Chapter 3

1487 Words
Gabrielle Ang bigat ng pakiramdam ko. Gezz. I shook my head as I tried to wake up. Ang sakit ng ulo ko, damn this hang over is killing me! Muli akong napailing habang inaalala ko ang nangyari kagabi, all I can remember is I was with Elle last night but she refused me. Napahinga ako ng malalim at saka ko bumangon sa kama. Kailangan ko ng kape para mawala ang sakit ng ulo ko. Pagbukas ko ng pintuan ng kuwarto ko ay napahinto ako nung makasalubong ko si Elle na mukhang pababa na din. Magkatabi lang ang kuwarto naming dalawa, bakas sa mukha niya ang gulat nung makita ako at paramg nataranta siya. Sobrang awkward, para akong napako sa kinatatayuan ko nung magkasalubong ang tingin naming dalawa. Kita ko sa mata niya na mukhang kakagising niya lang din at mukha siyang puyat. Ilang minuto din nagtagal ang tinginan naming dalawa. Hindi siya kumibo at wala siyang sinabi, tuloy tuloy lang siya tapos ay nilampasan niya lang ako dahil mukhang nailang siya sa akin. Hindi ko na din siya pinansin at sumunod na din akong bumaba sa kaniya. “Manang, can you make some coffee for me?” Salubong ko kay Manang Jossy na abalang nagluluto nung makarating ako sa kusina. Agad naman niyang sinunod ang utos ko. Habang naghihintay ay muling nabaling ang tingin ko kay Elle na tahimik lang. Nakita kong napatingin din siya sa akin pero agad niya ding binaling ang tingin sa ibang bagay. “Sir, ito na po.” Bumalik lang ako sa ulirat nung iabot sa akin ni Manang ‘yung kape. Agad kong kinuha yo’n tapos ay bumalik na rin ako sa kuwarto ko. Hindi ko alam kung bakit pero hindi ako komportableng makita o makasama si Elle, I am not mad, I just feel a little guilty. Oo, she’s the reason why I can’t marry Amethyst pero ginusto ko tong sitwasyon namin. I was the one who put her into this mess. Ayoko rin na magtalo o magkainitan kami ni Elle, I don’t hurt her more. So, I’m avoiding her and acting as if I didn’t see her not unless I need her to come with me at my parents house. I took a deep sigh and put my coffee on my bedside table. Pagkalapag na pagkalapag ko no’n ay biglang nagring ‘yung cellphone ko. It was Joshua calling me. “What?” Bungad ko sa kaniya mula sa kabilang linya. “Dude, where are you? May meeting tayo ng 10 am ah. Don’t telle me nalasing ka na naman kagabi?” Sambit nito sa kabilang linya kaya naman napahinga ako ng malalim at binuksan ko ‘yung laptop ko para tignan ‘yung oras. Napailing ako nung makita kong 9:30 am na. Binalikan ko si Joshua sa kabilang linya. “I’ll be there in a few minutes.” Sambit ko tapos ay binaba ko na ang tawag at nagmamadali akong nag ayos. After I take a quick shower, I was looking for something to wear when suddenly, I saw my old phone beneath some old clothes. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko pero naisipan kong kalikutin yo’n kahit na late na ako. Nag-flashback lahat sa akin. Lahat ng masasayang alala habang tinitignan ko ang mga laman nung cellphone ko. I felt sad. I miss my friends in states, these photos reminds me of our happy memories during high school days. Mas lalo akong napangiti nung makita ko ang litrato namin ni Amethyst. I felt a sudden mixed of emotions. I miss her, I wanna see her but I need to hold back. It’s been years, kamusta na kaya siya?” Bulong ko sa sarili ko habang isang mapait na ngiti ang gumuhit sa mga labi ko. Last time I heard from my friends back in states is she’s not entertaining guys since we part ways. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko nung malaman ko yo’n. Kung magiging masaya ba ako o hindi. Ayoko siyang maging miserable gaya ko. Ayoko siyang paghintayin sa isang katulad ko na walang kasiguraduhan kung kami pa ba sa huli. She didn’t deserve me. I hope she find someone who can love her and be proud of having her. U love her, I love Amethyst but damn it! I can’t do anything. Pakiramdam ko duwag ako, dahil hindi ko siya nagawang ipaglaban sa pamilya ko. Napailing ako at napahinga ng malalim. Nilagay ko ‘yung cellphone sa bulsa ng coat na suot ko tapos ay dali dali na akong bumaba. Pagbaba ko ay hindi ko na ulit nakita pa si Elle, sigurado ay nasa kuwarto pa siya o baka nakaalis na siya. Napailing ako nung maisip ko siya. Ano bang paki ko kung nakaalis na siya o hindi pa?! Tss. “I’ll drive.” Salubong ko do’n sa driver ko. Tumango naman siya at inabot sa akin ang susi ng kotse. Habang nagmamaneho ako ay nahagip ng paningin ko si Elle na naghihintay sa isang waiting shed. Hindi ko siya pinansin o hinintuan man lang. kaya na yo’n, malaki na siya. Makalipas lang ang kinse minuto ay agad na din akong nakarating sa office dahil wala namang traffic. “Dude! What took you so long? Cancelled and meeting. Your Dad cancelled it kasi hindi daw sila makakapunta. But, I have something interesting to tell you.” Nakangising sambit nito sabay upo sa may couch na nasa harap ng office table ko. Naupo ako sa swivel chair ko at napahinga ako ng malalim. “Ano yo’n?” Kunot noong tanong ko sa kaniya tapos binuksan ko ang laptop ko. “Amethyst is back. And there’s a welcome party for her tomorrow. Are you going?” Nakangisi niyang tanong sa akin kaya napa angat ako ng tingin sa kaniya. Kita ko ang malokong ngiti sa akin ni Joshua nung mapa angat ako ng tingin sa kaniya. “No, I’m busy.” Mariin at seryoso kong sambit sa kaniya tapos ay muli kong binaling ang tingin sa laptop ko. Tumawa siya ng mahina at umiling. “Wow, ang loyal mo naman yata kay Aliayah ah.” Pang aasar pa niya kaya sinamaan ko siya ng tingin. “Come on, I’m just kidding.” Sabay bawi niya pero nakangisi pa din siya. “Stop teasing me. Wala ako sa mood para pag usapan siya. Get out of my sight, please.” Mariing kong singhal sa kaniya. Tinawanan niya lang ako sabay iling habang palabas siya ng opisina ko. Napasighap ako nung makaalis siya. Sinungaling ako kung sasabihin kong hindi ko siya gustong makita makalipas ang ilang taon. Pero I need to hold back, now is not the right time see her. I will try my best to f*****g avoid her even if it means to be cold to her. Mas mabuti na munang umiwas kesa naman dagdagan 'ko pa 'yung gulo at mga problemang iniisip ko. Pabagsak kong isinara 'yung laptop ko. Damn it! Kailangan ko ng sariwang hangin para mag isip! So, I decided to go on the rooftop. Palabas na ako ng office nung makita ko si Aliayah. Para akong napako sa kinatatayuan ko at parang bumilis ang t***k ng puso ko nung makita ko siya dahil hindi lang siya ang nakatayo ngayon sa harapan ko.. she’s with.. Amethyst. Amethyst is standing behind her. “Aliayah.” Halos pabulong kong sambit. “Ah, Gabrielle, may gustong kumausap sa’yo.” Nakangiting sambit ni Elle tapos ay marahan niya akong tinalikuran. Parang napako ang mga mata ko kay Amethyst. She run towards me and hugged me tightly. Tanaw ko si Aliayah sa peripheral vision na marahang tumalikod at unti unti siyang naglakad papalayo sa amin. Para akong nablanko at nakatulala pa din ako habang nakayakap pa din si Amethyst sa’kin. "Babe, are you alright?” Nakangiting tanong ni Amethyst nung kumalas siya sa pagkakayakap sa akin. “Alam mo, I’m so glad to see you, and that friend of yours. Si Elle? She’s so nice! Tinulungan niya ako makapasok here.” Nakangiting kuwento pa niya pero nakatulala lang ako habang masayang nagkukuwento sa harapan ko dahil naiisip ko si Aliayah at ‘yung reaksyon niya kanina nung lumapit sa akin si Amethyst. Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdamam. Alam kong masaya akong makita si Amethyst pero may parte sa akin na nakaramdam ng guilt, I feel sorry for Aliayah. Damn! This is f*****g driving me crazy. I know I shouldn't be confused because I know that the woman I love is Amethyst. But, I just feel sorry for Aliayah because I know she doesn't deserve this. Hindi 'ko naman choice na saktan siya sadyang hindi 'ko lang talaga magawang mahalin siya kasi may iba na. Isa pa, our marriage is just an arrangement. Nothing more than that pero bakit ganito ‘yung nararamdaman ko. Bakit gano’n umasta si Aliayah na para bang nasasaktan siyang makita kaming dalawa ni Amethyst?! Naguguluhan ako!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD