Secret glances

2095 Words
Villarmazan Series #1: Date me, Professor Villarmazan Series #2: Walls of Secrecy ~~~~~ Chapter 1 "R! Hey R!!" Kaagad akong natigil sa pag-iisip. Napabaling sa mga kaibigan na puno ng taka ang mga mukhang nakatingin sa akin. "What?" "Nakikinig ka ba? Narinig mo ba ang sinabi namin?" Patagong napakagat ako sa dila. "Malamang hindi. Kita mo namang tulala yan mula pa kanina" rinig kong sabi ni peia. "Ano bang iniisip mo?" kunot noong tanong ni adelie. Umiling ako. Umiwas ng tingin. "Wala" "You're joking. Since when did you learn to keep a secret from us? Obvious na obvious naman diyan sa mukha mo na may problema ka! May problema ka ba?" Si shanala. "Wala nga. Bakit ba ang kulit niyo?" Umirap ako. "Pahingi ako blast diyan" "Wala na. Camel na lang" Tumaas ang kilay ko. Kahit hindi iyon ang nakasanayan kong sigarilyo, tinanggap ko pa rin. I need something to huff—or shift my attention to something. Hindi ko nagugustuhan ang bumabagabag sa akin. "Sa tingin niyo...sino kaya ang mga lalaking yon?" Hindi ko na napigilan at napatanong na nang papabalik sa campus. Kuryosong-kuryoso ako. Based on their appearances—sa pangangatawan nila at sa mature nilang mga mukha, alam kong ilang taon din ang tanda nila sa amin. Nung una nga ay napagkamalan ko pa silang mga propesyunal na modelo dahil sa mature nilang pangangatawan at matigas na features. It's like they were models pulled straight out of a vogue magazine! Most especially the guy on the front. Surreal! Yummy! "Alin?" "Yung kahapon" "Ah! Yon ba ang iniisip mo mula pa kanina R?" Dahil sa sinabi ni nes. Nagsi-ngisian sila. "Alin ba don ang type mo?" May pangungutya sa tono ng kaibigan. Umawang naman ng bahagya ang labi ko. "Wala akong type don ah!" Dipensa ko pa. Although hindi maalis sa isip ko yung gwapong lalaki. "Basta! Mine yung sa naka white na dress shirt" Agad akong napabaling kay shanala. "Alin doon?" Tanong ko. Hindi mapigilan ang riin sa boses. Hindi ko naman kasi napansin yung iba. Although alam kong lahat sila ay may mga itsura. Sadyang mas nakuha lang ng attensyon ko yung isa. For me, he stood out the most amongst the five. "Yung matangkad?" "Lahat sila matangkad shanala" I impatiently stated. "Oh? Oo nga pala" she chuckled pagkatapos ay ngumisi sa akin. "Iyong may aviators na suot!" Umawang ng bahagya ang bibig ko. Ilang segundo pa ay unti-unting bumuo ang kunot sa noo ko. Napatiim bagang ako, natatanto na kung sino ang tinutukoy niya. "Oh, R? Bakit?" Si nes. May nang-iinis na ngisi sa labi niya. Tinalikuran ko na sila at nauna na sa paglalakad. Hindi ko na din pinansin ang tawag nila. Dire-diretso lang ako sa field. Nang makarating sa hallway, natatanto ko na timing lamang ang balik namin. Maraming estudyanteng nagkukumpulan sa hall, tila'y kakatapos lang ng General assembly. Tuwing umaga iyon, so it is a bore for us, kaya kahit kailan ay hindi kami umattend. Most especially pagkatapos kaming napagtripan na ipa lead ng mga teachers nung first year, kaming anim. Tuloy-tuloy lang ako sa pagpasok sa classroom. Ilang minuto pa ay pumasok na din ang mga kaibigan. Sumimangot ako. Naging sobrang ingay ang silid, kaniya-kaniyang grupo ay may mga topic. Sa pag-iiwas sa tingin ng mga kaibigan, wala sa sariling dumako ang tingin ko sa kabilang grupo. Hindi sadyang narinig ko ang pinag-uusapan nila. If i heard it right, they were talking about what happened during the general assembly earlier. Their murmurs were later on inaudible. But i can tell that they were talking about a guy due to the flirtatious tone in their voice, dagdagan pa na nagtitili sila. Ilang minuto pa, ang kabilang grupo ay lumingon sa grupong iyon, tila sinadya na umusisa. Hanggang sa may sinabi ang isa sa kanila na siyang kinatili din ng kabilang grupo. Tuluyan na silang tumayo at nakisali sa usapan. Tumaas naman ang kilay ko. "Rinig ko, yung si sir Case. Magiging prof daw natin!" "Oh my gosh! Talaga!? Shitt! Kinikilig akoooo!" "Yung isa naman, sabi ng kaibigan ko sa kabilang section, sa anatomy lab daw iyon naka assign!" "Si sir malleus ba?" "Baka...ah oo! Naalala ko na. Si sir malleus nga!" Nagtilian ulit sila. Ako naman ay nilingon ang mga kaibigan. At nahuli ko silang nakatingin rin doon sa mga kaklase namin na nagchi-chismisan. "May bago tayong prof?" Takang tanong ni adelie. Nagkibit-balikat si calli. "Mukhang kailangan na talaga nating umattend ng assembly, kahit isang beses lang sa isang linggo? Marami-rami na rin tayong nami-miss na mga importanteng announcement" We nodded. Agreeing. Tama iyon. There was this one time that we were oblivious about an announcement na wala daw pasok sa certain na araw na iyon. As a result, sabay kaming pumasok ng mga kaibigan at sabay din naming natanto na walang tao sa buong campus. May nakakita pala sa aming prof no'n. Kinabukasan ay sinita na naman kami. Walang araw nga atang hindi kami nasisita. Ilang minuto din kaming maingay roon. Palibhasa ay walang prof, mali-late nga ata. We were instructed noong first day pa lang ng orientation na kapag daw ay half an hour, wala pang prof, ibig sabihin daw no'n ay hindi na siya papasok—it just so means that something came up, so we are free to go! Lagpas thirty minutes na din. Kaya tumayo na ako. Nilingon ko ang mga kaibigan. "Caf tayo?" Ngumisi sila. Tumayo na rin. "Saan kayo pupunta?" Rinig kong tanong ng pabidang kaklase. Umirap lang ako. Nagpatuloy sa paglalakad. But peia being the friendliest amongst us, sinagot niya ito. "Caf lang" "Pero...baka dumating si—" Nauuna ako sa paglalakad. Dire-diretso lang. Pagbukas ko ng pintuan, bahagya akong napaatras nang mabangga sa isang matigas na dibdib. "Tangina!" I murmured, sapo-sapo ang noo. "I don't think it's proper to use such word in this campus. Most especially when you're addressing it to your superiors, Ms...." Ang Baritonong boses na iyon ang siyang nag-udyok sa akin na mapataas ng tingin. At kulang na lang ay ngumanga ako nang makita ang kaharap. It is...it is.... Okay...I definitely don't know his name but—he is the guy from yesterday!! Yung isa sa mga lalaki na nakita namin sa labas ng office ng dean! Siya to! Hindi ako pwedeng magkamali! His well-sculptured jawline and intense masculinity aura was defined because of his now furrowing eyebrows. Dahil sa sobrang lapit namin, malaya kong napagmasdan ng mabuti ang mukha niya. His face is so clear. Like if possible, he haven't had any single acnes in his entire life. No scars, no pores. At kung noon ay ayoko sa mga lalaking may mga stubbles. I find it deeply dirty and unattractive. But boy, do they make an exeption! Hindi naman iyon karamihan, kung sa kalayuan nga hindi mo makikita. Sapat lang para ma turn on ako. Shit! Daddy? Mmm... "Where are you ladies going?" I was cut off on my not-so-oblivious staring dahil sa pagsasalita niya. "Uh...w-we were supposed to go to the uhm...caf—c-cafeteria..." Hindi ko alam kung bakit ako nauutal. Dahil siguro hanggang ngayon ay hindi ko pa din matanggal ang tingin ko sa mukha niya. I don't know if it is the right word to describe a guy but...he's so...gorgeous! Teka, ilang ulit ko na ba iyon? "Uhm...excuse me, who are you?" Rinig kong tanong ni adelie sa likod ko. Ako naman ay napaayos ng tayo, in hopes that this time, i would get to catch his name. "You will know later" mababa niyang sabi. "Bakit hindi mo sabihin ngayon?" Dahil sa biglaang sabat ko, tumaas ng bahagya ang kaniyang kilay. He has this slight amused look on his face. "Are you in a hurry missy? You have somewhere else to be?" "Oo. Caf." i leveled his sarcasm. His grin turned into a scowl. Mariin niya akong tinitigan. "Get in ladies. No one is allowed to get out unless i say so" nagbago ang kaniyang tono. It suddenly turned authoritative. Dumeretso siya ng lakad kahit pa nasa harap niya pa ako, dahilan para mapaatras ako. Muntikan pa akong mabuwal. Tuloy-tuloy lang siya hanggang sa makarating sa harap. Napuno naman ng bulungan ang buong silid. "What is he doing here?" "Umupo na lang tayo R" hatak na nila sa akin. Sumimangot ako pero sumunod pa din naman. Visually, he is already interesting as it is, but i would be interested to know the reason as to why he is here, and his right to delay a cup of scrumptious iced-coffee. Naks! Scrumptious! "Nasaan na ba si Ms. Dela fuerte?" Bulong ko sa katabi ko na si calli. Nagkibit-balikat siya, at muling ibinaling ang attensyon sa harap. Kaya gano'n na lang din ang ginawa ko. "Clearly, not all of you attended the general assembly on the quad one earlier this morning" In a strict manner, his hand were behind his back. At tila masuri niya kaming pinasadahan ng tingin isa-isa. Somehow...in any way...tumigil ang tingin niya sa akin, mas tumagal. Napalibot ako ng tingin sa mga kaklase. Lahat sila ay nakatingin sa akin. Ang mga kaibigan ko naman ay takang nakatingin sa akin. Siguro'y nagtataka rin na bakit ako lang yung pinaparinggan kahit na magkasama naman kaming lahat kanina. "Being repetitive is amongst my liking but...since some of you weren't able to attend earlier's event due to....unknown reasons....i will just discuss it again" Nang tumalikod ito, tumingin ako sa mga kaibigan, i muttered inaudible questions as them, iba ay nakangiwi lang at iba ay nagkibit-balikat. "The name's Auricle Case Villarmazan. If not familiar in some sort...then good." Sinulat niya iyon sa white board. Nakatitig naman ako roon. Auricle? What a unique name...but, what does he mean by 'if' not familiar. Dapat ba alam naming lahat ang pangalan niya? Though, Villarmazan is quite a familiar surname. Yet it doesn't ring a bell. "And i will be your lecture teacher in Anatomy and physiology" Nanlaki ang mga mata ko. Teacher? He will be our teacher!? So that explains it...kung bakit siya narito kahapon! He came a day before his actual first day? Does that mean yung ibang kasama niya...magiging prof din namin? Naalala ko bigla ang narinig kong pinag-uusapan kanina ng kabilang grupo. "Being your teacher is an honor, yet i will set some rules. Rules that you are entail to comply. Is that okay with all of you?" Of course they all agreed, naghihikgikan pa nga. Yung iba naman ay hindi na nagsalita, nakatunganga na lang sa lalaki. "First and foremost, during the currently said assembly, it is a must to attend, the class mayor will be checking all of the attendance from now on" Siyempre wala iyong kaso, pero para sa aming magkakaibigan, nagkatinginan kami sabay ngiwi. But that wasn't the only rules he set. Akala ko noong una ay cool lang siya. Kalmado. I didn't expect him to be this tight. Yet, I should've known, I should've expect the unexpected. Marami pa siyang idinagdag na rules. And me and my friends didn't like them one bit. At pansin ko, sa kada banggit niya ng mga iyon, sa akin siya tumitingin. Like he was being empathic. Like he was telling me in-verbally that the rules were set mostly and clearly specific for me. What the heck? At ang huli niyang rule ay halos magpababa ng tingin sa akin. "I am very strict when it comes to my student's well-being. As long as you are in my class, i don't want to smell any nicotine. Not even from a mile away. And when i do..." muli na naman siyang tumingin sa akin. "you will be sent straight to the disciplinary office" Napalunok ako. Pasimple kong inamoy ang uniform at ang hininga. And i grimaced. I knew...he must've smelled me earlier, nung magkalapit kami. Blast, in a faint way smells. However, camel smells a lot worst, in contrast to the latter, the stench is more evident and fusty. But should i be turned off because of this? Dahil lang mahigpit siya? No! Somehow, it excites me more. And i realized, i love this for a guy. It makes him look hot! Nakakasawa rin kasi yung mga palangiti at compliant! Nakaka-jologs! And he said it himself! He cares! He surely cares na nagsi sigarilyo ako. That was his way na patigilin ako! Those were the exact words i told my friends nang matapos ang klase. Ngayon ay nasa cafeteria na kami. They all looked at me weirdly. Pagkatapos at nagkatinginan sila, tila nangja-judge. "Gaga! Malanding to!" Bintang nila sa akin. Sabay-sabay pa. I should have been offended. Pero...tanging nagawa ko lang ay humalakhak. Baka nga...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD