Chapter 5

1892 Words
Michael Kanina ko pa sinusubukang kontakin si Elle pero naka-off ang phone niya. Nag aalala na ako dahil nagmamadali siyang umalis kanina sa work at hindi niya sinabi sa akin kung saan siya pupunta o kung ano ang emergency niya. Uwian na kaya heto ko ngayon at nagmamaneho, binabagalan ko lang ang takbo ko at sumusulyap na din ako sa paligid, umaasa na baka nandito lang sa tabi tabi si Elle. At hindi nga ako nagkamali dahil nakita ko si Elle sa kabilang kalsada na mukhang nag aabang ng masasakyan pero namumutla siya at mukhang wala siya sa sarili. Hindi na ako nagdalawang isip at dali dali akong nag park sa isang gilid, bumaba ako at agad akong tumakbo sa kinaroroonan niya, buti na lang ay hindi naka go ang ang stoplight kaya nakatawid ako agad. “Elle.” Tawag ko sa kaniya habang paapalapit ako pero nung malapit na ako sa kaniya ay binilisan ko ang takbo para masalo siya dahil bigla siyang natumba. “Elle, okay ka lang? Anong bang nangyari sa’yo?!” Taranta kong yugyog sa kaniya pero hindi siya dumidilat. Ramdam ko na inaapoy siya ng lagnat kaya dali dali akong lumingon sa buong paligid at nung makita ko na nakahinto pa din ang mga sasakyan ay binuhat ko si Elle at akong tumakbo pabalik ng kotse ko. Rinig ko ang pagbulong ni Elle sa pangalan ni Gabrielle na para bang hinahanap niya ito. Tangina! Ano na naman bang ginawa ng gagong yo’n kay Elle?! Mariin akong huminga ng malalim para pakalmahin ang sarili ko tapos ay marahan kong sinakay si Elle sa passenger seat at kinabit ang seatbelt niya. Naiinis akong makita si Elle na nagkakaganito nang dahil lang sa asawa niyang walang kuwenta. She didn't deserve this. He didn't deserve a woman like Elle. Hindi ko ba kasi alam kay Elle bakit siya pumayag na gamitin siya nung Gabrielle na yo’n. Binilisan ko ang pagmamaneho papunta sa unit ko. Wala akong balak na dalhin o iuwi si Elle sa asawa niya, alam kong walang paki sa kaniya yo’n at hindi naman siya aalagaan no’n eh. Well, wala naman siya sa ganitong sitwasyon kung tinatrato siya ng tama ni Gabrielle eh. Sure akong hindi niya mapapansin na wala si Elle. Hindi ko alam kung anong gagawin ko, natataranta ako habang nagmamaneho. Hindi ako sanay mag alaga ng may sakit. Napasinghap ako nung mapagtanto kong nasa tapat na ako ng building kung saan ang unit ko. Nagdesisyon akong tawagan si Madi, kaibigan namin ni Elle. Napapailing na lang habang hinihintay siyang sagutin ‘yung tawag. Damn it, nakakailang dial na ako sa kaniya pero hindi niya ako sinasagot. It took me 10 missed calls before she finally picked up the call. “Oh, Kie! Dami mong tawag ah. Bakit? Are you in trouble again?” Sarkastikong tanong nito mula sa kabilang linya kaya napailing ako. I heard a loud noise in the background so she’s probably out partying or what. “No, look. I need your help. Can you come over to my place?” Mariin kong depensa at tanong sa kaniya. It’s clear in her voice that she is hesitant. “Uhm.. w-why? W-what happened?” Mausisa at nagtataka niyang tanong. “Look. Nothing happened to me pero si Elle. I need someone’s help in taking care of her. Basta, I’ll explain when you get here.” Mariin kong paliwanag sa kaniya at dali dali kong binaba ang cellphone at matapos kong mag park ay binuhat ko nang muli si Elle papunta sa unit ko at this time mahimbing na ‘yung tulog niya. Makalimpas ang mahigit 40 minutes ay dumating na din sa wakas si Madi. “Ano ba kasing nangyari?” Bungad ni Madi sa akin pagbukas ko ng pintuan. Kita ko pa ang pagkunot niya ng noo at pagtaas niya ng kilay. “Sorry, Mommy Madi ha.” Pabirong sambit ko sa kaniya kaya naman mas lalo siyang nainis at tinasaan ako ng kilay. Umiling ako tapos ay hinila ko siya papasok ng unit ko. Maka-happened kasi kala mo naman may ginawa akong masama kay Elle. Tss. Babae nga naman. Marahan kong binuksan ang pintuan ng pintuan ng kuwarto ko kung saan mahimbing na natutulog si Elle. Napahinga ako ng malalim nung makita ko pa din na mahimbing ang tulog niya tapos ay binaling ko ang tingin kay Madison. “Can you change her clothes?” Kunot noong tanong ko kay Madi at ngumuso lang siya sa akin bago pumasok sa kuwarto. “Hay na’ko, Elle! Kung hindi lang talaga kita kaibigan, aba.” Rinig kong reklamo niya sa natutulog na si Elle. Napasinghap ako habang hinihintay si Madi na matapos sa pagpapalit niya ng damit kay Elle. Dumiretso ako sa kitchen counter para kumuha ng maiinom nung makalipas ang ilang minuto ay lumabas na si Madi. “Okay na. Napalitan ko na siya ng damit at pinunasan ko na din ng maligamgam na tubig ang katawan niya gamit ang bimpo. Ano ba kasing nangyari at bakit ang taas ng lagnat niya?” Mariin at takang bungad sa akin ni Madison kaya napailing ako at saka ko ininom ‘yung tubig na sinalin ko sa baso. “Hindi ko din alam kung ano naman nagyari o ano na naman ginawa nung tarantadong Gabrielle na yo’n sa kaniya.” Mariin kong sambit at saka ko nilapag ang baso at muli akong pumasok sa kuwarto kung nasaan si Elle. Rinig ko ang malakas na pagbuntong hininga ni Madi at ramdam ko ang pagsunod niya sa akin. “Gago talaga ‘yung Gabrielle na yo’n, buti at nakita mo si Elle.” Rinig kong mariing reklamo ni Madison habang nakasandal siya sa pintuan at nakahalukipkip ang mga kamay niya. “Basta ha, hayaan mo lang siyang makapagpahinga tapos kapag nagising siya, painumin mo ng gamot. Pero pakainin mo muna kasi masamang uminom ng gamot kaoag walang laman ang tiyan, mas maigi kung may sabaw.” Sambit ni Madison na kala mo nanay na nagbibilin sa anak eh. “Opo, nay.” Nakangiting sambit ko sa kaniya kaya sinamaan niya ako ng tingin tapos inirapan lang ako at saka siya lumapit sa tabi ko at naupo din sa paanan ng kama kung saan natutulog si Elle. “Alam kong hindi ka marunong mag alaga ng may sakit.. pero alam ko ding pagdating kay Elle. Handa kang gawin lahat. Alam kong hindi mo siya pababayaan.” Seryosong sambit pa ni Madi kaya isang mapait na ngiti ang gumuhit sa mga labi ko. she tapped me on the shoulderS and gave me a warm smile that’s why I smiled at her too. “Bagal bagal mo kasi, sana una palang umamin ka na kay Elle. Edi sana hindi siya mapupunta sa gago niyang asawa.” Nakangusong sambit na hirit ni Madison kaya wala ang ngiti sa mga labi ko. “Right, I should’ve told her..” Sarkastikong bulong ko sa sarili ko. “Oh siya, mauna na ako.” Sambit niya tapos ay tumayo siya at inayos ang kumot na nakabalot kay Elle. “Thank you.” Mahinang sambit ko bago siya umalis. I think she’s busy too kaya hindi ko na siya pinigilan kasi baka nakakaabala na ako masyado sa kaniya. Makalipas ang ilang minuto ay pinatay ko na ang lampshade sa kuwarto at hinayaan ko na din na makapagpahinga si Elle. Sa himbing ng tulog niya ay baka bukas na siya magising. Sana lang ay bumaba na ang lagnat niya kahit paano. Sa sala na lang ako matutulog imbes na sa kabilang kuwarto. Para kung magising si Elle ay madali akong makaka-alalay sa kung anuman ang kailangan niya. Blanko ang isip ko, para akong tangang nakatitig lang sa kisame. Sobrang laki ng pagsisisi ko na hindi ako nagtapat sa kaniya noon bago siya pumunta ng states. Kung alam ko lang na gano’n ang mangyayari ay sana pinigilan ko siya. Wala siyang pinagsabihan ng mga nangyayari sa kaniya doon at ng mga desisyon niya. Nagulat na lang kami ni Madison na umuwi siyang pilipinas na kasal na siya. Naintindihan ko kung bakit niya ginawa yo’n. Pero sana sinabihan niya ako, sana nakagawa ako ng paraan para tulungan siya. I may not wealthy as Gabrielle, pero siguro naman ay kayang gawan ng paraan ‘yung problema niya di ba? Hindi man sabihin ni Elle, kita ko at halatang halata sa kilos niya na may nararamdaman siya para kay Gabrielle. Matagal na kaming magkaibigan ni Elle, matagal na akong nagbibigay ng motibo pero takot akong umamin. Sadyang hindi lang siguro pareho ang nararamdaman naming dalawa kaya hindi niya yo’n nahahalata. Kapag ang puso ang nagmahal, wala kang magagawa, hindi mo rin ito puwedeng diktahan. Mahal ko si Elle pero wala akong magawa kundi ang patuloy siyang suportahan. Hindi ko siya iiwan kahit anong mangyari. Hindi ako aalis hanggang sa mahanap niya 'yung tunay na pagmamahal at kasiyahan na deserve niya. Kahit maging sinuman yo'n. Handa kong tanggapin yo'n dahil makita 'ko lang siyang masaya, masaya na din ako. Napahinga ako ng malalim at saka ko muling naupo. Tangina, hindi namana ko makakatulog nito! Tatayo sana ako nung marinig ko ang boses ni Elle kaya napahinto ako at napalingon sa may pintuan nung kuwarto. “Michael..” Mahina niyang sambit kaya nanlaki ang mata kong makita siyang nakatayo sa may pintuan at namumutka pa siya kaya agad akong tumakbo papalapit sa kaniya. “Bakit ka bumangon?” Nag aalalang tanong ko tapos ay inalalayan ko siya pero bahagya niyang hinawi ang kamay ko. “A-ayos lang ako.. k-kailangan ko nang umuwi. Nakakaabala na ako sa’yo.” Mahina at nauutal niyang sambit. Bakas na bakas sa boses niya ang panghihina kaya inalalayan ko siya oabalik sa kuwarto. “No, magpahinga ka muna, bukas, ihahatid kita.” Mariing bilin ko sa kaniya kaya naman marahan ko siyang inalalayan na makaupo sa kama. “Kie.. bakit gano’n? Bakit sa dinami dami, siya pa ‘yung nagustuhan ko.. kasal lang naman kami sa papel eh pero bakit ganito? Ang sakit sakit, ang sakit na makita siyang may kasamang iba..” Humihikbing sambit niya at doon bumuhos ang mga luha niya. Ramdam ko ‘yung bigat ng nararamdaman niya. Naupo ako sa tabi niya at bahagya kong hinamas any balikat niya tapos ay niyakap ko siya. “Ssshh.. stop crying..” Mahinahon at malambing kong bulong sa kaniya. Kung ako na lang sana, Elle. Hindi ka masasaktan ng ganito… hindi ko hahayaang maramdaman mong hindi ka sapat o hindi kita mahal.. Gusto kong magtapat sa kaniya, gusto kong ipaalam sa kaniya na may nagmamahal sa kaniya pero baka lumayo siya sa akin kapag gianwa ko yo’n. Malinaw na si Gabrielle ang gusto ng puso niya kaya walang saysay kung ipipilit ko ngayon ang sarili ko sa kaniya. Ang tangi ko lang magagawa ay ang manatili sa tabi niya at damayan siya. Iparamdam sa kaniyang hindi siya nag iisa.. “Elle.. Elle..” Marahan kong tawag sa kaniya habang marahan kong sinusuklay ang buhok niya pero sa tingin ko ay muli siyang nakatulog ng mahimbing. Marahan kong inihiga si Elle sa kama para makatulog siya ng maayos. Napangiti ako nung makita ko ang mala anghel niyang mukha. Kita ang kapayapaan sa mukha niya habang mahimbing na natutulog. Sana makita ko nang muli ‘yung mga ngiti ni Elle.. “Mahal kita, Elle.. Gabrielle doesn’t f*****g deserve you..”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD