Chapter 4

1264 Words
Elle Napasinghap ako habang pinagmamasdan ko ang mga nadadaanan naming buliding. Nakatnggap ako ng tawag mula sa mama ni Gabrielle. Gusto niya kaming papuntahin ni Gabrielle sa family dinner nila this weekend pero hindi niya daw matawagan si Gabrielle kaya ito ngayon at nagdesisyon akong puntahan siya para sabihan. Napatingala ako nung pagbaba ko ng taxi at sandali akong napahinto nung may nakita akong isang babaing pamilyar sa akin. “Amethyst?” Patanong kong bulong sa sarili ko habang pinagmamasdan ko ‘yung babaing naglalakad papalapit din sa direksyon ko. “Tama! Siya nga!” Bulong ko pa sa isip ko nung nilampasan niya ako at dumiretso siya sa information desk. “Is Gabrielle there? I wanna see him.” Nakangiti at mukhang sabik niyang tanong doon sa babae sa may information desk. “Na’ko, Ma’am. Sorry pero hindi po natanggap si Sir ngayon ng bisita lalo na po kung walang appointment sa kaniya.” Malungkot na pagtanggi nung babae kay Amethyst. Napasinghap ako at hindi ko alam pero para akong hinila ng mga paa ko papalapit sa information desk kung nasaan si Amethyst. “Gabrielle asked me to go here. Besides, I have something important to tell him..” Singit ko kina Amethyst at doon sa babaing employee. Bakas sa mukha nila ang pagkagulat nung makita ako lalo na ‘yung employee. Nginitian ko siya at buti ay nakuha niya ang gusto kong mangyari. Hindi siya nagsalita pero bakas sa mukha niya ang pag aalinlangan. Kilala ako ng mga employee nila dito, my mother in law used to introduced me yo everyone as her precious daughter in law. It is well known here pero may iilan nga na kinu-kuwestyon yo’n. Isa pa, nakita din naman nila na hindi kami malapit ni Gabrielle kaya gano’n na lang din nila ako pag usapan. Hindi ako komportableng makasama pa si Gabrielle at marinig ang mga usapan ng mga tao dito kaya umalis. Si Mama, ang mommy ni Gabrielle lang naman ang laging nagtatanggol sa akin eh. Kaya umalis ako. Ayoko ng gulo. Ilang minuto na pala akong nakatulala sa may tapat ng elevator. “Thank you for helping me see Gabrielle.” Napalingon ako nung marinig kong magsalita si Amethyst. Kita ko ang excitement sa mukha niya tapos ay ngumiti pa nga siya sa akin at pinulupot ang mga kamay niya sa braso ko as if we are close friends. “Oo nga pala, are you Gabrielle’s friend?” Kunot noo at takang tanong niya nung makasakay kami sa elevator. Napalitan ng pagtataka 'yung kaninag sabik niyang ekspresyon kaya mas lalong naging awkward kasi tinitigan niya pa ko. Napasinghap ako at binaling ko ang tingin ko sa kaniya tapos ay nginitian ko siya. “Yes, I’m Elle by the way. Alam mo? Mabait si Gabrielle, I used to work here and we became friends. Kaya alam mo na, kilala ko ‘yung ibang employees dito.” Nakangiting paliwanag ko sa kaniya kaya muli kong nakita ang pagkasabik sa reaksyon niya. “Oh, that’s pretty nice! Buti na lang pumunta ka dito ngayon at naabutan mo ako! By the way, I’m Amethyst!” Nakangiting sabi at pagpapskilala niya sa sarili niya tapos ay nakipagkamay pa siya sa akin. Sandali akong natahimik matapos no’n. Hindi ko kasi maiwasang hindi mapaisip habang pinagmamasdan si Amethyst. She was so lovely and kind. Elegant and gorgeous, kaya siguro siya nagustuhan ni Gabrielle. Sandaling nabalot ng katahimikan ang buong paligid hanggang magsalitang muli si Amethyst. “Alam mo ba? This is a surprise. Hindi niya alam na umuwi na ako eh. Miss ko na siya! Nagtatampo nga ako eh kasi simula nung umalis siya ng states at umuwi siya dito? Hindi niya ako kinokontak. Pero naintindihan ko naman, maybe busy lang siya, alam mo sobrang complicated din kasi ng relasyon namin. Excited akong bumalik ng bansa kssi gusto ko siyang makita.” Sabik ngunit bakas sa boses niya ang lungkot. “Alam mo kapag nami-miss ko siya? Lagi ko lang tinitignan ‘yung singsing na binigay niya sa akin. I never took off this ring on my hand. Sambit niya at saka niya winagayway ‘yung kamay niyang may suot na singsing. “He proposed to me back then, pero hindi matuloy tuloy ‘yung kasal namin kasi madaming problema especially sa family niya.” Malungkot pa niyang kuwento sabay hinga ng malalim. “Kapag natuloy na ang kasal namin, invite ka ah!” Hirit pa niya sa akin. Isang pekeng ngiting ang ibinigay ko sa kaniya dahil bahagya akong nagulat sa sinabi niya. “Ha? Oo, naman! Walang problema.” Nakangiti ngunit nag aalangan kong sabi. Sa totoo lang ay hindi na ako komportable at gusto kong nang umalis at iwan si Amethyst. Parang may tumusok sa dibdib ko, ang sakit marinig ng mga binibigkaa ng labi niya, ang sakit na ipamukha sa akin na may iba na talagang siyang mahal at galing yo’n mismo sa taong pinakamamabal niya. Sandali akong napatulala pagkatapos no’n at pakiramdam ko ay napansin ni Amethyst yo’n kaya tumahimik din siya. Ilang minuto lang ay biglang bumukas na ang elevator. Biglang bumilis ang t***k ng puso ko lalo na nung agad kong matanaw si Gabrielle na palabas ng office niya at mukha itong dismayado. Marahan akong naglakad papalapit sa kaniya habang kita ko si Amethyst sa peripheral vision ko na nakasunod sa akin pero nakatutok ang atensyon niya sa cellphone niya kaya naman hindi niya agad napansin si Gabrielle. Nakaramdam ako ng pagkataranta nung nabaling ang tingin sa amin ni Gabrielle at halata sa ekspresyon niya ang gulat nung makita akong papalapit sa kaniya lalo na nung mabaling ang tingin niya sa gawi ni Amethyst. Para siyang namutla at hindi makagalaw sa kinatatayuan niya. Ilang segundo rin kaming nanatiling nakatitig sa isa't isa. Habang papalapit ako ng papalapit sa kinatatayuan ay para akong nanlalambot at nanghihina. "Gabrielle, someone wants to see you." Nauutal at wala sa sarili kong sambit nung bahagya na akong makalapit sa ka kinatatayuan niya. Iyon lang ang tanging lumabas mula sa mga labi ko at pagkatapos ay agad kong nakita si Amethyst na masayang sumalubong sa kaniya pero hindi nawawala ang tingin sa akin ni Gabrielle na para siyang napako sa kinatatayuan niya. I gave Amethyst a bittersweet smile nung sandaling magawi ang tingin niya sa akin tapos ay hindi na ako nagdalawang isip pa at agad ko na silang tinalikuran dahil pakiramdam ko ay anumang sandali eh bubuhos na 'yung luha sa mata ko, ang bigat bigat nito at tila nagbabadya na siyang kumawala. Para akong nanghina habang naglalakad ako papalayo sakanila. Nanlalambot ang mga tuhod ko at nanginginig ako. Pakiramdam ko anytime eh magko-collapse ako. Ngayong nandito na ulit 'yung babaing mahal niya. Paano na ako? Mas lalo lang mapapalayo ang loob niya sa akin. Kung sabagay wala naman akong karapatang kuwestyunin 'yung relasyon namin dahil wala naman talagang kami. Walang namamagitan samin kundi ‘yung bisa lang ng kasal namin na alam kong hanggang sa papel lang yo'n at hindi na hihigit pa do'n. I'm his wife but I'm not going to be more than that. I'm not gonna be the love of his life because someone else already have his heart and it was not me and I will never be that woman. It is not my name that is written in his heart because it is already belong to someone else. Tanggap ko na kailanman hindi magiging ako yo’n, na hindi niya na mahahalin dahil may mahal na siyang iba pero bakit pa din ako nasasaktan? Paano ko tuturuan ‘yung puso kong huwag na siyang mahalin?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD