Elle Habang papalapit ako ng papalapit sa lokasyon na sinabi ni Amethyst ay mas lalong bumibilis ang t***k ng puso ko at mas lalo akong kinakabahan. Tama ba itong ginagawa ko? “Manong, dito na lang po.” Sambit ko doon sa taxi driver nung makahinto siya sa tapat ng resort na sinasabi ni Amethyst. Habang papasok ay papakas ng palakas ang kabog ng dibdib ko. Pagpasok pa lang ay nakita ko si Amethyst sa isang kubo na katabi lang din ng karagatan. Hkndi ba delikado ang lokasyon ng kubo? Once na malaglag ka doon ay pupuwede kang mahulog sa dagat at malunod. Gusto kong umatras dahil kinakabahan ako pero huli na dahil napalingon si Amethyst sa kinatatayuan ko. “Elle.” Magliw niyang sambit. “Mabuti at dumating ka.” Dugtong pa niya kya tuluyan na akong lumapit sa kinaroroonan niya. “Am

