bumalik kami ulit sa Playtime Fantasy at naglaro hanggang sa magsawa kami. Lahat yata ay nilaro namin. May parte pa nga na sumayaw siya nakalimutan ko na ang tawag sa laro na 'yon. Basta kayo na mag-isip. "Are you tired?" tanong niya sa akin matapos ang huling bola na nai-shoot niya. Nagpumilit kasi siya na huling subukan namin ang basketball at magaling daw siya mag-shoot. Pero iba talaga ang pumasok sa napakagaling kong utak. Kaya erase-erase! Literal na basketball ang tinutukoy ni Afam. "A little," sagot ko saka inilibot muli ang aking mga mata. Hindi pa rin ako makapaniwala na na-stranded kami sa loob ng mall. At kung kailan kailangan mo ang cellphone saka naman lowbat. Ang galing 'di ba? Timing na timing talaga. "Let's eat." Hinawakan niya ang kamay ko at pinagsalikop 'yon. Nagpatianod na lang ako tuloy habang nakatingin sa aming magkasalikop na mga kamay. Kung isang panaginip lang lahat ng ito. Pwede bang, huwag muna agad matapos. Halos lumuwa ang aking mga mata nang pumasok kami sa isang mamahaling restaurant. Alam kong mahal doon. At mas nagulat pa ako nang makita may mga pagkain sa isang lamesa. Nagtataka akong tumingin kay Afam. May mali. Alam kong may mali. Pero ano 'yon? Pinakawalan na niya ang aking kamay saka siya nagtungo sa isang upuan at hinila iyon. "Take a sit, my princess." Napalunok ako nang bahagya pa siyang yumuko. Ang t***k ng puso ko ay triple na sa normal. I cannot understand everything! Nagpapanic ang aking buong pagkatao. Ang daming katanungan. "Let's eat first, then, I will tell you everything." Dahil sa sinabi niya ay mabilis akong umupo. Nginitian niya pa ako bago siya nagpunta sa kaharap ko na upuan at umupo. Napahawak talaga ako sa garter ng panty ko at baka kanina pa 'yon bumaba. Nakahinga ako nang maluwag ng makapa ko pa 'yon. At sa buong durasyon ng aming pagkain ay malaya kaming nakapagkwentuhan kahit na medyo hirap pa rin ako sa English. Sabi niya nakakaunawa siya ng Tagalog kaya naman hindi ko na pinahirapan ang aking sarili. Todo asikaso rin siya sa mga kailangan ko at gusto kong kainin. Infairness, napakasarap talaga ng nga pagkain. Mahal, e! Sure ako doon. "Seriously, you did that?" gulat niyang tanong. "Yes. Because he is bastos! He like to kiss my beautiful lips," patuloy ko sa pagkwento ng isa sa mga hindi ko makakalimutan na karanasan sa high school. May isa akong kaklase na akala yata ay napakagwapo kamukha naman ng unggoy. Lakas ng figting spirit. Lahat daw ng babae may gusto sa kanya at idinamay pa ako. Kaya nang tangkain niya ako halikan ay binayagan ko lang naman siya. At mukha napuruhan ko ang itlog nabasag yata at naging sisiw esteh basta mula noon ay nagising na siya sa katotohanan. "That's awesome! He deserves it, he's a jerk!" Napangiwi na lang ako sa sinabi ni Afam. Nang matapos kami kumain ay nagulat na naman ako nang yayain niya ako sumayaw at bigla na lang nagkaroon ng malamyos na musika. Nagdududa ko siyang tiningnan. Pero bago pa ako makapagtanong ay hinawakan na niya ang aking mga kamay at itinayo. Maingat niya akong inalalayan. Dinala niya ang aking mga kamay sa kanyang leeg. At humawak naman ang mga kamay niya sa aking baywang. "Let's enjoy this moment, my princess." Naipikit ko ang aking mga mata ng dumampi ang kanyang labi sa aking noo. Isang masuyong halik na tila may gustong iparating. At kasabay nang malamyos na musika ay sumabay na rin ang aming mga katawan. Mas naglapit ito at literal na magkayakap na kami. Pero wala na akong pakialam. Masarap ang pakiramdam ko habang nararamdaman ko ang init ng kanyang katawan. "I'm sorry for lying. I did not want to but I have to…The moment I saw your picture, there was a strong feeling that I feel. Like a magnet that was pulling me to be with you. Patawarin mo ako kung nagsinungaling ako sa 'yo pero handa kong itama ang lahat-lahat. Itama para makasama kita habangbuhay." Mabilis ko siyang naitulak pero tila biglang nanlabo ang aking mga mata. Bigla rin ang pagkahilo ko. At bago pa ako tuluyan mawalan ng malay ay naramdaman ko ang pagdampi ng labi niya sa aking mga labi. Naramdaman ko rin ang paghigpit ng yakap niya sa akin baywang at paggalaw ng kanyang labi. Kung isa man itong panaginip. Pwede bang...namnamin ko muna ang sarap ng halikang ito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD