TSL 2: Viral

1402 Words
◈GOLD◈ Dear Cupid, Nakita ko na ang itinakda mong mapapangasawa ko. Ang gwapo niya! Walang duda. He looked hot like me. Infairness ang galing mong pumili ah. Mukha siyang apo sa tuhod ng Greek god na si Zeus! Shet! Nai-imagine ko na ang itsura ng magiging anak namin. Thank you for bringing him to my life! Pero hindi ibig sabihin 'non ay bati na tayo! I hate you for letting that giant bee steal my first kiss! Hindi ko matanggap! Waah! Alam mo bang napahiya ako dahil 'don?! Nainis tuloy sa'kin si Ate Nisyel dahil natapon lahat ng pinabili niya. Buti nalang may binili rin si Kuya Skeet para sa kanya. Hinding-hindi ko makakalimutan ang araw na ito! Waah! My virgin lips is gone... FOREVER! "Princess/Anak?" Napatingin ako sa pinto ng kuwarto ko nang bigla itong bumukas at sabay na pumasok sina Daddy at Mommy. "Yes, Dad? Mom?" Tiniklop ko ang journal ko at ipinatong sa kama. "Anak..." Tiningnan ko si Mommy na parang may bumabagabag sa kanya. Even Dad looks worried too. "Is there something wrong, Mom? Dad?" Nagkatinginan muna silang dalawa at huminga ng malalim si Mommy. "Anak... kasi--" Napatigil kami nang biglang pumalahaw ang aking cellphone. Ate Nisyel calling... "Wait, Mom. Sasagutin ko lang 'to." "Hello, Ate--" [Waaaah! Golden sister-in-law!!!] Shet! Bigla kong nailayo sa tenga ko ang cellphone dahil sa sigaw ni ate. "Ate naman! Bakit ba? Balak mo bang palabasin lahat ng kayamanan ko sa tenga?" [Eeeh! Sorry, Goldie! Ang saya-saya ko kasi ang sikat-sikat mo na! Congrats!!!] Kumunot ang aking noo at nagkatinginan kaming tatlo nila Mommy at Daddy. "Sikat?" naguguluhang tanong ko. [Eeeh! Hindi mo ba alam? Sikat ka kaya sa f******k. Nagcomment nga ako 'don eh. Deemn! Alam mo bang madaming nag-like sa comment ko? Hihi. I'm so proud of you, sister-in-law! Kainggit ka nga eh, ang dami mo nang fans--] "Ano bang pinagsasabi mo ate? Anong fans?" Lumapit si mommy at ipinakita sa'kin ang kanyang cellphone. [Goldie? Andyan ka pa ba?] Nabitawan ko bigla ang cellphone ko at nanlaki ang aking mga mata sa video na ipinakita ni Mommy. Waaah! It's me!!! It's me... kissing Jollibee!!! "MOMMY!!! WAAH! BAKIT NAGKAROON AKO NG VIDEO?!!!" naghihysterical na tanong ko. Kitang-kita sa video kung paano ko inaway ang mascot ng Jollibee at sinigawan ng, "magnanakaw ng halik!" "Calm down, Princess. Gagawan natin ng paraan 'yan," pag-aalo ni Daddy. Waah! Huhu! Nakakahiya! Tiningnan ko ang detalye ng video at napasinghap ako nang makitang 128,000 views na ito. Meron ding 21,628 shares at 50,000 comments. Umabot din ng 126,923 likes!!! Shet! "Waah! Daddy! Ipa-shoot-to-kill natin ang nag-upload nito! Huhu!" "Pft! Don't worry princess. Ginagawan na ng paraan ng Kuya Skeet mo. Hours later, mawawala din 'yan." Tiningnan ko ng masama si daddy dahil parang nagpipigil ito ng tawa habang nagbabasa ng comments. "Amina nga Dad!" Tiningnan ko ang ilan sa mga comments and I swear! Gusto ko nang pumatay ngayon! Wenalyn Chu: Hahahaha! Ang epic mo girl! Francine Anne Baito: I wish I was Jollibee's first kiss, too! Pft! Chou Chai: What a romantic, epic first kiss! Hahahaha. Ang dami kong tawa. Mga bente! Hahahaha! Anje Caballero: Grabe! Hahahaha!!! Ikaw na! Lucy Dimatibag: Waah! Bestfriend! Sikat na sikat ka na pala! Ilibre mo naman ako ng balot!!! Nisyel Love Mijares: Waah! Hipag ko 'yan! Ang galing! Nakakainggit naman ng first kiss mo Goldie! Sa'kin kasi si Dee lang, huhuhu "Waah! Ang sama ni Ate Nisyel!" Napapadyak ako sa sobrang inis. Bakit? Bakit nangyayari 'to?!!! "Pft-" "Mommy! Si Daddy oh, tumatawa. Waah! Mommy!!!" pumulupot ako sa bewang ni Mommy habang nakaupo sa gilid ng kama. Isinubsob ko ang aking mukha sa kanyang tiyan. "Huwag ka munang lumabas ng bahay at patayin mo ang cellphone mo while your brother is doing something about it" sabi ni Mommy at hinaplos ang aking buhok. "Waah! Mommy, pag makilala ko lang ang nag-upload ng video na 'yon, ipapa-chop-chop ko siya at gagawing bagoong! Huhu!!!" "Pft!" Tiningnan ko ulit ng masama si Daddy pero tumalikod ito at yumuyugyog ang balikat. Kaasar! "Mommy? Dito ka muna matulog mamaya sa kwarto ko ah? Namimiss ko na kasing makatabi--" "WHAT?! NO!" Pumihit paharap si Daddy at nagprotesta. Salubong ang kilay nito at halata ang