Chapter 24

1188 Words
Elle Nagising ako dahil sa pagtama ng sikat ng araw sa mukha ko. Umaga na? Dali dali akong bumangon at nung lumingon ako sa kabilang banda ng kama ay wala doon si Gabrielle. Huminga ako ng malalim at napailing. Nakatulog ako at hindi niya man lang ako ginising. Pumasok na kaya siya sa trabaho? Tamad na tamad akong bumalik sa pagkakahiga dahil inaantok pa ako at pakiramdam ko ay hindi sapat ang tulog ko. Makakatulog na sana akong muli nung maramdaman kong bumukas ang pintuan pero hindi ko pinansin iyon. “Elle..” Rinig kong malambing na tawag ni Gabrielle sa pangalan ko pero hindi ako umimik. Maya maya ay naramdaman kong may humalik sa braso ko kaya nagulat ako at napalingon. “Good Morning.” Nakangiting bati niya. “Hindi ka sumasagot. Inaantok ka pa ba? Kimain muna tayo tapos ay at saka ka na lang ulit magpahinga. Hindi kita ginising kagabi para makapagpahinga ka.” Paliwanag niya sabay yakap sa akin. “Teka ka nga, nakainom ka na naman ba?!” Mariing tanong ko nung maamoy ko ang alak paglapit niya sa akin. “Just.. just a little bit. I couldn’t sleep so I drank.” Kamot ulong paliwanag niya kaya. “Sige, magluluto lang ako.” Sambit ko tapos ay dali dali akong bumangon pero pinigilan niya ako. “The food is ready.” Nakangiting sambit niya sa akin. “Nagluto ka?” Kunot noong tanong ko sa kaniya pero umiling siya. “No, Manang Jossy did.” Sambit tapos ay napatulala na lang ako dahil naalala ko ang mga panahon na ako ang laging nagluluto ng lunch niya ng hindi niya alam. Mapansin niya kaya kung iba ang lasa ng luto ko at luto ni Manang Jossy. “Masarap magluto si Manang noh? She always packed lunch for me.” Sambit pa ni Gabrielle habang naglalakad kami sa hallway ng second floor at pababa na sa dining area. “Sir Kape niyo po.” “Ma’am, gatas niyo po.” Salubong sa amin ni Manang nung nasa table na kami. At doon ko nakita na naka-prepare na lahat at ang daming pagkain na pinaluto ni Gabrielle. “Salamat po, Manang.” Nakangiting sambit ko nung kinuha ko ‘yung mainit na gatas tapos ay ngumiti din si Manang sa akin. “Manang, kumain na din po kayo.” Alok at aya ni Gabrielle kay Manang at doon sa driver niya. “Sir, huwag na po mamaya na lang po-“ “No, kumain na kayo. Sige na mapaupo na kayo.” Pilit ni Gabrielle sa kanila kaya naman nag aalangan silang naupo. Napahinga ako ng malalim at napalingon kay Gabrielle na abalang maglagay ng pagkain sa plato ko. Para akong tangang nakatulala kay Gabrielle habang pinapanood siyang kumain at mapansin na iba ang timpla ng luto ni Manang Jossy. Halata sa mukha ni Gabrielle na nasarapan siya sa menudong kinakain niya pero may pagtataka sa mukha niya. Hangang sa bumaling siya kay Manang Jossy. “Manang, iniba mo ba ang recipe mo?” Kunot noong tanong ni Gabrielle. “B-bakit po, Sir hindi po ba masarap ‘yung luto ko-“ “No, it taste good but different. I mean, hindi kasing sarap nung pinapabaon mong lunch sa akin. May nakalimutan ka bang ilagay na ingredients?” Takang tanong ni Gabrielle kay Manang kaya napalingon ito sa akin. “Sir.. hindi ho kasi ako ang nagluluto no’n.” Nag aalangang sagot ni Manang Jossy kaya naman nagtatakang tumingin sa kaniya si Gabrielle. “It’s me.” Tipid kong sambit na pumukaw ng atensyon ni Gabrielle. “Ikaw? B-Bakit hindi mo sinabi-“ “Alam ko naman kasi na kapag nalaman mo, hindi mo kakainin yo’n at hindi ka mag babaon.” Mahinang paliwanag ko tapos ay napayuko na lang ako. “It actually taste so good. Salamat for doing such thing for me.” Sambit ni Gabrielle at bakas sa boses niya ang pag aalinlangan at hiya. “Okay lang. Hindi mo kailangan humingi ng tawad.” Nakangiting sambit ko sa kaniya tapos ay tatayo sana ako dahil may kukunin akong dessert sa refrigerator na mango graham na ginawa namin ko nung nakaraan. “May kukunin lang ako.” Sambit ko tapos ay tatayo na sana ako pero nakaramdam ako ng hilo. “Elle, okay ka lang?” Alalang tanong ni Gabrielle at buti na lang ay nahawakan niya ang kamay ko. “Nahilo lang ako..” Nanghihinang sambit ko kaya naman dali dali akong inalalayan ni Gabrielle na makaupo. “Kaya mo bang ubusin muna yang kinakain mo para makapagpahinga ka na.” Sambit ni Gabrielle tapos ay inuna kong ubusin ‘yung gatas. “Susubuan na lang kita.” “Here.” Sambit ni Gabrielle tapos ay pinakain niga sa akin ‘yung konting kanin at ulam na nasa plato ko. Nakakatatlong subo pa lang ako ay agad ko nang tinaggihan ‘yung pagkain. “Busog na ako..” “Okay, let’s go upstairs.” Mahinahong sambit ni Gabrielle tapos ay inalalayan niya akong makatayo at maglakad papunta sa kuwarto. “Siguro, nabibinat ka. Kailangan mogpahinga ng maayos.” Malambing na sambit niya tapos ay nung makarating na kami sa kuwarto niya ay agad siyang kumuha ng gamot at ipinainom yo’n sa akin. “Saan ka pupunta?” Kunot noong tanong ko sa kaniya nung makita kong nagsuot siya ng jacket at kinuha niya ang susi ng kotse niya sa bedside table. “Office, may aayusin lang. Babalik din ako agad.” Sambit niya tapos ay lumapit siya sa akin at hinalikan niya ang noo ko. Palabas na siya ng kuwarto nung mag ring ‘yung cellphone niyang nakapqtong sa bedside table at nakalimutan niya kaya dali dali siyang bumalik at sinagot ang tawag. “Hello.” “Yes, Dad.” Sambit niya mula sa kabilang linya at bakas sa mukha niya ang pag aalala. “What? What happened?!” “Okay, papunta na po ako.” Nagmamadaling sambit niya tapos ay binaba niya na ang tawag. “A-Anong nangyari?” Mausisang tanong ko sa kaniya kaya napahinga siya ng malalim. “Mom is in the hospital-“ “Teka, sasama ako.” Agad kong putol sa kaniya matapos kong marinig iyon. “No, dito ka lang. Kailangan mo din magpahinga.” Pigil at giit ni Gabrielle bago siya tuluyang umalis. Napaupo akong muli sa kama. Paano naman ako makakapagpahinga na alam kong nasa hindi mabuting kalagayan si Tita? Tahimik akong nakaupo sa kama at iniisip kung susunod bago o hindi kay Gabrielle sa hospital nung biglang tumunog ang cellphone. Lalong bumilis ang t***k ng puso ko nung makita ko ang pangalan at numero ni Amethyst, na siyang tumatawag sa akin. “H-Hello.” Nauutal at kinakabahan kong sagot. “Ano na, Elle. I’m waiting for you. Mag usap tayo ng masinsinan ngayong araw.” Mariin at sarkastiko niyang sambit mula sa kabilang linya kaya natahimik ako. Napahinga ako ng malalim at napaling. Alam kong magagalit si Gabrielle sa gagawin ko pero wala naman sigurong mawawala kung subukan kong kausapin si Amethyst ng maayos hindi ba? “Text me your location..”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD