Crazy

3042 Words
Chapter 3 Shit! s**t! Shitt!!!! Tangina!!! I was trying my best to pick up the pace. Hingal na hingal ako habang tumatakbo sa hallway. The elevator was once again, occupied with a lot of students, kaya wala akong nagawa kundi takbuhin ang stairs mula ground floor tungong 4th floor, so it wasn't no doubt that when i reached the floor corridors, kapos na ako sa hininga. Tumigil ako nang nasa tapat na ng pintuan ng H302. Kinalma muna ang paghinga at bahagya pang inayos ang buhok. Kinuha ko ang compact mirror sa loob ng handbag at naglagay ng light na lipstick bago tinulak ang pintuan pabukas. Pagpasok ay as expected, nagsisimula na ang klase. And as usual, Sir Auricle's eyes were again narrowed at me. Again...as usual...hindi na bago. For the past two weeks simula ng magturo siya rito, i'm not really that certain if it's because of my own acts kung kaya't palaging magkasalubong ang kilay niya—dahil siguro palagi akong late o di kaya'y palagi ko siyang naiirita sa konting mali ko lang, or maybe because he just finds my presence annoying or i'm just naturally infuriating. Ewan ko kung alin doon. But one thing's sure. This man doesn't like me one bit! At ewan ko ba. I find his furrowing brows easy on the eye, and his mysterious annoyance for me awfully appealing. It only makes me interested on him more. "Take your seat...Ms. Zamora" matigas niyang sabi, na tila ang karampot niyang pasensya ay mapipigtas ko na. I lightly bowed my head. Nagsimula ng maglakad sa upuan ko. Bahagya pa akong nakangiti habang inaayos ang bag sa ilalim ng upuan. Nakita niya iyon. "Does your own tardiness amuse you that much, Ms. Zamora?" Sita niya. Bumukas ng bahagya ang bibig ko. Hindi ako tumugon at umiling lang, may kaunti pa ding ngiti sa mga labi. Sarap mo kasing galitin sir, ang cute mo! Tumalikod na siya para hunarap sa white board. Ako namana ay bahagyang itinagilid ang ulo dahil narinig ko ang pagsitsit ni calli sa likod ko. "Saan ka galing?" She mouthed. Ngumisi lang ako. Inabot ko ang bag at kinuha ang tatlong pack ng sigarilyo mula sa loob no'n. Bago nilabas ay ni-wrap ko muna iyon gamit ang panyo...just in case one of my classmates would see, maya ay manunumbong pa. Patay malisya kong ipinasa iyon kay cali mula sa likod ng armchair ko habang nakatingin sa harapan, nakita ko pa ang paguhit ng ngisi sa labi niya bago siya dumukwang para abutin iyon. I swear, with all that silent advances, nagmukha kaming d**g dealer roon. "Pakipasa ng dalawa pa...kay shanala at peia" i mouthed back at her. Tumango naman siya at tahimik na nagpasalamat. Ako naman ay itinuon na ang attensyon sa harapan. It's not like getting that cigarette was the majority of reason why i was late. It wasn't, okay? It was the traffic...pagkatapos kong dumaan ng 7/11 para bumili no'n.... "Are you all prepared for our 1st quiz this midterm?" Awtomatikong nanlaki ang mga mata ko. My head snapped to the front. Sir Auricle is now looking up front, both his hand cooly leaning on his desk, looking at the class. Is he serious!? In some ways, his eyes diverted to me. Kahit man gusto ko pang magtitigan sa kaniya, ibinaling ko ang mga mata sa may white board...at doon...nakita ko ang mga isinulat niya. I think that was the instructions and entailed topics for the said test. What the hell!? Bakit hindi ko alam to!? Nobody mentioned this to me!! Nilingon ko ang mga kaibigan. Isa-isang nambibintang ko silang pinanlakihan ng mata. "Did he ever mentioned na magpapa-test siya?" Tanong ko kay calli. Kinunuotan niya ako ng noo. "Oo. Last week...sabi niya diba? Nakalimutan mo?" "No! Hindi! Hindi ko alam!" "Sinabi namin sayo R. At tsaka...diba, nag-aral tayo nung isang araw sa library?" Si nes. Napaisip naman ako. Oo nga, naalala ko na pumunta kami ng library. Nagsilabasan sila roon ng kaniya-kaniyang mga notes. At ako...naalala ko...na imbes na sumabay sa kanila ay pinagpatuloy ko lang yung binabasa kong romance novel na hiniram ko sa shelf. Tangina! Hindi ko talaga alam na magti-test siya! Kung sana alam ko... "Is there a problem Ms. Zamora?" Hinarap ko ang binatang prof. I was trying my hardest to hold back my grimace, yet i failed. "Hmm? What is it?" Napakagat ako sa labi. Umiling. Naninimbang naman niya akong tiningnan. Hindi nagtagal iyon dahil muli siyang bumaling sa klase. Pagkatapos ay sa relong pambisig. "I will give you 10 minutes to open and review all your notes. After that, we will start our test" Mas lalo akong napangiwi. Pagod kong isinandal ang likod sa backrest ng upuan. That is not an enough time damn it!! Kahit nga siguro isang oras pa ang ibigay, hindi iyon magiging sapat! Anatomy and physiology is so difficult and complex! I need a week to shove all of the lesson in my tiny head! Stress na stress na ako roon. Dagdagan pa na wala akong mai-review dahil wala naman akong notes! Kahit kailan ay never akong nag-copy! Dahil siguro nasanay ako kay Ms. Dela Fuerte na hindi siya madalas nagi-impromptu quiz, she's more on giving worksheets that would later on be considered as homeworks! And this...oh my god! I'm dead! Inilibot ko ang tingin ko. Halos lahat ng classmates ko ay busy na sa pagri-review. Even my friends ay kaniya-kaniya ding aral. Ang ambisyosang si shanala ay nakahawak pa sa ulo! si adelie naman ay nakatingala pa na tila nagsasaulo talaga! Ako na lang aang panay linga. Amidst the silence, i raised my hand. Kaagad ko din namang nakuha ang attensyon ni Sir. Auricle. "What is it?" "Pwede pong mag cr sir?" Nagtiim bagang siya. "No, you are not allowed to go out. In less than 8 minutes, the quiz is going to start. Your classmates are reviewing, as you should too" He was dismissively looking at me. "Tapos na po akong magreview sir" His plump lips parted, as if he was about to say anything pero naudlot. Tumaas ang isang kilay niya at maya'y bahagyang bumuntong hininga na lang. "Are you sure?" "Opo! Oo naman po!" mabilis kong sabi. Tumango siya. "Okay. Fine. Just do your thing fast. We won't wait for you" he said as if he didn't have a choice but to let me go. Sa kalagitnaan ng pagsusuplado niya, napangiti ako. "Okay" Tumayo na ako at nagtungo na sa pintuan. Ngunit kaagad din akong pinigilan ng binata. "What are you doing? You said you're only heading to the restroom? Why do you have your bag with you?" Napababa naman ako ng tingin sa kamay ko. At oo, dala ko nga ang bag ko. "Hindi po ako tatakas sir" "Then leave your bag ms. Zamora" mariin niyang utos. "Promise po talaga. Hindi ako tatakas. Kailangan ko lang yung bag ko. I need to freshen up; put on some lipstick and redraw my brows before i take the quiz" maarte kong sabi. Kung may isasalubong pa ang kilay niya, sa tingin ko ay ito na iyon. Sa huli ay Ipinikit niya lang ng mariin ang mga mata niya and waved his hand, dismissing me. Ngumiti ako at tumalikod na. Too bad....When i reached the girl's restroom, kaagad kong nilock ang pintuan. Nang masiguradong walang ibang tao, sumandal ako sa sink at inilabas ang pack ng sigarilyo mula sa bag. Sinindihan ko iyon and started to inhale the minty smoke. I was alternatively huffing and blowing habang nakatingin sa mga empty na cubicles. Somehow, the smoke fairly did it's job. Napakalma ako nito. Indeed, there's nothing that a tiny stick of nicotine cannot do. Nang maubos ay flinush ko iyon sa inidoro, after that i sprayed myself some vanilla-scented perfume at kumain ng mint. Now i was surely ready to take the quiz. Palms on the side of my head, i was apprehensively tapping my pen on the majorly unwritten pad of yellow paper. It was not completely unwritten though, may mga nasagot rin naman ako. But the approximation of having a high score is mostly 10 percent. And the probability of having a passing score....maybe zero point five over ten.... Hindi ko alam kung dahil hindi ba ako nakapag-review kaya ganito ka-lamang ang mga numero ng mga hindi ko nasagutan kesa sa mga nasagutan ko. O sadyang...boba lang ako... I like to think that it is the latter... The current situation was starting to make me contemplate all of my decisions in life. From my early childhood up to present. Sabi ko na nga ba! Sana pinutok na lang ako sa kumot! Bakit ganon? Sana tinanong man lang ako nila mommy kung gusto ko din ba na mabuhay sa tanginang mundong to! "Eight minutes left!" Ang anunsyong iyon ang siyang nagpabalik sa akin sa kasalukuyan. Ano!? Eight minutes na lang!? Bakit ang bilis ata!? Pasimple kong nilingon ang mga kaibigan. Tanging si peia lang at nes ang malilingon ko dahil sila lang yung nasa magkabilang gilid ko. Kung lilingunin ko pa si calli, baka mahalata na ako ni sir. Nes was still looking at her side, tila nag-iisip. And i'm afraid that if i'd try to call her in a form of whisper, baka marinig ako ni sir. Binalingan ko si adelie. At napasimangot na lamang ako nang makitang nakayuko na siyang ngayon sa armchair niya. Tapos na siya...pero natulog pa ata! Gagang to! Siguro na sense na manghihingi ako ng answer kaya tinulogan ako! Kaya wala akong nagawa. Binilugan ko na lang ang dapat bilugan, wala ng pakialam kung tama ba iyon o ano. May identification din roon, on which i had no choice but to leave them blank. Ilang minuto pa, unti-unti na ding nagsialisan ang mga kaklase. Nag anunsyo kasi si sir na pwede nang lumabas ang mga tapos na. Pansin ko na ang mga kaibigan ay tapos na din. Nang dumaan sila sa harap ko, bahagya po sa silang sinamaan ng tingin. Mga taksil! I saw Sir Auricle looking at his wrist watch for the countless times. "Two minutes!" He announced at the only three students left, including me. Mas lalo akong nagpanic nang tumayo na ang dalawa. Ako na lang ang natira. Walang pake ko ng sinagutan ang natirang mga questions. It was a timing when the professor announced that the time was already up, nasa harap niya na ako, nakalahad na ang answer sheet at yellow pad. Itinaas niya ang tingin sa akin. At napanguso na lang ako nang matanto kung gaano siya ka appealing habang suot ang kaniyang reading glasses. "Tapos na ako." I gleefully announced. Tiningnan niya ang papel ko ng ilang segundo pa bago kinuha iyon mula sa kamay ko. Tatalikod na sana ako ngunit nakita kong may isinulat siya roon. "Huy! S-sir...bakit mo minarkaha—" He raised his arm before i could even finish my sentence. He showed me his wrist watch and lightly tapped it two times at me. "One point deduction for every two minutes delay in submission" strikto niyang sabi at tumayo na. "Pero sir..." "No exemptions Ms. zamora. A rules, a rule. I don't want to be unfair with your other classmates who made great effort just to finish on time." He said in a tone of finality, kaya wala na akong nagawa. Tumango lang ako bago tumalikod. Nasa kalagitnaan ako ng pagkuha ng bag nang may kumatok sa pintuan ng classroom. Manong Ed, our school janitor peaked in. Nilibot niya ang mata sa buong silid, bago tumigil ang tingin sa binatang prof na ngayo'y nag-aayos ng mga test sheets. "Sir? Magandang hapon po" Tumaas ang tingin ni sir. "Oh! Manong? Bakit ho? Do you need anything?" Nakatingin pa rin ako sa nag-uusap. Napaiwas akonng tingin nang bigla akong nilingon ng payatot na janitor, agad din naman niyang ibinalik ang attensyon kay sir. "Gusto sana kitang makausap sir" "Sure! Sure...come in" Pumasok naman ito. Ilang segundo pa ay pareho silang natahimik, nang itaas ko ang tingin ko, nakatingin na sila sa akin. Taka ko silang tiningnan, pero agad ding natanto ang ibig sabihin ng tingin ni Sir. Auricle sa akin. "Lalabas na nga" bulong ko at nagmamadaling kinuha ang bag. "May nakita po ako..." Hindi ko na narinig ang buong sinabi ng janitor dahil tuluyan ng sumara ang pintuan sa likod ko. "R!" I turned to my side only to see my friends. "Bakit ba ang tagal mo? Kanina ka pa namin hinihintay" Sinamaan ko sila ng tingin. "Ikaw ba naman kumuha ng quiz na walang nalalaman huh?" Napahalakhak naman sila. "At ikaw!" Turo ko kay adelie. "Ayaw mo talaga akong pakopuahin no? Umakto ka pang natutulog" Napakamit naman siya sa leeg. "I wasn't acting no! Nakatulog talaga ako. Sorry, antok lang" I just rolled my eyes. "Tara na nga!" Nauna na ako sa paglalakad. "Saan tayo pagkatapos nito?" Tanong ni calli. "Shat tayo. Sobrang na tense ako sa tes—" "Ms. Zamora!!" Napatigil kaming anim sa paglalakad. Dumagundong ang boses na iyon ni sir Auricle dahil sa sobrang tahimik ng hallway. "Shoot! Yun oh! Tinatawag ka" siko pa ni calli sa akin. Napakagat naman ako sa labi habang nakangiti ng malapad. "Ms. Zamora. Will you come back here!?" Sigaw niya ulit dahil bahagya na kaming nakalayo. Nakangisi naman silang lahat sa akin. Hindi ko na binigyan ng attensyon lahat ng tudyo nila. I lightly flipped my hair and smirked at them. "Sorry girls! Next time na lang tayo mag shot! Bebe time daw muna" Ang mga tawanan at reklamo nila ang huli kong narinig bago ko sila tinalikuran. Ramdam ko naman ang matiim na titig sa akin ni Sir Auricle habang naglalakad ako papunta sa kaniya. "Tinawag mo ako sir?" His lids can no longer be visible because of his furrowing brows. "Come in. Help me arrange all of your papers. Then accompany me to the faculty. I want to talk to you" seryoso niyang utos. Tumalikod na siya at ako'y sumunod naman. Sobrang tahimik naming dalawa nag-aayos ng mga papel. Pati sa paglalakad paputang ground floor kung saan ang faculty ay tahimik pa rin kami. Nang makarating roon, kinuha niya mula sa akin ang mga test sheets at pumasok sa loob, iniwan ako roon sa labas. Akala ko nga noong una'y hindi na niya ako lalabasin pa. "Let's go to my office" Wala naman akong nagawa kundi sumunod. Nang makarating roon, pinaupo niya ako sa visitor's chair, sa harap ng kaniyang table. Siya naman ay nanatiling nakatayo. Bahagya kong inilibot ang tingin sa kaniyang opisina. Wala pang masyadong mga gamit roon, dahil siguro bago pa lang siya. But yet again, i was starting to get curious. Bakit may sarili siyang opisina? I mean...usually, sa pagkakaalam ko...ang mga prof sa faculty sila naka base...cubicles lang dapat ang meron sila... "Sir...what is this all about? May sasabihin ka po ba?" Amidst the giddy feeling of thinking that we're alone together in such a closed place, at the same time...nakaramdam din ako ng hiya at ilang. Never have i been alone in the same room with a man before, ngayon lang. "Never in my career have i experienced a student with such a hard backbone as you" Napatuptop ako ng bibig. "Was that supposed to be a complement, sir?" I inquired naively. Napatiim bagang siya. May kinuha siya roon sa loob ng bulsa niya. A ziplock. At napaawang ang mga labi ko nang matanto kung anong nasa loob non. "You are one hell of a lady. Smoking inside campus grounds. And inside the bathroom, really?" "H-how did you..." Agad kong naisip si manong ed. Yung janitor. Ito ba yung pinag-usapan nila kanina? "How can you even tell if that's mine! Siguradong hindi lang naman ako ang naninigarilyong estudyante rito sa eskwelahang to!" Pagdi-deny ko pa. Tumaas ang kilay niya. Nilapag niya ang plastic sa lamesa niya, sa harap ko. Humalukipkip siya habang nanunuring nakatingin sa akin. "Sir—" "Manong ed saw you left the girl's restroom. And right after you left, he came in and checked all of the cubicles. Just right after the flushing of one toilet stopped, he saw that...left over cigarette end on the surface, floating...rebecca" "Sir, i swear that's not mine!" Tinitigan niya lang ako ng ilang minuto rin. Tila nanunukat. "There will be extreme punishment...If i ever proved you lying Rebecca" Napalunok naman ako. Binaba na ang tingin. "Tell me one good statement why i should believe you." Ilang minuto din akong napaisip. Pero wala talaga akong mairarason. Paulit-ulit ko lang na ide-deny, sasabihin na hindi akin iyon. It would just be an endless cycle. And at the end of the day, malalaman din na nagsisinungaling ako. And what will the punishment be? A whole week of Guidance counseling? Community service? "Well? Convince me!" "Because!" "Because what rebecca?" "Because! I like you!" Natigilan siya. At gano'n din ako. Hindi ko alam kung saan nanggaling iyon. Kung saan ako kumuha ng lakas ng loob. Umiwas siya ng tingin. At nang muling humarap sa akin, salubong na ang kaniyang kilay. For a minute there, i saw amusement on his pretty face. Yet, he was fast enough to conceal it. He licked his lower lip and annoyingly raked his fingers on his hair. "You are crazy" Sabi niya na siyang kinatahimik ko. Inaamin ko, alam ko...na may pagka baliw nga ako. And even though it's just expression or just some form of idiom, nung siya ang nagsabi, somehow...i felt a slight pang of pain on my chest. Stress siyang napahilamos sa mukha. "Get out of here rebecca. Go home" He gestured his hand, about to accompany me to the door when i once again, spoke. "Sir...seryoso ako! Gusto kita!" Pilit ko pa, kasi mukhang hindi siya naniniwala. O sadyang ayaw ko lang tanggapin na mukha siyang hindi interesado sa naging pahayag ko. "As i am too Ms. Zamora. Go home" irap niya sa akin. Bahagya niya akong tinutulak sa likod, kaya tinapik ko iyon ng malakas. Ikinagulat niya iyon. "I will pursue you Auricle! You'll see!" I pushed, deliberately dismissing the formality. He just tsked and narrowed his eyes at me before he slammed the door on my face. Maybe he's right. Maybe i am indeed crazy. Because amidst the harsh gesture i received from him, napangisi pa rin ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD