Chapter 21

1984 Words
Gabrielle Ang bigat ng pakiramdam ko at pagmulat ko ng mga mata ko ay nakita ko si Elle sa tabi ko na mahimbing na natutulog. Hinapo ko ang noo miya para i-check kung mataas pa din ba ang temperatura niya. Mababa na ito kumpara kagabi pero may lagnat pa din siya. Marahan komg hinawi ang buhok niyang halos humarang na sa kaniyang mukha. Hindi naman talaga mahirap mahalin si Elle sadyang ako lang ang problema. Dahil hindi ko mabitawan ang nakaraan namin ni Amethyst. Nabulag ako sa mga nangyari. Sinisi ko si Elle pero hindi ko inisip na sa lahat ng nangyari, siya ang pinakadehado. Naipit siya sa ganitong sitwasyon nang dahil sa akin. Walang ibang dapat sisisihin kundi ako. Bakit gano’n? Pakiramdam ko, the longer we continue this marriage, the more I gain affection for her. Noong nakita ko siya na kasama si Michael, nakaramdam ako ng pagkainis. Alam kong hindi kami totoong in love couple ni Elle pero I can’t stand seeing her with other man. Lalo pa’t alam ko at halata sa mga kilos ng Michael na yo’n na may gusto siya sa asawa ko. Naramdaman ko ang paggalaw ni Elle, senyales na gising na siya kaya naman agad akong lumayo sa kaniya at saka ako tumayo at inayos ang sarili ko. Hindi ko alam pero hindi ko siya kayang tignan ng diretso. Nahihiya ako. “Sa tingin ko ay hindi na tayo makakatuloy pa sa out of the town na pupuntahan natin. Mabuti pa ay bumalik na lang tayo at umuwi.” Sambit ko pa tapos ay tignan ko siya. Namumutla siya at sa tingin ko eh masama pa din ang pakiramdam niya. Tinulungan ko siyang suotin ng maayos ‘yung jacket ko tapos ay marahan ko siyang binuhat. Napailing ako habang tinatahak namin ang daan pabalik sa kung saan namin na iwan ang sasakyan kagabi. Damn it! Hindi ko na maalala kung saan ko pinark ang sasakyan ko. Para akong makahinga ng maluwag at nabunutan ng tinik sa dibdib nung makalabas kami sa highway at may ilang sasakyan na ang dumadaan dito. Pero ilang sasakyan pa ang pinara namin bago may huminto at tumulong sa amin ni Elle. “Sir! Sakay ho kayo?” Alok nung driver na huminto. “Sir, sa inyo ho ba ang kotse na nakita sa di kalayuan?” Mausisang tanong niya nung makasakay kami sa sasakyan niya. “Opo, sa amin ho yo’n.” Sambit ko kaya napailing siya. “So kayo po pala ‘yung hinahanap nila.” Sambit nung driver. “Nasiraan ho kasi kagabi kaya naghanap muna kami ng masisilungan kagabi dahil ang lakas din ho kayo ng ulan.” Paliwanag ko sa kaniya tapos ay nakita ko na nabaling ang tingin niya kay Elle na halos walang malay at nakatuon ang ulo niya sa balikat ko. “She’s sick, naulanan kasi kami at napilayan pa siya.” Dugtong ko pa. Buong biyahe namin ay mahimbing lang ang tulog ni Elle dahil nilalagnat pa din siya. Nung nakarating kami sa police station ay nakita ko sina Mom and Dad. Bakas sa mga mukha nila ang pag aalala, lalo na si Mommy nung makita niya si Elle. “My God! What happened to you, Hija. Are you okay?” Nag aalala at tarantang salubong ni Mommy kay Elle. “We get stucked in the middle of nowhere, napilayan si Elle dahil natapilok siya. It raining heavily last night.” Paliwanag ko kay Mommy at saka ko inalalayan si Elle na maupo. “Ikaw ayos ka lang ba?” Tanong naman ni Mommy sa akin kaya ngumiti lang ako at tumanggo. “Dapat pala ipinagpabukas na namin pagbiyahe niyo. Sorry, son, it’s our fault.” Paghingi ng pasensya ni Daddy sa akin. “Walang may kasalanan, Dad. It’s a natural calamity.” Sambit ko pa sa kanila. Hinila ko si Mommy malayo kina Elle. “Ma, can I ask for a favor? Kailangan ni Elle na magpahinga. Puwede ho bang kayo na muna ang bahala sa kaniya? May pupuntahan lang ho ako. And can I borrow your car?” Pakiusap kong sambit kay Mommy na hindi maiwasang hindi mapasulyap kay Elle na mukhang nanghihina at namumutla. “Sige, mag iingat ka.” Bilin ni Mommy kaya tumango ako at umalis. Hindi na ako nagpaalam kay Elle dahil gusto kong mapag isa, malayo sa kaniya at malayo kay Amethyst. Gusto kong makapag isip isip at maliwanagan. I drove as fast as I can until I arrived at Joshua’s condominium. Kita ko ang pagkabigla sa reaksyon niya nung makita niya ako sa tapat ng pintuan niya. “Bro? What brings you here?” Gulat at takang tanong niya sa akin. “Want a drink, want to unwind.” Sarkastikong sambit ko sa kaniya bago ako pumasok sa loob ng unit niya. Kita ko naman ang pagtaas ng kilay niya dahil sa sinabi ko. “Inom? Gago, seryoso ka ba? Ang aga aga! Ano na naman bang nangyari sa’yo?!” Sarkastiko at hindi makapaniwalang tanong niya sa akin. Napahinga ako ng malalim at napailing sabay abot sa akin ni Joshua ng isang baso ng alak nung makarating kami sa kitchen countertop niya. “In a span of a week, alot had happened.” Sambit ko pa kaya tinasaan niya ako ng kilay. “Ano ibig mong sabihin?” Kunot noong tanong niya sa akin kaya napangisi ako at napailing. “I was actually falling for Elle.” Sarkastikong sambit ko sa kaniya kaya nakita ko ang malawak niyang ngiti. “The more I get close to her, the more I realize that I actually have feelings for her. Kagabi, pupunta dapat kami sa isang business trip pero hindi kami natuloy kasi na stucked kami sa kawalan. Nag aalala ako kay Elle..” “Alam mo sa tuwing nakikita ko siya na kasama ‘yung kabigan niya na si Michael, naiinis ako. We all know may gusto siya sa asawa ko. Halata naman eh.” “Josh, I treated her unfairly, sinisi ko siya isang bagay at sitwasyon na ako naman ang naglagay sa kaniya. Kasalanan ko to. Ako ‘yung humingi ng tulong sa kaniya. Ako ang dahilan kung bakit kami nasa ganitong sitwasyon. Ginulo ko ‘yung buhay niya.” Emosyonal kong sambit hanggang sa hindi ko na napigilan ang luha. “Wala naman sanang problema na mahulog ka sa kaniya. I meam, legally, sa mata ng diyos at batas, kasal kayo. But the question is, paano si Amethyst?” Sambit niya at saka siya napailing. “Hindi ko alam, hindi ko alam..” Paulit ulit kong sambit. “Sigurado ka na ba talaga sa nararamdaman mo kay Elle? O baka naman naawa ka lang sa kaniya o di kaya, na-threatened ka lang do’n kay Michael? Hindi kaya ng ego mo na-“ “Hindi ko alam, Josh. Naguguluhan ako.” Mariing giit ko sa kaniya. “Mahirap yan, pre. Kahit sinong piliin mo, mayroon at mayroong masasaktan. Kaya kumg ako sa’yo, pag iisipan ko ng mabuti kung sino ba ang mas matimbang sa puso kasi, baka magsisi ka sa huli.” Seryoso niyang sambit. Pero tama siya, kahit sinong piliin ko eh hindi magiging madali ang lahat. “Alam mo? Maiwan muna kita dito ha, may meeting pa ako na pupuntahan eh. Huwag kang magpapakalasing maigi.” Bilin nito kaya napailing ako. Tss. “Umalis din.” Bulong ko tapos napangisi ako habang tinitignan ang mga alak na naka-display sa shelves niya. I know alcohol won’t solve my problems but at least, I can forget about them for a short period of time. I took my phone out of pocket pero wala nga palang charged iyon kaya napalingon ako sa paligid at nakita ko ‘yung charger sa may couch kaya lumipat ako doon. Napailing ako at sinandal ko ang ulo ko sa may couch. Para akong tangang nakatulala habang nakatingala sa kisame. Ramdam ko naman na mahal ako ni Elle eh. Hindi ako gano’n ka manhid para hindi maramdaman yo’n but I do feel bad for her. I feel so guilty sa mga nasabi ko sa kaniya noon. Napailing ako nung napagtanto ko na mag aalasingko na ng hapon. Kakainom at isip ko dito ay hindi ko na namalayan ang oras. Gago, anong oras na wala pa din siya. Hindi ko alam kung saan ako uuwi, ayokong makita si Elle, ayoko din makita si Amethyst! Alam kong naghihintay sa akin si Elle sa bahay, gano’n din si Amethyst sa condo, panigurado akomg nandon siya. Damn it! Napalingon ako nung biglang bumukas ang main door at doon ko nakita si Joshua na hingal na hingal at mukhang nagmamadali. “You need to go, my sister is coming. She can’t see you like that. Sabihin no’n kinukunsinti pa kita-“ “Okay, I understand.” Tipid kong sambit tapos nakita ko ang pag iling niya lalo na nung makita niya ang mga bote ng alak na nakakalat sa buong paligid. “Tara na, ihahatid na kita.” Sambit niya pero hinawi ko ang mga kamay niya. “I can handle myself. I’m not that drunk.” Sambit ko sa kaniya kahit pakiramdam ko eh intoxicated na talaga ako. “I’ll drive you home.” Sambit niya pero umiling ako. “I can handle myself.” Mariing sambit ko pa sa kaniya tapos ay palabas na ako nung siya namang dating ng ate ni Joshua kaya hindi na din siya nakasunod pa sa akin. Tahimik ako na naglalakad sa parking lot nung mapahinto ako dahil nakita ko si Amethyst. Para akong napako sa kinatatayuan ko nung makita ko siya. A-anong g-ginawa niya dito? Paano niya nalaman na nandito ako?! “Gabrielle, babe.” Mahinang sambit niya tapos ay dali dali niya akong sinalubong. “Gabrielle, ano bang nangyayari sa’yo? Nag aalala ako sa’yo. Ilang gabi ka nang hindi umuuwi sa unit mo at hindi mo sinasagot ang mga tawag ko-“ “Nothing, Amethyst. Just go home.” Mariin at seryoso kong sambit sa kaniya. Natatakot ako, natatakot ako na bala kung anong masabi ko sa kaniya na pagsisihan ko lang din bandang huli. “Gabrielle?!” Dismayado niyang reaksyon. “Gusto ko lang mapag isa, Amethyst.” Mariin kong sambit sa kaniya. “No! Hindi ako aalis hangga’t hindi mo sinasabi sa akin. Ano ba talagang problema?!” Mariing tanong ni Amethyst at mababakas sa mukha niya ang pagkadismaya. Napailing ako at napahingang malalim. “I’m the problem, Amethyst. Sa ngayon, bigyan mo ako ng oras para mag isip at maliwanagan-“ “Maliwanagan sa ano? Maliwanagan kung sino ba sa amin ni Elle?” Mariin niyang tanong kaya para akong napako at mutla sa kinatatayuan ko. Damn it! Paano niya nalaman?! Sinong nagsabi sa kaniya?! “Oh, bat natahimik ka?! Kala mo hindi ko malalaman?!” “Oh My God! Hindi mo masagot, hindi mo maitanggi. So, totoo nga?! Kailan pa, Gabrielle?!” “Kailan niyo pa ako niloloko?!” Mariing tanong ni Amethyst habang nakatulala lang ako sa harapan niya at pinakikinggan siya. “You’re cheating on me with that woman!” Mariin niya pang sambit tapos ay sinubukan ko siyang pakalmahin at hawakan ang mga kamay niya pero pilit niya akong tinutulak palayo. “Amethyst, kung kakalma ka, maipapaliwanag ko ng maayos sa’yo ang lahat.” Mariin kong sambit sa kaniya pero hindi siya nakikinig. Hanggang sa mapahinto ako dahil nakkta ko si Elle na nakatayo sa harapan namin. Agad akong napabitaw sa kamay ni Amethyst. Tangina! Elle looked so pale and nervous. “I’m sorry..” iyon lang ang tanging mga salitang lumabas sa bibig ni Elle. Agad niya kamimg tinalikuran at tumakbo siya papalayo sa amin. Gusto ko siyang sundan pero magulat ako nung hilahin ni Amethyst anh kamay ko pabalik nung nagtangka akong sundan si Elle dahil nag aalala ako sa kalagayan niya. “Gabrielle, talaga ba? Talaga bang mas pipiliin mo ang babaing yo’n kesa sa akin?!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD