Elle
Para akong nabibingi sa katahimikang bumabalot sa pagitan namin ni Gabrielle at Amethyst. “Sumagot ka, Gabrielle. Mamili ka Gabrielle! Ako o si Elle?!” Mariin at ulit na tanong ni Amethyst kay Gabrielle.
“A-Amethyst, d-don’t-“
“Hindi mo masagot? Ibig sabihin lang hindi ako ang pinipili mo, Gabrielle!” Mariin at dismayadong sambit ni Amethyst tapos ay hinawi niya ang kamay ni Gabrielle nung sinubukan nitong lumapit sa kaniya.
Nagpupuyos sa galit na umalis si Amethyst kaya naiwan kaming dalawa ni Gabrielle dito. Huminga ako ng malalim at dali dali ko siyang tinalikuran pero nagulat ako nung habulin niya ako at pigilan.
“Elle, sandali.” Sambit niya kaya nag aalangan ko siyang hinarap.
“Bakit hindi mo siya sundan.” Mahina kong sambit.
Bumuntong hininga siya at huminga ng malalim. “Galit siya, Elle. Kahit anong paliwanag ko, hindi siya makikinig sa akin.” Sambit niya pero isang mapait na ngiti ang gumuhit sa mga labi ko.
“Pero hindi mo sinagot ‘yung tanong niya kanina.” Sambit ko kay Gabrielle kaya natahimik siya.
“Naguguluhan ka pa din ba? Huwag kang mag alala, hindi ako umaasa. Kahit anong maging desisyon, tanggap ko. Handa ako. Matagal na.” Mariin ngunit emosyonal kong sambit sa kaniya tapos ay at saka ko siya tuluyang tinalikuran. Narinig ko ang pagtawag miya sa pangalan ko pero hindi na ako lumingo.
Kahit nanlalambot at nanghihina ay nagawa kung pumara ng taxi. “Ma’am saan po tayo?” Tanong nung driver pageakay ko sa back seat.
“Villa Catalina Heights.” Mahinang sambit ko sa driver tukoy ko sa subdivision kung saan matagpuan ang bahay ni Gabrielle.
Pansin ko ang panay sulyap nung driver sa akin mula sa rear view mirror. “Ma’am, okay lang po ba kayo?” Mausisang tanong niya kaya napa angat ako ng tingin sa kaniya at saka ako bahagyang ngumiti.
“Opo. Ayos lang.” Nakangiting sambit ko hanggang sa makarating na din kami sa address na sinabi ko.
Hindi na ako umimik pa at binigay ko na lang kay Kuyang driver ang isang libo. Alam ko na may sukli pero hindi na ako nag abalang kunin pa yo’n at dali dali na akong bumaba.
“Oh My God, Elle! Okay ka lang ba? Nasasn si Gabrielle? Kasama mo ba siya?” Taranta at nag aalalang salubong ni Tita Melissa sa akin pero hindi ko na kayang magpanggap pa.
“Hindi ho, mauna na ho ako sa taas, masama pa din ho pakiramdam ko.” Sambit ko at hindi ko na hinintay pa ang sasabihin niya at dali dali na akong umakyat ng hagdanan.
Nasa tapat na ako ng kuwarto ko nung mapahinto ako. Ito ba yo’n? Ito na ba iyomg katapusan ng lahat?
Pinunasan ko ang mga luha ko at pipihitin ko na sana ang doorknob nung marinig ko ang boses mi Gabrielle at paglingon ko sa likuran ko ay nakita ko siyang nakatayo doon. Mukha siyang pagod at dismayado.
“Mag usap tayo.” Malamig niyang sambit.
“Pinauwi ko na si Mommy.” Dugto pa niya pero nanatili lang akong tahimik.
“Let’s end this Gabrielle. For the sake of everyone.” Mahina kong sambit sa kaniya pero lumapit siya sa akin at niyakap ako.
“Hindi ako magsasawang humingi ng tawad sa’yo, Elle..” Emosyonal niyang sqmbit habang mahigpit na nakayakap sa akin pero bahagya ko siyang tulak palayo.
