MIRACULOUS
HINDI AKO MAPALAGAY dahil sa pagkakaakbay ni Adam sa akin habang naglalakad kami at hindi ko alam kung saan ang punta. Kanina ko pa iniisip kung paano ko ba sasabihin sa kanya na bitawan niya ako. Hindi rin kasi ako makawala. Sa tuwing tinatangka ko ay mas humihigpit ang akbay niya. Sa tangkad niya ano laban ko? Hanggang dibdib niya lang ako nagmukha tuloy akong batang paslit na mawawala kapag binitawan niya.
"Wait. Where are we going?" Sa wakas ay nabigkas ko rin ang kanina ko pang iniipon na english sa bibig ko.
"Dating."
Ang bilis kong humarang sa harapan niya sa aking narinig. Ano daw? Dating? Nababaliw na ba siya? Sinalubong ko ang mga mata niyang kasing kulay ng dagat. Kumikislap-kislap ang mga 'yun para bang tuwang-tuwa sa nakikita. E, ako ang nasa harapan niya.
"What you said?" Simangot kong tanong at humalukipkip pa sa harapan niya.
"Stop sulking here, you look like a baby who needs daddy's attention," sabay ngiti niya.
At para na naman ako nawala sa aking katinuan nang masilayan ang napakagandang ngiti na 'yun. Pero hindi tayo pwedeng maging marupok.
"Don't english-english me, ok. What date-date you telling me? Your not my boyfriend," sabi ko sa kanya sabay irap. Akala niya yata porket pogi siya ay makukuha na niya ako nang ganun kadali. "Ano ba!" Wala na naman akong magawa nang akbayan niya ako at igiya na naman upang maglakad.
"Don't be excited, Baby," bulong niya sa akin kaya naman napapikit na lang ako nang maramdaman ang mainit niyang hininga na tumama sa aking tainga. Tapos ang init na 'yun ay gumapang sa buong muscles-sel ko. Juice colored! What is the meaning of this?
Dahil ang lakas ng kabog ng puso ko ay hinayaan ko na lang si Adam kung saan niya man ako dadalhin kahit langit pa 'yan. Ay joke lang pala!
Huminto kami sa may isang bakanteng upuan na nakaharap sa may fountain. May fountain pala dito? Bakit ngayon ko lang nakita? Napangiti ako nang makita ang mga bata na ang saya-saya habang nagtatawpisaw sa tumatalsik na tubig na nanggagaling sa fountain. May mga nakabantay naman kaya safe ang naturang lugar para sa mga bata. Kahit nga matatanda ay nakiki-join na rin.
"Is it beautiful?" tanong ni Adam sa akin pero pakiramdam ko ay ang lapit-lapit niya. "Just like you."
Napaatras ako dahil sa sinabi niya. At mabuti na lang at hindi niya ako pinigilan. Tiningnan ko siya at nagsalubong na naman ang aming mga mata. Ayun na naman ang puso kong hindi na naman mapalagay. Ano ba ginagawa niya sa akin? Bakit pa-fall siya?
"Don't be pa-fall!" Inis kong sabi nang makabawi ako sa pagkabigla.
"Why? Are you falling?"
Bigla akong nasamid kahit wala naman akong iniinom.
"No! No! No!" Natataranta kong sagot saka siya iniwanan. Naki-join ako sa pagsalo sa mga tumatalsik na tubig. Gusto kong abalahin ang sarili ko. Gusto kong mawala ang mabilis na t***k ng puso ko.
Ilang minuto akong nagkunwaring abala pero ang atensyon ko ay na kay Adam. Kaya alam ko at nararamdaman ko ang paninitig niya sa akin. Nang makita kong papalapit na siya sa akin ay mabilis akong humakbang paalis. Pero napatili na lang ako nang mahina nang may pumulupot sa baywang ko sabay hapit palapit sa katawan niya. At hindi ko na kailangan tanungin kung sino ito. Ang natural na amoy niya ay sapat na. Nalintikan na talaga!
"Where do you think you're going?" Tanong niya habang iginigiya ako sa may bandang gilid. "You look like a kid," dugtong niya at nagulat na lang ako nang may hawak na siyang maikling…towel? "See, you're wet. You might get sick." Walang lumabas sa bibig ko nang simulan niyang punasan ang aking mukha upang tuyuin. Nang matapos ay ang aking buhok naman na malayang nakalugay.
Hindi ko na mahabol ang t***k ng puso ko. Para bang sa bilis nito sa pagtibok ay naiwanan na ako. Baka nga nasa Mars na 'yun.
"Are you hungry? Let's eat then." Nang pagsalikupin niya ang mga kamay namin ay wala na akong nagawa kundi magpatiunad sa kanya. Lutang na lutang ang aking kaluluwa sa mga ikinikilos ni Adam. Kahinaan ko pa man din ang mga sweet na lalaki.
Pumasok kami sa isang fast food. Habang nakapila ay nanatiling nakasalikop ang aming mga kamay. Kaya hindi na ako nagtataka kung may mga tumitingin sa amin. Tusukin ko kaya mga mata n'yo. Kapag inggit, pikit!
"Wait. We not finishing order," mahina kong sabi nang hilahin niya ako at mukhang hahanap ng pwesto.
"I know. I will order and you sit first. Maybe, you are already tired." Hindi ko naiwasan sumilay ang ngiti sa aking mga labi. How sweet! Inipit ko pa ang ilang hibla ng buhok ko sa likod ng aking tainga.
"Maganda ka." Namilog ang mga mata ko sa sinabi niya. Parang natural lang kasi rito ang pagkakabigkas.
"A-ano—What is it?"
"Ma.gan.da. ka," ulit niya and it's over. Ayoko na talaga! Magkaka-heart attack yata ako sa sobrang gulat sa lumalabas sa bibig nito.
"You know what MAGANDA means?" Balik-tanong ko sa kanya.
"Yes. Nuel said its like a brat, don't listen to what we are saying." Bumagsak ang mga balikat ko sa sagot niya. Hayop talagang nognog na 'yun at kung ano-ano itinuturong mali. Inirapan ko siya saka ako na ang naunang humakbang para makahanap nang mauupuan bago pa magdilim ang aking paningin at masapak ko ang amerikanong hilaw na ito. Humanda ka talaga sa akin nognog!
Mas lalo akong napasimangot nang pangiti-ngiti pa niya akong sinusundan. Kanina pa ako naiinis sa mokong na ito dahil para ako clown sa kanya.
"Stop sulking, Mira," sabi niya nang makaupo ako sa nakita kong pwesto sa may dulo. Ayoko ma-exposed ang aking kagandahan.
"Leave me alone, Adam!" Singhal ko sa kanya pero sa mahinang paraan saka siya binigyan nang matalim na tingin. Tumawa lang siya saka naglakad na pabalik sa counter area.
Habang ako ag nasundan na lamang siya ng tingin. Ayoko ang epekto niya sa aking katawan, puso at balun-balunan—teka bakit nasali naman 'yun?
Malalim akong napabuntung-hininga habang pinagmamasdan siyang matyagang nakapila. Oo, super duper gwapo siya. Hindi mahirap mahulog sa kanya. At sa mga oras na ito, may palagay siyang unti-unti na siyang nahuhulog kay Adam.
Mukhang nahulog ka na, eh, sambit ng munting tinig na 'yun.
Doon ako natigilan. Nahulog na nga ba ako?
Nang tumingin siya sa akin sabay kindat ay wala na akong nagawa kundi aminin na, "Oo na, nahulog na ako. Pero, handa niya ba akong saluhin o handa ko bang ituloy?"
HABANG kumakain kami ay hindi ako makatingin kay Adam. Kanina ko lang inamin at tinanggap ang pagkahulog ko sa gwapo at sweet na amerikanong hilaw sa harapan ko. Paano ba dapat umakto sa harap niya?
"Are you okay, Mira?"
"Hu-huh." Napatingin tuloy ako sa kanya nang bigla siyang magtanong.
"It's like your mind is on another planet," sabi niya.
Doon ako natigilan. Ganon na ba kalalim ang iniisip ko. Tipid ko siyang nginitian. "I'm just thinking if aliens are true." Ano ba naman Mira, sa dami ng palusot 'yan pa talaga. Hays!
Kumunot ang noo niya na para bang iniisip ang aking sinabi. Habang ako ay nagpatuloy na sa pagkain.
"Do you want to see an alien?" Muli akong napatingin sa kanya dahil sa sinabi niya. Ano naman gagawin ko sa mga alien? Masyado naman siyang seryoso, hindi niya ba alam ang joke. "Just kidding," dugtong niya sabay tawa.
Sinamaan ko siya ng tingin. Akala ko pa man din seryoso siya. Pero, sino nga ba magseseryoso sa mga alien.
Natigilan ako ng bigla siyang yumuko at dumampi ang thumb finger niya sa gilid ng aking mga labi. Tila may inalis siya roon. Nanlaki naman ang mga mata ko nang isubo niya ang daliri na ginamit para punasan ang sauce siguro sa gilid ng aking mga labi.
"Why the sauce in your lips tasted more delicious," komento niya habang malagkit ang pagkakatingin sa akin. Bumalik na rin siya sa maayos na pagkakaupo pero ako ay tila hindi pa nakakabawi sa katatapos lang na eksena. "Finish your food, Mira." Doon lang ako natauhan sabay tingin sa aking pagkain. Hindi ko alam kung ano ba dapat sabihin. Bakit ganito umakto ang lalaking ito? May balak ba talaga siyang akitin ako?
"Uwi na tayo," wala sa sarili sabi ko.
"It's too early."
"Baka hinahanap na tayo ni Papita," katwiran ko habang nanatili nakatingin sa hita ng manok na hindi ko na nagalaw. Paborito ko pa man din ito pero nawalan ako ng lakas sa mga nangyayari.
"Ok, we will go home but answer my question first."
Pinilit kong kalmahin ang sarili saka dahan-dahan na inangat ang mukha upang tingnan si Adam. Seryoso ang bukas ng mukha niya ngayon habang sinasalubong ang aking mga tingin. Gusto ko man na umiwas pero tila na-magnet ang tingin ko sa kanya.
"If you're given a chance to wish one thing as of the moment, what is it?" seryoso niyang tanong.
Bigla akong napaisip sa tanong niya. Isang bagay na gusto ko hilingin? Of course, ang makapagtapos ako ng pag-aaral.
"I want to finish my study," mahina kong sagot pero alam kong sapat para marinig niya.
"One more. What is one wish of yours that you think is impossible to happen?" Sisitahin ko na sana siya dahil sabi niya ay isang tanong lang. Pero naagaw ng tanong niya ang atensyon ko.
Isang bagay na imposibleng mangyari. Napangiti ako habang nakatitig pa rin sa mga mata niya.
"Gusto kong ma-i-stranded sa mall, as in solo ko ang buong lugar tapos makakalibot ako ng malaya as in 'yung buong kabuuhan ng mall. Parang ang sarap lang sa pakiramdam," natigilan ako nang ngumiti siya at doon ko lang naalala na baka hindi niya nauunawaan ang mga pinagsasabi ko.
"Don't you think that is too scary? You like to stay in a huge place and you think you can enjoy it?"
"Yo-you understand me?" Tumango siya saka muling sumilay ang ngiti sa mga labi niya.
"Like I said, I can understand."
Napatango na lang ako saka iniwas na ang tingin sa kanya. Baka mamaya ano pa isipin niya. Na kesyo nababaliw na ako. Ano ba masama sa isang wish ko na 'yun kaya nga imposible 'di ba?"
"Your wish is my command." Napalingon ako sa kanya dahil sa sinabi niya. Napakahina non pero tila ang linaw-linaw sa aking pandinig.
Alin sa wish ko? At bakit? Isa ba siyang fairy God-father?