Chapter 15

1603 Words
MIRACULOUS NANG MAKARATING kami sa BJ mall ay hinila ko na agad si Jeena para pumasok sa loob. Pero hindi ko alam kung ano problema ng babaeng ito at talagang hinintay pa ang dalawang masamang ispirito. "Friendship, sandali lang naman. May lakad ka ba? Hintayin natin si Nuel at Adam," awat niya sa akin. Binawi niya rin ang kamay niya na hawak-hawak ko. Pakialam ko ba sa kanila! "At bakit kailangan natin silang hintayin? Naku naman Jeena, hayaan mo sila hindi naman natin sila kasama," iritado kong sagot sa kanya. Hindi man lang ako pinansin ni Jeena at talaga kumaway pa sa dalawa. Napapikit na lang ako. Ano bang kamalasan ang tumama sa akin at tila ba naging sunod-sunod na. "Ang bilis n'yo naman. Kulang na lang lumipad kayo. Excited lang?" Rinig kong sabi ni Nognog na mukhang nakalapit na sa amin. Dahil nakatalikod ako sa gawi nila. "Ito kasing si Mira, nagmamadali. Excited makikilala ang bago niyang Afam." Nasapo ko ang aking noo dahil sa sinabi ni Jeena. Napakadaldal talaga kahit kailan. Saka, anong ako? E, siya itong may ka-meet. Mamaya ka sa akin. "Akala ko ba ikaw ang may ka-meeting, Jeena? Bakit nasali si Mira?" Pag-uusisa ni Nognog. "Siyempre kaming dalawa. Alangan naman ako lang ang maging masaya kaya naman hinanapan ko rin siya. That's what friendship is for." Nagpaliwanag pa talaga siya sa dalawa. Ano ba kasing pakialam nila. Dahil naiinis na ako ay humarap na ako sa kanila saka humalukipkip. Alam kong sa mga oras na 'yun ay hindi na maipinta ang mukha ko. "Akala ko ba may pupuntahan kayo rito? Pwede ba, lumayo na kayong dalawa sa amin. May lakad kayo, may lakad din kami. Kanya-kanya tayo kaya babush." Pagkasabi ko no'n ay muli kong hinila si Jeena palayo sa mga kurimaw. Narinig ko pa ang pagtawag ni Nognog pero hindi naman sila humabol. Nang makalayo na kami ay pinanlakihan ko ng mga mata si Jeena. "Ikaw 'no. Makikipag-meet tayo pero ikaw kulang na lang hilahin mo si nognog para kayo ang mag-date." Natawa ako nang nanlaki rin ang mga mata niya sabay tumili nang walang boses. Oh, ' di ba? Gifted kaya friendship ko. Gifted sa kaartehan. "Pwede ba friendship, nakaka-iwwwww." Kung makangiwi siya akala mo naman talagang maganda. Gwapo naman si Nognog. May afam naman na n***o 'di ba? Narinig ko ang pagtunog ng cellphone ni Jeena kaya naman nakuha niya ang atensyon ko. "Hello," sagot niya. "Yes, here now." Tumahimik ito na tila pinapakinggan ang nasa kabilang linya. "Outside? Korean restaurants? Ok, ok. Coming-coming." Nang patayin niya ang tawag ay bigla na lang niya ako niyakap nang mahigpit. "Friendship, this is it. I can see my future now, I'm going to be a madam soonest!" Maarteng sambit niya nang humiwalay sa akin. "Magsasana-all na ba ako?" Asar kong sabi. Inirapan niya lang ako sabay hila sa akin palabas ulit ng mall pero mukhang sa may likuran na bahagi. Nagpalingan-lingan siya na para bang may hinahanap. Hanggang sa napatigil siya pati na rin ako. Tiningnan niya ang hawak na cellphone saka ibinalik sa pangalan ng restaurant. Ilang beses niyang ginawa 'yun bago napahawak sa dibdib niya. "Ito na 'yun friendship. Nasa loob daw siya. Nakakahiya mukhang mahal