“Wala kang kailangan ihingi ng tawad. Nung araw ma kinasal tayo, tanggap ko na. Alam ko na kung anong magiging katapusan nito kaya huwag kang mag alala-“
“Seryoso ako sa sinabi ko nung nakaraang araw, ayokong makipaghiwalay, Elle..”
“Ikaw.. Ikaw ang pinipili ko-“
“Paano si Amethyst-“
“Damn it, Elle! For once, isipin mo naman ang sarili mo.” Mariin niyang giit. Nagulat ako nung bigla siyang lumuhod sa harapan ko.
“Elle, ayusin natin ‘to. Magsimula ulit tayo. Marry me again.” Emosyonal niyang sambit habang hawak hawak niya ang mga kamay ko habang nakatingin ako sa kaniya na hindi ako makapaniwala.
“Tumayo ka diyan.” Mariin kong sambit sa kaniya pero hindi niya ako sinunod. Tumayo lang siya nung muntik na akong matumba dahil nakaramdam ako ng hilo para alalayan ako. “Let’s go to my room.” Sambit niya.
“Huwag mong alalahanin si Amethyst. Kakausapin ko siya ng maayos.” Paninigurong sambit niya habang naglalakad kami patungo sa kuwarto niya.
“Gabrielle, hindi mo kailangan gawin to-“
“Sssh.. my decision is already final, long before Amethyst found out.” Sambit niya tapos ay inalalayan niya akong makaupo sa kama niya.
Nilibot ko ang tingin ko sa loob ng kuwarto ni Gabrielle. It was my first time being here and something caught my attention. “Stay here, mags-shower lang ako. Take arest.” Bilin niya tapos ay hinalikan niya ako sa noo pero pinigilan ko siya.
“Gabrielle, sino ‘yung babaing katabi ng mama mo sa picture?” Takang tanong ko sa kaniya. Turo ko do’n sa family picture nila ma nakapatong sa bedside table niya.
“Celestea, my little sister. Matagal na siyang nawawala, and rumor has it, she’s dead. Sa tingin namin, kasi nawala siya, walang lead..” Bakas sa boses ni Gabrielle ang lungkot habang nagkukuwemto.
“Did she liked Amethyst?” I asked such a random question kaya bahagyang napangiti si Gabrielle.
“Oo? I think. Alam mo, Mom used to like Amethyst. Not unlike nawala si Celestea. Hindi ko alam kung konektado ba yo’n pero.. simula no’n, Mom despise Amethyst. Maybe because si Amethyst ang huling kasama ng kapatid ko nung mangyari ‘yung insidente.” Kuwento ni Gabrielle at isang mapait na ngiti ang gumuhit sa mga labi niya kaya hinawakan ko ang mga kamay niya.
“Magpahinga ka na muna, Elle. Magluluto ako ng pagkain after I take a bath. Matulog ka muna.” Mariing bilin niya sabay ngiti sa akin tapos ay dumirrtso na siya sa walk in closet niya.
Mahihiga na sana ako para magpahinga muna nung biglang may nag pop up na message sa cellphone ko. It was Amethyst, she wants to talk to me in person. Natulala ako at parang napako ang tingin ko sa text message ni Amethyst.
“Sino yan?” Muntik na’kong mapatalon sa gulat nung marinig ko ang boses ni Gabrielle at nakita kong makatayo na siya sa harapsn ko.
“Amethyst.” Tipid kong sagot kaya agad niyang hinablot mula sa kamay ko ang cellphone at binasa niya ‘yung message ni Amethyst.
“Gusto niyang makipagkita-“
“Don’t f*****g go. Ako nang bahalang kumausap sa kaniya. Just stay away from her.” Mariing bilin ni Gabrielle bago ilapag ang cellphone ko sa bedside table.
“Pero hindi ba mas maganda kung mapapaliwanagan-“
“Elle!”
“Hindi ba puwedeng makinig ka na lang at sundin mo ako? She’s mad right now. Who knows baka kung anong magawa ni Amethyst. Elle, sobra sobra na ‘yung problemang dinudulot ko sa’yo at ayokong dagdagan pa yo’n.”
“Gusto kong ayusin lahat, para sa’yo, para satin.”