Elle
Hindi ako makapali at kanina pa ako paikot ikot dito sa kuwarto. Kakauwi lang namin galing sa mall at nag-excuse lang ako kina Gabrielle at Tita dahil gusto kong huminga ng maluwag. Kanina pa kasi naninikip ang dibdib ko. Sobra akong nakahinga ng maluwag nung nalampasan ko ang mga tanong ni Tita Melissa tungkol kay Amethyst. Muntikan na talaga kami do’n! Buti na lang din at naniwala din si Amethyst sa mga sinabi ko. Napalingon ako at nakaramdam ng pagkataranta nung biglang bumukas ang pintuan ng kuwarto ko at nakita ko si Gabrielle. Mukha siyang seryoso at wala sa mood
“Gusto tayong makausap ni Mom, she’s downstairs.” Seryoso niyang sambit pero nanatili lang akong nakatayo sa kinatatayuan ko kaya nilingon niyang akong muli.
“Mom is waiting, Elle.” Mariin niyang sambit kaya sumunod na lang din ako.
Pagbaba namin ay nakita ko si Tita Melissa kasama ang daddy ni Gabrielle at nandito na din ang mga gamit ni Tita. Ibig sabihin ba ay uuwi na siya?
“Mom, what’s the matter? Akala ko mag-stay kayo ng isang linggo-“
“Hijo, Hija. Alam kong alam niyong dalawa na nitong mga nakaraang araw, hindi bumubuti ang lagay ko.” Malumanay na panimula ni Tita.
“Yes, anak. We want you and Elle to represent us in a business trip. Out of the town lang pero dahil sa health ng mama mo, I don’t think I can go.” Mariing singit naman ni Tito.
“Pero, may trabaho pa ako-“
“Elle, mas malaki ang makukuha natin kapag na close niyo ni Gabrielle ang deal na ‘to.” Mariing sambit ni Tita Melissa.
“Isa pa, take that opportunity para makapag enjoy at bonding naman kayo.” Nakangiting paalala niya pa kaya nagkatinginan kami ni Gabrielle. Alam ko namang kaya na ni Gabrielle yo’n mag isa pero I can’t say no to his Mom.
I understand that she needs to undergo chemotherapy at hindi makakabuti sa kaniya ang ma-stress at magbiyahe pa. Her health is already improving now not unlike the first time I met her few years ago. Sobra siyang nanghihina no'n at halata mo na nahihirapan siya sa sakit niya at mag adjust sa mga chemotherapy niya. Ngayon kasi nakapag-adjust na siya and she's used to it na, kaya wala namang masyadong problema.
Paano ba ‘to? Mas-stuck na naman ako kasama si Gabrielle.
“Don’t worry, Mom, Dad. Kami nang bahala ni Elle, sisiguraduhin ko na makuha ‘yung deal na yo’n with that client.” Nakangiting sambit ni Gabrielle tapos ay pinulupot niya ang kamay ni sa bewang ko.
“Right, Hon?” Nakangising tanong niya sa’kin.
“Okay, if that’s the case, mauna na kami. At mag ingat kayo sa biyahe.” Mariing bilin ni Tito sa amin tapos ay lumapit si Tita para yakspin ako.
Nung makaalis sila ay nabalot ng katahimikan ang buong paligid.
“Hihintayin kita sa kotse.” Sambit ni Gabrielle tapos ay mauuna na sana siya umakyat muli sa taas pero pinigilan ko siya.
“Kaya mo naman na yatang mag isa.” Sambit ko sa kaniya kaya napalingon siya sa akin at tinasaan niya ako ng kilay.
“No, sasama ka sa akin.”
“Bakit parang kinakabahan ka?” Nakangisi niyang sambit kaya nagpantig ang tenga ko.
“May trabaho pa ako dito sa manila, maramj akong kailangang gawin.” Mariin at irita kong sambit sa kaniya.
“Babayaran ko, Elle. Dadagdagan ko ang allowance mo.” Mariin niyang sambit.
“Gano’n lang ba ang tingin mo sa akin, mukhang pera-“
“Enough with this drama. Sasama ka sa akin sa ayaw o sa gusto mo.” Mariin niyang deklara.
“Gabrielle, tama na. Huwag ka nang magpanggap na gusto mo ako. Alam ko naman na mahal mo si Amethyst.” Mariin at emosyonal kong sambit sa kaniya.
“Elle, sinabi ko na hindi ba? Bigyan mo ko ng oras. Hindi maman gano’n kadaling iwasan si Amethyst-“
“Ah kaya pala a-attend ka ng birthday party ni Joshua kasama siya.” Mariin kong sambit na kinagulat niya.
“Who told you that?” Mariin niyang tanong at saka siya bumabang muli at lumapit sa akin.
“Amethyst-“
“Nagkita na naman kayo?” Mariin niyang tanong sa akin at napailing ako at isang mapait na ngiti ang gumuhit sa mga labi ko. Base sa reaksyon niya, he still cares about her. Tama nga ako, lahat ng nangyari ay parte lang ng pagpapanggap ni Gabrielle. Ang tanga tanga ko naman kasing maniwala na iiwan niya si Amethyst para sa akin.
“Nakita namin siya sa mall, muntik na nila akong mabuko ng mama at ni Amethyst. Buti na lang nagawan ko ng dahilan at naniwala sila.” Mariin at naiiyak akong sambit sa kaniya.
“Hindi mahalaga ang party na yo’n, kaya nga nandito ako, hindi ba? I’m choosing to be with you. And you did the right thing.” Halos pabulong niyang sambit tapos ay hinalikan niya ako sa noo kaya agad ako siyang tinulak papalayo.
“Tama na, Gabrielle. Wala na ang mommy mo. Puwede na tayong bumalik sa dati.” Mariin at dismayado kong sambit pero hindi ko inaaasahan na hihilahin niya ako papalapit sa kaniya at doon niya ako siniil ng halik sa labi pero pilit akong nagpumiglas.
“Kakausapin ko si Amethyst once we get back.”
“Akin ka Elle, hindi ako papayag na iwan mo ako.” Mariin niyang sambit habang mahigpit niyang hawak hawak ang braso ko.
“Anong ibig mong sabihin?” Mariin kong tanong sa kaniya.
“Akala mo ba hindi ko alam? May balak kang hiwalayan ako at mag file ng divorce ng hindi ko alam?” Mariin at sarkastikong sambit niya na ikinagulat ko.
“H-hindi ko alam kung anong sinasabi-“
May kasunduan tayo, Elle. Akala mo ba hindi ko alam that you are planning to leave me?!
“Damn it! Don’t deny! Narinig ko kayo ni Michael na nag uusap sa restaurant!!