TSL 3: Dare

1200 Words
◈GOLD◈ "WHAT?!!!" Halos lumabas lahat ng hidden treasure sa tenga ko sa pagtaas ng boses ng bestfriend ko. Ikinuwento ko kasi sa kanya lahat-lahat ng mga nangyari mula nang makilala ko si papa Bryce. "Ang OA mo naman, Lucicar!" nakasimangot kong sagot. Kahit kailan talaga hindi na nagbabago ang bunganga niyang parang bazooka. "Arrgh! Kainis ka! Huwag mo nga akong tawaging Lucicar! It's Lucy. L-U-C-Y!!!" "Whatever! Lucicar naman talaga ang pangalan mo eh! Magpapa-sossy ka pa! Itsura nito!" Umismid ako at humalikipkip. "Huwag mong ibahin ang usapan, Ginto! Seriously?! Si Bryce Maxell Villaceran?" "The one and only!" "You've got to be kidding me!" Pumalatak siya at namewang sa aking harapan. Problema nito? "Oh? Eh ano ngayon? Akala ko ba suportado mo ang lovelife ko?" Tinaasan ko siya ng kilay pero lalong umasim ang kanyang mukha. "Oo nga, gusto na kitang maka-graduate sa samahan ng mga NBSB, pero bakit kailangan mo pang gawin 'yon? You are clearly invading his privacy. God! Paano nalang pag nalaman niyang nag-install ka ng hidden camera sa condo niya? Gusto mo bang makasuhan ng trespassing?" "Eh di kakasuhan ko rin siya ng theft. Ninakaw niya puso ko eh," pabalang kong sagot. "Funny, Reign! Funny..." "Alam mo, hindi ko alam kung paano kita naging bestfriend eh. Isa kang dakilang kontrabida sa lovelife ko!" I scoffed. "Kailan pa naging kontrabida and taong concerned sa'yo, Ginto? Bahala ka nga, pinapaalalahanan lang kita. Mag-ingat ka. Baka sa huli uuwi kang talunan." Aniya. "Hinding-hindi mangyayari 'yon kasi sisiguraduhin kong mahuhulog sa alindog ko si papa Bryce." "Kadiri ka! May papa Bryce ka pang nalalaman. Para kang bakla 'te!" Tsk! Wala na talagang pag-asa 'tong bestfriend ko. Tatanda at mamamatay siyang isinumpa sa ampalaya. Pag mangyari 'yon, ipapalibing ko siya na walang kabaong para tumubo siya at magkaroon ng baging. "Pambihira ka naman Besh. Umuwi ka lang ng probinsya niyo, lalo kang naging bitter. Siguro nakita mo 'don ang ex mong pinaglihi sa unggoy noh?" Tiningnan niya ako ng masama. Tubong probinsya ang bestfriend ko, particularly, sa Negros. Nagkakilala kami sa school nang mapadpad siya doon. Scholar kasi siya. "Huwag mo nga mabanggit-banggit ang gorilla na 'yon!" Singhal niya. Hanggang ngayon halatang hindi pa siya nakaka-get over sa pangit niyang ex. Tsk! "Alam mo Besh, uso move on ngayon. Ikaw din. Baka tumanda kang hindi natitikman ang pinakamasarap na biyaya--- aww!" Hayy! Bitter na nga ang sadista pa! Sapol ang mukha ko ng throw pillow eh! "Ayan ang napala mo. Pagka ako nakahanap ng ubod ng gwapo at mayamang papa, who you ka! Tse!" "Speaking of-- Besh ano nga ulit sa bisaya ang love?" tanong ko at ngumiti ng pagkatamis-tamis. May naiisip na kasi ang mahiwagang utak ko eh. "Ewan ko sa'yo.. Ano na naman 'yang naiisip mo?" aniya at sumimangot. "Basta, sagutin mo na lang ang tanong ko. Kung hindi, ibibigay ko nalang kay Lady M ang adobong niluto ni Mommy para sa'yo-" "Oo na, oo na. Ang kulit mo!" Hihihi. Pagdating talaga sa adobo tiklop 'tong ampalaya kong bestfriend eh. *** "Dad, I need the condo unit right away, please?" Ginamit ko ang pinaka-charming kong ngiti para pumayag si Daddy na lumipat ako ng condo. "Okay," aniya. Napaawang ang aking bibig. Yun lang? Okay na agad? Teka... si daddy ba talaga 'to? "Y-you mean, okay na okay Dad? Hindi mo man lang ba ako pipigilan?" I asked. Nagpaalam na ako kay Mommy pero ang sabi niya kay Daddy dapat ako magpaalam. Strikto si Daddy pagdating sa'kin dahil ako daw ang kaisa-isang prinsesa ng pamilya. Kaya nagtaka ako na pumayag siya agad. "Bakit, gusto mo ba magbago pa isip ko?" "Of course not, Dad! Thank you Daddy!" Ngumiti ako at niyakap siya. Shet! I'm so excited na talaga! Pagkakalas ng yakap ay agad akong tumakbo patungong kuwarto ko para mag-impake. Pero bago 'yon ay narinig ko pa ang mahinang sigaw ni Daddy, "Yes! Masosolo ko na ang asawa ko!" Seriously?! Kaya pala ang bilis niyang pumayag. Tsk! Anyway, bakit ko pa ba iniisip 'yon? Ang mahalaga makakalipat na ako sa condo unit na kaharap ng unit ng asawa ko! Kakaunti lamang ang dala kong damit. Ipapaempake ko nalang ang iba at ipapahatid doon. Nagpahatid din ako sa driver ni daddy para may katulong ako sa  pagbubuhat ng mga gamit ko. Mukhang blessing in disguise din na bakante ang unit na kaharap ng kay Bryce kaya iyon ang kinuha ko. Mas mapapadali kasi ang misyon ko pag malapit lang ako sa kanya. Buti nalang naisipan niyang tumira sa condo kahit may bahay naman sila dito sa Maynila. Perks of being a rich bachelor. *** Pinili kong isuot ang pinaka-sexy at revealing kong black halter dress sa closet. This is it! Ang unang araw ng misyon ko. Operation: Seduce Bryce Maxell Villaceran. Tingnan lang natin kung hindi tutulo ang laway niya sa cleavage ko. Hihihi. Nai-imagine ko na ang itsura niyang tulo-laway. Pakembot-kembot ang bewang kong lumabas ng unit at kumatok sa kabila. Alam kong gising na siya at nasa kusina niya. Himala hindi siya nagmilagro sa banyo paggising niya. Ang mga lalaki kasi madaling tinatayuan pag malamig. Bakit ko pa kasi naisipang magpa-install ng camera sa banyo niya? Naiinggit tuloy ako sa mga kamay niya. Tatlong katok ang ginawa ko bago bumukas ang pinto, revealing my demigod husband with only his boxers on! "Date me" dire-diretsong wika ko at iniwasang mapatingin sa kanyang heavenly treasure. "What?!" Nagsalubong ang kanyang kilay at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Napalunok siya. Kitang-kita ko. Mukhang effective! Hihihi. "Date me," pag-uulit ko. Kumunot ang kanyang noo at tiningnan ako ng masama. "Are you nuts, Miss--" "No, I'm not. Ako ang iyong soulmate na nagkatawang tao." I smiled triumphantly. Nanlaki ang kanyang mga mata at di-makapaniwalang tiningnan ako. "I'm not joking around, Miss. Sino ka ba? Oh wait-- You look familiar." Tiningnan niya ako ng maigi. Oh shet! Naaalala kaya niya?! "I remember now. You're the girl in the fastfood. You're the girl who kissed Jollibee. Pft!" He smirked. Oh shet! Naaalala niya!!! Kalma Gold, kalma. Huwag papatalo sa karisma niya. "You will date me, or I will date you? Choose Pangga." Pinanatili kong seryoso ang aking mukha. Siya naman ay nagpipigil ng tawa. Kung hindi talaga ako makapagpigil! Naku! Gagahasain ko siya! "Pangga?! Why on earth are you calling me that way? Are you crazy?" "Yes. I'm crazy... I'm crazy for you Pangga, my loves!" Pangga means love. Buti nalang may bestfriend akong bisaya. "Wala akong panahon sa kabaliwan mo, Miss. Baka nasobrahan ka lang ng gutom at nabaliw. And oh-- You don't look like going on a date." Tiningnan niya ulit ako mula ulo hanggang paa. "You look more likely going to a club." Aniya. "Bakit? Ano bang mali sa suot ko? I'm sexy and I knew it!" "I'm sorry Miss, but you're not my type. And I don't date girls that flaunt everything." Ouch! Ang sakit niyang magsalita ah! Isang Gold Reign Mijares ang tinatanggihan niya! Is he aware of that?! "At ano ang gusto mong isuot ko? Filipiniana, ganun?" "I dare you." Aniya. "Dare accepted." Tang na juice! Sana pala bumili nalang ako ng sankaterbang sayal at kimona. Akala niya susuko ako sa kanya? No way! Let the transformation begin! ⓖⓡⓔⓐⓣⓕⓐⓘⓡⓨ
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD