Chapter 17

1172 Words
Elle Nagising ako na parang ang bigat ng pakiramdam ko. Napailing ako habang pilit kong inaalala iyong nangyari sa amin ni Gabrielle kagabi. Bumilis ang t***k ng puso ko at nakaramdam ako ng kaba nung paglingon ko sa kabilang banda mg kama ay nakita ko si Gabrielle na mahimbing na natutulog at nakayakap pa siya sa akin. Marahan kong inalis ang mga kamay at naupo ako sa kama. Kulang na lang ay sabunutan ko ang aking sarili sa sobrang inis. Ano ‘yung nangyari kagabi?! Bakit ako pumayag?! Nakakahiya. Napanguso ako habang pinagmamasdan si Gabrielle. Paano ko na naman siya haharapin nito pagkatapos ng nangyari? Kinuha ko ang bathrobe na nakatago sa bedside cabinet ko at agad kong sinuot iyon. Akma na sama ako akong tatayo nung bigla ipulupot muli ni Gabrielle ang kaniyang braso sa akin. “Gabrielle.” Mariin kong suway tapos ay marahas kong tinaggal at hinampas ang kamay niyang nakapulupot sa skin pero hindi man lang siyang umimmik. “Tulog mantika!” Mariin kong bulong at reklamo. Tatayo na sana ako ulit sa kama nung bigla akong hinila ni Gabrielle pabalik dahilan para ma-out of balance ako at mapahiga ulit sa ibabaw niya! Tinapik ko ang kaniyang pisngi para gisingin siya pero ang hirap niyang gisingin! “Gabrielle, bitawan mo ako at bumangon ka na diyan!” Mariin kong singhal sa kaniya. Nakita kong dumilat ang mga nata niya at napalingon siya sa'kin at ilang minuto din kaming nagkatitigan pero agad niya din akong binitiwan. Sandaling katahimikan ang bumalot sa buong paligid. “Iyong nangyari kagabi, iyong mga sinabi ko, E-Elle.. I mean it.” Nag aalangan niyang sambit pero tahimik lang ako dahil hindi ko alam kung anong dapst gawin o dapat sabihin. “I’m sorry-“ “Wala kang dapat ihingi ng pasensya. Ginusto ko din nwman yo’n. I gave you permission.” Walang emosyon kong sambit tapos ay napaiwas ako ng tingin nung tumayo siya mula sa kama na walang suot na saplot. “Magbihis ka nga!” Mariin kong reklamo sa laniya pero narinig ko ang mahinang tawa niya. “Bakit nakita mo naman na-“ “Gabrielle, lumabas ka na ng kuwarto ko!” Mariin kong suway at pagtataboy sa kaniya tapos nung napalingon ako sa kaniya ay nakita kong tanging ang pang ibang prte lamang ng kaniyang katawan ang nakatakip ng tuwalya kaya kitang kita ko ang makisig niyang katawan at postura. Lumapit siya sa akin at tumayo sa harapan ko. “You like staring at this, aren’t you?” Nakangisi niyang tanong sa akin nung mahuli niya akong nakatitig sa kaniya. “Mag t-shirt ka nga!” Mariin kong sambit tapos ay binato ko sa kaniya ‘yung white shirt niyang nakakalat lang sa paanan ng kama ko. Kinuba niya yo’n at humalakhak na lumabas ng kuwarto ko. Napasabunot na lang ako sa sking sarili dahil sa inis. “Elle!! Bakit ka ba nagpapadala sa mga ginagawa niya?!” Mariin at irita kong reklamo sa aking sarili. Tumayo ako at nagmuni muni sa may balcony ng kuwarto ko nung may marinig akong nag-ring na cellphone at nung makalapit ako muli sa bed side table ay nwkita kong cellphone ni Gabrielle iyong tumunog. Na-curious ako kaya tinignan ko kung ano ‘yung pangslan nung nag-message. It was Amethyst. Para skong sinampal ng reyalidad nung makita ko yo’n. Mayroon mang nangyari sa amin ni Gabrielle pero slam kong hindi gano’n ksdali yo’n, slam kong hindi niya basta basta bibitawan si Amethyst. Ni hindi ko nga alam kung hanggang kailan kami magiging okay ni Gabrielle. Siguro hanggang umalis ang mama niya dito sa bahay? Hindi ko alam! Hindi ko alam kung kasama din ba sa pagpapanggap at papakita namin sa mama niya ‘yung nangyari kagabi na happy and in love couple kaming dalawa. Hindi na ako nag abala pang basahin o tignan ang mensahe ni Amethyst kay Gabrielle. Nagulat ako nung marinig kong may tumawag sa pangalan ko tapos paglingon ko ay nakita ko si Tita Melissa sa may pintuan ng kuwarto ko. “Hija, tara na, mag umagahan na tayo. Nasa baba na si Gabrielle.” Nakangiting sambit niya kaya tumango na lang ako at sumunod sa kaniya. Nakangiti si Gabrielle nung makita ko siya na nakaupo na sa dining table. “Hija, oo nga pala. Puwede mo ba akong samahan sa mall mamaya? Gusto ko kasing mamili ng mga bagong Christmas decorations.” Sambit ni Tita Melissa. Oo nga pala, magpapasko na. Well, Simula pa noon eh hindi naman ako masyadong nagdiriwang ng pasko, wala naman kasi akong pamilya. Nagdiriwang lang ako nung mapunta ako kina Gabrielle. Paano, tuwing pasko at bagong taon ay may pa annual family gathering ang pamilya nila. “Opo, Ma. Wala naman din ho akong gagawin ngayong araw.” Magiliw na pagpayag ko pa. “Na’ko, Hija. Alam mo ba na holiday season ang pinakapaborito niyang si Gabrielle.” “Tuwing pagkatapos nga ng noche buena eh lagi yang nawawala. Alam mo kung saan nagpupunta? Doon sa likod ng Christmas tree namin, kumakain ng chocolates at candies.” Magiliw na kuwento ni Tita Melissa habang kita ko naman ang pamumula ni Gabrielle na para bang nahihiya siya sa pinagku-kuwento ng mama niya pero hindi siya makapagreklamo! Halatang close na close sila eh at sobra akong nstutuwang makita silang ganiyan. Ngayon ko lang din nakita si Gabrielle na masaya at nakangiti. “You left your phone at my room.” Bulong ko kay Gabrielle pagkatapos kong kumain tapos ay nauna na akong umakyat pabalik sa kuwarto ko. Hays! Inaantok pa talaga ako eh. Gusto ko pang matulog! Pero kailangan kong samahan si Tita!! Nakahiga ako sa kama nung marinig kong biglang bumakas ang pintuan kaya napaangat ako ng tingin at nakita ko si Gabrielle na papalapit. “Get up, Mom is already waiting for you downstairs.” Rinig kong sambit niya sabay kuha ng cellphone niya kaya agad na akong tumayo pero hinarangan niya ang dadaanan ko. “May kailangan ka ba?” Irita at kunot noong tanong ko sa kaniya. “Elle, alam kong naguguluhan ka, ako din. Tulungan mo akong maliwanagan-“ Isang mapait na ngiti ang gumuhit sa mga labi ko habang sinasabi niya ang mga salitang iyon. “Paano kung infatuation lang yan?” Sarkastikong sambit ko na ikinatahimik niya. Lumapit siya sa akin kaya napa-atras ako at muntik na akomg ma-out of balance pero agad niya akong nasalo. “Aaminin ko, naging malamig ang pakikitungo ko sa’yo pero kasi natatakot ako, natatakot akong magkaroon ng kahit kaunting pagmamahal sa’yo. Ayokong masaktan lang kita sa huli.” Walang emosyon niyang sambit at doon nagtama ang mga mata naming dalawa. Marahan niya akong hinalikan sa noo habang nakapulupot pa din ang braso niya sa bewang ko. Agad ko siyang tinalak papalayo nung matauhan ako. “Hindi ko alam kung bakit mo ako ginugulo o kung bakit mo pinaglalaruan ‘yung nararamdama ko. Ayokong umasa lang sa mga salita mo, Gabrielle.” “Paano si Amethyst? Handa ka bang iwan siya para sa akin?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD