Meeting the others

2224 Words
Chapter 2 "You know what? I should confess" Napatigil sa pagkain ang mga kaibigan ko at sabay silang tumingin sa akin. "Confess what?" "Confess to Mr. Villarmazan, that i like him" Umawang ng bahagya ang labi ni calli. Na tila may sasabihin pero itinikom niya ulit, pagkatapos ay umiling. Kinunuotan ko sila ng noo dahil lahat sila ay weirdong naka tingin sa akin. "Bakit?" "Baliw ka lang Rebecca. Kumain ka na" Napasimangot ako nang marinig ang buong pangalan. I really hate my name, i don't know, it sounds decent naman pero...compared to their names like; Calli ellise, Cassiopeia amari, Neoma Seleighst, Aelia dawn, Sharvari neala....it only makes me want to hate my parents, especially my mother dahil pinasunod niya talaga ang pangalan ko sa kaniya. And it's a sigh knowing that women doesn't entail putting 'jr.' on their names when altered with their mothers'. "I'm serious" magkasalubong ang kilay kong sabi. "No, you are not R. Remember what happened to lukas?" Si nes. "Mhm! You confessed to the poor boy na gusto mo siya, then he ended up getting ghosted dahil after one week sabi mo nagbago na ang isip mo" si adelie. Ngumuso ako. Naaalala ang kawawang lalaki. "Siya lang naman yon e" "Uhuh? Then what about jan?" Umirap ako. "Edi silang dalawa lang" "E si robert?" Napatuptop ako ng bibig. "Si patrick?" "Si kael?" "Si eros?" "Who the hell is eros!?" I exclaimed. Lightly irritated. Umiling sila. "See? Hindi mo na nga maalala." "Well...this one's different. I assure you" mariin kong saad. "Oh Yeah? Difficult yes, more complex. Because he's a professor" si peia. Nagsalubong ang kilay ko. "What do you mean by that?" Pinandilatan nila ako "Bawal! Prof yon R, ano ka ba!" "So what!?" "What do you mean so what? I—we...can't even imagine ourselves having to like a teacher!" Ani ni calli. "E ano naman ngayon? Magkaiba tayo—we all are six different individuals...With different perceptions. Hindi dahil hindi kayo magkakagusto sa isang prof doesn't mean ako hindi din dapat." I argued more. "At bakit? Si shanala din naman ah? She said she also liked Mr. Villarmazan!" I exclaimed, looking at shanala. She smirked at me. "There is a fine line between liking...and finding the person attractive" "So you just find him attractive? That's all? Hindi mo siya aagawin sa'kin?" Ani ko sa naninimbang na tono. "Aagawin agad? Bakit R, may plano ka talagang jowain?" She asked, face emitting amusement. "So you're really serious about this, rebecca?" Peia asked. "Dead serious" i said with pure determination. Wala na silang nasabi pagkatapos no'n. Bumalik na sila sa pagkain at pagkatapos marinig ang bell, kaniya-kaniya ng balik sa mga classroom. Our rooms weren't constant. Taga subject ay iba-iba ang rooms, iba-iba din ang mga classmate. Tanging sa anaphy lecture at laboratory lang kami magkapareha ng sched, the rest hindi na. We are now on our way to our laboratory. At hindi na bago...late na naman kami dahil ang letseng calli ay nagpahabol pa ng iced coffee. Tahimik ang buong hall ng 7th floor. Kaya rinig namin mula sa labas ay nagsisimula na ang klase. Nagsitakbuhan kami hanggang sa makarating sa pintuan. Pagkabukas no'n ay nagtaka pa kami dahil obvious na ang nakaharap sa white board, nakatalikod sa amin ay hindi ang matandang prof namin. Lalaki iyon. At likod pa lang ay masasabi mo ng matipuno. "Holy mother of....shit...." Rinig kong paunti-unting bulong ni shanala nang makitang humarap na sa amin ang lalaki. Ako mismo ay hindi din napigilan ang pagkamangha, napaawang din ang labi ko. The guy in front was undeniably handsome. And he somehow reminds me of someone. At habang patagal ng patagal ang pagkatitig ko sa kaniya, unti-unti kong naalala na isa iyon sa kasama ni Mr.Villarmazan noong una namin silang makita sa labas ng office ni dean. "Fifteen minutes late means absent" the guy in front said in his baritone voice. Nakataas pa ang kilay niya habang nakatingin sa amin. Ramdam ko ang pagkatitig ng mga kaklase sa amin. But i could careless. What i'm curious about is how this newly seen hot specimen is in front of us. Where is Ms. Sioco? Don't tell me bagong prof din siya namin? "Ten minutes pa lang naman, sir" I somehow admired adelie's backbone for replying that. Mas lalong nagtaas ang kilay niya. He leaned both his arm on his desk. Ramdam ko naman ang pagkapit ni calli sa braso ko. "Take your seats" seryoso niyang sabi. Kaagad naman kaming umupo. Sa pinakalikod kami umupo dahil usually ay doon ang spot namin. Hindi naman kasi kami nakikinig noon sa mga lecture, and in a crowd full of students, hindi nakikita na nagsi cellphone lang kami at hindi nakikinig. Dito kasi sa laboratory ay may pitong pahabang tables, sa bawat table na iyon ay tiga-anim ang mga upuan, tamang-tama lang para sa amin. "Ang mga babae sa likod, dito kayo sa harap." We immediately bobbed our head to the front upon hearing his announcement. Nagkatitigan pa kami para ikumpirma kung tama ang narinig namin. Muling inulit ng bagong prof ang sinabi niya at inutusan pa ang mga nasa harap na estudyante na mag transfer sa table namin. Wala naman na kaming nagawa kundi kunin ang mga bag at lumipat. "This is so f****d up" bulong ko habang naglalakad. "Nasaan na ba kasi si Ms. Sioco?" Si calli. "Ms. Sioco isn't here, ako ang bago niyong prof ngayon." Tugon ng lalaki tila narinig kami. Napababa naman ng ulo si calli. Tila nahiya. Umupo na kami. Tumikhim naman ang lalaki at may isinulat roon sa kaniyang record book. Tahimik akong nagdadasal na sana'y attendance sheet iyon, at hindi niya kami minarkahan na absent. Masyado ng marami ang absence namin roon kay Ms. Sioco. Dumako naman ang tingin ko sa white board. May nakasukat roon na pangalan. Pangalan ng lalaki. "Malleus Villarmazan" rinig kong basa ni calli sa likod ko. "So he's malleus?" Bulong ko sa sarili. "Kilala mo?" Tanong ni calli. Umiling ako. "Narinig ko lang na pinag-usapan siya ng mga kaklase natin kanina sa lecture" "Ah..." "Villarmazan din siya?" Tanong ko. "Kaano-ano niya si sir Auricle?" "Hindi ko ala—" "Nicole" Napatingin kami sa babaeng kaklase ng tawagin siya ni Sir. Malleus. "S-sir?" "Haven't Ms. Sioco did an orientation during your first weeks of class?" "Opo. Naka orient po siya" "And did she discussed to all of you the rules and proper etiquette when inside the laboratory?" "Na discuss din po sir" "Mm...then...hindi ba't isa sa mga rules ay hindi pwede ang magdala ng mga pagkain sa loob ng laboratory due to...contamination that could lead to possible hazards?" "Opo" "But why does one of your classmate has an iced-coffee on her hand? Absent ba siya no'n nung mag orient kayo tungkol sa mga...rules na yon?" I but the insides of my cheek. Dahan-dahan kong nilingon si calli na alam ko ngayon ay hiyang-hiya na. I felt the sudden sorry for her. "I know what i did was wrong! But why does he have to humiliate me like that!" Narito na kami ngayon sa library. Tapos na din sa wakas ang mahaba-habang laboratory. Three and a half hours din iyon. At sa mahabang oras na iyon, ramdam namin lahat ang tensyon sa pagitan ng bagong prof at kay calli. It's like sir Malleus has a hidden rage for calli. Siya ang pinag-iinitan, siya palagi ang napapansin. "Saan ka pupunta?" Tanong ko nang tumayo na siya. "Wala na akong klase. Uuwi na ako. May usapan kami ni kuya Mark. Sige" Pinanuod lang siya namin habang papalayo. Alam naming naiinis pa rin siya, kaya hindi na namin pinigilan. Kami na lang ni nes at peia ang natira. Si shanala at adelie kasi ay may P.E ngayon. Kaming tatlo, mamaya pa ang sched namin. Tumayo na muna ako at nagpaalam sa dalawa na kukuha lang ng libro sa mga shelves. Masyado pang mahaba-haba ang vacant namin, siguro nga isang oras pa. I would just try to read, a fiction maybe just to pass up the time. Sa huli ay may napili rin ako. Romance novel. Buti nga ay may nakita ako amongst the line of all educational books. Kahit kailan ay hindi ako magbabasa no'n no! Bukod sa sobrang kapal ay boring rin! Mamatay din naman ako, mas mabuti ng mamatay na bobo. Kesa ma overload yung utak! Pabalik na ako sa lamesa namin nang may mamataan. Sa may entrance ng library, makikita ang limang lalaki. Habang naglalakad papasok, all of the student's—even some of the faculty present on the said room were turning their heads at them. At gano'n rin ako. Masyado akong namamangha sa angking kagwapuhan nila. Bukod sa mukha, they also have this aura screaming formality and substantial posture, which was really appealing. They were all wearing the same faculty uniform, with ID badges pinned on the right side of their dress shirt pockets. Ewan ko ba pero parang hindi sila mukhang karaniwan, hindi parehas sa ibang lalaking prof na mai-emphasize ang malaking tiyan sa tuwing nagta tuck in. Sila, they looked awfully hot—like they were the boss on the building. Tumikhim ako at umiwas na ng tingin. Napakagat ako sa labi nang matanto na para makarating sa lamesa namin, dapat ko una silang salubungin sa gitna ng aisle para makadaan. Yakap-yakap ang librong napili, nagsimula na akong maglakad. Diretso lang ang tingin ko. Bahagya ko pang sinasaway ang sarili na wag lumingon sa kanila. Binaba ko na lang ang tingin ko nang malapit na sila. But it's as if my eyes were involuntary, they tilted to the side, at namula ang pisngi ko nang magtama ang tingin namin ni sir Auricle. My heart automatically hasten in pace. Hinihingal ako at hindi ko na napigilan, tumakbo na ako pabalik sa lamesa namin. Binuksan ko agad ang libro at ginawa iyong pantabon sa mukha. "Anong nangyari sa'yo?" Tanong ni nes sa akin nang mapansin ang bahagyang pagkataranta ko. "Nandito si Sir Auricle!" I exclaimed in a whispering manner. "E ano ngayon?" "Nagkatitigan kami!" Nag poker face silang dalawa ni nes at peia. Ako naman ay sinubukang pakalmahin ang sarili. Pero hindi ko magawa dahil alam kong nasa lamesa lang sila, hindi malayo sa kung saan kami. Maya-maya pa ay nagpaalam ang dalawa. Bibili lang daw ng snacks. Inaya naman nila ako, pero syempre....hindi ako sumama. Nandito kaya si sir! "Bilisan niyo ah!" Sabi ko sa kanila. "Oo na!" Umalis na sila. Ako naman ay bumalik na sa pagbabasa. Paminsan-minsan ay tumitingin sa banda nila sir. Nakikita kong nag-uusap sila ni sir malleus, kasama yung iba pang gwapong lalaki na mukhang ka edad lang nila. Maybe they were in their mid 30s? Basta yung iba hindi ko pa nakikilala. Not more than minutes later, someone slammed her book on my table, bahagya akong napatalon. Napataas ako ng tingin, si shanala lang pala. Magkasalubong ang kilay. Nasa likod naman niya si adelie. "Anong nangyari?" Tanong ko, napapansin ang pagiging badtrip ng isa. Hindi tumugon si shanala, kaya kay adelie ako bumaling. Nagkibit-balikat siya. "Si sir Incus" "Sino?" "Yung bagong P.E. teacher natin" "May bago tayong p.e teacher?" "Oo." Bahagya siyang natawa. "Napagalitan siya" "It's not even funny aelia" ani ni shanala. Alam naming sobrang inis siya dahil buong pangalan na ni adelie ang sinambit niya. "Bakit? Anong nangyari? May ginawa ka ba?" "Wala! Wala akong ginawa. He was just too cocky! Na late lang kami ni adelie ng ilang minuto dahil hindi namin alam na sa RD pala yung meeting, hindi sa Quad! Sa quad kami pumunta at huli na namin nalaman na sa rd pala, hindi naman kami kaagad nakaakyat dahil madaming nakalinya sa Elevator! Nag stairs pa kami! Siya kaya ang umakyat mula ground floor patungong 9th floor! Kung hindi siya hingalin! Bwesit!" Napatuptop na lang kami ng labi ni adelie. Shanala was so pissed off. Minsan lang siya magalit, kaya siguro wala kaming masabi. Siguro tama nga ang sinasabi nila, na grabe magalit yung mga palabiro at palaging masiyahin. "What the f**k is he doing here!?" Ilanb minuto pa ay rinig naming pagalit na bulong ni shanala. Napabaling ako sa tinitingnan niya. At nakita ko ang bagong pasok na lalaki. Parehas din na naka faculty uniform. With the same hunky facade and minimal aura as the five earlier. At pinanopd ko siyang tumungo sa lamesa kung nasaan sila sir Auricle. Then i figured. Kompleto na sila—yung lima pang kasama ni sir auricle noon sa office. It somehow got me curious. How are they related to each other? Dahil mukhang may mga hawig sila, at alam kong hindi lamang sila magkakaibigan. "That's sir Incus" bulong ni adelie sa akin, tuluyan ng lumapit sa akin. "Sino yung tatlo pa?" "Yung dalawa, na meet na namin kanina. Yung isa si sir helix, sa anatomy siya. Yung isa naman...si sir Elixton, prof natin sa literature" "Eh yung isa?" I referred to the one who was wearing a transparent eyeglass. "Ah...rinig ko...attending doctor daw yan sa clinic, Theodore Anvil daw pangalan" "And how are they related to each other?" "Paano mo naman nalaman na magpinsan sila?" Napatingin ako sa kaibigan. "They're cousins?" "Oo. Parehas na Villarmazan" Umawang ng bahagya ang labi ko. Still amazed, tumingin muli ako sa table nila. At sabay kaming napaiwas ng tingin nila adelie at shanala nang makitang tumingin din sila sa banda namin. Damn!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD