Elle
Nababalot ng katahimikan ang buong sulok ng kuwarto ko. ““Paano si Amethyst? Handa ka bang iwan siya para sa akin?” Mariin kong tanong kay Gabrielle pero hindi siya agad nakasagot.
“I don’t know.” Halos pabulong niyang sambit kaya isang mapait na ngiti ang gumuhit sa mga labi ko.
“Gabrielle, hindi ako aasa dahil sa nangyari kagabi. Kung talagang seryoso ka sa sinasabi. Patunayan mo pero huwag kang mag aalala, hindi kita pipilitin, hindi kita ip-pressure at hindi kita mamadaliin na magdesisyon.” Malumanay ngunit may pagdidiin kong paalala sa kaniya pero nanatili lang siyang tahimik habang nakikinig sa mga sinasabi ko at pinagmamasdan ako.
“Please, lumabas ka na.” Mariin ko pang sambit pero ilang minuto pa siyang nakatayo sa harapan na parang nagda-dalawang isip pa siya hanggang sa tahimik din siyang lumabas.
Para akong nanlambot at nanghina matapos makalabas ni Gabrielle. Alam kong isang malaking kahibangan ang papiliin si Gabrielle pero hindi ako aasa dahil ayokong mas lalo lang akomg masaktan sa huli. Huminga ako ng lalim tapos ay nagpasiya na ako na mag ayos ma dahil baka hinihintay na ako ni Tita Melissa sa baba.
Para akong lutang habang naliligo, hindi pa din maalis sa isip ko ang mga pangyayari kagabi at kanina. Ang hirap kasi paniwalaan eh. Bakit paramg biglaan? Hays! Maloloka ako sa kaniya! Binilisan ko na lang ang pagligo at pag aayos dahil baka kung ano naman maisip kong hindi kaaya-ayang nangyari kagabi. Nakakahiya talaga kasi.
Nagsuot lang ako ng white shirt at whitw pants tapos ay nagtali lamang akong ng buhok. Maya maya habang nag aayos ako ay biglang may kumatok sa pintuan ko. Napahinga ako ng malalim, kala ko kasi si Gabrielle na naman, hindi pala. “Ma’am, hinahanap na po kayo ni Ma’am Melissa.” Sambit ni Manang mula sa labas.
“Pababa na po, Manang, wait lang po.” Binilisan ko na ang paglalagay ng kolorete sa mukha dahil baka kanina pa naghihintay si Tita.
Pagbaba ko ay nakita ko si Tita sa living room at matiyagang naghihintay habang abala siya sa screen ng cellphone. “Oh, Hija, nasaan na si Gabrielle?” Kunot noong tanong niya nung makita niya ako.
Sasagot sana ako pero bigla namang sumulpot si Gabrielle sa likuran ko. “I’m here, Ma. Let’s go?” Nakangiting sambit niya.
“You looked extra gorgeous today, Hija. You are blooming.” Napangiti ako dahil sa papuri ni Tita habang naglalakad kami palabas ng bahay. Pakieamdsm ko tuloy para akong kamatis na namumula dahil sa hiya.
“She always looks good, Ma. But yeah. She looked more glowing today.” Sambit naman ni Gabrielle tapos napalingon ako sa kaniya kaya nakita ko ang pagngisi niya sa akin matapos sabihin yo’n. Gusto kong ngumiti at tunawa pero I composed myself, baka mamaya ma-misinterpret niya pa yo’n eh.
Sumakay si Tita sa backseat kaya tatabihan ko sana siya pero hinarang naman ako ni Gabrielle at sinara niya na agad ‘yung pintuan. Tinaasan ko siya ng kilay pero ipinagkibit-balikat niya lang iyo’n.
“Sakay na.” Sambit niya pagbukas sa passenger seat. Napanguso ako at napabuntong hininga. Ano ba talagang trip niya? Ni dati ayaw niya akong makita tapos ngayon gusto pa niya akong katabi. Wow!
Nakakabinging katahimikan ang bumalot habang nasa biyahe kami. Tulog si Tita Melissa sa backseat habang ako nakatuon ako mata ko sa may bintana at mga nadadaanan naming lugar.
Maya maya ay naramdaman ko ang paghawak ni Gabrielle sa mga kamay kong nakapatong sa hita ko kaya agad kong hinawi ang mga kamay niya at himdi ako nag abalang tignan siya. Ilang minuto lang ang nakalipas at nakarating na din kami sa mall, wala namang traffic kaya mabilis lang ang biyahe.
“Ma, we’re here.” Gising ni Gabrielle sa ina nung makapag park na siya.
“Thank you, nak. Ingat ka sa biyahe.” Magiliw na sambit ni Tita sa anak at saka ito nakipagbeso.
“Susunduin ko na lang kayo pagkatapos ng meeting ko sa isang client.” Sambit niya sa amin tapos sa akin naman siya lumapit at hinalikan ako sa pisngi tapos ngumiti pa siya sa akin kaya sinamaan ko siya ng tingin.
“Tara na, Hija.” Aya ni Tita sa akin papasok ng mall. Para akong nakahinga ng maluwag nung makita kong walang masyadong tao sa department store na pinuntahan namin. Namimili na kami ni Tita ng decorations na bibilhin nung matanaw ko sa di kalayuan si Amethyst?! Para akong nataranta nung makita ko siya kaya tumalikod ako at nagpanggap na busy sa pamimili pero huli na dahil nakita niya ako.
Bumilis ang t***k ng puso ko. Paano kung malaman ni Tita ang tungkol kay Amethyst at malaman ni Amethyst ‘yung tungkol sa’kin at kay Gabrielle?
“Elle?” Magiliw na lapit sa akin ni Amethyst pero nag aalangan akong lumingon. Samantalang si Tita Melissa ay abala sa pamimili ng decor na bibilhin niya doon sa kabilang section.
Nakita ko 'yung pamumutla at gulat sa mga mata ni Amethyst nung makita niya si Tita Melissa sa likuran ko. Gano'n rin si Tita Melissa, nung makita niya si Amethyst sa harapan ko.
“Tita?” Gulat na sambit ni Amethyst sabay baling ng tingin sa akin.
“Amethyst?” Gulat na sambit ni Tita tapos ay nagtataka din siyang lumingon sa akin. “Magkakilala kayo?” Nagtatakang tanong niya sa akin.
Para akong makahinga ng maluwag nung sumulpot ang isang sales lady na kausap ni Tita kanina, iyong pinakuha niya ng bagong stock ng decoration na bibilhin niya. Kinuha ki ang pagkakataon na iyon para ilayo si Amethyst kay Tita kaya hinala ko siya palabas ng department store.
“Elle, bakit mo kasama ang mommy ni Gabrielle? Anong-“
“Nagpasama siya!” Mabilis at walang pag aalinlangan kong sagot.
“Magkaibigan din kasi ang mommy ko at ang mommy niya. Kaya ayon, nagpasama siya sa akin ngayon.” Pagdadahilan ko pa. Wala na akong maisip na rason. Bahala na!
Kita ko pa rin ang pag aalinlangan sa mata ni Amethyst na para bang may halong lungkot. “I see.” Pabulong at mahina niyang sambit.
I understand Amethyst reaction and I know that she just want to be in good terms with Tita Melissa besides, Tita Melissa will be her future Mother in law so I see nothing wrong if she wants to get along with her. Sino ba naman kasing ayaw na maging tanggap sila ng pamilya ng taong mahal nila hindi ba?
Ngumiti ako sa kaniya at bahagya kong tinapik ang balikat niya. “Ayos ka lang ba?” Tanong ko sa kaniya at agad naman siyang tumango at ngumiti.
“Tita Melissa and I are not in good terms.” Nakangiti ngunit malungkot niyang sambit.
“Sure ako magiging okay din kayo.” Pagoapagaan ko pa ng loob niya kaya ngumiti siya at niyakap ako.
"Salamat, Elle. Mauna na ako ah, ilakad mo ko kay Tita, ha?!” Pabirong sigaw naman ni Amethyst bago siya umalis kaya parehas na lang kaming natawa.
"Attend pa kasi kami ni Gabrielle sa birthday party ng kaibigan namin eh." Dagsag pa niya pa kaya isang mapait na ngiti ang gumuhit sa mga labi ko. Maybe iyong nangyari sa amin kagabi, ‘yung sinabi niya kanina. It was all for his mom. Para lang ipakita sa mama niya na masaya at okay kami? But at the end of the day, it was still Amethyst. Baka kaya niya kinukuha ang loob ko ay para maging makatutuhanan ang pagoapanggap niya sa harap ng mommy niya. Tama, siguro gano’n nga.
Some of his friends knew about me pero hindi ko naman inaasahan na hindi nila kukunsintihin si Gabrielle. Besides, palabas lang naman ang kasal naman kaya siguro wala rin silang paki kung makita nila Gabrielle na may kasamang iba especially dahil kaibigan din nila si Amethyst.
Hindi ko sila masisisi. Isa pa, may kasabihan nga na “Your husband's friends will never be your friend.” Kaya hindi ko din sila mapagkakatiwalaan.
Napahinga ako ng malalim at nagdesisyon na akong bumalik sa loob ng department store at doon ko nakita si Tita na abala pa rin sa pamimili. Nung makita niya ako ay agad niya akong nilapitan at magkahalong pagtataka at pag aalala ang nakita kong ekspresyon niya. “Did you know that she’s your husband’s ex?” Kunot noong tanong niya kaya marahan akong tumango.
“Nabanggit nga po ni Gabrielle-“
“Just a piece of advice, Hija. Stay away from that Amethyst. She can be nice to everyone but that kindness of her can't be trusted. I don’t know, but I never liked her for my son..”