Elle
Nagising ako mula sa pagkaka-idlip ko. Nung makauwi kami ay agad akong natulog dahil sobrang sama pa din ng pakiramdam ko. Napalingon ako sa kabilang banda ng kama ko at saka ako napailing. “Ano bang ini-expect mo, Elle? Makita pa siyang mahimbing na natutulog sa tabi mo?!” Mariin at irita kong tanong sa sarili ko. Napailing ako at nabaling ang tingin ko sa alarm clock na nakapatong sa bed side table ko. “Mag aalasais na din pala ng gabi. Ang haba pala ng tulog ko.
Dali dali akong bumangon sa kama nung may marinig akong kumatok sa pintuan. “Sandali.” Pasigaw kong sambit tapos pagbukas ko ng pintuan ay bumungad sa akin si Manang Jossy.
“Ma’am, pinapahatid po ni Ma’am Melissa. Kumain na daw po kayo para daw ho makainom na ho kayo ng gamot.” Sambit niya habang buhat buhat ang tray na may lamang pagkain at gamot. Ngumiti ako at tumango at saka siya pumasok para ilapag sa lamesa ang dala niya.
“Ah, manang, nandiyan po ba si Gabrielle?” Mausisa kong tanong sa kaniya.
“Na’ko, Ma’am. Hindi pa ho umuuwi si Sir.” Sagot niya sa akin kaya ngumiti ako at tumango.
Nung makalabas na siya ay siya namang katok ni Tita Melissa sa kuwarto ko kaya dali dali ko siyang pinagbuksan.
“Ma-“
“I’m glad na gising ka na, Hija.” May galak na sambit ni Tita Melisa sa akin.
“Ma, si Gabrielle ho? N-nagpaalam ho ba siya sa inyo?” Nag aalala at nagtatakang tanong ko kaya napailing si Tita Melissa.
“Oo, may aasikasuhin lang daw siya pero hanggang ngayon kasi eh hindi pa din siya umuuwi. Alam mo nag aalala ako. Gano’ng kakagaling niyo lang sa failed business trip, muntik pa kayong mapahamak tapos bigla siyang aalis ng walang paalam.” Nag aalalang sambit ni Tita Melissa kaya hindi rin mawala sa akin ang pag aalala.
“Alam mo, he asked me to look after you..” Dugtong pa ni Tita Melissa. Ginawa niya yo’n? Nag aalala siya sa akin o baka naman na misinterpret ko na naman.
Isang pilit na ngiti ang ipinakita ko kay Tita Melissa. “Hindi ko rin ho alam kung saan siya nag punta pero sigurado ho ako na baka pauwi na din ho siya. Mabuti pa ho, magpahinga na lang muna po kayo. Huwag na ho kayo mag aalala.” Nakangiting sambit ko sa kaniya para pagaanin ang loob niya.
Tumango si Tita at ngumiti. “Sige, ikaw din. Take a rest.” Sambit niya bago lumabas ng kuwarto ko.
Nung makalabas si Tita ay siya namang nag ring ‘yung cellphone ko na naka-charge. It was Joshua calling me all of a sudden.
“Hello?” Sambit ko mula sa kabilang linya.
“Hi, Elle.” Bati niya at kahit nasa kabilang linya siya ay nararamdaman ko ang pag aalangan niyang magsalita.
“Uhm, I called because..”
“Listen, Gabrielle is here earlier, marami siyang nainom dito sa unit ko. Now, the thing is hindi ko siya naitid dyan sa bahay niyo kasi biglang dumating ang kapatid ko. I think he is still in the parking lot, lasing siya at hindi siya makakapagpaneho. Puwede mo ba siyang puntahan doon?” Nag aalalang paliwanag niya kaya isang mapait na ngiti ang gumuhit sa mga labi ko. Bakit ako ang tinawagan ni Josh at hindi si Amethyst?
“B-bakit ako ang tinawagan mo?-“
“Why not? You are his wife.” Mariing sambit ni Joshua sa kabilang linya.
“Sige na, I have to go. I just informed you kaya ako tumawag.” Nagmamadaling sambit nito bago ibaba ang tawag.
Napabuntong hininga ako at napailing. Nag aalala ako kay Gabrielle pero nagdadalawang isip din ako. Bahala na nga! Kailangan ko siyang maiuwi ng ligtas. Nagdesisyon akong magtaxi na lang papunta sa unit ni Joshua. Hindi naman kalayuan yo’n sa subdivision kung saan ang bahay ni Gabrielle kaya mga sampung minuto lang ay nakarating na din agad ako. Hindi ko alam bakit pagbaba ko ng taxi ay nakaramdam ako ng matinding kaba at parang palakas ng palakas ang kabog ng dibdib ko.
Parang ang bigat ng bawat hakbang ko patungo sa parking lot. Napako ako sa kinatatayuan ko nung makita ko si Gabrielle at Amethyst na nagtatalo. “Oh, I’m sorry.” Iyon lang ang tanging lumabas sa bibig ko nung parehas silang napalingon sa akin. Dali dali ko silang tinalikuran. Narinig ko ang pagtawag ni Gabrielle sa pangalan ko pero hindi ko naramdaman na sumunod siya. Maya maya pa ay napahinto ako at napalingon muli sa kanila pero laking gulat ko nung makita ko si Amethyst sa likuran ko.
“Malandi ka!” Isang malakas na sampal ang sinalubong sa akin ni Amethyst.
“Tinuring kita na kaibigan. But you lied, you betrayed. Inagaw mo si Gabrielle sa akin!” Mariin pa niyang sambit tapos ay susugurin niya sana akong muli pero umatras ako at pinigilan siya ni Gabrielle na makalapit sa akin.
“Makinig ka, Amethyst. Hindi ko gusto na magsinungaling-“
“But you did!” Mariin niyang giit.
“Gaano katagal niyo na akong niloloko ha?” Mariin pa niyang tanong kaya napailing ako.
“Amethyst, our marriage is just for a show-“
“Shut up! Liar! Pinagmukha mo akong tanga!” Mariin niyang sigaw sa akin kaya mas lalo akong kakakaramdam ng tensyon at kaba.
“Amethyst, enough! Walang kasalanan si Elle. It’s my fault-“ Isang malakas na sampal din ang nakuha ni Gabrielle kay Amethyst nung sinubukan niyang mamagitan at ipagtanggol ako.
“Pareho lang kayo!” Giit niya at saka siya napahagulgol. I feel so guilty and mad at the same time. I am his legal wife psro hindi ako ang mahal niya. Sa mga puntong to, hindi ko na alam kung sino ang tama sa amin.
Alam ko naman kung hanggang saan lang kami ni Gabrielle eh pero hindi naman ibig sabihin no'n na may karapatan na silang saktan ako ng ganito lalo na si Amethyst. Naipit lang din ako sa sitwasyon.
“Amethyst, naiintindihan kong galit ka dahil naglihim kami pero sana intindihin mo din ‘yung sitwasyon.” Mariin at emosyonal kong giit sa kaniya pero hindi siya nakikinig.
“Amethyst, huwag mong i-baling ang galit mo kay Elle. Hayaan mo muna akong magpaliwanag.” Pakiusap na sambit ni Gabrielle pero umiling si Amethyst at tinulak siya papalayo.
“Wala kang kailangan ipaliwanag, Gabrielle. Kung talagang mahal mo ako. Ako ang pipiliin mo at iiwan mo ang babaing yan!” Mariin niyang deklara kaya napalingon din sa akin si Gabrielle sa akin. Hindi ako nagsalita at hinayaan ko lang siyang mamili.
“Oras na, Gabrielle. Para bumalik na tayo sa kaniya kaniya nating mga buhay.” Emosyonal kong sambit tapos ay muling lumingon si Gabrielle kay Amethyst na matalim ang mga tingin sa amin habang nag abang ng sagot ni Gabrielle.
“Ano Gabrielle? Hindi ka makapili?!” Sarkastiko at dismayadong tanong ni Amethyst.
“Hindi mo siya mahal, sa papel lang ang kasal niyo pero hindi ka makasagot sa isang simpleng tanong lang!” Saad niya at isang mapait na ngiti ang gumuhit sa mga labi ni Amethyst habang si Gabrielle eh nanatiling tahimik na para bang hindi niya masagot ang tanong ni Amethyst kaya sa huling pagkakataon ay muling nagsalita si Amethyst.
“Sumagot ka, Gabrielle. Mamili ka Gabrielle! Ako o si Elle?!”