Chapter 8 - They can't accept the truth about their boyfriend

2024 Words
NAPATULALA si Jona sa garden ng Root Valley matapos silang makabalik mula sa pag-uusap ng grupo. Mabigat sa kalooban niya iyon kaya mag-isa siyang tumambay doon. Gustuhin man niyang umiyak ngunit wala na siyang mailabas na luha. Ang sakit na nararamdaman niya ay walang kapantay subalit may bahagi ng puso niyang nagsasabing huwag lunurin ang puso sa kalungkutan. Hawak-hawak niya ang stuff toy na hello kitty na sakto lang sa laki. Ibinigay iyon ng nobyo niya noong unang anniversary nila. "Napakalupit talaga ng mundo, Kitty. Alam mo bang isang imortal ang daddy mo?" kinakausap niya ang laruan. Gustuhin ko man na kausapin siya pero naguguluhan pa ako sa ngayon. "Bulaga!" "Ay, kamote!" napaigtad siya sa panggugulat na iyon ng pamilyar na boses. Anchises?! Na naman? Naalala niya noong unang ginawa iyon sa kanya ng binata. Sinulyapan niya agad ito. "Nandito ako para damayan ka," hinila nito ang bakanteng upuan saka umupo. Inirapan niya ito. "Lagi ka na lang nanggugulat." "Sorry. I just want you to feel better." "Hindi naman nakakatulong ang panggugulat mo!" "At least, my presence is here." Napasulyap ito sa hawak-hawak niya. "Is that yours?" "Ito? Ahm, yes." "He gave you that?" tila napawi ang mga ngiti nito sa labi. Tumango siya. "Binigay niya ito noong first-anniversary namin." "I see. Tara!" sabay tumayo ito. "Saan?" tanong niya rito. Naramdaman niya ang biglang pag-iiba ng aura ng binata nang malaman nito ang tungkol sa hawak-hawak niya. "Somewhere to relax. I roam you around," inilahad nito ang kamay sa kanya. Natuon naman ang tingin niya sa nakalahad nitong mga palad. Alam niyang nais nitong hawakan ang kamay nito upang makapag-divert sila sa ibang lugar. Sa huli, pinili na lang niyang abutin iyon. Marahan siyang tumayo habang magkadaop ang kanilang mga kamay. And the moment when they gasps each other, she feels comfortable and solemly calm. Sa tuwing napapalapit at napapahawak siya sa kamay ng binata ay ramdam niya ang isang damdaming umuusbong para rito. Hindi ko alam kung bakit pero sa tuwing ginagawa mo ito sa akin ay binabaliw mo rin ang nagugulo kong damdamin.     KINAGABIHAN, niyaya naman nina Jona at Po ang dalawang binatang sina Anchises at Ares sa isang Restobar. Gusto ng mga ito na maibsan kahit papaano ang mga sakit na nararamdaman sa nangyari kaninang umaga. Nasa pang-apatang mesa sila na may mga bote ng beer sa ibabaw at mga pagkain din. Mabuti na lang at pumayag naman si Ares na sumama sa kanila. "Umorder ka pa," utos ni Jona sa binatang si Anchises. At ease na ang feeling niya rito kaya anuman ang gustuhin niya ay sinunod naman ng binata. "Are you sure? Pang-anim mo na iyan," anang binata sa kanya. "O-oo. Kaya ko pa. Nakaya ko nga ang harapin ang boyfriend ko kanina at nalaman ang sekreto niya, heto pa kayang beer?" sabay nagsalin siya sa baso nito. Kanina lang ay kasama niya itong nagliwaliw at naisipan niyang samahan siya. Nadamay lang ang dalawang sina Po st Ares. Sumenyas naman si Anchises sa waiter na magdagdag pa sa mesa nila. "Nagpakuha na ako. Kapag hindi iyan naubos ipapaligo ko iyan sa'yo," banta nito ngunit nakangiti naman. "Don't worry. Libre mo naman ito kaya uubusin ko," tila may kunting tama na rin siya dahil naparami na rin ang inom niya. "Grabe, hindi pa rin ako makapaniwala kanina. Biruin niyong may boyfriend pala akong isang diyos? I can't believe this," nilagok din ni Po ang basong may lamang beer. "Then, you should be proud of him." "Proud?" tumingin ng masama si Po sa binatang si Ares. "Sa dalawang taon na pagiging boyfriend at girlfriend namin ay malalaman ko na hindi ko siya kauri. And I'm going to marry him?" "You should talk to him," uminom din si Ares ngunit whisky naman. "Hindi iyong magwawala ka rito," seryoso nitong sabi. "Mukha ba akong magwawala? Teka nga, sumama ka lang ba rito para asarin ako?" "Sinamahan ko lang si Anchises," seryoso pa rin ito. "Hay, ewan ko sa'yo!" sabay irap ni Po rito. "Hindi ba kayo maaaring magbati na dalawa?" sita niya. Sa bawat araw na ginawa ng lumikha ay panay bangayan na lang ang mga ito. "No. Ayoko lang sa kaibigan mong maingay sa labanan," direktang wika ng binata. "Excuse me! Hindi tayo close 'no! Bakit tayo magbabati? Hindi pa kita natatalo sa laban at hindi rin ako maingay," may kaunting tama na rin si Po nang dahil sa alak.  Maya-maya pa ay lumapit naman sa kanila ang waiter na may dala-dalang isang bucket ng beer. Inayos ito sa mesa nila at pinagbubuksan na ang takip. "Ma'am and Sir, would you like to have a song request?" tanong ng waiter matapos buksan ang mga beer. "The first set will be on stage in a few minutes." "Filipino ka?" tanong ni Jona sa waiter. Nahalata niyang kalahi niya ito base sa mukha pa lang. "Y-yes, Ma'am Beautiful. Pinoy din po kayo?" malawak ang pagkakangiti nito. "Hindi Beautiful ang pangalan ko. My name is Jona," sabay ngumiti siya. Inilahad din niya ang kamay niya sa lalaking waiter. Natutuwa siyang makakita ng OFW na nagtatrabaho sa Green Valley.  "Ahm—" Nag-alangan pa itong abutin ang kamay niya ngunit sa huli ay tumugon din naman. "Richard po, Ma'am Jona." Imbes na makikipag-shake hands siya rito ay mabilis ang kamay ng binatang si Anchises na agawin ang kamay ng lalaking waiter. "I'm Devon! I'm one of the owners of this place and nice to meet you, Richard!" Napapangiti ang waiter. "N-nice to meet you, Sir Devon." Ibinaba niya ang kamay niya matapos magkamayan ang dalawa. "Teka lang muna." Bumaling siya sa binata. "Ako ang nakikipagkilala tapos ikaw ang nakipagkamay? Tsk!" Hindi na niya hinintay ang tugon ng binatang si Anchises at muling tumingin sa waiter. "Mag-tagalog ka na lang." "Ahm, baka po hindi maintindihan ng mga boyfriend niyo." "Maiintindihan nila iyan," sabat ni Po. "At hindi namin boyfriend ang mga ito." "Manliligaw?" "Hindi rin," mabilis na tugon ni Po. "Ah, okay. Sige po at kukuha lang ako ng papel at ballpen para sa request niyo," sabay ngumiti lang ito at umalis. "Boyfriend daw," sabay tumingin ng masama si Po kay Ares. "Over my dead body!" "Pambihira kayong mga babae talaga. If ever I'm your boyfriend, I will not allow you to go on this place." Napapailing ito sabay malalim ang mga titig ba ipinukol sa kaibigan. "Tumigil na nga kayong dalawa. Naririndi na ako sa inyo!" sita ni Jona. "Parang sina Jho at Zeus kayo kapag nag-away. Heto!" sabay kinuha ng dalaga ang bote ng beer at binigay sa lahat. "Nandito tayo para mag-inom at hindi para magbangayan." "You're right. Let's cheers for that," sang-ayon naman ng binatang si Anchises. Iniangat naman nila ang mga baso nilang lahat sabay nagwika nang, "Cheers!" Hindi maintindihan ni Jona ang ikinikilos ng binatang si Anchises kanina sa waiter. Iba ang dating nito sa kanya. Pakiwari niya ay iniiwas nitong makipagkamay siya sa lalaki. Ganyan na ganyan din noon ang boyfriend niyang si Jiro. Nagseselos. Subalit ayaw naman niyang isipin na nagseselos ang binata sa waiter. Walang dapat ipagselos ito lalo na at wala namang namamagitan sa kanila.   SA ROOT VALLEY naman ay bumisita sina Persius at iba pa. Nagdala rin ng pagkain ang mga ito para sa mga dalaga. Nasa sala sila ng second floor at doon abala sa pag-aayos ng mga pagkain. "Where are the others?" tanong ni Persius. "Si Sam ay sinundo ni Apollo dito kanina. Sina Jona at Po naman ay kasama nina Anchises at Ares. Tapos si Lea naman ay nasa bahay nina Zeus at Jho. Naroon din sina Khorie at Hercules," tugon ni Anna. "I see," sabay tango ni Persius. "Nasa Restobar sila. Nag-send ng pictures si Jona sa group chat namin," sabat ni Khale. "Oh, hindi kayo sumama?" tanong naman ni Achilles. "Hindi na. Wala kami sa mood uminom," kumuha si Khale ng pagkain sa center table. "Gusto ko uminom," sambit ni Jingky. "Gusto mo?" tanong ni Hermes sa dalagang si Jingky. "I'll get some beer and whisky," saka ito biglang naglaho. "Huh? S-saan si Hermes?" nagpalinga-linga si Jingky sa paligid. "Nagtaka ka pa. Gusto mong uminom 'di ba? Hayun at kumuha," tugon naman ni Anna. "Mabilis talaga iyang si Hermes sa inuman," tatawa-tawang sambit ni Achilles. Biglang sumulpot ulit ang binata roon. "Here's your order, ma'am! Nagdala na rin ako ng yelo," sabay inilapag nito ang isang bucket ng beer, isang bote ng whisky, shot glass at yelo. "Wow, instant! Gusto ko na matutong mag-vanishing spell," manghang-mangha na naman si Jingky. "Soon," anang binata saka inayos nito ang mga inumin sa mesa. "Let's start," tinulungan na rin ni Jingky ang binata. "Kausapin niyo pa rin sila." Sambit ni Persius. "Green Valley is always open for them. Huwag lang silang gagawa ng kalokohan." Inilapag ni Anna ang paper plate niya. "In the right time. Sa ngayon ay hayaan mo na naming maghilom ang lahat. Siyangapala, matagal niyo na bang alam na sila ay ang kabaliktaran ng inyong lahi?" Si Achilles na ang sumagot. "Since, nabihag ang mga kaibigan niyong sina Michelle, Jho at Khorie sa Dark Facility. And of course, Zeus and Hercules use their oracle spell to know who's behind the dark suit. Actually, nag-usap na ang magkabilang panig na sabihin nila sa inyo ang totoo dahil kung hindi ay kami ang magsasabi." "Kung ganoon, ang pagpunta nila rito ay nasa usapan niyo na? Hindi niyo man lang kami naabisuhan?" Bumaling si Achilles sa dalagang si Khale. "We wanted to. Pero nagmamadali silang makita kayo. Actually, inunahan na nila kaming makita kayo kagabi. We let them in and meet all of you, but we are on the other side to prepare ourselves in case they're trying to do something menace." "Mapanganib sila kaya mag-ingat kayo. Kung gusto niyo silang makausap ay dapat kasama kami. Hindi natin alam kung ano ba talaga ang pakay nila. Minsan na nilang tinulungan si Zifir na maghasik dito," paalala ni Hermes. Tumango na lamang ang mga dalaga. Ipinagpatuloy na nila ang kunting kasiyahan sa sala habang sa bahay naman nina Zeus ay naroon ang iba pa. "Ang gwapo," kilig na kilig si Lea sa pinapanood nilang korean drama sa laptop. Nasa sala ang mga ito kasama ng tatlong sina Zeus, Dionysus at Hercules na nag-iinuman. Nakasalampak naman sa carpeted na sahig ang mga babae habang nanonood. "Big boss!" Sambit naman ni Jho. "Ang charming niya." Nakatuon ang mga mata nito sa pinapanood. "Pumunta na tayo ng Korea at hanapin si Big boss," nagniningning naman ang mga mata ni Khorie. Nahuhumaling na silang manood ng korean drama lalong-lalo na at nauso na ang koreanovela noong nasa Pilipinas pa ang mga ito. Habang ang tatlong lalaki ay napapailing na lang nang makita sila sa ganoong reaksiyon. "Subukan mong tumungo ng Korea. I'll end his life," tukoy ni Hercules sa pinapanood ng asawa. May pagbabanta rin ito. Masama ang tingin ni Khorie na nasa paanan lang ng asawa. "You're a wicked deity. Babawasan mo pa ang mga poging nilalang sa mundo." "Is he more handsome than me?" "Hmm—" Nag-isip pa ito. "Lamang ka lang ng kalahating paligo." "Why don't you admit that your husband is more attractive than a big boss?" Zeus asked. "Teka nga..." Umaayos si Khorie at tumabi sa asawa. Marahan nitong sinakop ng mga palad ang mukha ni Hercules. "Oo nga ano? Mas gwapo ka nga kay big boss," sabay ngiti nito. "Silly," sambit ni Hercules. Binawi ni Khorie ang mga palad sa mukha nito habang natatawa. Nasanay na itong makipagbiruan lalo na sa asawa kaya ito napapagalitan minsan. "Why don't you confess your feelings both? You're both perceptible in love," Dionysus smiled. "Oo nga naman, Khorie. Hanggang ngayon ay denial ka pa rin," sabat ni Lea. "Hindi naman. Si Hercules lang naman itong hindi pa ako sinasagot." "Shut up, Misis. You're starting with your trash talk," seryosong nilagok nito ang basong may lamang whisky. "Wow, ako pa ang trash talk," natawa ito. "I'm looking for the best place where we can do our honeymoon but then, you're saying I'm starting with my nonsense?" "Honeymoon? Hindi nga," napasulyap din si Jho nang marinig iyon. "Yes. Kapag mahaba na daw ang buhok ko."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD