Miraculous HINDI KO alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman. Natatakot, kinakabahan, excited… Hindi ko talaga alam. Nang ianunsyon ni Nognog kung saan kami papunta ay tila huminto ang pag-ikot ng mundo ko. Airport? Ano'ng gagawin namin doon? Sino ang…susunduin namin? Kinulit ko sina Papita, Jeena, Mamita Venus, Nognog at maging ang lalaking kasama namin pero… hanggang sa mapagod na lang ako ay wala talagang sumagot sa kanila. Ayokong mag-isip pero hindi mawala sa isip ko ang posibilidad… na baka si… dahil doon sa I shall return na 'yon. Humalukipkip ako at sinulyapan ang mga kasama ko na bigla na lang nagsitulog. Keso wala raw silang tulog na maayos. Palagay ba nila hindi ko nararamdaman na gusto lang nila ako iwasan. Nakakainis talaga! Napatingin ako sa rear view mirror at na

