MIRACULOUS
AKALA KO AY UUWI na kami pero nagyaya si Adam sa Playtime Fantasy. Ang lugar kung saan may iba't ibang arcade games. Kung ako ang tatanungin gusto ko nang umuwi. Dahil hindi ko na maintindihan ang puso kong tila nawawala na sa katinuan.
Tulad ngayon na magkasalikop ang aming mga kamay. Hindi nakalagpas sa akin ang mga mapanuring tingin ng mga taong nakakasabayan namin o nadadaanan.
Inggit lang kayo!
Masyado naman kasi talagang agaw-pansin ang kasama kong Afam. Akala siguro nila ay isa ako sa mga maswerteng nakahanap ng isang tunay na Afam hindi nila alam scam 'yan. Joke lang po.
Kungsabagay hindi naman lahat ng Afam ay may pera pero ang hanap kong afam ay may pera at isang malaking ekis si Adam doon.
"Aray!" mahina kong daing nang pitikin niya ang aking noo.
"You're spacing out again." Napatingin ako sa kanya at nakita kong nasa harap na kami ng isang kulay pula na pintuan.
Wait! Ano ginagawa namin dito? Tanong ko sa sarili ko.
"Talk to me, not to yourself." Napairap na lang ako dahil panira sa moment ko ang amerikanong hilaw na ito.
"Sir, good to go," rinig kong sabi ng isang lalaki na nakasuot ng uniporme ng nasabing lugar.
"Thank you."
Magtatanong pa sana ako nang bigla na lang ako itulak papasok ni Adam sa loob saka niya isinara ang pintuan. May pagkabrutal pala siya! Bigla akong nakaramdam ng pagkataranta lalo na at mariin ang pagkakatitig niya sa akin. Na para…parang…
"Stop imagining things," sabi niya saka hinila na ako paupo sa isang pahabang sofa na kulay red din. Anong meron sa red?
Doon ko lang inilibot ang aking mga mata at napagtanto na nasa loob kami ng isang maliit—well, medyo malaki naman na silid. Nalipat ang tingin ko sa harapan nang marinig ang pag-play ng music. Nanlaki ang aking mga mata. Nasa loob kami ng isang singing box room. At mukhang nasa isa kami sa mga vip na room.
Pamilyar ako rito dahil minsan na kaming pumasok sa ganito nina Jeena at Nognog. Para nga kaming mga tanga no'n. Pinagtyagaan namin ang boses ng isa't isa. Pero si nognog, may say siya sa pagkanta. Huwag lang ng english at babaluktot dila niya.
"Start singing. Don't waste my money," untag sa akin ni Adam kaya napalingon ako sa kanya. Napatikwas ang aking kilay.
Nahiya naman ako sa pagkakaupo niya.
Nakasandal ang likuran sa may sandalan ng sofa habang ang isang kamay ay nakapatong sa ibabaw ng sandalan. At ang kanang paa ay nakapatong sa kaliwang hita niya. Nagmumukha tuloy siyang nakaakbay sa akin.
"Choose a song, baby." Nagsalubong na ang aking kilay dahil sa kanina niya pa pagtawag sa akin ng baby. Oo alam kong baby face ako pero…parang iba kasi ang epekto sa aking kasu-kasuan kapag tinatawag niya ako gamit 'yun.
Ang bilis kong iniwas ang tingin sa kanya saka hinanap ang song book. Tumayo ako at lumapit sa malaking television.
"Bend down," rinig kong sabi niya kaya naman yumuko ako pero wala naman akong nakita. "Left side," rinig ko na naman sabi niya. Tingin ako sa kaliwa pero wala. "Sorry, it's on the right." Gustong-gusto ko na siyang harapin pero tumingin na lang ulit ako sa kanan pero nakakainis, wala pa rin.
"Nasaan na ba ang buset na song book na 'yun?" Bulong ko habang patuloy na inilibot ang aking mga mata. Hanggang sa…"Pasnea naman, andyan lang pala sayo hindi mo sinasabi," inis kong sambit nang makitang nasa may kandungan ni Adam ang hinahanap ko. Lumapit ako sa kanya at padasko na kinuha ito pero nahawakan niya ang aking kamay.
Parang may sumipa na naman sa puso ko sa lakas ng tambol. Lalo na at ilang hibla na lang ang layo ng aming mga mukha. Nagkatitigan kami. Mata sa mata.
"Ay ahas na malaki," malakas kong tili sabay layo sa kanya. Napadako ang tingin ko sa may kandungan niya. Nakapatong pa rin ang song book doon. Pero hindi talaga ako pwede magkamali na may naramdaman akong parang bukol o parang may gumalaw.
"It's really big, want to see?" pilyo niyang sabi na hindi ko napaghandaan lalo na nang sinamahan niya 'yun ng isang nakakapanglambot ng tuhod na ngiti.
Naagaw lang ang atensyon namin ng may kumatok. Tumayo si Adam pero hindi inalis ang song book sa kandungan niya. Kaya para siyang tanga na naglakad palapit sa pintuan.
Ako naman ay nanghihina at kulang na lang ay gumapang pabalik sa sofa. Hapong-hapo kong isinandal ang aking likuran sa sandalan ng sofa. Napatingin ako sa aking kanang kamay. At nang hindi ako makuntento ay inilapit ko 'yun sa aking ilong. Inamoy-amoy ko pa. Bakit parang may kakaibang amoy akong naaamoy. Ano kaya ito?
"Stop sniffing your hands," saway sa akin ni Adam na hindi ko namalayan na nakaupo na pala sa aking tabi.
"Where is the man?" Nagkibit balikat ito saka niya itinuro ang small table na nasa harapan namin. May nakapatong ng mga chips, popcorn, fries at softdrinks.
Hala! Wala 'yan kanina dyan.
Nabalik ang tingin ko kay Adam. Nagulat pa ako nang hawakan niya ang kamay ko saka pinunasan gamit ang isang panyo. Napapikit ako sa napakabangong amoy na 'yun.
"I spray sanitizer. You look like an idiot while sniffing your hand," sermon niya sa akin habang patuloy sa pagpupunas. Nanlaki ang mga mata ko nang ilapit niya ang kamay ko sa ilong niya saka siya naman ang umamoy kaya naman agad ko itong binawi. "My buddy smell good," bulong niya kaya hindi ko masyado narinig ang sinabi niya.
"What you saying?" tanong ko at pinanlakihan ko pa siya ng mga mata.
"Nothing. Do you know how to sing?" Mabilis akong tumango sabay ngiti nang nakakaloko. Tingnan ko lang kundi ka pa magyayang umuwi. This is my revenge! Hahaha!
"Ouch! Why you always pitik-pitik me?" Asik ko sa kanya nang pitikin niya ako ulit sa noo ko.
"Because your forehead look like a landing—"
"Stop! You bring me here to insult-insult me? How dare me—no—how dare you!" Sabay irap ko nang pinakamatalim.
"Are you angry?"
"No, I'm happy! See, I smile," sabay ngiti ko pa nang nakakaloko. Magtatanong pa talaga hindi ba obvious.
"I'm just joking here. Why are you so serious? Just sing, our time is running." Inirapan ko siya ulit.
"Give me the song book," sabay turo ko sa song book na nasa kandungan pa rin niya.
"Get it."
"No!" Mabilis kong tanggi. Baka ano na naman ang mahawakan ng inosente kong kamay doon. "Put here," turo ko sa kinagigitnaan namin.
"If you need it. Get it yourself." Talagang ang sarap itapon sa ibang planeta ang lalaking ito. "No! You want me sing along here, you give that to me. Faster!" Ipaglalaban ko ang karapatan ko bilang isang mamamayang Pilipino. Napangiwi ako, anong koneksyon no'n?
Mukhang sumuko din siya. Pero nagtataka ako dahil kinuha niya muna ang isang throw pillow at mabilis na pinagpalit sa may kandungan niya.
"I cover it maybe it will bite you," nakangisi niyang sabi saka inilapag ang song book sa gitna namin.
Hindi ko naman mapigilan hindi sulyapan ang kandungan niya. Bite? Hindi ba tagalog non ay kagat? Sinong kakagat sa akin doon? May kasama ba siya na hindi ko alam? Bigla yata akong nangilabot kaya mabilis akong napatayo at lumayo sa kanya.
"You have pet hiding there? You dala-dala outside, I'm still love my life. I don't wanna die yet. Hindi ko pa natitikman ang luto ng Diyos at hindi ko pa nararating ang hiwaga ng—aray!" Masama kong tiningnan si Adam nang batuhin niya ako ng isa pang throw pillow. Nakakarami na itong kurimaw na ito, ah!
"Sit down here and just sing. You really look crazy there. And I don't have a pet with me. A buddy I have and If you don't stop I will let him bite you," natatawa niya pang turan. Dahil sa takot kong baka makagat ay mabilis akong bumalik sa pagkakaupo.
Binuklat ko ang song book at hinanap ang mga paborito kong kanta. Natigilan ako nang may lumitaw na fries sa harap ng bunganga ko. Nilingon ko si Adam na nakatingin rin sa akin.
"Eat." Nagsalubong lang ang mga kilay ko at wala akong balak na isubo ang—" or bite?" Mabilis pa sa alas-kwatro kong isinubo ang pinapasubo niya. "Very good."
Binilisan ko na ang paghahanap ng kanta na siguradong magiging dahilan para yayain na niya akong umuwi. Hindi naman tumigil sa pagsubo si Adam sa akin kapag nakikita niyang wala nang laman ang bibig ko. Gusto kong kiligin pero nang maalala ang buddy daw niya na kakagatin ako ay umaatras ang kilig ko.
Nang makita ko ang hinahanap ay mabilis akong tumayo upang pindutin ang mga numero. Ang lapad nang pagkakangiti kong bumalik sa tabi ni Adam.
"Don't smile like that. You look creepy," rinig kong saway sa akin ni Adam pero hindi ko siya pinansin. Sa akin pa rin ang huling halakhak. "Eat and stop talking to yourself." Naudlot ang gagawin ko sanang pagtawa nang tapalan niya ulit ang bibig ko ng fries.
Umayos ako ng upo nang magsimula nang tumugtog ang napili kong kanta.
Tingnan ko lang kung hindi ka pa magyaya umuwi.
"Ikaw ba'y nalulungkot," Unang banat ko pa lang napangiwi na ako. "Nababalot pa ng poot. Maraming hinanakit sa mundo." Ayoko tumingin kay Adam at baka masapak niya ako.
Di alam anong gagawin
Kundi ubusin ang oras sa gin
Akala mo'y iya'y may mararating
Tumayo pa ako at talagang feel na feel ko ang pagkanta.
Hoy, kaibigan ko
Pakinggan mo'ng mga bulong sa 'yo
Ito'y 'di galing sa mundo
Patungo sa pangakong paraiso
Nasa'n na ang talino mo
Diskarte kamo ng Kano
Apakan ang lahat kahit pa paa mo
Naglakas na ako ng loob na tumingin sa kanya. Gusto kong makita kung gaano siya ka-dissapointed sa naririnig.
Pero ako ang natigil sa pagkanta nang masilayan ko ang masaya niyang mukha. Malapad ang pagkakangiti niya habang ang mga mata ay puno ng amusement park—ay walang park, amusement lang pala, habang nakatingin sa akin.
"Continue," sabi niya kaya doon lang ako nabalik sa sarili ko at hindi ko namalayan na huminto na pala ako sa pagkanta. Ibinalik ko ang tingin sa harap at muling ipinagpatuloy ang pagkanta. Pero mas lumala yata dahil as in wala na akong natamaan na tamang nota. Kung may iba lang kaming kasama sigurado napalayas na kami—ako lang pala.
Tinapos ko ang kanta na Bulong By: Kitchie Nadal. Gusto ko sana siya patamaan kaso naalala ko, amerikanong hilaw pala ito. Anong alam niya sa mga kanta natin.
Napalingon ako sa kanya nang malakas siyang pumalakpak. Tiningnan ko siya sa mukha kong walang emosyon.
"Amazing!" Neknek mo! Amazing daw, pinagloloko niya yata ako. Pabagsak akong naupo sa sofa at sinigurado na may distansya sa pagitan namin. "One more time, this time I will choose a song." Hindi ko siya pinansin bagkus ay pinagtuunan ko ang chips, uminom rin ako ng soda. Inabala ko ang sarili ko sa pagnguya pero hindi ko maiwasan hindi siya sulyapan.
Seryoso siyang nakatingin sa song book. Parang may alam talaga. Napalunok ako nang kinagat niya ang ibabang labi sabay lingon sa akin. At dahil umiinom ako ay napasinghap ako dahilan para lumabas sa ilong ko ang soda. Nakita ko natataranta niyang inilabas ang panyo kanina saka ibinigay sa akin. Mabilis ko itong kinuha upang ipunas sa bibig ko. Naramdaman ko ang isang palad niya na hinahagod ang aking likuran. Pero bakit ibang hagod ang naiisip ko.
Magtigil ka nga Miraculous! Nasamid ka na nga nagagawa mo pang magdagdag ng problema! sermon ko sa sarili.
Inabot rin ako nang halos tatlong minuto bago tuluyan nakabawi. "I'm okay, you go there under the pader." Kumunot ang noo niya. "I said go back there!" sabay turo sa parte ng sofa kung saan siya nakaupo kanina. Pero ang taray ko sa pagkakasabi nun ah, hindi ako nautal. Gumagaling talaga ako mag-english kapag galit. Pero nang makita ang hawak kong panyo ay mabilis kong ibinalik ito sa kanya. Mabango naman kaso—Ah basta!
"Let me sing a song for you." Napalingon ako sa sinabi niya. Ano daw? Kakanta daw siya? Weh, di nga? Napasunod ang tingin ko nang tumayo siya at nagpunta sa harapan para pindutin marahil ang kakantahin niya.
Humakbang siya papunta sa akin. Napaatras pa ako nang yumuko siya. Akala ko kasi hahalikan niya ako, kinuha lang pala 'yung microphone. Napaismid tuloy ako nang ngumisi siya. Hindi ako nag-a-assume, ok! Inismiran ko siya ulit.
I always thought to be rambling man
Living in the moment, never making plans
Finding love was just a dream I was having
Written in the movies, never thought it would happen
Wala sa sariling bumalik ang aking mga mata sa kanya. Ang swabe ng boses niya. Napatulala na lang ako nang tuluyan habang patuloy siya sa pagkanta. It's You (I've been looking for) by Lewis Brice.
I try to fill my loneliness with whiskey
And empty nights with different girls that never missed me
Funny how when you least expect it
Everything can change
Nakagat ko ang aking ibabang labi nang kumindat siya. Napahawak rin ako sa garter ng aking suot na panty. Juice colored. Ilayo n'yo po ako sa tukso. Kahit gusto kong alisin ang tingin sa kanya ay tila na ito namagneto dahil hindi ko na mabaling pa sa iba.
Baby, it's you I've been looking for
Ako na nga ba? Bakit parang sa akin niya gustong sabihin 'yun. Ang mga mata niyang kulay bughaw na nangungusap.
I knew right from the second
You came walking through that door
It feels so right while you're in my arms
Tunaw na tunaw na ako sa kanyang mga titig. Pati ang puso ko ay hindi na napakali. Alam kong kanta lang 'yun pero sa paraan ng pagkakanta niya ay tila ba may gustong ipahiwatig. Oo na, assuming na ako. Wala ka kasi dito. Kaya hindi mo maramdaman ang intense ng pagkanta niya. At sa huling linya ng kanta ay hindi ko alam na nakalapit na siya sa akin. Para na nga akong maduduling sa lapit ng aming mga mukha.
Darling, it's you I've been looking for
Naipikit ko na lang ang aking mga mata nang dumampi ang mga labi niya sa mga labi ko. Hindi na ako virgin!