pagkadisgusto. Hihihi. "Oo ba," ngumiti si Mommy sa'kin. "Wife?" "Tumahimik ka Stanley! Dito ako matutulog mamaya" Mom said with finality at sinuklay ang aking buhok gamit ang kanyang kamay. "But--" "Thanks, Mom!" I said smiling from ear to ear. Tiningnan ko ang mukha ni Daddy at hindi ito maipinta. Asar na asar siya. Ayan kasi eh. "Seriously? Ang laki na ng anak mo, tatabihan mo pa sa pagtulog?" asar na saad nito. "Eh bakit ikaw? Gurang ka na magpapatabi ka pa!" pagbabara ni Mommy. Napahilamos ng mukha si Daddy at nag-walk out. Sabay kaming humagalpak ng tawa ni Mommy pagkalabas ni Daddy. Ang sarap niyang asarin. Pft! Mom and Dad are the most typical parents in the whole world, for me. Si Daddy ay istrikto at mapang-asar, pero pagdating kay Mommy, tiklop siya. Mom is the sweetest. Wala na akong hahanapin pa. Ay, meron pala... asawa. Pero nahanap ko na siya. Kailangan nalang ng kasal para maging legal. *** Full name: Bryce Maxell Villaceran Age: 26 Status: Single Designation: President of Villaceran Group of Companies Parents: Joaquin Villaceran & Ma. Therese Villaceran Sibling: Bridgette Mariel Villaceran Age: 29 Status: Married (with two kids) . . . Napatango-tango ako habang binabasa ang impormasyong ibinigay ng private investigator. Infairness, ang gagaling ng mga detectives ng M&C. Isang probinsyano pala ang asawa ko. Hmm. Teka, sa Negros siya ipinanganak? Magkababayan pala sila ng bestfriend ko. Nagmamay-ari rin ng malaking hacienda ang pamilya niya doon. Pero bakit nandito siya sa Manila? Ganun ba kalawak ang negosyo nila? Mas mayaman pa kay Kuya Skeet? Agad kong tinawagan ang inutusan kong mag-install ng hidden camera sa condominium unit na tinutuluyan niya. Buti nalang maimpluwensya ang apelyido ni Daddy kaya hindi ako nahirapan. Minsan pala may silbi rin ang pagiging mayaman sa ganitong mga pagkakataon. Nakadalawang dial pa ako bago sumagot ang kabilang linya. "Kamusta?" [Areglado na 'ho Ma'am. Na-install na namin ang tatlong camera na ipinapalagay niyo sa unit niya.] "Good. Ipapadeposit ko ang bayad first thing in the morning." [Sige ho. Salamat.] Napangisi ako pagkababa ng tawag. This is it! Let the stalking begin! Agad kong binuksan ang laptop ko para matingnan. May silbi din pala ang abilidad ng kambal ko. Yes. I have a twin brother, Silver Rain. Pero wala siya ngayon dahil nasa Japan siya. Nag-aaral siya tungkol sa detective ek-ek. Basta iyon na 'yon. Good thing my twin brother taught me how to hack a web application before. Pati na rin ng mga database. Sinadya kong magpa-install ng hidden camera sa sala ng kanyang unit. Pati na rin sa kwarto at banyo niya. Hihi. *BLAAAAAG! Napatigil ako sa malakas na pagkalabog ng pinto ng kuwarto ko kaya dali-dali ko itong binuksan. "Ano bang--" "Waah! Goldie dito muna ako matutulog! Ayaw ko na 'don sa bahay!" Nagulantang ako nang bumungad sa'kin si Ate Nisyel na masama ang timpla ng mukha. Kasunod nito si Kuya Skeet na asar na asar. "Anyare, Ate?" "Waah! Kaya pala hindi ko na mahanap sa f******k ang video mo 'nung isang araw kasi ang dragon na 'yan ang may kagagawan!" duro nito kay Kuya Skeet. "Love--" "Tse! Umuwi ka na! Hindi ako sasama sa'yo!" "Love, please?" Napanganga na lamang ako sa kanilang dalawa. Haay! Kung hindi lang buntis ang hipag kong 'to, ang sarap batukan nang matauhan. "Ate umuwi ka na. Gabi na" mahinahong wika ko. "Nakakaasar ka rin Goldie! Tinataboy mo rin ako. Seriously?!" I rolled my eyes. Napakamalas ko naman sa buhay. NBSB na nga ako, nagkaroon pa ako ng hipag na kasing-tino ng mongoloid. "Kuya, please?" Tumango si kuya at walang anu-anong binuhat ang asawa niyang parang nakalunok ng bola. Three months palang ang tiyan niya pero malaki na. Ang hinala namin ay kambal ang dinadala niya. "Waah! Ibaba mo akong dragon ka! Isa! Ibaba mo 'ko kung hindi papatulugin talaga kita sa toilet bowl!" Napailing na lamang ako sa bunganga ni ate at isinarado ang pinto. Binalikan ko na lang laptop ko. Naistorbo pa tuloy ako. Alas otso na ng gabi pagtingin ko sa orasan. Siguro nakauwi ni si Bryce-- Waaah! Oh! Shet! Halos matanggal ang eyeballs ko sa aking nakikita sa laptop. Ang asawa ko! Ang asawa ko.... Nagsi-selfie sa banyo! Holy lucky hands!!! ⓖⓡⓔⓐⓣⓕⓐⓘⓡⓨ
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD