Elle
Para akong natulala at hindi ako makapagsalita dahil sa mga sinabi ni Gabrielle. Paano niyang narinig? Kitang kita ko sa mga mata ko na umalis na siya bago pa man kami mag usap ni Michael sa labas ng restaurant.
“Damn it! Don’t deny! Narinig ko kayo ni Michael na nag uusap sa restaurant!!” Mariing sambit ni Gabrielle at mahigpit niyang hinawakan ang mga braso ko.
“Nasasaktan ako, Gabrielle.” Mariin kong sambit sa kaniya kaya binitawan niya ako.
“Pero oo, nagpatulong ako kay Kie dahil hindi ko na kaya! Pagod na ako sa kung anuman ang meron tayo.” Mariin at emosyonal kong sambit sa kaniya kaya kita ko ang pag ngisi niya.
“That’s why I am asking for a second chance, alam ko na hindi naging maganda ang naging simula nating dalawa. Maliwanag sa akin na hindi kita mahal nung una pero habang tumatagal..”
“Habang tumatagal, unti unti akong nahuhulog sa’yo. The way you act, the way speak, the way you communicate with others, full of kindness, full of patience. The same patience you are giving me. Kahit alam kong nasasaktan ka na sa mga nangyayari, sa mga sinasabi ko sa’yo..” Mariin niyang sambit at randam ko ang pagiging emosyonal niya.
“Hintayin mo na lang ako sa kotse.” Malamig kong sambit sa kaniya tapos ay nauna na akong umakyat. Ayoko nang makipagtalo, ayoko nang marinig ang mabubaklak niyang salita. Mali ba akong pagdudahan siya? Sobrang bilis kasi ng pangyayari. Hindi ako kumbinsido.
Kinuha ko lang ang cellphone at Duffel bag bag ko sa kuwarto. I have these just in case of emergency na I have to leave quickly dito sa bahay ni Gabrielle. Pagkatapos kunin ang duffel bag at shoulder bag ko ay sumunod na ako kay Gabrielle. Paglabas ko ng kuwarto ay siya ring paglabas niya sa kuwarto kaya nagkasabay kami pababa ng hagdanan.
Hindi siya nagsalita at tahimik lamang siya. Kinuha niya ‘yung Duffel bag ko at nilagay niya yo’n sa trunk ng kotse niya.
Isang oras sa aming biyahe ay biglang bumuhos ang malakas na ulan dahilan para maantala ang pagmamaneho ni Gabrielle. Madulas ang daan at kung hindi kami hihinto sandali ay baka naman ma-aksidente kami o kaya lumubog sa baha 'yung sasakyan namin.
“Huminto muna tayo saglit.” Malumanay na sambit ni Gabrielle. Habang nakahinto kami ay nababalot pa din ng katahimikan ang buong paligid namin. Nagdesisyon muna akong sumandal sa kinauupuan ko at unidlip sandali dahil inaantok ako. Makalipas ang limang minuto ay sandaling humina ang ulan pero hindi naging sapat iyon para muli kaming makausad sa biyahe dahil nung sinubukan ni Gabrielle na muling paandarn ang manibela ay hindi ito umaandar.
Nakaramdam ako ng takot at pangamba, nasa gitna kami ng kawalan, papunta kami sa isang probinsya at hindi namin alam kung saan hihingi ng tulong. Tanging isang malakas na buntong hininga lang ang narinig ko mula kay Gabrielle.
“A-anong nangyayari, Gabrielle.” Mausisa kong tanong sa kaniya pero dismayado niya lang akong tinignan. “Nasiraan tayo, we’re stucked here.” Dismayado niyang sambit. Kapag minamalas ka nga naman. Hays!
“Saan ka pupunta?” Takang tanong at pigil ko sa kaniya nung nakita kong pababa siya mg sasakyan.
“Aayusin ko ‘yung makina ng sasakyan, diyan ka lang.” Mariing bilin niya sa akin.
Naiwan naman ako dito sa loob na sinusubukan kong buksan ang phone ko para makahingi kami ng tulong pero lowbat. Sinilip ko si Gabrielle na abala sa pagtingin sa makina ng sasakyan kaya nagdesisyon akong babain siya. “Bakit ka bumaba?! Go back inside!” Mariin niyang utos sa akin. “Susubukan ko manghingi ng tulong kaso lowbat na ako. Baka may battery pa phone mo, akin na.” Sagot ko sa kaniya kaya tuningin siya akin sabay tingin sa loob ng kotse at nguso. “Nasa loob.” Sambit kaya dali dali akong bumalik sa loob.
Nakuha ko nga ang phone niya pero 2 percent na lang ang battery.” Anong password, Gabrielle?” Pasigaw kong tanong sa kaniya mula sa loob ng kotse. “0818.” Sagot niya pero habang tina-type ko yo’n ay bigla nang namatay ‘yung cellphone niya kaya napailing na lang ako at mapabuntong hininga.
“Nabuksan mo?” Kunot noong tanong niya sa akin pero umiling lang ako. Kita ko ang matinding pagkadismaya sa mukha niya.
"Hindi 'ko magawa 'yung engine nung saksakyan. Ganito na lang. maghahanap ako ng masisilungan natin, dito ka lang at huwag kang aalis." Bilin niya bago siya akmang baba ulit ng kotse kaya kaagad ko siyang hinila pabalik.
“Teka! Sasama ako, ayoko maiwan mag-isa dito." Mariin kong sabi tapos ay ko-kontra pa sana siya pero bumaba na'ko nang sasakyan at naunang maglakad kesa sa kaniya.
Ramdam kong hindi siya sumunod kaya lumingon akong muli sa kaniya. "Ano? tara na! Lumalakas lalo 'yung ulan." Sigaw 'ko sakaniya.
Madilim at masukal ang dinadaanan namin. Bakit ba kasi gabi napiling bumiyahe nitong si Gabrielle eh.
"Gabrielle, teka lang naman! Dahan dahan sa paglalakad, masukal ang daan. Puwede bang magpahinga muna tayo?” Reklamo at kunot noong tanong ko sa kaniya na pumukaw sa atensyon niya kaya nilingon niya ako.
“Sabi ko naman kasi sa’yo na maiwam ka na lang sa kotse. Ang kulit kulit mo at sumama ka pa kasi.” Mariin niyang reklamo.
“Hindi tayo puwedeng huminto. Mukhang delikado sa lugar na ‘to. Isa pa, lumalakas na naman ang ulan.” Sambit niya tapos ay nagpatuloy siya sa paglalakad kaya wala akong nagawa kundi ang sumunod.
Nanlaki at nagningning ang mga mata ko nung may matanaw akong isang kubo sa di kalayuan kaya agad kong kinalabit si Gabrielle para ituro iyon. “Doon, may kubo sa kabilang dulo!” Natutuwang sambit ko sa kwniya tapos ay hinawakan niya naman ang kamay ko para alalayan akong maglakad dahil masukal at maputik ang daan.
Habang naglalakad ay bigla akong natalisod kaya mapahinto din si Gabrielle.
“Damn it, what happened?! Mariing sambit niya tapos ay huminto siya at lumapit sa akin para tignan ang paa ko.
“Hindi kasi nag iingat-“
“Kasalanan ko bang masukal ang daan?” Kunot noong reklamo ko sa kaniya. Huminga siya ng malalim at umiling tapos ay nagulat ako numg buhatin niya ako. “G-Gabrielle, ibaba mo ako kaya ko naman-“
“Shut up, we need to go immediately.” Mariin niyang suway sa akin hanggang sa makarating kami sa may kubo. Marahan niya akong binaba at saka namin niibot ang buong kubo at wala ngang katao tao doon. Kahit nahihirapan ay sinubukan kong tumayo.
“Tigas talaga ng ulo mo, stop roaming around.” Mariing sambit ni Gabrielle nung makita niya akong tumayo. Bumalik ako sa pagkakaupo sa may sahig at napayuko ako dahil sa bigat ng nararamdaman ko. Pakiramdam ko ay aapuyin ako ng lagnat. Dumagdagdag pa ang pilay ko sa paa.
Nagulat ako dahil nung pag angat ko ng ulo ko ay nakita ko si Gabrielle sa harapan ko na mukhang nag aalala. “Ayos ka lang?” Nag aalalang tanong niya pero para akong napipi at hindi ako nakasagot. Nagtama ang mga mata namin na parang nangungusap ang mga ito.
“Kukuha lang ako ng kahoy sa labas para makapag bon fire tayo.” Sambit niya at saka tumayo pero pinigilan ko siya at hinawakan ko ang mga kamay niya kaya napalingon siyang muli sa akin.
“Bakit? May problema ba?” Tanong niya.
“Balik ka agad, natatakot ako mag isa dito.” Nanghihina kong bulong. Hindi siya sumagot at sa halip ay tumanggo lang siya.
Makalipas lang ang ilang minuto ay bumalik na din siya na may dala dalang mga kahoy.
Sinusundan ko lang siya ng tingin habang inilalapag niya isa isa 'yung mga bitbit niya. Nagsindi siya ng apoy gamit ang mga kahoy na nakuha niya para magsilbing ilaw at liwanag namin dito.
Kinuha niya 'yung panyo na nasa bulsa ng jacket na suot niya at saka siya lumapit sa'kin. "Hindi ka kasi nag-iingat." Sermon pa nito habang tinaalian ng panyo 'yung paa kong may pilay at galos.
Pagkatapos niyang ibalot ng panyo 'yung paa 'ko ay naupo siya sa tabi ko. Wala akong ibang naramdaman kundi ang tensyon sa gitna ng katahimikan naming dalawa. Niyakap ko na lang ang tuhod ko dahil pakiramdam ko ay inaapoy na ako ng lagnat.
Napansin yata ako ni Gabrielle kaya hinubad niya 'yung jacket na suot niya at ipinatong niya yo’n sa balikat ko. “Salamat.” Mahina kong bulong tapos ay sinandal ko ang ulo ko sa balikat niya. Hindi siya umimik at hinayaan niya lang akong gawin yo’n.
“Gabrielle, I’m sorry.” Mahinang sambit ko. Hindi siya sumagot pero rinig ko ang malalim niyang paghinga kaya nagpatuloy ako.
“Gabrielle, alam mo ba? Sobrang saya ng puso ko nung sinabi mong gusto mo din ako pero mas nangingibabaw ang pangamba ko kasi hindi ako sigurado kung hanggang kailan mo ako kagigiliwan, kung handa ka bang ipagpalit lahat ng meron kayo ni Amethyst para lang sumugal sa akin.” Mariin at emosyonal kong sambit tapos ay nag angat ako ng tingin sa kaniya at doon ko na kompirma na tulog na nga siya.
“Mahal kita, Gabrielle.” Mahinang sambit ko pa pero nagulat ako nung muli niyang idilat ang mga mata niya.
“I love you too.” Bulong niya tapos ay marahan niya akong hinalikan sa labi. Ayokong bumitaw, ayokong pigilan ang nararamdaman ko sa pagkakataong ito at wala rin siyang balak kumawala sa mainit na halik na iyon.
“Sapat na sa akin na malaman kong mahal mo rin ako, Elle..” mahinang bulong niya nang siya’y tumigil, pero hinila ko siya pabalik at hinalikang muli — hindi siya nag abalang pinigilan ako. Sa halip ay mas lalo pang lumalalim ang bawat halik.
Dahan-dahang gumagala ang kanyang mga kamay sa bawat parte ng aking katawan habang ang mga halik niya ay bumaba sa aking leeg. Hindi ko mapigilang umungol at pakiramdam ko’y unti-unti na akong nawawala sa sarili sa mga sandaling ito.
“Elle, please don’t leave me, don’t ducking divorce me dahil ako papayag..”