dyan. Paano ito beshie?" "Anong paano?" "A-anong gagawin ko? Papasok ba ako? Nahihiya ako," natataranta niyang wika. Napabuntung-hininga naman ako. Pero hindi ko siya masisisi dahil kahit ako naman dati ay sobrang kabado rin. Sadyang makapal lang ang mukha ko. "Sabihin mo labas siya dito," suhetsyon ko sa kanya. Dahil mukhang wala talaga siyang balak pumasok sa loob. Kaya naman nang muling tumunog ang cellphone niya at sinagot niya 'yun at sinabi ang pinapasabi ko. Mabuti na lang at pumayag. Maya-maya ay may isang matangkad na lalaki ang lumabas mula sa loob. Lumingan-lingan siya kaya naman nagkahinala na kami na ito na ang ka-meet ng friendship ko. Nakakubli kasi kami sa may gilid habang pasilip-silip. "Lapitan mo na," udyok ko sa kanya. "Sa-sandali lang, nahihiya ako. Ang lakas ng tambol ng puso ko, friendship." Gustong-gusto ko nang matawa dahil sa itsura niya pero pilit kong pinipigilan ang sarili ko. Karma is a b*tch baka bumalik sa akin agad. Inilabas nung lalaki ang cellphone niya at mukhang tatawagan si Jeena kaya naman ang bilis niyang kinuha ang cellphone at…pinatay? "Bakit mo pinatay, friendship?" Naguguluhang tanong ko sa kanya. Nakasandal siya sa may pader na tinataguan namin habang yakap-yakap ang cellphone niya. "Hi-hindi ko yata kaya friendship. Ang lakas talaga ng kabog ng dibdib ko. Ewan, pero natatakot ako." "Saan ka naman natatakot?" "Sa alaga niya. Baka hindi ko makayanan at maaga akong kunin ni Lord," seryoso niyang sambit habang ako ay napapikit na lang sa kanyang kalokohan. Advance lang mag-isip. "Magsasayang tayo ng pamasahe at oras na pagpunta rito? "Si Nuel nagbayad kaya ng pamasahe natin," kontra niya pa talaga sa akin. Binalik ko ang tingin sa ka-meet-up dapat ni Jeena pero namilog ang aking mga mata nang makitang may tatlong pulis ang nakapalibot rito. Bigla kong hinila si friendship upang makalapit kami lalo na at halos lahat nang naroon ay nagsisilapitan na rin para makiusyoso. Sinigurado ko pa rin na hindi kami makikita dahil baka madamay kami sa kung anuman dahilan o pagkakasala nito. "Friendship, ayoko nga! Utang na loob, tigilan na natin ito," mahina niyang sambit at pilit bumabalik sa dati naming pwesto. Pinalo ko ang braso niya. "Manahimik ka nga dyan. Tingnan mo may mga pulis sa paligid ni koreano." Dahil sa sinabi ko ay nakitingin na rin siya. Ako na nga ang hinila niya para makalapit. Pero hindi pa man kami tuluyan nakakalapit ay tinangay na ito ng mga pulis. Pumapalag pa ito at kung ano-ano ang sinabisabi. "I will meet someone here! Let me go!" Pagpupumiglas ni koreanong scam. "I'm not a bad person! This is set-up!" patuloy niyang pagsigaw. Napalingon ako kay Jeena nang marinig kong humihikbi siya. At hindi nga ako nagkamali dahil ngayon ay tumutulo na ang luha niya sa mga mata. Wala po akong kasalanan. Agad kong depensa baka masisisi ako. "Ui friendship, anong nangyayari sayo?" Mas lumakas ang ngawa niya kaya naman hinila ko na siya palayo roon at nakakaagaw na kami ng eksena. Dinala ko siya sa may bandang dulo, mabuti at may mga upuan na naroon. Pinaupo ko siya habang ako ay nakatayo sa harapan niya. "Manahimik ka nga friendship, nakakahiya ka. Saka mabuti na 'yun habang maaga nalaman natin ang totoo…kung hindi baka ikaw na ang susunod na biktima." Mas lumakas ang pagngawa niya. Hindi ko naman siya gustong takutin. Sinasabi ko lang naman ang pwedeng mangyari. Napakamot ako sa aking ulo. Wala akong kuto, gesture lang 'yun, ok! Pati tuloy readers inaaway ko na. "See, you are the next victim. Is good that they are arrested." Biglang sulpot ng isang baritonong boses sa aking likuran. "Ay palakang nabuntis!" Malakas kong tili. Bakit ba kasi bigla na lang magsasalita sa likuran ko. Asar kong nilingon ang taong wala na yatang alam gawin kundi sirain ang araw ko. Pero natigilan ako nang bumungad sa akin ang napakagwapong mukha ni Adam. Bakit ba lagi ako natatameme kapag napagmamasdan ko na ang angking niyang kagwapuhan. Kakaiba talaga ang epekto niya sa aking puso. Dahil ayun na naman ang puso ko na parang bolang tumatalbog-talbog. Is it love? Huwag kang assuming Mira! Bigla akong nabalik sa sarili ko. Nilabanan ko lahat ng traydor sa katawan ko upang harapin ang lalaking seryosong nakatayo at nakapamulsa. Oh! Kanin na malagkit! Ang sarap! "Laway mo, Mira! Masyado mo naman pinapahalata na patay na patay ka kay Adam." Sinong hinayupak 'yun at nang masungalngal. Lumitaw mula sa likuran ni Adam si Nognog na ang lapad nang pagkakangiti. "Afam pa more!" Pang-aasar niya saka lumapit kay Jeena. "Oh, ano? Hindi na kasi kayo manahimik. Afam kayo ng afam! Ayan napala n'yo. Tara na ihahatid na kita at baka mamaya kung saan ka na naman liparin ng katangahan mo." Hinawakan niya ang kamay ni Jeena at itinayo. "Let me go!" Ay wow! Speaking dollars ang friendship ko. "Kaya ko umuwi, hmp! Tara na Mira, uwi na tayo." Bago pa niya ako mahila ay muling hinawakan ni Nognog ang kamay niya saka hinila na siya palayo sa amin. Hahabol sana ako pero humarang si Adam sa daraanan ko. "Una na kami bro, goodluck!" Rinig kong sigaw ni Nognog. What is the meaning of this? Pati ba naman si nognog ay nagtaksil na rin sa akin? Inakit ba siya ng amerikanong hilaw na ito? Oh my gulay! Ohlalala! It can't be. "Aray!" daing ko nang may pumitik sa aking noo. "You look like an idiot! Don't worry Nuel will take good care of your friend," sabi ni Adam sa akin. "Whatever. I go too." Akmang hahakbang na ako nang humarang na naman siya kaya naman tinaasan ko na siya ng kilay. "What is your problem?" "I want to stroll here in the mall." "Go and stroll!" sabay irap ko sa kanya. "Come with me." Natigilan ako sa sinabi niya. Sama raw ako sa kanya? Bakit parang iba ang pandinig ko. Hoy! Miraculous, umayos ka. "I need a tour guide." Nasa langit na, eh, biglang bumagsak. Lagapak. Ang shaket! "Tour guide your face. I want go home. You go by yourself! Goodbye!" Gumagaling pala ako mag-english kapag galit. Lagi na ako magagalit. Nanlaki ang mga mata ko nang bigla na lang akong akbayan ni Adam at inilapit pa sa kanyang tabi. Magkadikit na ang aming mga tagiliran. Pati paghinga ko yata ay tumigil na. Ang naghuhurementado kong puso na lang ang aking naririnig. "Don't worry, I will make sure you will enjoy our little bonding." Ayoko na talaga sa earth!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD